Saturday, June 5, 2010

1 month to go.

July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (WAW) na ang dami na pala ng mga taong nakilala ko dito sa blogosperyo na ito. Aksidente lang naman kasi ang pagkakagawa ko sa blog na ito at ayun, nalibang at nagenjoy naman ako.

It was June noon nung ginawa ko itong blog na ito dahil sa paghahanap ng piece na ito for our activity at nahanap ko ito sa isang blogspot at struggle talaga ako para mahanap iyon kaya nagcreate pa ako ng account para macopy paste yan. ewan ko ba bakit ako gumawa ng account sa blogger but now I'm so thankful. Serendipity nga ito sabi nga sa Science.

Nung una, nagbloblog lang ako para basahin ko din personally. Yung tipong sulat mo, basa mo. Ganun naman ang sistema ng lahat ng nagsisimula sa pagbloblog diba? nakakatamad pero kailangan malampasan mo yung tamad stage ng blogging tapos maeenjoy mo na yun mga sumunod.

Thanks so much dito kasi dahil dito lumago ang mga blogger neighbors ko. Dumami ang mga reader's and followers, nagearn ng mga new friends, at lalong naging pamilyar sa mundo ng pagbloblog.

Saksi ang blog na ito sa mood swings ko. Mula sa pageemote sa mga pagrereklamo trying hard movie review . Nakiramay din ako sa pagluluksa ng ating bansa, naging saksi sa mga kaba, pagpopost ng mga poems ko, mga kawirduhan, katatawanan, nonesense random stories, at kung anu-ano pang mga bagay.

Mas close pa nga kami ng blog ko kaysa sa iba kong mga kaibigan, kasi ang blog ko alam niya ang lahat ng hindi ko kayang sabihin ng personalan diba? At saka ang blog, hindi ka sesermunan pag nagpost ka ng kalokohan mo. Hindi ka rin sasabihan ng TANGA pagnagpost ka ng katangahan mo. Ang gagawin niya lang, makikinig lang siya sa mga hinaing mo. Minsan hindi naman talaga kailangan ng mga payo. Ang kailangan lang ay tagapakinig diba?

Minsan ko na ring naisip na huminto na lang sa pagbloblog kasi naisip ko nonesense lang naman but thanks to SOMEBODY who motivated me at eto na nga, tumagal din ako sa blogging wold.

YIPEEEE! Akalain mo, isang buwan na lang tatanda na blog ko. Ang cool at dahil COOL talaga eh may ibibigay ako sa lahat ng naging parte ng blog ko. :]

ABANGAN!

9 comments:

PABLONG PABLING said...

huwaw congrats naman. happy anniversary sa blog mo. keep it up tol

darklady said...

yipee!! congrats!! ano handa?hehehe.

Pordoy Palaboy said...

Tama! talagang ang blog natin ang saksi sa lahat ng ka dramahan ng ating buhay. More power sayo renz...sana mas dadrama pa ang buhay mo dis year..hahaha

KESO said...

haha ako sa june 13 nman mgoone yr. hihi


excited na ko sa ibibigay mo,wahahahah

Jag said...

Omedettou Gozaimasu!

Sasarai said...

Nice naman! First Birthday ng blog mo... hahaha! Ako kahit medyo matanda na sa blogging (mga two years or three na rin) pero wala akong mapatagal na blog. :) Kaya walang nagbebertday sa mga blog ko kaya CONGRATS! :))

Renz said...

@pablong pabling thank you tol :]

@darklady thanks..magiinipit lang siguro ako :]

@ghienoxs ay ganun? mas dradrama nga siguro :]

@keso ayun mas malapit na aniv ng blog mo :]

@jag thank you ba dapat ko isagot jan? haha thank you

@sasarai ay ganun po? baka naman po gawa lang kayo ng gawa ng blog tapos delete lang?

Sasarai said...

Wahahaha! Wala lang kasing nagbabasa nun.. as in super boring, wala ni isang comment!! T_T Hahaha! Ngayon ayos na kasi marami na rin nagbabasa kahit papano! :PP

Renz said...

@sasari chaga lang po yun..sabi nga po ng adviser namin ngayon, ang pinakamahirap gawin sa isang bagay ay yung SIMULA..kaya mo yan..go go go :]