Showing posts with label pain. Show all posts
Showing posts with label pain. Show all posts

Sunday, June 6, 2010

Beep Once

Putek! Delayed messages nanaman ngayon. Kung hindi lang dahil sa nagiisang babae sa buhay ko eh malamang nagpalit na ako ng sim card syempre powered by other network. Lagi na lang kasing ganito. Ilang oras walang magtetext at kapag oras na pumasok lahat ng txt eh nakapagandang pakinggan ng beep once paulit-ulit. Parang Christmas Lights lang.

Tumunog na ang cellphone ko mga siguro eh naka 30+ na beep once din siya ngayon. As usual delayed text nanaman, kaya ngayon lang nagsipasukan lahat ng GMs ng clan ko. OO, txt addict din ako.

Hindi ko agad binasa yung mga txt na yon. As usual, Gm lang naman yung mga yon at saka ayoko magpaistorbo sa pagcocomputer at pagbloblog, kaya napagpasyahan kong isnobin na lang ang mga txt na iyon. Bahala siala sa buhay nila. Tinatamad pa akong magbasa eh" yan ang palaging katwiran ko.

Siguro lumipas pa ang isa't kalahating oras ng tinamad na ako magcomputer at napagpasyahan ko na ring patayin ito, at ayun na nga, sinimulang basahin ang mga txt sa cp ko. 46 messages receive. Kung tutuusin kakaunti pa lang ito sa usual 80+ or more messages na natatanggap ko minsan.

Nanlamig ako sa nabasa kong mensahe. Isang mensahe na galing sa isang taong mahalaga sa akin. Isang mensahe na hindi ko akalain na mababasa ko noong gabing iyon. Isang hindi inaasahang mensahe galing sa natatanging babaeng mahal ko na nagsasabing, "Dhie, sana maintindihan mo ako sa gagawin kong ito. Alam ko naman na maiintindihan mo naman to diba? ikaw pa? Kahit kailan ay naintindihan mo naman ako eh pero sana hanggang ngayon ay maintindihan mo pa rin. Sorry, pero ayoko na. Hindi naman dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita pero kailangan kong gawin ito kasi ito ang dapat at ito ang tama. I Love You. Goodbye ..." message receive 5:47pm. Shit alas siete ko na nabasa ang txt niya. Huli na ba ang lahat para pagusapan pa ang dahilan kung bakit siya makikipaghiwalay?

Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ng mga mata ko ang pagluha. Ang sakit. Sobrang sakit ng biglaang nangyari. Nagkulang ba ako sa kanya? Nauumay na ba siya sa pagmumuka ko na araw-araw na lang ay kinukulit ko siya at pati sa chat ay cam to cam pa ang banat namin? Nagsasawa na ba siya sa gabi-gabing pagkanta ko sa kanya para makatulog siya? Ayaw niya na ba ng may magtetext sa kanya bawat oras para sabihin na , "mhie ko, ingat ka palage ha, mahal na mahal ka ni dhie" Ang bilis ng takbo ng mga oras. Nung nakaraan lang ay sobrang saya natin, at maluha-luha pa nga ako sa kakatawa sa mga jokes niya pero eto naman ako ngayon, lumuluha dahil sa isang txt niya. Sana joke lang ito tulad ng dati. Sana hindi totoo ito.

Hindi ko maiwasang alalahanin yung masasaya naming mga oras. Yung tipong nagtititigan lang kame habang magkaholding hands at ewan ko ba bakit siya tumatawa nun, ayun pala pinagtatawanan niya na yung muka ko dahil may something dito. Yung mga tipong nanonood kami ng sine tapos sigaw siya ng sigaw kasi natatakot daw siya pero ang corny corny naman nung palabas. Ayun pala gusto lang mahug siya. Yung tipong magluluto siya ng hotdog na medyo sunog at sasabihin na style yun. At lahat ng kalokohan na pinaggagagawa namin. Naalala ko din yung first kiss namin. Kabado pa nga ako noon kasi sa school canteen namin yon. Buti na lang walang tao nun kasi uwian na. Ang sarap ng feeling noon nung iisa ang mga labi namin. Feeling ko lumulutang ako ng mga panahong iyon.

Tinawagan ko siya pagkatapos bumalik ng ulirat ko mula sa paglalakbay nito sa aming mga nakaraan.

"Hello....mhie?"

katahimikan ang kanyang sagot sa pagbati ko.

