Showing posts with label quote. Show all posts
Showing posts with label quote. Show all posts

Wednesday, January 27, 2010

Sampal

"ARAY". Ito ay ang tanging salitang mamumutawi sa inyong bibig matapos marasmdaman ang isang gumuguhit na sampal sainyong muka. Nakakagulat at masakit, Ilan lang ito sa epekto ng sampal. Pero masasaktan ka ba kung ang sumampal sa iyo ay ang realidad ng buhay?

Masakit. Sobrang sakit masampal ng katotohanan lalo na kung ito ay patungkol sa isang bagay na gustong-gusto mo. I was pertaining to love.

Kahapon habang ako, si Kat (classmate ko---Treasurer ng SG) at yung coordinator namin ay nagbibilang ng pera ay naisipan naming maglakad pauwi upang kumaen ng bananacue. Naungkat ang usaping love nung tinanong ni Kat si Maam Mish kung nakailang bf naba siya and siyempre di sinasabe ni Kat hanggang sa sobrang share na sila (pati ako) err.

I just want to share some quotes na talaga namang ang sakit. As in tawa na lang ako pagkasabi sa akin ni maam.

"Alam mo kung nasan ka ngayon, Alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Ikaw na lang mismo ang ayaw bumitaw" "Sometimes it isn't Love any more..."


AWTS. Gumuhit lahat ng sinabe ni maam sa utak ko. Pagpapakatanga? Totoo ba yung narinig ko. Tae, antg hirap tanggapin ng realidad na tanga ako sa pag-ibig. It's my fault also. I gave my all without any assurance that SHE will love me in return.

Pero beside the fact na TANGA na ako, siguro masasabi ko na rin na Tough ako. Mahirap kaya na sa pangaraw-araw ay nakikita mo siya, one seat apart (isama na doon ang maliit na daanan na naghihiwalay sa row namin), at yung Fact na BESTFRIEND ko siya. Ang hirap parekoy. Pero still I can manage it.

Hanggang ngayon I'm still thinking of thosae quotes na talaga namang ang sakit na sampal para sa akin. Kaya minsan nananahimik nalang ako. Besides this I have another conflict to solve. (nevermind err..)

Dear Maam Mish :D

Salamat sa sampal. Ang sakit. Tumatak talaga sa muka ko. Ginising mo ang natutulog kong pagiisip. BESTFRIEND ako, hindi LOVER. Tatandaan ko yan :D

--lui :D


Thinking still...

Friday, January 15, 2010

History Reapeats itself..

Naglalakad ako papunta sa computershop habang nagtetext dahil nga addict ako sa pagtetext e kahit san dala ko ang cellphone ko. Siya lang ang katxt ko kaya alam ko na sa kanya galing ang mensaheng kakatanggap ko pa lang.

Binasa ko ito.at nagreply ako

"ahm..pede ka ba maging bestfriend, para meron na din akong bestfriend na boy"

"oo. sige."

Halos magiisang taon na ng nangyari ang mga kaganapang ito. Naging magbestfriend nga kami at tulad ng nasabi ko sa iba kong blog post eh hindi rin nagtagal ang aming pagiging bestfriend sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nitong mga nakaraang araw. Nilapitan niya ako noong uwian na. May sasabihin daw siya sa akin. Ilang araw ko din siya kinulit para sabihin iyon. Ewan ko ba. Parang galak na galak ako at naeexcite malaman yung sasabihin niya hanggang kaninang bago maguwian.

Dahil nga tinatamad akong magsalita (err) kumuha ako ng papel sa sahig at sumulat sa papel ng mga salita "sabihin mo na kasi" at sabay sitsit sa kanya at pakita ng papel.

Kinuha niya iyon at doon nagsimula kaming magusap tungkol sa bagay na gusto niyang sabihin hanggang sa marating ang main point.

"Pde k vang maging bff ult?" yan ang nakalagay sa scratch papers (madami kasi) na tila umano ay sinulat sa steno pero nabasa ko pa rin.

Eto nanaman. Another step towards her.

The main thought is this. Dapat alamin ko lang yung limitasyon ko ng MABUTI. never fall again kasi HINDI PWEDE. Inuulit ko HINDI PWEDE.

I can handle this situation better, I bet. But for now, I am just happy. The relationship is back.

At the end of the day, para akong lumulutang sa tuwa. Is that the right term? No! Siguro na miss ko lang siya ng sobra dahil sa isang taon na di ganun kagandang samahan.

Salamat sayo. Pinasaya mo araw ko.

PS..bago pala mangyari ang lahat kanina ay humingi ako ng sign at nagkatotoo ang sign. LOL. Pero sabe nga sa quote. "Kahit gaano karaming signs pa ang dumating, kung hindi kayo para sa isa't isa, eh hindi talaga kayo"

Thursday, December 31, 2009

Last Words for 2009

Dahil patapos na ang 2009, siyempre may last words ako diba. I just want to share this quote na talaga namang naispire ako ng todo-todo.

