Thursday, December 31, 2009

Last Words for 2009

Dahil patapos na ang 2009, siyempre may last words ako diba. I just want to share this quote na talaga namang naispire ako ng todo-todo.

Without the rain......there can be no Rainbow

Short but meaningful quote. Na-realize ko lang tama nga yung quote. If 2009 is not a good year for you, then look in to the bright side. Malay mo 2010 is the better than 2009. Kung nalugmok man tayo sa mga challenges ngayong 2009, sabi nga sa rain, makikita pa rin natin yung rainbow. Move on. There are lots of chances.

Ang buhay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba. Huwag lang natin isipin na nasababa lang kami palagi. Malay mo nagparking lang yung kotse. Aandar din yun at muli kayong aangat.

Kung anu man ang mga challenges na nangyari this 2009, baunin natin yung mga lessons. Sana i-live natin yung quote na to for this new year.


Dear 2009,

Maraming salamat isang taon na naging magkasama tayo. Alam mo ba na sa piling mo, maraming lessons akong natutunan. Nanjan yung mga pagtayo sa mga times na nadapa ako, nanjan yung pagtanggap ng mga consequences sa mga ginawa kong mali. Nanjan yung sobrang masasayang oras na pinatikim mo sa akin kahit sandali. nanjan yung mga pagkakataong ayaw ko ng mabuhay pero binigyan mo ako ng motibo para harapin ang susunod na taon.

2009, paalam. Maraming salamat sayo.

2010, sana maging friends tayo. Sana maging ok ako sa iasng taon pagstay kasama mo. Welcome to my family 2010 :D

Love
Renz.. LOL wala akong magawa

Happy New Year to all na lang!


Wednesday, December 30, 2009

Awards para sa inyo :D

Dahil patapos na ang 2009 may handog ang munting bloggero para sa mga natatanging blogs na talaga namang ikinatuwa ko ang pagsubaybay. Naghanda ako ng mga ilang awards para sa inyo.
Para naman sa mga hindi mabibigyan, sorry napapagod na akong gumawa at magisip pero it doesn't mean na panget or walang sense ang blog niyo. may mga natatangi lang kasi akong nagustuhan.

1. Nagbabagang Blog Award

Napili ko yung blog ni aneng na Nagbabagang blog dahil hindi nga kadalasan ang pag popost niya pero sigurado namang kaabang-abang at may dalang nagbabagang impormasyon na iyong ikatutuwa at ikagigimbal ng iyong mundo.
bisitahin ang mainit niyang blog sa
www.andweahzac.blogspot.com

2. Astig OFW Blog Award

Para sa'yo naman to LordCM dahil astig ka. Nakakainspire ang blog mo at talaga namang Pinoy na Pinoy. :D
Visit niyo siya. Click kayo dito www.lordcm.blogspot.com

3. Masigasig Blog award

Napili ko naman si batanggala bilang masigasig blogger dahil makikita mo naman sa blog niya na gumagawa talaga siya ng paraan para makapagblog kahit na busy ay may oras pa din sa blog. Para sayo to bata :D
Daanan ang maliit niyang mundo sa www.angtunaynaako.blogspot.com/

4. Simplicity is Beauty Award

Para naman kay Keso itong award kasi natutuwa ako sa blog niya. Napakasimple kasi ng blog niya, mapapost man o sa template. Basta ang simple :D
makitikim ng keso sa www.superkeso.blogspot.com

5. Malikhaing Blog award
at ang panghuli ay kay LRT driver dahil sa napakamalikhain niyang post, mpakakwento man o hindi ang masasabi ko na lang ay...WOW
Magbasa ng mga kagilagilalas na kwento sa www.natuyongtintangbolpen.blogspot.com


Congrats po sa lahat ng na awardan. sana natuwa kayo at ipagpatuloy niyo ang pagbloblog. Dahil sa inyo, naiispire ang batang bloggero na to para gumawa ng malikhaing blog.

hanggang sa susunod
MID YEAR Blog Awards sa June 2010

Tuesday, December 29, 2009

Review sa Taong 2009

Patapos na ang 2009, masasabi ko namang mediocre lang ang taong ito. Di ganun kasaya, Hindi ganun ka lungkot. Pero ang daming natutunan. Review ko nga muna mga nangyari nung 2009.

January 2009
-pasukan nanaman sa school. Lumbay ako nun kasi may hang-over ako ng Dec 2008. Medyo emo-emo ako nun kasi bagong heart beak. I mean unang Todo-todong heart break lalo na nung 1st month nila.
-nagsimulang magboom ang career ko sa pagsulat ng mga poems.
-medyo tinatamad na akong mag-aral
-umatend ng mga activities ng YFC para makalimot sa masakit na realidad.

February 2009
-Isa sa pinakamasayang buwan sa taong 2009. Lalong-lalo na nung 3 dahil naging bff kami ni J. Siyempre nabuhayan ako nun.
-First time ko umattend ng Valentines Party at dun nagenjoy ako ng sobra makipagsayaw sa mga babae :D
-Pinakamatension din dahil na hot seat ako sa class namin at siyempre buhay ang issue ko noon kay J kaya puro yon ang tinanong. There's one question pa nga na dumugo talaga ilong ko. Literally dumugo siya as in. Sa init na din kasi.
_masaya din ako dahil nalaman kong special ako para sa kanya nung na-hotseat siya.

March 2009
-Super sad ako dahil una nakalimutan ni J ang monthsarry namin as bff at nasayang ang effort ko sa paghahanda ng gift sa kanya na chocolate at sa huli ako na lang ang kumain.
-21 nagstop na kami bilang mag bff. Nakaabot na ata kay A ang hotseat na naganap sa room at nalaman niya ang lahat ng sagot ko kaya nagalit siya kay J at si J naman ay inistop ang aming friendship kasi di naman ako ang priority niya.
-Nagmukmok si ako at nasabik na magbakasyon para na din makalimot.

April 2009
-Buwan ng Birthday ko. Di ko feel gaano yung birthday ko kasi as usual wala namang ginagawa sa araw na yon.
-nagbasa ng madaming txt greetings at ewan ko dahil nabigyan naman ng ngiti ang mga labi ko nung nakita ko yung txt nea kahit simpleng Happy Birthday lang.

May 2009
- nagpakauber busy sa mga activities ng YFC at nagenjoy naman. Nakalimutan ang problema at naging neutral ang lahat. Sa month na toh nagsimula akong bumangon mula sa kinasadlakan.

June 2009
-Pasukan nanaman. 3rd yr na kami. Nakita ko ulit siya at classmates ulit kaami. Di ko muna siya kinikibo dahil may sakit pa rin akong nararamdaman noon.

July 2009
-Medyo nagkakaroon ako ng crush sa ibang babae. Simula na ba yon ng paglimot ko kay J? pero sa huli napagtanto ko na infatuation lang yon kasi nawala lang bigla.

August 2009
-inaliw ang sarili sa mga kaibigan at tuwangtuwa naman ako dahil dumami ang ka close ko.
-neutral pa rin. Dedma to the highest level ika nga.

September 2009
-Birthday ng Bestfriend ko. Nangtreat siya ng sine at FIRST TIME KO MAGLARO NG DOTA sa tanang buhay ko. :D Di ko inakalang malalaro ko din yun dahil ayoko talaga. Nakisama lang ako at ayun nagenjoy naman.
-Family day din sa school. Naasar ako dahil sa magulang ng isa kong classmate na epal.
-Nawala din si moymoy--yung pusa ko pero nahanap din :D

October 2009
-Isang buwang nagdadasal ng rosary hays.
-nagkasakit ako ng bongga kaya umabsent ako hanggang mag sem break.