"Mhie bakit? Akala ko ba mahal mo ako? Wag mo naman akong iwan please? Handa akong gawin lahat ng kaya ko para lang sayo mhie. Please hindi ko kayang mawala ka sakin. Ikaw lang ang babaeng nagpapatibok nitong puso ko at ikaw lang magiging dahilan ng pagtibok nito. Mhie, mahal na mahal kita. Please wag mong gawin toh..."

"Hindi mo ko naiintindihan.."

"Anu ba ang problema mhie? pupunta ako jan magusap tayo teka lang saglit.."

"WAG NA! Please tama na RENZ. Ayoko na."

"Pp-pero..?"

"OK fine. MAY MAHAL NA AKONG IBA! Sapat na ba sa'yo yan para tumigil ka sa kakapilit mo ha? Sawang sawa na kasi ako sayo, at PINAGSISISIHAN KO na naging tayo. Goodbye! "

TOOOOOOOOOOOOT

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala ng lumabas mula sa bibig ko kundi hagulgol. Hagulgol na punong puno ng emosyon kasabay ng unlimited luha mula sa aking mga mata. Ang sakit! Sobrang sakit ng nangyari. Parang gusto ko ng magpakamatay.

Muling tumunog ang cellphone ko. Isang beep once at dahil sa sobrang galit ko ay naibato ko ang cp ko. Nagkapirapiraso ito. Parang puso ko, pira piraso na rin.


ooopsssss teka
Fiction po ito :] uh lalala wala lang :]

Monday, February 8, 2010

Mahal mo ba talaga ako?

Ang init ng hapon. Kasagsagan ng tirik ng araw, pati ang usapan natin ay sobrang init na rin. Magkakatumpok tayo sa isang sulok ng classroom. Ikaw, ako, at ilang mga kaibigan.

Pilit tayong nagaayos ng gusot sa pagitan nating dalawa. Kinausap na kita dahil nahihirapan na ako. Ayoko ng may tampuhan tayo kaya ginawa ko to.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip mo, bigla mong tinanong... "Mahal mo ba talaga ako?"

Natulala ako sa aking kinauupuan. Yumuko ng saglit at muli siyang tinignan. Di ko napansin tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko.

.."ano kamo? mahal ba kita. (lagok)."

Patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata ko habang sinasabi ko sayo lahat lahat ng nararamdaman ko.

"OO. Mahal na mahal kita. Kahit alam ko na wala namang kahit anong assurance I gave my all to you, not even thinking of how will you return it to me. Masakit. Oo sobrang sakit."

Umalis ako ng room.


--nagising ako. panaginip lang pala. LUHAAN DIN ang mga mata ko.

Tuesday, December 15, 2009

10 painful things..

December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt. Eto yun isheshare ko.

10 painful things

--Bringing back the feeling you've never learn to forget
(ouch sapul c ako. Hay bakit ba kasi mahirap makalimot ng siang bagay. Pero sabi nila instinct nga lang daw. Eh ayaw ng puso ko eh bakit ba. Cge palit nalang tayo ng sitwasyon.

--Reminiscing the good times
(Ouch men. Eto rin panama. Ang masasabi ko lang kung bakit ginagawa ko toh dahil ito na lang ang sandigan ko para ngumiti inspite those problems)

--Trying to hide what you really feel
(Eto pa ang isa. Plastikan kung plastikan :D)

--loving someone who loves another
(Eto ang pinakamasaklap. hay. No comment)

--Having a commitment with someone that you know wouldn't last.
(So far d q pa naeeexpi toh :D)

--Shielding your heart to love somebody
(Ouch. Saklap naman neto.)

--Loving a person too much.
(Di naman toh masama. Mahirap lang magmahal ng todo pag one sided love. Mahirap mabigo.)

--right love at a wrong time
(hay ang saklap neto. Pano niyo ipaglalaban ang isa't isa kung madaming tutol. Diba ikaw?)

--Taking risk to fall in love again
(hay masakit talaga toh. Natatakot lang siguro ang mga tao like me na masaktan ulit)

--Accepting that it was never meant to be
(ito ang pinakamasakit.)

Tuesday, November 24, 2009

Kadugtong ng nasa baba neto :D

Nabuang nanaman ako. Nawala sa sarili. Nagyon napagisipan ko na kung ano talaga ang nasa isip ko habang naghihintay umalis ang ate ko sa pc, isinulat ko na to sa doodle notebook ko.

