Showing posts with label goodbye. Show all posts
Showing posts with label goodbye. Show all posts

Friday, December 31, 2010

Last Words for 2010

Akalain mo, magsusulat nanaman ako ng last words para sa taong ito. Parang Kailan lang eh sinulat ko yung Last Words for 2009 ko tapos ngayong napalitan ng 2010 yung 2009. Ang bilis ng panahon talaga. Parang bawat araw na dumadaan ay isang kurap lang. Siguro dahil busy ako kaya parang ang bilis ng oras ko.

Kung susumahin, naging maayos naman ang taong
2010 sa akin. Ang taon na nagbukas sa akin ng maraming opportunidad lalung lalo na sa larangan ng pagsasalita. Ilang beses kasi akong nagemcee, nagtalumpati, ininterview, pinadala sa ibang school para makipagtalastasan. Inborn kasi akong madaldal. sabe ng nanay ko bata pa lang ako eh madaldal na ako. Aminado naman ako. Itong taon na to ang taon na nadevelop ko ang sarili ko sa larangang iyon.

Congratulate me. Hindi ako naging masyadong emosyunal ngayong taon. Siguro nung mga unang part lang. Aftershock lang yung ng 2009 nightmares ko. HEHE

Ngayong taon din na to, mas bumigat ang responsibilidad na inatang sa balikat ko. Officer ako sa isang school club. Sa community naman eh hawak ko pa ang south Bulacan Kids for Christ bilang Sector Kuya. Pero habang bumibigat yung mga trabahong nakaatang sa balikat ko, doon ko nakikilala yung mga kaibigang handang tulungan akong magbuhat. kaya kasabay ng mga responsibilidad na lumalawak ay ang pagkakaibigang lumalalim.

Kahit na mahina pa rin o masasabi kong wala pa rin akong stable na love life (dahil bata pa naman ako), masaya pa rin ang taon. Masaya makipagbonding sa mga kaibigan. Susulitin ko muna to bago magfocus sa iisang tao lang. (hindi bitter toh XD)

Last words for 2010?

Dear 2010,

Thanks sa napakalaking impact na ginawa mo sa buhay ko. Sa pamilya man, sa eskwelahan, social life, spiritual life at kung anu man sa life ko. Masasabi kong sa mga panahon na kasama kita eh medyo naging matured naman ako. Nakasaksi ka sa maraming paghihirap ko at kasama kitang magdiwang ng matapos ang mga iyon.

Ngayon, ilang oras na lang ay aalis ka na, darating na ang kapatid mong si 2011. Pakisabi naman sa kanya na maging mabait siya para a akin at sa pamilya ko. Tulad mo, sana maging maayos kaming magsama. Sana sa darating na 2011 eh lalo pa akong magmature. Pati sana looks ko ay magmature din. Yung poging pogi ba. HAHA

O cya, baka mahuli ka na sa party mo mamaya. Salamat ulit sa lahat

--RENZ


Sa lahat, Happy New Year! Salamat at naging parte kayo ng SULATKAMAYKO ngayon sa kanyang 17th month at ikalawang New Year Celebration.

PARTEH PARTEH!

Sunday, October 3, 2010

hiatus

Bakit ba kailangan magpost pa ng hiatus diba?

Ang point lamang eh para ipaalam sa inyo na buhay pa naman ako. Wala lang talaga akong oras ngayon sa pagsusulat.

Anyways, di naman ako mawawala ng matagal. babalik ako. :]

Sana nanjan pa rin kayo pag balik ko.

Ingat tayong lahat.

Reason pala: school works, community commitment.. pwede na rin love life. :)))

Monday, August 23, 2010

Draft

Meeting you is the best thing that ever happened to my life. Meeting an angel who just came from heaven, goddess of beauty and perfection. Carrying with you, your killer smiles, tantalizing eyes, cute voice and everything charming.

You are the one that makes my day, and the one who makes me smile. You are the one who makes me feel like floating. No one, but you, owns my heart.