Without the rain......there can be no Rainbow

Short but meaningful quote. Na-realize ko lang tama nga yung quote. If 2009 is not a good year for you, then look in to the bright side. Malay mo 2010 is the better than 2009. Kung nalugmok man tayo sa mga challenges ngayong 2009, sabi nga sa rain, makikita pa rin natin yung rainbow. Move on. There are lots of chances.

Ang buhay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba. Huwag lang natin isipin na nasababa lang kami palagi. Malay mo nagparking lang yung kotse. Aandar din yun at muli kayong aangat.

Kung anu man ang mga challenges na nangyari this 2009, baunin natin yung mga lessons. Sana i-live natin yung quote na to for this new year.


Dear 2009,

Maraming salamat isang taon na naging magkasama tayo. Alam mo ba na sa piling mo, maraming lessons akong natutunan. Nanjan yung mga pagtayo sa mga times na nadapa ako, nanjan yung pagtanggap ng mga consequences sa mga ginawa kong mali. Nanjan yung sobrang masasayang oras na pinatikim mo sa akin kahit sandali. nanjan yung mga pagkakataong ayaw ko ng mabuhay pero binigyan mo ako ng motibo para harapin ang susunod na taon.

2009, paalam. Maraming salamat sayo.

2010, sana maging friends tayo. Sana maging ok ako sa iasng taon pagstay kasama mo. Welcome to my family 2010 :D

Love
Renz.. LOL wala akong magawa

Happy New Year to all na lang!


Wednesday, December 23, 2009

Tuesday, December 15, 2009

Thursday, December 3, 2009

Nagkakataon nga lang ba o sadyang totoo?

Wow hanep sa title netong blog post ko XD. Sobrang nagkakatugmatugma lang kasi yung mga bagay-bagay na dumadating sa life ko. I mean sa love life.

By the way, salamat sa mga payo niyo sa post kong pader. Share ko lang na ayun ok na ang pader. Tinibag na :D Medyo tanggap ko na. (weh? di nga?) Basta yun na yun.

Back to our topic. Naniniwala ba kayo sa horoscope? Ewan ko kung maniniwala ba ako. Sadyang nagulat lang ako sa horoscope ko ngayon. Pero hindi talaga ako nagbabasa ng horoscope.

Eto:
December 3, 2009 Aries You've been digging everywhere for an answer that's right in front of your nose.....


Oh siyet. Siya agad naisip ko. Assuming XD. Pero bago niyo akong husgahang assuming eto pa ang kasunod na kowt na nabasa ko sa phone ko this day din.

What's love? It's when everything isn't okay and everything hurts you.... but still.. You want the same person over and over again.. Right?


Tenenenen. Nagfefeeling lang talaga ako. Ewan ko lang h
a. Kayo na lang ang magsabi kung ano ba talaga itong nararamdaman ko.

Sabe ng iba False love. Madali lang daw ako mainlove, konting tukso, ayun na. Aminado ako dati PERO crush lang yun kinababagsakan nun. Sabe din nila puppy love lang daw toh. Hirit ko naman. pagmatanda ba saka lang true love? Eh pano yung mga teenager nagsimula pero nagkatuluyan at pano yung dalawang matandang magkarelasyon na naglolokohan?

Pero eto lang ang banat nila. Ang True love daw sa sarili mo lang daw maipapaliwanag. Iba't iba ang impresyon ng tao sa true love which is right diba?

Pero sana, kung siya talaga, siya na. kung totoo man tong mga signs na to fine.

Pero honestly speaking. Gusto ko na rin. Hay..


WE DON'T HAVE TO RUSH THINGS-- yah right..

Monday, November 30, 2009

Pader


Isang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.

Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.

Naniniwala ka ba sa quote na "Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?

Siguro ako maniniwala na. Based on my experience yap, tama to.

Pag friend mo, pwede mong hawakan yung kamay ng walang malisya. Pwede mong titigan, pede kang makipagbonmding ng walang maiilan. Lahat pede. Walang limitasyon. Walang pader.

Pero bakit pag pinagtapat mo na ang tunay na hangarin ay unti unti na ring tumataas ang tila isang pader na humaharang sa inyong dalawa? Isang pader na pilit pinaglalayo ang dalawang taong nais magsama. Isang pader na mahirap akyatin, Isang pader na napakataas at wala ka ng magagawa kundi umalis at maghanap ng ibang daan.

Bakit pag nagpapakatotoo ka saka pa siya lalong nagagalit? Ito ay realidad na masaklap na nagaganap sa buhay ng bawat isa- lalong lalo na ang mga kabataan.

Ano ba ang dapat gawin para mabasag yung pader na yun?