November 2009
-Pasukan ulit after sembreak at magkatabi kami sa upuan. tae ayoko na nga sanag balikan ang nakaraan pero ayun parang isang araw lang ang nakalipas mula ng masayang kahapon at muli nanaman akong bumagsak mula sa pag mo-move on. Di ko napigilan ang sarili ko na matuwa dahil bumalik ang aming friendship at nageenjoy naman ako nun.
-Naging madrama ang pagtatapos ng buwan dahil sa isang issue. Di ko na sasabihin at dahil dun nalugmok ulit ako. Naiblog ko na ata yun.

December 2009
-may kausap akong classmate at naitanong ko kung ayos na ba yung issue at sinabi niyang oo. Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Tumawa na lang ako.
-Anniv nila. Di ako nag greet dahil nakikiramdam lang ako sa kaniya. Muakng di naman siya masaya so sad din ako para sa kanya.
-Christmas party--masaya pero tension nung hapon dahil sa camp.
-PINAKAMASAYANG PASKO ng buhay ko. Ang kwento sa post bago ito.


So ewan ko kung ano bang importanteng nagyari sa taong ito. Wala lang. Naisip ko ang bili ng panahon. 2010 na. Ano kaya ang magiging buhay ko next yr.

Sana ok naman. Ayoko na malungkot pero wala akong magagawa kasi hindi naman pedeng laging malungkot.

So greet ko na lang kayo ng

HAPPY NEW YEAR

Monday, December 28, 2009

Pasko

Merry Christmas Sa inyong lahat. Bago niyo basahin yung blog entry ko sa baba neto. may papanood ako sa inyong napagtripan kong video. Sorry kung blurry..



Super late post na to and ewan ko lang kung may matitiyaga
pa na basahin to. (sana) Hindi kasi ako nakapagpc sa loob ng 4 days at para akong mamamatay sa tuwa pagkauwi ko galing sa probinsiya.
24 ng Hapon kami bumyahe papuntang Nueva Ecija. At as w
hat I'm expecting eh ang boring ng byahe. Kasama ang ilang pinsan at pamangkin na pawang walang kakibo-kibo ay nakakamatay sa boredom. Tae bakit ba kasi kailangan umalis at iwan ang kompyuter.

For 4 days wala munang Facebook---walang Farmville, Country Story, Mafia Wars, Fishville...! Waaa.. addicted na kasi ako kaya nagkaganito.

Anyways let's go back to the topic.

This Christmas is different. This is the happiest Christmas I ever had in my entire life. Hindi naman dahil nafulfill na yung dream kong White Christmas nuh--asa naman. Pero iba talaga toh.

After 2 consecutive years of a cold and lonely Christmas eto super saya naman talaga ng experience ko.

We arrived in our Ancestral house mga 8pm. 4 hours drive from Bulacan at eto agad ang bumungad sa aking mga mata..




...ang bahay na mula noon hanggang ngayon ay nakatayo sa gitna ng kabukiran. What a Christmas. Wala mang Farmville na laro eh totoong Farmville naman ang nakaharap sa aking mga mata. Umupo ako sa tumba-tumba ng aking lola at nagisip kung ano ang pwede kong gawin sa nakakaboring na bahay na yon.

Syempre lahat naman tayong Katoliko ay sasalubungin ang Pasko sa pagsisimba so ayun, nagsimba kami kahit nakatayo na lang sa simbahan at pagkatapos ay dumeretso sa Bahay ng tita ko di kalayuan sa Ancestral house para maki-noche Buena.

Hanep sa daming Pagkain. Natakam ako ng husto sa Carbonara, BBQ, Ham, Donut, Cake, Salad, etc. dami talagang foods tapos na surprise lang ako dun sa regalo sa akin ng pinsan ko. Di ko ineexpect na magreregalo siya after after all these years di naman kame close.
Ayun Chitchat with my makukulit na ibang pinsan at pamangkins at after non, bumalik na kami sa farmville naming ancestral house. Nasoprisa naman si ako dahil sa pagkahawak ko sa celpon ko sabog ang inbox ko. 1 hr unattended phone= 80+ msg received. Grabe puro pagbati ng merry Christmas. Ang saya.

The next day 25, dumating ang mga cousins ko from Valenzuela and Cabanatuan. Ayun lalo kaming sumaya. Nagpicture naman kami sa farmville habang tumotoma ang mga adult pinsans. Ayoko makipagsabayan sa kanila bata pa ako masyado. :D eto nalang yung mga pics namin....




Natapos ang araw na yon ng masayang masaya. Sobra dahil bonding bonding nag todo-todo, habulan sa palayan at kung ano-anong pics pa ang pinagkukukuha namin. Nakakatuwa talaga pero sadly, my cousins need to go back home in San Isidro sa kadahilanang bawal sabihin dito. Pero all in all fulfilled naman ako This Chritmas.


26, After Christmas nag visit naman kami sa aming gulayan sa bukid para magharvest ng Ampalay at Upo. :D Sobrang natuwa din ako kasi bihira lang ang ganito sa City. Kaya picture galore ulit ako. Share ko lang eto :D



After that natapos ang araw ko na sobrang pagod. Ang kinabukasan 27, byahe naman kami back to Bulacan.

Nakakapagod pero masaya ang Pasko ko kaysa last yr. Ok lang kasi walang facebook or blog within 4 days kasi nagenjoy naman ako.
Sana natuwa kayo sa Story ng Pasko ko. :D

Merry Christmas sa Lahat!..

Wednesday, December 23, 2009

Monday, December 21, 2009

Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang pasko :D

4 days before Christmas. So far so good.
Happy naman ako and I consider this year as the most bountiful Christmas in my life.
Ang daming blessings na natanggap ko especially gifts.

I would like to thank..

1.) My sister for the shoes, pants, 2 shirts, chinelas at perfume :] lab it!

2.) Sa Mama ko bfor the cp. wee..tnx mom tagal ko tong iniyakan sa kanya. :D

3.) My dad for his watch. Pinamana na ni itay yung watch niya. Tnx dad.

4.) For Tito ed sa gift chek sa Mister Donuts. haha katuwa..

5.)Tito Bong and Tito Fermin for the cash :D

6.) Marx for the pouch bag :D

7.) Jerlyn for the Boxers ang kewl :D

8.) Ate dyan and Ate sarah for the Cute pin. Sopbrang ganda niya..

9.) Aika, Leizel and Ella for the hanky. thanks so much. May hanky nanaman ako.

10.) Camz for the gtech. Super thanks and promise gagamitin ko lang yung sa pagsusulat ko ng mga MAY SENSE na bagay.

at sa iba pa. d q na maalala tnx sa lahat.. mua.

You made my Christmas Happy than ever..

MERRY CHRISTMAS SA LAHAT

Friday, December 18, 2009

Bitin

Hapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay ayun nga. Pinatatag ko ang loob ko. Hinawakan ko siya sa kamay at binulungan. "ano ba ang problema mo? bakit ka umiiyak."

Sampung minuto na yata ng naitanong ko iyon. Wala naman siyang imik kaya minabuti ko na lang lumabas ng room at iwanan siyang magisa.

Papalabas na ako ng pinto ng may narinig ako. "Louie........." Lumingon ako. Nakita ko siya na tinatawag ako, mugto ang mga mata. Nilapitan ko siyang muli.

"Ok na na ba? Ano ba kasing problema mo?" tanong ko ulit..

"uhmm basta uhmm sorry talaga louie...."

"dahil ba hindi ako ang pinili mo?" patapang kong sagot. Alam ko na yung isasagot niya pero gusto ko sa kanya manggaling.

"Hindi. Nagsisisi lang ako. Break na kami, ang sakit. Bakit ganon siya? Minahal ko naman siya ah.."

"Ang emo neto. Wag ka na ngang umiyak jan dahil darating na mga classmates natin. O sya wag kana umiyak. Alam mo namang mahal na mahal kita ehh.."

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang muka.

"Tara sa labas tayo. Pahangin tayo" aya ko sakanya.

"tara." Wow. natuwa ako sa sagot niya.