You are the one who puts sunshine in my dark days. You are the one who wipes my tears away. Your voice is the only music for my ears.

You are everything to me. You are my world. My life rotates on you. My day is incomplete without you.

Sadly, you're not for me. He owns you. You love him. You care for him. You are so much devoted to him. He is your world. He is your beloved. He is your everything. He is your better half.

I am nothing. I am such a wasted man. I am just a normal person for you. You can live without my presence. You can be happy even without me.

I am yours. You are not mine. I love you. You love him. I care for you. You care for him. I miss you a lot. You misses him more. I need you. You need him. I am doing everything for you. You aren't feeling something.

Too much time wasted. Let's make a stand. It's now over. You're not mine.

I've done my part. I'm tired. Good bye.

(Anu ba, wala lang yan.. wala akong magawa. Kung may pagkakahawig man sa buhay ko, nagkataon lang yan.)

Sunday, June 6, 2010

Beep Once

Putek! Delayed messages nanaman ngayon. Kung hindi lang dahil sa nagiisang babae sa buhay ko eh malamang nagpalit na ako ng sim card syempre powered by other network. Lagi na lang kasing ganito. Ilang oras walang magtetext at kapag oras na pumasok lahat ng txt eh nakapagandang pakinggan ng beep once paulit-ulit. Parang Christmas Lights lang.

Tumunog na ang cellphone ko mga siguro eh naka 30+ na beep once din siya ngayon. As usual delayed text nanaman, kaya ngayon lang nagsipasukan lahat ng GMs ng clan ko. OO, txt addict din ako.

Hindi ko agad binasa yung mga txt na yon. As usual, Gm lang naman yung mga yon at saka ayoko magpaistorbo sa pagcocomputer at pagbloblog, kaya napagpasyahan kong isnobin na lang ang mga txt na iyon. Bahala siala sa buhay nila. Tinatamad pa akong magbasa eh" yan ang palaging katwiran ko.

Siguro lumipas pa ang isa't kalahating oras ng tinamad na ako magcomputer at napagpasyahan ko na ring patayin ito, at ayun na nga, sinimulang basahin ang mga txt sa cp ko. 46 messages receive. Kung tutuusin kakaunti pa lang ito sa usual 80+ or more messages na natatanggap ko minsan.

Nanlamig ako sa nabasa kong mensahe. Isang mensahe na galing sa isang taong mahalaga sa akin. Isang mensahe na hindi ko akalain na mababasa ko noong gabing iyon. Isang hindi inaasahang mensahe galing sa natatanging babaeng mahal ko na nagsasabing, "Dhie, sana maintindihan mo ako sa gagawin kong ito. Alam ko naman na maiintindihan mo naman to diba? ikaw pa? Kahit kailan ay naintindihan mo naman ako eh pero sana hanggang ngayon ay maintindihan mo pa rin. Sorry, pero ayoko na. Hindi naman dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita pero kailangan kong gawin ito kasi ito ang dapat at ito ang tama. I Love You. Goodbye ..." message receive 5:47pm. Shit alas siete ko na nabasa ang txt niya. Huli na ba ang lahat para pagusapan pa ang dahilan kung bakit siya makikipaghiwalay?

Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ng mga mata ko ang pagluha. Ang sakit. Sobrang sakit ng biglaang nangyari. Nagkulang ba ako sa kanya? Nauumay na ba siya sa pagmumuka ko na araw-araw na lang ay kinukulit ko siya at pati sa chat ay cam to cam pa ang banat namin? Nagsasawa na ba siya sa gabi-gabing pagkanta ko sa kanya para makatulog siya? Ayaw niya na ba ng may magtetext sa kanya bawat oras para sabihin na , "mhie ko, ingat ka palage ha, mahal na mahal ka ni dhie" Ang bilis ng takbo ng mga oras. Nung nakaraan lang ay sobrang saya natin, at maluha-luha pa nga ako sa kakatawa sa mga jokes niya pero eto naman ako ngayon, lumuluha dahil sa isang txt niya. Sana joke lang ito tulad ng dati. Sana hindi totoo ito.