Share ko lang na minsan naencounter ko din yang pader na yan. Ano ba ginawa ko, act natural as if di ko nakikita yung pader. Umiwas ako at unti unti kong napapansin na sa paglipas ng mga taon ay natitibag din pala ang pader na naghihiwalay sa akin at sa kanya. Unti-unting bumalik ang friendship.

PERO

Masyado akong naexcite. Siguro na miss ko lang yung mga times na nagkahiwalay kame kaya masyado akong natuwa sa pagkawala ng pader. Dumating ang balita. Ang luha muling tumulo, at ang pader ay unti-unting binuo muli upang maghiwalay sa amin.

Hay sayang. Hihintayin ko nanaman gumuho ang pader na iyon.

Monday, November 23, 2009

This Sleepless Night- by Louie Renz (That's me)

This sleepless night
-by: Louie Renz

You’re the reason why I can’t sleep tonight
Your Face, Your everything still vivid at my sight
Am I in love or deeply infatuated?
At times you’re with him, I feel very frustrated

In love, yes it best describes me now
Waiting for someone to utter thy vow
But how will this vow be as such
When you, yourself is in love with him that much?

I strives to be good, but in your eyes I’m not
That’s the grim reality and you know, it hurts a lot
Many times I wanted this love to stop
But how will I start when my feelings reached to its top

And now, I will sleep with strength and power
Full of courage and hope, for you, my life I’ll offer
Tomorrow is a new day or maybe the start
The fulfillment of the vow, we will never be apart

_January 5, 2009




Share ko lang itong poem na ginawa ko nung January 5 2009 Para sa bollie ko. Walang halong Malisya, gusto ko lang ipabasa sa iba kung gaano ko siya minahal, kung gaano ko siya inisip at ngayon niyo sabihin na false love lang lahat.


Pero I respect those persons na sa tingin nila nagpapakaemo lang ako para magpapansin. Kung ganyan niyo ako kilala I'll accept that.


Pero I therefore conclude, after my realizations that Hindi ako emo. expressive lang ako lalo na sa pagsusulat.


Sana nagustuhan mo yung poem ko.

Patamang kowt

At dahil sa mga quotes na natatangaap ko, eto nanaman ako at nakaformulate ng isang blogpost. Actually dapat kagabe ko pa ito blinog. Tinamad lang ako dahil nagharvest pa ako sa farmville XD at dahil may ka-chat pa ako.

So eto na yung kowt:

Why should I ruin the beautiful petals of a flower
when I know from the start that...
"he loves me not"

Awts. Sapul na sapul nanaman si ako pero dahil naniniwala akong lahat ng bagay may pagasa (dati) kaya kumapit pa rin ako kahit bawal. Ika nga eh "Masarap ang bawal"

Explaining the kowt, siguro hindi naman masamang umasa. Pero wag l;ang to the point na ikaw ang makakawawa sa huli.
Be ready na lang for the conequences kapag nalaman mo na sa huli "He loves me not" pa rin ang result.

Eto lang yun. Maghanap ng iba. (wow ang dali sabihin pero mahirap gawin).

Siguro humanap ka na lang ng ibang flower. Malay mo he loves me na yun. Never lose hope :D

at dahil nakikinig ako ngayon ng On Bended Knees...............wala lang. Tatapusin ko na ang post na ito bago pa humantong sa kaemuhang bagay. :D

Saturday, November 7, 2009

Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko.

Obviously, Ang blog ko ngayon ay may kaugnayan sa isang message na natanggap ko makailang minuto pa lang ang nakakaraan. Dahil doon, nakabuo nanaman ako ng isang idea para sa blog entry ko na toh. By the way pala, salamat sa mga tagabasa.

Ganito ang storya. Dahil nga nagkasakit ako at umabsent sa klase ay di ko alam na nagbago pala kami ng seating arrangement. Ang ayos pa ng upuan ay yung mga iniissue sa room kahit na alam na nga nilang past na eh ganun pa rin ang ginagawang pagkokonekta sa dalawang magkaibang buhay. Siyempre di ako nakaligtas sa ganitong sistema. Pilit inuungkat ang nakaraan. (kung may nakaraan nga).

Fine. Eto na yun wala akong magagawa kundi maging seatmate niya. Pero ok lang, we're friends at hanggang dun na lang yon. Sana. Mahirap kasi yung paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Masasaktan, masasaktan, at masasaktan pa rin. Pero sabi nga sa kowt na to na nabasa ko ng tumunog ang cellphone ko "Why do we have repeated experiences?.....It is because repeated experiences ha
ve one aim......to teach the things you refuse to learn" Awts. Kung meron man akong lesson na namiss mula sa experience ko nung nakaraan ano?

Feeling ko tapos na yung mga araw na yun kung saan di maiiwasan ang lumuha. Nakamove on na ako at kung ano man yung lesson na sinasabi sa kowt na yan, handa akong matutunan para lang matapos na ang lahat.

Ayoko na.