Nakarating kami sa likod ng building ng school namin. Napagkwentuhan namin ang nakaraan. Nakakatwang isipin na kanina lang ay ayaw niya man lang ako kausapin pero ngayon eto, nakasandal siya sa akin habang kinukwento ang nakaraan.

Hinawakan ko ang muka niya. "Alam mo, ang cut mo talaga" sabe ko.

"Bakabar!" sagot niya.

Natulala na lang ako sa muka niya. Kitang kita ko bawat ditalye ng muka niya, ang mahabang pilikmata, ang cute na muka. Ang sarap tignan.

Naramdaman ko na lang sa dibdib ko na malakas ang kabog nito. Ang sarap pakinggan. Lalong lumalakas habang papalapit ang mga labi ko sa mga labi niya.

Didikit na ang mga ito ng biglang may narinig ako.

"LOUIE RENZ ANO PAPASOK KA PA BA? TANGHALI NA!" sigaw ng nanay ko

siyet panaginip lang pala. Nalungkot ako.

Thursday, December 17, 2009

will you marry me?

"...If ever will you marry me?"

oo. Di kayo nagkakamali. Dahil sa epol apol na game namin at natalo ako yan ang consequence ko. Ewan q ba kung ano pumasok sa ulo nila at yan ang pinagawa sakin with matching holding hands sa kanya. Ayoko ng mga ganitong pagkakataon. Yung tipong napipilitan lang akong gawin ang mga bagy na ayaw ko ng gawin.

Maarte? oo yan ang sasabihin ng sinumang makakabasa neto ng hindi pa alam ang mga pinagdaanan ko. FYI, di na ako nageexpect. Ako na mismo ang gumagawa ng paraan para kalimutan siya. Kayo lang gumagawa ng paraan para paglapitin kami.

Sa ngayon tinuturing ko ang relasyon ko sa kanya bilang siko. Ako naman yung lips. Kahit gaano man kalapit kung titignan, di mo manlang masaling. Kahit anong gawin mo di mo abot. Sa huli ititigil mo na lang ang kagaguhang pinaggagagawa mo sa sarili mo.

I admit. Bitin ako. Sorry kung inconsistent ako sa mga sinasabe ko pero ewan ko ba. Iyon na siguro ang pinakamabagal na oras sa buhay ko. Mali eh pero ewan ko. Pag-ibig? Masakit pag nabigo. Yun lang masasabi ko.

"..I don't know if I still have the same feelings for you. Friends na nga lang ba ang turing ko sayo? oo, pero iba sa kanila. You're still special in your own unique way. Pero I know I have a limitation. I cannot touch you nor take a glimpse of your sweet face for a long period of time. Basta ang alam ko lang, ready ako sa lahat ng bagay. Tandaan mo yan"

Tuesday, December 15, 2009

10 painful things..

December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt. Eto yun isheshare ko.

10 painful things

--Bringing back the feeling you've never learn to forget
(ouch sapul c ako. Hay bakit ba kasi mahirap makalimot ng siang bagay. Pero sabi nila instinct nga lang daw. Eh ayaw ng puso ko eh bakit ba. Cge palit nalang tayo ng sitwasyon.

--Reminiscing the good times
(Ouch men. Eto rin panama. Ang masasabi ko lang kung bakit ginagawa ko toh dahil ito na lang ang sandigan ko para ngumiti inspite those problems)

--Trying to hide what you really feel
(Eto pa ang isa. Plastikan kung plastikan :D)

--loving someone who loves another
(Eto ang pinakamasaklap. hay. No comment)

--Having a commitment with someone that you know wouldn't last.
(So far d q pa naeeexpi toh :D)

--Shielding your heart to love somebody
(Ouch. Saklap naman neto.)

--Loving a person too much.
(Di naman toh masama. Mahirap lang magmahal ng todo pag one sided love. Mahirap mabigo.)

--right love at a wrong time
(hay ang saklap neto. Pano niyo ipaglalaban ang isa't isa kung madaming tutol. Diba ikaw?)

--Taking risk to fall in love again
(hay masakit talaga toh. Natatakot lang siguro ang mga tao like me na masaktan ulit)

--Accepting that it was never meant to be
(ito ang pinakamasakit.)

Monday, December 14, 2009

salamat sa notebook ko

Achievement test namin kanina at dahil masipag ako on the spot akong nagrereview mismong bago ibigay ang exam namin.

Napabuklat ako sa TLE notebook ko dahil iyon ang subject. Ay oo. Napagaralan nga pala namin ang Love and Infatuation. At gustgo ko lang ishare ang lecture ko.

LOVE

Love is a friendship that has caught fire. It takes roots and grows one day at a time.
Love is quiet, understanding and the mature ACCEPTANCE OF IMPERFECTION. It is real. It gives you strength and grows beyond you to bolster your beloved. You are WARMED by his/her presence even when he/she is AWAY. MILES DO NOT SEPARATE YOU. You want him/her nearer but near or far, you know he/she is your and YOU CAN WAIT.
Love says, "Be PATIENT. Do not panic. Plan your future with confidence"
Love is the maturation of friendship. You must be friends before you become lovers.
LOVE MEANS TRUST. You are CALM, SECURE and NONTHREATENING. Your beloved feels that also and that makes even more trustworthy.
Love is an upper. It makes you look up. It makes you think up. It makes you a better person.

INFATUATION


Infatuation is an instant desire. It is one glands calling to another.
Infatuation is marked by a feeling of INSECURITY. You are excited and eager, but not genuinely happy. There are NAGGING DOUBTS, unanswerable questions, little bits and pieces of you beloved that you would just as soon not examine too closely. IT MIGHT SPOIL THE DREAM.
Infatuation says, "We must get married right away! I CAN"T RISK LOSING YOU"
Infatuation has an element of SEXUAL EXCITEMENT. If you are honest, you can admit it is difficult to be in one another company unless you are sure it will end in intimacy.
Infatuation lacks confidence. When he/she is AWAY YOU ALWAYS WONDER if he/she is CHEATING. Sometimes you check.
Infatuation might led you to do things you will REGRET later, but love never will.

Tuloy napaisip ako kung love ba o infatuation. :D
Walangyang notebook to, binigyan ako ng iisipin.

Saturday, December 12, 2009

para sayo??

Alam ko wala naman akong dapat ikalungkot sa araw na yon.
Dapat lang magpakasaya ako. May dahilan naman--mga friends ko.
Di ko kailangan magpaepekto o magpadala sa emosyon sa araw na iyon.

Wala akong dapat ikakaba, wala akong dapat ikatakot.
Ang kailangan lang ay pagtanggap sa realidad ng buhay.


Masakit. Pero kailangang tanggapin
Matutong bumangon, hindi pa huli ang lahat.

(Pasensiya na sa di makaintindi. Di ko lang pedeng ibigay lahat ng detalye ng problema ko dito masyadong private)

Dear Ikaw,

Natutuwa ako para sa iyo. Nakikita ko namang masaya ka. Buti ka pa (joke lang). Ako, eto masaya naman, pero di kasing saya mo. Ano kayang magiging reaksiyon mo sa araw na iyon?

Hay. Ang saya mo siguro.
Wag kang magalala. Tanggap ko naman lahat ng pangyayari. Kung san ka masaya geh lang. Dito lang ako tagatingin sa iyo. Alam ko naman yun magiisang taon na mula noon.

Salamat na lang sa friendship. Un lang..

Minamahal ka ng tunay,

Ako.

Tuesday, December 8, 2009

Thanks so much sa 1 minutong smile LordCM


Napangiti talaga ako nitong 1 minutong smile. Maraming salamt sa iyo LordCM.

Natouch lang ako dahil may mga taong sumuporta pa rin sa akin kahit na yung iba kala nila kalokohan lang toh. Inabangan ko talaga toh grabe. Ang sarap ng feeling.

Akalain mo, simple ganito lang natouch ako. Grabe. Nabiti ako. Mangiyakngiyak pa ako. Alam mo yun, after ilang days and weeks puro problema tapos marereleive lang ng isang minuto, at alam ko di lang ako ang nakangiti magisa sa harap ng PC namin nung mga sandaling iyon. May kadamay akong mga taong nais muna i-isang tabi ang problema.