WARNING: Para sayo, kung mabasa mo man to, wag ka sana magbago, wag ka din mailang. SANA

Ang hirap ng ganitong feeling
Nakikita kitang sobrang lungkot, sobrang depressed.
Gusto kitang tulungan, pero ang tangi ko lang magagawa ay titigan ka.
Sobrang sakit makita kang ganyan.
Okay lang sana kung ako ang nagkakaganyan
Bakit ikaw pa?
Di ba dapat masaya ka na lang ngayon? Anong nangyari?
Di ba dapat wala ka nang problema? Bakit meron?
Di ba mahal niyo ang isa't isa? Bakit nagkakaganito?
Ayokong makita kang ganyan dahil naiinis ako
Ayokong nahihirapan ka dahil ***** pa rin kita
Pero ayoko rin namang makisawsaw
Dahil alam ko, di ako ang dapat umayos niyan.
Wala akong karapatan makialam, at ni walang karapatan upang manghusga.
Tititig na lamang ako, at sa tahimik kong mundo,
Ikaw ay aking yayakapin.
Papawiin ang sakit na nadarama,
Pupunasan ang bawat luhang pumapatak
Lahat ng ito'y mga pangarap, na sa hangin lamang maisusulat.
Pangarap na unti-unting nabubuhay sa aking isipan
Pangarap na walang kasiguraduhan
At pangarap na hanggang pangarap na lamang.
Dahil alam ko, na siya pa rin naman kahit anong mangyari diba?

Hindi ako!

Nalilito

Mahal mo, di ka mahal.
Mahal ka, Di mo mahal.

Mahal mo, mahal siya, Sige kayo na.

Ang gulo.

Kung kelan naaayos na yung gusot. saka nagkakatwist ulit.

Nakakaasar!

Thursday, November 19, 2009

You are the Moon- by Malfunctioning

Eto ulit ang panibagong poem ng aking kaibigan na si MALFUNCTIONING na kung maaalala niyo sa entry na Ballpen at Papel, kung saan ipinakilala ko siya.

Sana ay magustuhan ninyo ito at magiwan sa inyo ng mga aral.

You are the Moon
--Malfunctioning

You are the moon
That, little did I know, is gone too soon
Little did I know, shall hurt me bad
Shall leave me here, alone, unclad

You are the light
That is so gentle, warm and bright
Indeed so bright, you took my sight
Not only that but my heart and might

You are the orb
That had me perfectly absorbed
Dropped me around tightly yours
Though far, conquered me through cores

You are the moon...and your light is from the sun
And the two of you had the heaven stunned
Being a mere girl, I can't take you away
or else you will hardly last a day
You are the moon, and the sun is your life source
I'm not worthy to be the one to close your doors..
...From the sun or else you'll die
Without her breath, hearing her goodbye.

You are the moon..
My beautiful life giving light
And I shall vanish soon..
Away from your sight...


Monday, November 16, 2009

Flashback

Minsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong gusto niya. Naging masaya siya sa pag-aakalang maganda ang takbo ng kanyang love life. Kala niya ganun nalang din kadali ang bagy-bagay pagdating sa buhay pag-ibig. Sabihin na nating tanga siya.

Dahil bago palang sa ganitong aspeto ng buhay, hindi siya marunong manligaw, ni nahihiyang tumingin sa taong nagugustuhan. Ang alam lang niya ay umasa, na sa mga susunod na araw ay sila na ng babaeng gusto niya.

Dumating ang araw, nakatanggap siya ng impormasyon na ang babaeng iyon ay may boyfriend na. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sakit na nadarama sa nalamang masamang balita. Nalungkot, Umiyak, Sobrang nasaktan. Sa unang pagkakataong nakadama ng pag-ibig, nadama rin kung gaano ito kasakit.

Mapagpanggap ang lalaking iyon. Hindi niya ipinapakita ang nararamdaman sa mga kaibigan. Kinimkim ang sakit, at ikinubli ang luha sa ilalim ng maskarang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sinubukan niyang mamuhay ng normal, pero kahit anong gawin niya sobrang sakit.

Umaasa pa rin siya na sa darating na panahon ay maibabalik ang pagkakaibigang nasira ng pagmamahal--- at dumating nga iyon. Nanumbalik ang dating relasyon. nanumbalik ang sigla at nanumbalik ang pag-asa na bukas, sila na. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, naulit ang bawat pangyayari.

Nasira ang pagkakaibigan at muling tumulo ang luha.

Si lalaki ay pilit nag move on. Kinalimutan ang masakit na karanasan at makalipas ang halos 8 buwan, heto nanaman, nanunumbalik ang dating nararamdaman na akala niyang wala na nga.

HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO LALAMPASAN MULI ANG SAKITNA NADARAMA SA TUWING NAAALALA KO NA MALAPIT NA ANG ISANG TAON NGUNA AKONG MASAKTAN.....

ang masakit na ala-ala, ayoko nang balikan..