Hindi ko maiwasang alalahanin yung masasaya naming mga oras. Yung tipong nagtititigan lang kame habang magkaholding hands at ewan ko ba bakit siya tumatawa nun, ayun pala pinagtatawanan niya na yung muka ko dahil may something dito. Yung mga tipong nanonood kami ng sine tapos sigaw siya ng sigaw kasi natatakot daw siya pero ang corny corny naman nung palabas. Ayun pala gusto lang mahug siya. Yung tipong magluluto siya ng hotdog na medyo sunog at sasabihin na style yun. At lahat ng kalokohan na pinaggagagawa namin. Naalala ko din yung first kiss namin. Kabado pa nga ako noon kasi sa school canteen namin yon. Buti na lang walang tao nun kasi uwian na. Ang sarap ng feeling noon nung iisa ang mga labi namin. Feeling ko lumulutang ako ng mga panahong iyon.

Tinawagan ko siya pagkatapos bumalik ng ulirat ko mula sa paglalakbay nito sa aming mga nakaraan.

"Hello....mhie?"

katahimikan ang kanyang sagot sa pagbati ko.

"Mhie bakit? Akala ko ba mahal mo ako? Wag mo naman akong iwan please? Handa akong gawin lahat ng kaya ko para lang sayo mhie. Please hindi ko kayang mawala ka sakin. Ikaw lang ang babaeng nagpapatibok nitong puso ko at ikaw lang magiging dahilan ng pagtibok nito. Mhie, mahal na mahal kita. Please wag mong gawin toh..."

"Hindi mo ko naiintindihan.."

"Anu ba ang problema mhie? pupunta ako jan magusap tayo teka lang saglit.."

"WAG NA! Please tama na RENZ. Ayoko na."

"Pp-pero..?"

"OK fine. MAY MAHAL NA AKONG IBA! Sapat na ba sa'yo yan para tumigil ka sa kakapilit mo ha? Sawang sawa na kasi ako sayo, at PINAGSISISIHAN KO na naging tayo. Goodbye! "

TOOOOOOOOOOOOT

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala ng lumabas mula sa bibig ko kundi hagulgol. Hagulgol na punong puno ng emosyon kasabay ng unlimited luha mula sa aking mga mata. Ang sakit! Sobrang sakit ng nangyari. Parang gusto ko ng magpakamatay.

Muling tumunog ang cellphone ko. Isang beep once at dahil sa sobrang galit ko ay naibato ko ang cp ko. Nagkapirapiraso ito. Parang puso ko, pira piraso na rin.


ooopsssss teka
Fiction po ito :] uh lalala wala lang :]

Friday, March 19, 2010

Last Day for the school year 2009-2010

This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang Dance Contest at Battle of the Bands ng mga Salettinians (kami yun, mga student sa La Salette).

Super grabeng preparations na rush, as is almost two weeks lang kami nagpractice para sa sayaw namin. Ang daming hassles, problems at kung anu-ano pa pero nasolve din naman lahat. Ang daming gabing pinagpuyatan, pagkaing pinagsaluhan ng sama-sama, pamasahe na winaldas para sa praktis at palusot na ginawa sa magulang para makapagpraktice lang.

Tapos na. Yes! Sulit ang bawat pagod ng lahat. Tinodo na namin lahat, ako, at siyam pa na kaklase ang bumuo ng aming grupo. Tinawag itong THE RENEGADES.