Nagpapasalamat ako ng marami sa iyo LordCM. Napakacritical ng utak mo para maisip ang ganitong bagay. (oha regalo ko po! joke). Basta ang saya.

Ang sarap ngumiti. Hay sana laging may ganito.

Bago pa ako tuluyang maiyak(emo, hindi kaya. Natouch lang ako). Tatapusin ko na itong blogpost na ito sa isang quote na naformulate ko.

Ngiti lang pala ang solusyon sa mga problema ko. :D

Ngiti tayo mga friends :D Happy Smile day!

Moving on again and again (by me :D)

Mahirap sa love ang one sided. (hindi yan bangs hah). Mahirap mag move on. At pag nagmove on kana at muli siyang nagparamdam sa iyo, malamang sira ang efforts mo. Ang saklap ng ganitong sandali sa buhay. Naexperience ko na toh, kaya dahil jan eh nakagawa ako ng bagong poem. Papabasa ko sa inyo.

*babala..ang mga susunod na poem/tula ay hindi maaaraing kopyahin ng walang pahintulot ng may akda. Bago isagawa ang balak, ipiaalam sa akin. Mabait naman ako eh :D.
*babala no.2 Ang susunod na tula ay kinakailangan ng pangunawa. Huwag sanang i-judge ang may akda. :D

Moving on Again and Again
-by: Louie Renz

Memories returned, and tears came flowing
My long silent heart again here loving,
But not for others but that same lady
I can't go over it. I admit it sadly.

I thought it's over and I'd already recovered

But again for the second time, my heart, you'd conquered
Again here's confusion, destroying the silence
Am I in love? Site me evidences.

My efforts are wasted in just a few days
I need to move on and take another way
But how about the friendship I keep on building
Suddenly will I see, slowly sliding.

Too much, that's all they always say
Move on. There's always another way
Never try to come back, for you'll be hurt again
Wake up young lad. Stop being insane!


-written on December 2, 2009

Sana ok lang tong ginawa ko ...
Abangan ang makabagbagdamdaming post sa susunod. Malapit na. Ayt..

Sunday, December 6, 2009

Mga alaala ng nakaraan.

Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kanya, pero ewan ko kung bakit.

Araw-araw ganito ang nangyayari. Hanggang sa nahulog na paunti-unti ang loob ko sa kanya. Nagsumikap akong kausapin siya, at maging kaibigan niya. Naging matagumpay naman ako.

Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang kamay niya. Ang malililiit at maiinit na kamay na bago sa lang sa aking pakiramdam. Napakasaya ng pakiramdam. Hawak ko ang kamay ng babaeng gusto ko. Wala pa noong malisya sa kanya. Parang nagbibiruan lang kami.

Masaya ring makatabi siya sa misa. Lalo na kapag ama namin na. Mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Hay... ang bagal ng oras. Ayaw ko matapos ang kanta. Kahit sampung beses pa akong kumanta huwag lang magkabitaw ang mga kamay namin. Pero hindi maaari.

Itinago ko sa sarili ang nararamdamang paghanga. Hanggang sa dumating ang oras na nalaman niya ito. Nailang na siya. Nawasak ang pagkakaibigan. Napupuno ng malis
ya ang bawat galaw na ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ang lumayo.

Hindi ko na narereceive ang mga text niya, pati mga GM niya. Wala na. Sira na ang pagkakaibigan.

Minsan dumating rin ang balitang sobrang napakasakit. Ang malamang mayroon na siyang bf. Ang saklap ng pakiramdam. Isang malamig na pasko. Bumaha ng luha sa aking mundo.

Sa bawat araw na nagdaraan, lalo akong nasasaktan. Lalung lalo na
nung mag isang buwan sila. Ang hirap ng pakiramdam. Isang buwan na pala akong wasak. Pero muli kaming naging magkaibigan. Naging close at nagbalik ang pagkukulitan.

Nagbibigay saya na ulit sa akin ang mga text niya. Nagbibigay lakas ang mga ngiti niya. Nagbibigay ng dahilan upang mabuhay pa. Pero lahat ng kasiyahang ito ay nauwi rin sa pagluha.

Buhay nga naman. Parang rollercoaster. Nasadlak nanaman ako sa kalungkutan.

Nagbakasyon na, di ko man siya nakikita, araw-gabi naman siyang nasa isip ko. Inaalala ang mga bagay na ayaw kong matapos. Ang mainit niyang kamay. Ang maliit niyang boses. Ang cute niyang ngiti. Nakakamiss.

Panibagong taon na. Third year na ako. Nagpakatatag ako. Pumasok ako sa silid ng taas noo. Wari'y di ko siya nakikita. Magkaklase nga kame pero parang di naman kami nagkakakitaan. Ayoko ng maulit ang mga sakit na nararamdaman hanggang sa maglaro ang tadhana.


Naging magkatabi kami sa upuan. Ayaw man ng isip ko, tuwang-tuwa naman ang puso ko. Bumigay nanaman ako. Napamahal nanaman ako sa kanya. Di ko kinaya ang magpigil ng damdamin. Naging close kami muli. Ang saya.

Dumating naman ang panibagong balita ng break up nila. Nalulungkot ako pag nakikita ko siyang nalulungkot at umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang titigan siya, at kapag magisa na ay patutuluin ang luha at maglalabas ng sama ng loob sa aking bolpen at doodle notebook.

Pero di maipaliwanag ang naramdaman ko ng malamang nagkabal
ikan sila. Masaya ba ako o hindi? Babatiin ko ba sila? magiging masaya na sila ulit. At ako babalik nanaman sa normal kong buhay.

Pasulyap-sulyap, nagiisip at binabaon sa puso ang masayang alaala kasama niya.

Ngayon, kung ano man ang mangyayari, hindi ko alam. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman. Pero mukhang hindi pa matatapos itong sakit.

Isang taon mahigit na, at isa nanamang MALAMIG na pasko.

Thursday, December 3, 2009

Nagkakataon nga lang ba o sadyang totoo?

Wow hanep sa title netong blog post ko XD. Sobrang nagkakatugmatugma lang kasi yung mga bagay-bagay na dumadating sa life ko. I mean sa love life.

By the way, salamat sa mga payo niyo sa post kong pader. Share ko lang na ayun ok na ang pader. Tinibag na :D Medyo tanggap ko na. (weh? di nga?) Basta yun na yun.

Back to our topic. Naniniwala ba kayo sa horoscope? Ewan ko kung maniniwala ba ako. Sadyang nagulat lang ako sa horoscope ko ngayon. Pero hindi talaga ako nagbabasa ng horoscope.

Eto:
December 3, 2009 Aries You've been digging everywhere for an answer that's right in front of your nose.....


Oh siyet. Siya agad naisip ko. Assuming XD. Pero bago niyo akong husgahang assuming eto pa ang kasunod na kowt na nabasa ko sa phone ko this day din.

What's love? It's when everything isn't okay and everything hurts you.... but still.. You want the same person over and over again.. Right?


Tenenenen. Nagfefeeling lang talaga ako. Ewan ko lang h
a. Kayo na lang ang magsabi kung ano ba talaga itong nararamdaman ko.

Sabe ng iba False love. Madali lang daw ako mainlove, konting tukso, ayun na. Aminado ako dati PERO crush lang yun kinababagsakan nun. Sabe din nila puppy love lang daw toh. Hirit ko naman. pagmatanda ba saka lang true love? Eh pano yung mga teenager nagsimula pero nagkatuluyan at pano yung dalawang matandang magkarelasyon na naglolokohan?

Pero eto lang ang banat nila. Ang True love daw sa sarili mo lang daw maipapaliwanag. Iba't iba ang impresyon ng tao sa true love which is right diba?

Pero sana, kung siya talaga, siya na. kung totoo man tong mga signs na to fine.

Pero honestly speaking. Gusto ko na rin. Hay..


WE DON'T HAVE TO RUSH THINGS-- yah right..

Monday, November 30, 2009

Pader


Isang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.

Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.

Naniniwala ka ba sa quote na "Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?

Siguro ako maniniwala na. Based on my experience yap, tama to.

Pag friend mo, pwede mong hawakan yung kamay ng walang malisya. Pwede mong titigan, pede kang makipagbonmding ng walang maiilan. Lahat pede. Walang limitasyon. Walang pader.

Pero bakit pag pinagtapat mo na ang tunay na hangarin ay unti unti na ring tumataas ang tila isang pader na humaharang sa inyong dalawa? Isang pader na pilit pinaglalayo ang dalawang taong nais magsama. Isang pader na mahirap akyatin, Isang pader na napakataas at wala ka ng magagawa kundi umalis at maghanap ng ibang daan.

Bakit pag nagpapakatotoo ka saka pa siya lalong nagagalit? Ito ay realidad na masaklap na nagaganap sa buhay ng bawat isa- lalong lalo na ang mga kabataan.

Ano ba ang dapat gawin para mabasag yung pader na yun?

Share ko lang na minsan naencounter ko din yang pader na yan. Ano ba ginawa ko, act natural as if di ko nakikita yung pader. Umiwas ako at unti unti kong napapansin na sa paglipas ng mga taon ay natitibag din pala ang pader na naghihiwalay sa akin at sa kanya. Unti-unting bumalik ang friendship.

PERO

Masyado akong naexcite. Siguro na miss ko lang yung mga times na nagkahiwalay kame kaya masyado akong natuwa sa pagkawala ng pader. Dumating ang balita. Ang luha muling tumulo, at ang pader ay unti-unting binuo muli upang maghiwalay sa amin.

Hay sayang. Hihintayin ko nanaman gumuho ang pader na iyon.

Friday, November 27, 2009

Iba't ibang kwento.

Haist. Sakit ng buo kong katawan at masyado akong napagod sa cheerdance na yan kaya pati utak ko wala ng laman para magpost ng siang makabuluhang blog entry. Di bale. Nagbalik na ako habang sumisinghot ng kantiko with matching bread sticks.

Teka, wala naman akong maikwentong iba. Siguro eto na lang.

*****
Yes malapit na akong maglevel up sa farmville Xd mag 37 na ako (share lang)

ayt mali.

Di pala yan kwento ko.

let's be serious aha.

*****
Ganito yon. Record breaking na araw, Nov. 25, 2009. Waw super gulo ng isipan ko dahil don nag emotional breakdown ako in short d ko na kinaya kaya napaluha na lang ako.

Waaa nakakahiya kayang umiyak pero wala naman akong magawa dahil mixed emotions na yung naguumapaw sa dibdib ko nun kaya ayun, di gumana yung maskara na humaharang sa muka ko.

Masyado kasi akong naging MARTIR. Asa pa kasi ng asa wala namang dapat asahan. Kahit nangyari na yun, d ko alam kung sumaya ba ako. Mas lalo akong nalungkot.

*****
Eto pa.
dahil wala naman akong mapagtripang matino, bibigyan ko na lang kayo ng lesson na nakuha ko sa cheering namin.

Sa cheering di mawawala yung mga stunts esp. yung mga pyramid etc. at mga tumbling tumbling na kung ano-ano. Sa una d ko talaga kaya ang tumambling huhu.. kahit eggroll lang. Di naman kasi ako tinuruan ng aking ma't ina na tumambling pero dahil kailangan ayun, nagkapasa na ako at nanakit ang katawan but in the end mejo natuto naman ako :D

Lesson: Di lahat ng bagay alam na natin sa simula. May mga bagay na kailangan din nating matutunan---tulad ng masaktan, para makamit ang inaasamasam na tagumpay. Wag sumuko. lalaban tayo!

Ang pag-iyak ay di nangangahulugan ng kahinaan. Ito ay nangangahulugang katapangan dahil hindi ka nahiyang ilabas ang tunay mong nararamdaman

****
ayun memapost lang :D
Enge nalang motivation through comments :D

renz~
shit maintenance countrystory XD

Tuesday, November 24, 2009

Kadugtong ng nasa baba neto :D

Nabuang nanaman ako. Nawala sa sarili. Nagyon napagisipan ko na kung ano talaga ang nasa isip ko habang naghihintay umalis ang ate ko sa pc, isinulat ko na to sa doodle notebook ko.

WARNING: Para sayo, kung mabasa mo man to, wag ka sana magbago, wag ka din mailang. SANA

Ang hirap ng ganitong feeling
Nakikita kitang sobrang lungkot, sobrang depressed.
Gusto kitang tulungan, pero ang tangi ko lang magagawa ay titigan ka.
Sobrang sakit makita kang ganyan.
Okay lang sana kung ako ang nagkakaganyan
Bakit ikaw pa?
Di ba dapat masaya ka na lang ngayon? Anong nangyari?
Di ba dapat wala ka nang problema? Bakit meron?
Di ba mahal niyo ang isa't isa? Bakit nagkakaganito?
Ayokong makita kang ganyan dahil naiinis ako
Ayokong nahihirapan ka dahil ***** pa rin kita
Pero ayoko rin namang makisawsaw
Dahil alam ko, di ako ang dapat umayos niyan.
Wala akong karapatan makialam, at ni walang karapatan upang manghusga.
Tititig na lamang ako, at sa tahimik kong mundo,
Ikaw ay aking yayakapin.
Papawiin ang sakit na nadarama,
Pupunasan ang bawat luhang pumapatak
Lahat ng ito'y mga pangarap, na sa hangin lamang maisusulat.
Pangarap na unti-unting nabubuhay sa aking isipan
Pangarap na walang kasiguraduhan
At pangarap na hanggang pangarap na lamang.
Dahil alam ko, na siya pa rin naman kahit anong mangyari diba?

Hindi ako!

Nalilito

Mahal mo, di ka mahal.
Mahal ka, Di mo mahal.

Mahal mo, mahal siya, Sige kayo na.

Ang gulo.

Kung kelan naaayos na yung gusot. saka nagkakatwist ulit.

Nakakaasar!

Monday, November 23, 2009

This Sleepless Night- by Louie Renz (That's me)

This sleepless night
-by: Louie Renz

You’re the reason why I can’t sleep tonight
Your Face, Your everything still vivid at my sight
Am I in love or deeply infatuated?
At times you’re with him, I feel very frustrated

In love, yes it best describes me now
Waiting for someone to utter thy vow
But how will this vow be as such
When you, yourself is in love with him that much?

I strives to be good, but in your eyes I’m not
That’s the grim reality and you know, it hurts a lot
Many times I wanted this love to stop
But how will I start when my feelings reached to its top

And now, I will sleep with strength and power
Full of courage and hope, for you, my life I’ll offer
Tomorrow is a new day or maybe the start
The fulfillment of the vow, we will never be apart

_January 5, 2009




Share ko lang itong poem na ginawa ko nung January 5 2009 Para sa bollie ko. Walang halong Malisya, gusto ko lang ipabasa sa iba kung gaano ko siya minahal, kung gaano ko siya inisip at ngayon niyo sabihin na false love lang lahat.


Pero I respect those persons na sa tingin nila nagpapakaemo lang ako para magpapansin. Kung ganyan niyo ako kilala I'll accept that.


Pero I therefore conclude, after my realizations that Hindi ako emo. expressive lang ako lalo na sa pagsusulat.


Sana nagustuhan mo yung poem ko.

Patamang kowt

At dahil sa mga quotes na natatangaap ko, eto nanaman ako at nakaformulate ng isang blogpost. Actually dapat kagabe ko pa ito blinog. Tinamad lang ako dahil nagharvest pa ako sa farmville XD at dahil may ka-chat pa ako.