Sa simula di kami nageexpect na manalo since ang mga defending champions ng dance contest last year ay sasali pa rin (dahil tinuruan nanaman sila ng outsider na coach) maski nasa rules na NO TRAINERS OUTSIDE. SUS! Naaasar lang kami kasi di nadisqualified. Nagrules pa naviolate din naman. Tsskk.. BTW back to the topic, di kami nageexpect pero ang result..

tenen

KAMI ANG PANALO SA JUDGES..

pero di pa yan ang happy ending. Dahil 50% eh sa judges at 50% votes. So paramihan ng pera ang labanan? Kung tutuusin wala naman talaga sa kalingkingan ng sayaw namin yung kanina. (chos lang! pero totoo naman. upload q vid mag may time) Bongga nga costume at props design lang naman. Ang gara pa, walang energy, parang mga nagaangas lang :)) LOL. PADAMIHAN NG PERA?

Sorry di kami ganun kayaman, kaya ang nangyari, sila ang overall. Tsk second placer lang kami, WE DESERVE THEIR PLACE.

Kung pera-pera lang din eh wag na sumayaw. Kung pera pera lang din pano pa sa ELEKSYON? pera pera na lang din ba? SUS ganun naman ang tiyak na mangyayari.

Anyways, let's go back to the story ng last day ng klase. Syempre the best din ang aming banda-- THE RENEGADES WEARS PINK. And as usual dahil nga pera pera ang usapan, SECOND PLACE NANAMAN ang aking mga kaklase. SUS anu bang ginawa nung nanalo sa harap? tumayo, nagingay, nagkalat. Pero dahil may pera, ayun panalo. dapat kami din pala yun :D

SORRY KUNG MABASA NIYO MAN TO, DI KO KAYO MINENTION DITO AH :))

so ayun, kaming mga juniors ay BITTER dahil sa mga panalo na dapat ay samin. SHOWCASE YOUR TALENTS, yun ang mahalaga :) Panalo kami sa judges, yun ang mahalaga, sainyo na pera niyo :))

So dahil nga wala naman kaming magagawa eh nagdecide na lang kaming mga klasmates na mag picture taking ng tumatalon, etc etc. since eto naman ang last day, eh sinulit namin, at kumain pa kami sa isang resto, with our adviser, and half of the class ata nandun, supre saya. :D Pinakamasayang last day ever :)

Inabot na kami ng 8pm sa resto :) at dahil bitin pa kami ay lumakad kami pauwi at pagdating ko sa bahay mga 8:30

BOGOOOOOMMMM!

Galit si itay--muntik pa akong sapakin. Buti nakasalag ako. Kesyo nagbabarkada na daw ako etc etc.

Sabi ko naman sa kanya "Kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko, ewan ko lang sayo" pero joke lang yan. Siyempre di ko kaya sabihin yan,

di ko na lang pinansin, ganun naman lagi yun, alam ko naman na nasa MABUTING barkada ako :)

and that's the ending of my junior life, super saya :)
bukas papasok pa rin ako, kahit walang gagawin at bawal na pumasok :) magliliwaliw at mag i-slurpee :))

--FIN--

Saturday, March 13, 2010

6 tulog

Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes. Kung tutuusin isang linggo na lang at magtatapos na ang klase. Ang bilis. Isang taon nanaman pala ang lumipas. 10 buwan ng pagaaral, 10 buwan ng pagtitiis, 10 buwan ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay, at 10 buwan ng matinding dramahan. 10 buwan ng pinatinding pagkakaibigan, 10 buwan ng kasiyahan. Ngayon, isang linggo na lang. Ang bilis talaga ng panahon.

Higit 10 mga proyekto ang aming pinagpuyatan, na talaga namang pinagtiyagaan ipagpaliban ang pagfafacebook para sa mga bagay na iyon. Ilang mga tampuhan at ilang pagkakaibigang nagbalik ang nangyari rin sa taong ito. Siguro, itong taon na to ang pinakadramatic sa lahat ng taon ko sa high school.

Sa taong ito labis na nasaktan dahil sa unang pag-ibig. Sa taong ito naranasan ang kataksilan ng kaibigan, sa taong ito naranasang umiyak sa harap ng kaklase, sa taong ito mas nabuild up ang confidence upang humarap sa maraming tao, sa taong ito naranasang unti-unting lumagpak, at sa taon ding ito natutong gumawa ng ilang kalokohan.