So eto na yung kowt:

Why should I ruin the beautiful petals of a flower
when I know from the start that...
"he loves me not"

Awts. Sapul na sapul nanaman si ako pero dahil naniniwala akong lahat ng bagay may pagasa (dati) kaya kumapit pa rin ako kahit bawal. Ika nga eh "Masarap ang bawal"

Explaining the kowt, siguro hindi naman masamang umasa. Pero wag l;ang to the point na ikaw ang makakawawa sa huli.
Be ready na lang for the conequences kapag nalaman mo na sa huli "He loves me not" pa rin ang result.

Eto lang yun. Maghanap ng iba. (wow ang dali sabihin pero mahirap gawin).

Siguro humanap ka na lang ng ibang flower. Malay mo he loves me na yun. Never lose hope :D

at dahil nakikinig ako ngayon ng On Bended Knees...............wala lang. Tatapusin ko na ang post na ito bago pa humantong sa kaemuhang bagay. :D

Saturday, November 21, 2009

Naiintindihan ko naman.

Grabe. Nakakapagod itong araw na ito bukod sa pasa ay sumakit ang lahat ng laman ng katawan ko dahil sa cheering. Ikaw ba namang gumulong-gulong at dumapa at magpyramid (sa base) at kung ano-anong stunts. Kakapagod.

Pero hindi tungkol dito ang post ko ngayon. Eto ikwukwento ko.

Unfortunately, di ko alam na may lahi pala kami ng myopia (nearsighted) so kelangan ko talaga magsuot ng salamin. Since poor lang kami, nagtiyatiyaga ako sa isang salamain na halos kalansay na, at dahil nga sa cheerdance practice namin kanina ay naapakan ang kawawang salamin.

Kabog Kabog ang puso ko. Parang naghina ako pero siyempre smile pa rin. Hindi ako natakot na wala akong makikita dahil malinaw naman mata ko medyo. Natakot ako sa tatay ko. Alam mo namanmga magulang kung magalit thunder storm. Kung ano-ano sasabihin. Iikot lang ang paksa tapos madadamay yung mga bagay na di naman dapat kasali sa diskusyon.

Nakakabadtrip lang na grabe sila magalit. Sasabihin ba namang "WALA KA KASING INGAT SA GAMIT MO, GASTOS NANAMAN YANG PINASOK MO..etc." Sabe ko na lang sa sarili ko "Pa, hindi lang ikaw ang naiinis dahil nasira yung salamain ko kaya bakit ganyan ka magalit. Ikaw lang ba ang nawala? Kesyo sabi ng iba nagagalit kayo dahil mahal niyo ako. Pa ALAM KO, NAIINTINDIHAN KO. Pero sana isipin niyo naman na walang magagawa kung magagalit kayo. Imbes na icomfort niyo ako eh nagbunganga pa kayo. Ang gusto ko lang naman na sabihin niyo ay anak ayos lang yan. Pagiipunan na lang natin."

Siyempre di ko yan sinabe dahil baka hindi na ako makapagblog dito at nakaratay na lang ako sa ospital. Nanahimik na lang ako. Umintindi at eto, naglabas ng sama ng loob sa blog na ito.

hay..Bakit ganun ba ang matatanda? Malalaman ko din yan pagtanda ko.

Thursday, November 19, 2009

You are the Moon- by Malfunctioning

Eto ulit ang panibagong poem ng aking kaibigan na si MALFUNCTIONING na kung maaalala niyo sa entry na Ballpen at Papel, kung saan ipinakilala ko siya.

Sana ay magustuhan ninyo ito at magiwan sa inyo ng mga aral.

You are the Moon
--Malfunctioning

You are the moon
That, little did I know, is gone too soon
Little did I know, shall hurt me bad
Shall leave me here, alone, unclad

You are the light
That is so gentle, warm and bright
Indeed so bright, you took my sight
Not only that but my heart and might

You are the orb
That had me perfectly absorbed
Dropped me around tightly yours
Though far, conquered me through cores

You are the moon...and your light is from the sun
And the two of you had the heaven stunned
Being a mere girl, I can't take you away
or else you will hardly last a day
You are the moon, and the sun is your life source
I'm not worthy to be the one to close your doors..
...From the sun or else you'll die
Without her breath, hearing her goodbye.

You are the moon..
My beautiful life giving light
And I shall vanish soon..
Away from your sight...


Wednesday, November 18, 2009

Sana

Ang daming kong pangarap na gustong matupad. Sa totoo lang hindi ako nakukuntento kung ano ako ngayon at kung ano ang mga nagyayari sa akin. Kaya obviously, ang entry na to ay about sa mga gustong mangyari, at maging.

Sana Damo na lang ako...
Kasi ang damo, napakahumble, napakanoble. Walang rekla
mo pag naapakan, walang reklamo pag binubunot, at hindi pinapakialaman ng maraming tao. Tahimik lang ang damo, at mapapansin lang pag matataas na sila. Sana ganun na lang ako para pede mo akong apak-apakan pag wala kang madaanan. Pede niyo akong higaan dalawa habang naglalabing-labing. Pede mo akong bunutin pag nagagalit ka, at sa huli, pede mo akong iwan pag nagsawa ka. Wala namang pinagkaiba. Ganun din naman ako ngayon kaya sana damo na lang ako.

Sana Mineral Water na lang ako, nagbibigay ng buha
y pag ikaw ay nauuhaw, naiiyak, naaasar, ninenerbiyos. Nagpapakalma sayo kapag hindi maganda ang pakiramdam mo.

Sana Ballpen mo na lang ako. At least lagi mo akong hawak. Lagi mo akong hahanapin sa tuwing mawawala ako, at pag sawa ka na sa akin itapon mo na lang ako.

Sana Kwintas mo na lang ako. At least malapit sa puso mo. Y
ung kwintas na mahalaga syo, na kailanman ay pagsisisihan mo pag nawala ako.

Sana Cellphone mo na lang ako. Ipinupuslit mo sa school dahil ayaw mo mawalay sayo. Na lagi mong hinahanaphanap kapag ito'y nangangailangan ng tulong mo sa tuwing may magtetext omay tumatawag.

Pero sana

Ako siya na mahal na mahal mo. Siya na handa kang ibigay
ang buhay mo. Siya na pede mong paglabasan ng galit mo tulad ng mga damo. Siya na nagbibigay buhay sayo na parang tubig. Siya na laging hawak mo sa iyong kamay. Siya na malapit sa puso mo. Siya na lagi mong hinahanaphanap.

Sana Tayo na lang. Para siya naman ngayon ang nagbloblog ng ganitong blog.

Pero ang sana ay SANA na lang. Wala kasiguraduhan.

Kaya kahit na ganito. Ako pa rin ang tunay na nagmamahal sayo, kahit hindi mo man ako paglabasan ng galit. Kahit di ako ang nakakapagpakalma sayo. Kahit hindi mo ako laging hawak sa kamay mo. Kahit malayo ako sa puso mo. Kahit hindi mo ako kailangan sa buhay mo.

Ako, ay ako pa rin. At ikaw ay sa kanya parin. Wala akong magagawa kundi ngumiti sabay sabing

hayyyyy SANA....

Monday, November 16, 2009

Flashback

Minsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong gusto niya. Naging masaya siya sa pag-aakalang maganda ang takbo ng kanyang love life. Kala niya ganun nalang din kadali ang bagy-bagay pagdating sa buhay pag-ibig. Sabihin na nating tanga siya.

Dahil bago palang sa ganitong aspeto ng buhay, hindi siya marunong manligaw, ni nahihiyang tumingin sa taong nagugustuhan. Ang alam lang niya ay umasa, na sa mga susunod na araw ay sila na ng babaeng gusto niya.

Dumating ang araw, nakatanggap siya ng impormasyon na ang babaeng iyon ay may boyfriend na. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sakit na nadarama sa nalamang masamang balita. Nalungkot, Umiyak, Sobrang nasaktan. Sa unang pagkakataong nakadama ng pag-ibig, nadama rin kung gaano ito kasakit.

Mapagpanggap ang lalaking iyon. Hindi niya ipinapakita ang nararamdaman sa mga kaibigan. Kinimkim ang sakit, at ikinubli ang luha sa ilalim ng maskarang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sinubukan niyang mamuhay ng normal, pero kahit anong gawin niya sobrang sakit.

Umaasa pa rin siya na sa darating na panahon ay maibabalik ang pagkakaibigang nasira ng pagmamahal--- at dumating nga iyon. Nanumbalik ang dating relasyon. nanumbalik ang sigla at nanumbalik ang pag-asa na bukas, sila na. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, naulit ang bawat pangyayari.

Nasira ang pagkakaibigan at muling tumulo ang luha.

Si lalaki ay pilit nag move on. Kinalimutan ang masakit na karanasan at makalipas ang halos 8 buwan, heto nanaman, nanunumbalik ang dating nararamdaman na akala niyang wala na nga.

HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO LALAMPASAN MULI ANG SAKITNA NADARAMA SA TUWING NAAALALA KO NA MALAPIT NA ANG ISANG TAON NGUNA AKONG MASAKTAN.....

ang masakit na ala-ala, ayoko nang balikan..

Friday, November 13, 2009

SELOS

Selos- isang salitang nagsasaad ng isang damdaming malungkot. Nararamdaman lamang ito ng isang taong TUNAY na nagmamahal.

Maraming nagsasabing mahirap makaramdam ng selos- isa na ako sa mga taong iyan lalung-lalo na kung ang pinagseselosan mo ay taong may mahal naman iba. Anila, kaakibat daw ng pagmamahal ang selos--TAMA. Pero paano kung nagseselos ka pero wala ka sa lugar? Yung tipong may Boyfriend na yung taong iyon.

Masakit. Di maipaliwanag ang sakit.

Isa ako sa nakakaramdam ng selos ngayon, sa mga oras na ito. Alam ko hindi dapat ako magselos dahil walang karapatan pero anong magagawa ko? Alipin lang ako ng sariling emusyon. Mahirap labanan ang bugso ng damdamin. :D

Ano ba ang dapat gawin ng isang taong nagseselos?

Ayon sa aking kaibigan na tinext ko dahil nanghingi ako ng payo,

Una- forget. Walang mangyayari kung patuloy kang sasakay sa isang bangka na tanging dalawang tao lang ang pwede at makikisingit ka lang. Pare-pareho lang kayong malulunod at pare-parehong masisira kaya huwag ka nang mandamay.

Pangalawa- Gumawa ng paraan upang pagselosin rin ang taong pinagseselosan mo. Pwede rin ang ganitong paraan kung kayo ng partner mo. Eh paano kung hindi? Mapapagselos mo kaya siya?

Pangatlo- think positive, lahat daw ng bagay ay kayang lampasan. Sa tingin ko ito ang dapat kong gawin.

Katulad nga ng nasasaan sa aking nakaraang entry na Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko. eto na nga ang kinakatakot ko. Ang muling pagbagsak sa bangin na matagal ko nang inakyat. Nahulog nanaman ako sa isang taong alam kong hindi ko dapat mahalin. Ang masama pa, nagseselos ako sa ibang taong lumalapit sa kanya. Possesive daw ako? Ewan ko ba. Kayo na ang magjudge.

Pero right now I'm striving for the better. Napakagulo talaga ng isipan ko.

Eto nalang ang iiwanan kong quote para sa lahat. May kaugnayan ito sa selos.

Don't choose a candy if you won't buy it anyway...in other words don't be so sweet if you don't have a plan to love the person.

Alam niyo naman, mahirap umasa. At kaakibat ng umaasa ang pagseselos. Live out the quote.

Tuesday, November 10, 2009

Ang Ballpen at Papel

Ballpen at Papel, Bakit ba ito ang title ng post ko ngayon? Nahihiwagaan kasi ako sa mga bagay na nagagawa ng simpleng papel at ballpen. Kung paanong may mga bagay na sadyang madali isulat kaysa sabihin.

Ballpen at Papel. Ano ba ito para sa inyo?

Para sa akin isa itong medium of expressing myself MORE. Kasi nga maraming nagsasabi na masyado daw akong emotional sa blog na ito pero in person hindi ako emo. Mas malaya kasi akong magsulat sa isang papel na walang reklamo, sa isang papel na handang makinig sa lahat ng sasabihin mo--sa pamamaraan ng pasusulat.

Maraming buhay ang napagaan ng papel at ballpen na yan. Isa na rito yung friend ko na alam niyo na sawi sa pag-ibig. Itago na lang natin siya sa pangalang MALFUNCTIONING.
Si Malfunctioning ay isang babae na super silent type at super emotional pero there's a reason naman kung bakit. Alam niyo naman ang pag-ibig maraming nawawasak na buhay. Ang Papel at ballpen ang kanyang naging labasan ng emotions niya sa pagsusulat ng mga poems. By the way para may clue kayo kung ano itsura niya eto :



Gusto ko lang i-share sa inyo yung isa sa kanyang mga poem na pinagkatiwala niya sa akin. Sobrang ang ganda lang kasi eh..Eto

Sad Black Inkblots
-Malfunctioning

If you hate me, please don't pretend
That You like me, because it's hard to comprehend
Seeing you in distress whenever I'm around
Yet telling me you're not mad when that I have found

I know You get the message but you don't pay attention
When I stare at you, you come up with a perfect reason
To ignore me or avoid me, you look the other way
That leaves me no choice but avoiding to stay.

You're sending mixed signals that drives me real crazy
You PLAY with my emotions though you know you're the god of my idolatry
You should know it's your fault for having this stalker
...But then...It's not worth the effort...I should count it as over.

Therefore, after I write this I shall stop this nonsense
Promising that if I see you, I'll remain in silence
Silence compared likely to these sad black inkblots
That even if you're with your precious girl, I'd keep my heart shut.

Ang ganda ng poem na toh. It prove me something-- na mahirap talaga ang one sided love. Walang kasiguraduhan kung masusuklian ba ang love na binigay o hindi.

Again, again this is the moral lesson: Looks are deceiving. (self explanatory na po yan)

Saturday, November 7, 2009

Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko.

Obviously, Ang blog ko ngayon ay may kaugnayan sa isang message na natanggap ko makailang minuto pa lang ang nakakaraan. Dahil doon, nakabuo nanaman ako ng isang idea para sa blog entry ko na toh. By the way pala, salamat sa mga tagabasa.

Ganito ang storya. Dahil nga nagkasakit ako at umabsent sa klase ay di ko alam na nagbago pala kami ng seating arrangement. Ang ayos pa ng upuan ay yung mga iniissue sa room kahit na alam na nga nilang past na eh ganun pa rin ang ginagawang pagkokonekta sa dalawang magkaibang buhay. Siyempre di ako nakaligtas sa ganitong sistema. Pilit inuungkat ang nakaraan. (kung may nakaraan nga).

Fine. Eto na yun wala akong magagawa kundi maging seatmate niya. Pero ok lang, we're friends at hanggang dun na lang yon. Sana. Mahirap kasi yung paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Masasaktan, masasaktan, at masasaktan pa rin. Pero sabi nga sa kowt na to na nabasa ko ng tumunog ang cellphone ko "Why do we have repeated experiences?.....It is because repeated experiences ha
ve one aim......to teach the things you refuse to learn" Awts. Kung meron man akong lesson na namiss mula sa experience ko nung nakaraan ano?

Feeling ko tapos na yung mga araw na yun kung saan di maiiwasan ang lumuha. Nakamove on na ako at kung ano man yung lesson na sinasabi sa kowt na yan, handa akong matutunan para lang matapos na ang lahat.

Ayoko na.

Sunday, November 1, 2009

Ang buhay ng isang simpleng HBW ballpen...