Ilang beses kong binalikan ang mga nangyari sa taong ito. Napakarami pala talaga. Mababakas sa mga pictures ng buong klase sa facebook at friendster. Ang sarap balikan kahit mga simpleng pangyayari lang.

Isang linggo na lang mga dude, at hahantong na tayo sa sukdulan ng ating pagiging high school. Seniors na tayo mga dude, pagkatapos ng 6 na tulog na yon. Mamimiss ko kakulitan natin, yung mga food trips, 7 eleven trips, sm trips, overnights, laughing trip, soundtrip, jamming, dance trips, joke trips, mga use it in a sentence, kopyahan sa seatworks at assignments at marami pang iba.

TRESDESANJUAN0910 Love ko kayo lahat, sulitin na natin last week :D

Tuesday, December 15, 2009

10 painful things..

December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt. Eto yun isheshare ko.

10 painful things

--Bringing back the feeling you've never learn to forget
(ouch sapul c ako. Hay bakit ba kasi mahirap makalimot ng siang bagay. Pero sabi nila instinct nga lang daw. Eh ayaw ng puso ko eh bakit ba. Cge palit nalang tayo ng sitwasyon.

--Reminiscing the good times
(Ouch men. Eto rin panama. Ang masasabi ko lang kung bakit ginagawa ko toh dahil ito na lang ang sandigan ko para ngumiti inspite those problems)

--Trying to hide what you really feel
(Eto pa ang isa. Plastikan kung plastikan :D)

--loving someone who loves another
(Eto ang pinakamasaklap. hay. No comment)

--Having a commitment with someone that you know wouldn't last.
(So far d q pa naeeexpi toh :D)

--Shielding your heart to love somebody
(Ouch. Saklap naman neto.)

--Loving a person too much.
(Di naman toh masama. Mahirap lang magmahal ng todo pag one sided love. Mahirap mabigo.)

--right love at a wrong time
(hay ang saklap neto. Pano niyo ipaglalaban ang isa't isa kung madaming tutol. Diba ikaw?)

--Taking risk to fall in love again
(hay masakit talaga toh. Natatakot lang siguro ang mga tao like me na masaktan ulit)

--Accepting that it was never meant to be
(ito ang pinakamasakit.)

Sunday, December 6, 2009

Mga alaala ng nakaraan.

Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kanya, pero ewan ko kung bakit.

Araw-araw ganito ang nangyayari. Hanggang sa nahulog na paunti-unti ang loob ko sa kanya. Nagsumikap akong kausapin siya, at maging kaibigan niya. Naging matagumpay naman ako.

Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang kamay niya. Ang malililiit at maiinit na kamay na bago sa lang sa aking pakiramdam. Napakasaya ng pakiramdam. Hawak ko ang kamay ng babaeng gusto ko. Wala pa noong malisya sa kanya. Parang nagbibiruan lang kami.

Masaya ring makatabi siya sa misa. Lalo na kapag ama namin na. Mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Hay... ang bagal ng oras. Ayaw ko matapos ang kanta. Kahit sampung beses pa akong kumanta huwag lang magkabitaw ang mga kamay namin. Pero hindi maaari.

Itinago ko sa sarili ang nararamdamang paghanga. Hanggang sa dumating ang oras na nalaman niya ito. Nailang na siya. Nawasak ang pagkakaibigan. Napupuno ng malis
ya ang bawat galaw na ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ang lumayo.

Hindi ko na narereceive ang mga text niya, pati mga GM niya. Wala na. Sira na ang pagkakaibigan.

Minsan dumating rin ang balitang sobrang napakasakit. Ang malamang mayroon na siyang bf. Ang saklap ng pakiramdam. Isang malamig na pasko. Bumaha ng luha sa aking mundo.