Happy Halloween Guys. Ako ay muling nagbabalik mula sa aking pagkakaratay sa banig ng kasakitan pero magaling na ako.
Ngayon napagbuntungan ko ng isip itong bolpen na toh sa harap ng computer table namin.
Isang ordinaryong black ballpen na mejo kalahati na ang tinta at mejo nagtatae pa. So dahil wala akong mapagtripan, nagdrawing ako ng kung ano-ano hanggang sa maisipan kong magsulat ng entry tungkol dito.

Friends, minsan mahahalintulad ko ang buhay natin sa isang HBW ballpen (cheap? wait lang may explanation ako jan). Diba nga mura lang ang nasabing ballpen kaya di masakit sa bulsa pagnawala or nasira. May mga tao na ganun nalang ang pagaalaga sa kanilang ballpen. Burara at hinahayaang bumagsak sa lupa at magblot at sa huli pag ayaw na sumulat ay itatapon na. May connect ba to sa realidad ng buhay? Siguro meron.

Tayo ang mga owner ng HBW at ang mga tao sa paligid natin ang ballpen (ang korni syet :D). Di tayo nagpapahalaga sa kanila. winawala natin sila at para sa atin WORTHLESS sila at CHEAP at MAKAKAHANAP tayo ng iba pa. Sad reality yes.

Naexperience ko na rin maging isang kawawang HBW (Kakatawa XD). Ang lungkot pag yung mga inaakala mong true friends mo ay hindi pala ganun kataas ang loyalty sayo. Sometimes they are just using you. Saklap pero totoo yan and tayo minsan sa ating mga gawa ay hindi natin alam kung nakakatapak naba tayo ng ballpen este ng ibang tao.

Ang ballpen na ginamit mo sa lectues, sumisimbolo sa mga taong pinagkakautangan mo ng loob sa iyong pagaaral ay basta mo nalang winawala at tinatapon matapos ang taon. Isa kang parasite.

Ang ballpen na ginamit mo sa pagsulat ng loveletter mo para sa mahal mo, ang taong tulay ninyo, nung naging kayo na naichipwera na.

Guys this is reality. We are so selfish not thinking of the small person na naaapakan na natin, yuing mga basta nalang natin BINABASURA.

At sa huli, yung ballpen ko sa harap ng lamesa habang nagdradrawing ako ay nagtae na talaga. What does it mean? Na ang mga taong ginagamit mo ay natututo ring mapagod kung di mo sila aalagaan. So friends matuto tayong makiramdam sa paligid natin. Ingatan makasakit ng kapwa at alagaan ang mga tunay na kaibigan, kahit simple lang yan gaya nitong hbw ballpen na ito.

Ang masasabi ko nalang walastik na ballpen yan may sense pa pala sa mundong ito.

Wednesday, October 21, 2009

SIGNS... Yes It's true

Waw. So ngayon naniniwala na ako sa mga tinatawag na signs. Kala ko dati mga kabaliwan lang talaga yung hihingi ng signs. Actually hindi ako humingi ng signs. Sunod-sunod lang dumating yung mga nagpapahiwatig. Ewan ko kung sasabihin niyong corny pero okay lang. I don't care. This is my belief kung sasakyan niyo fine kung hindi di wag.

This past few days, pinagiisipan ko talaga ng malalim kung ano talaga ang meron sa akin para sa kanya.I know wala na pero somewhat attracted pa rin ako sa kanya. Share ko lang din pala itong poem na ito. First sign ko toh. After many months ngayon na lang ulit ako nakagawa ng poem.

The Unfinished Business
-by Louie Sucaldito

I don't know why I am feeling insane
Thinking about the love I cannot obtain
The love that I'm not worthy to receive
In the middle of the the storm, my heart needs to be retrieve.

At this very moment, I feel undecided
In loving her, I am so much dedicated
But now, she's gone, and I am left behind
Oh, how I wish this fate to be kind

Confusion. It is what I really feel
And every night I'm thinking if this is for real
The unfinished business needs to be close
And in this battlefield definitely I lose.

-------adios sweet girl-------------

Tama na. sobrang tanga na siguro ako dahil sa kakahintay sa wala. sabi nga sa song ng love story kanina habang naglalakad ako papunta sa tindahan

I got tired of waiting wondering if You were ever coming around

Awts. sapul. Ang galing talaga ng mga signs. Ngayon nakatulong ito sa akin para makapagisip ng mga ganitong bagay. At meron pang isang sign na talagang pinagisipan ko ng todo. Nakita ko ito sa isang statement shirt habang nagwawalk trip pauwi ng bahay

ASA KA PA

Thanks to this shirt. Nagising na ako sa katotohanan pero it doesn't mean na maghahanap na ako ng bago. May be it will come on the right time. Sa ngayon Happy happy muna sa tabi-tabi.

And I learned a lot from you girl. :] Kung mabasa mo man to, wag ka magagalit sa akin dahil wala kang dapat ikagalit :]

Siguro nga tamang kawirduhan nanaman toh.

Signs Signs Signs

Saturday, October 17, 2009

"Nandito ang Puso ko ehh kaya dito ako"

Isang mainit na hapon mga blog buddies. Hay akalain nyio nakapulot nanaman ako ng isang magandang phrase sa pinapanood ko lang.

"Nandito ang puso ko ehh kaya dito ako"

Napaka inspirational na quote nito kahit tingnan natin sa lahat ng aspeto.

Una na sa lahat ay sabihin nating sa career. Most of us syempre kelangan ng career pero dapat sa pagpili ntio gusto mo hindi gusto ng iba. Bakit sila ba ang gagawa para sundin mo? Wag kang mamuhay ng may ibang nagmamanipula sa iyo. Kung nasaan ang puso mo at kung ano ang gusto mo go!

Sa Pag-ibig, eto rin ang isang magandang quote. Kelangan pag makikipagrelasyon ka ehh wag petiks lang, kung baga yung masabi na na may gf, bf. Kung meron ka nga tpos di mo naman mahal nonsense.

Basta always live this quote in your life.

Friday, October 16, 2009

Bakit ba kelangan may twist?

Sana bata na lang ako. Sana tulad ng siang bata manhid nalang ako sa mga realidad ng buhay, kung saan hindi ako maaapektuhan ng mga bagay-bagay sa paligid pero hindi pwede.

Kasabay ng pagmamature ang mga sakripisyo. Bakit ko ba sinasabi ang mga ito ngayon? Dahil sobrang badtrip lang ako at depress sa mga pangyayari sa mga bagay-bagay sa mundo.

This was not a good day the same as with last years october 16. Saktong 1 year na nung nabalian ako ng buto. All of my dreams as a child and as a teenager mejo lumabo na. The dream of being a CAT officer, the dream of playing volleyball at marami pang iba.

I just turned into a mess. Basura nalang ako ngayon. Limitado ang mga ginagawa, kelangan maingat kundi baka mafracture ulit.

Lahat ng ito dahil sa katangahan at immaturity. Sobrang hindi lang ako mature magisip sa idad kong 14 last yr kaya ito ang napala ko.

I just want to quote the saying I learn from the movie Finding Nemo "He is the one who went through that, don't help him let him get out by himself"

Genuine. Akalain mo habang pumapasyal lang sa bahay ng pamangkin ay may natutunan pa ako sa isang cartoon movie. Ako ang may kasalanan kaya naging ganito ang buhay ko, ako din ang dapat tumanggap at gumawa ng paraan upang mabuhay ng maayos MULI.

Ang sakit kasi kapag nakikita mo yung iba na may ginagawa na kung tutuusin ay kaya ko naman KUNG hindi lang ako nagkaganito.

Ngayon ko lang na feel yung regret. Akala ko nung una kakayanin ko, na kaya kong mabuhay ng normal pero ngayon mahirap.

I am tired of living with this mask. Sobrang hirap na ako magpanggap na masaya pero inside Im not. If I can turn back time but sadly I can't.

There are chances. Yes and I hope there's one for me.

I was so disappointed. I hate twists like these.