Sa bawat araw na nagdaraan, lalo akong nasasaktan. Lalung lalo na
nung mag isang buwan sila. Ang hirap ng pakiramdam. Isang buwan na pala akong wasak. Pero muli kaming naging magkaibigan. Naging close at nagbalik ang pagkukulitan.

Nagbibigay saya na ulit sa akin ang mga text niya. Nagbibigay lakas ang mga ngiti niya. Nagbibigay ng dahilan upang mabuhay pa. Pero lahat ng kasiyahang ito ay nauwi rin sa pagluha.

Buhay nga naman. Parang rollercoaster. Nasadlak nanaman ako sa kalungkutan.

Nagbakasyon na, di ko man siya nakikita, araw-gabi naman siyang nasa isip ko. Inaalala ang mga bagay na ayaw kong matapos. Ang mainit niyang kamay. Ang maliit niyang boses. Ang cute niyang ngiti. Nakakamiss.

Panibagong taon na. Third year na ako. Nagpakatatag ako. Pumasok ako sa silid ng taas noo. Wari'y di ko siya nakikita. Magkaklase nga kame pero parang di naman kami nagkakakitaan. Ayoko ng maulit ang mga sakit na nararamdaman hanggang sa maglaro ang tadhana.


Naging magkatabi kami sa upuan. Ayaw man ng isip ko, tuwang-tuwa naman ang puso ko. Bumigay nanaman ako. Napamahal nanaman ako sa kanya. Di ko kinaya ang magpigil ng damdamin. Naging close kami muli. Ang saya.

Dumating naman ang panibagong balita ng break up nila. Nalulungkot ako pag nakikita ko siyang nalulungkot at umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang titigan siya, at kapag magisa na ay patutuluin ang luha at maglalabas ng sama ng loob sa aking bolpen at doodle notebook.

Pero di maipaliwanag ang naramdaman ko ng malamang nagkabal
ikan sila. Masaya ba ako o hindi? Babatiin ko ba sila? magiging masaya na sila ulit. At ako babalik nanaman sa normal kong buhay.

Pasulyap-sulyap, nagiisip at binabaon sa puso ang masayang alaala kasama niya.

Ngayon, kung ano man ang mangyayari, hindi ko alam. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman. Pero mukhang hindi pa matatapos itong sakit.

Isang taon mahigit na, at isa nanamang MALAMIG na pasko.

Saturday, November 7, 2009

Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko.

Obviously, Ang blog ko ngayon ay may kaugnayan sa isang message na natanggap ko makailang minuto pa lang ang nakakaraan. Dahil doon, nakabuo nanaman ako ng isang idea para sa blog entry ko na toh. By the way pala, salamat sa mga tagabasa.

Ganito ang storya. Dahil nga nagkasakit ako at umabsent sa klase ay di ko alam na nagbago pala kami ng seating arrangement. Ang ayos pa ng upuan ay yung mga iniissue sa room kahit na alam na nga nilang past na eh ganun pa rin ang ginagawang pagkokonekta sa dalawang magkaibang buhay. Siyempre di ako nakaligtas sa ganitong sistema. Pilit inuungkat ang nakaraan. (kung may nakaraan nga).

Fine. Eto na yun wala akong magagawa kundi maging seatmate niya. Pero ok lang, we're friends at hanggang dun na lang yon. Sana. Mahirap kasi yung paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Masasaktan, masasaktan, at masasaktan pa rin. Pero sabi nga sa kowt na to na nabasa ko ng tumunog ang cellphone ko "Why do we have repeated experiences?.....It is because repeated experiences ha
ve one aim......to teach the things you refuse to learn" Awts. Kung meron man akong lesson na namiss mula sa experience ko nung nakaraan ano?

Feeling ko tapos na yung mga araw na yun kung saan di maiiwasan ang lumuha. Nakamove on na ako at kung ano man yung lesson na sinasabi sa kowt na yan, handa akong matutunan para lang matapos na ang lahat.

Ayoko na.