Showing posts with label undas. Show all posts
Showing posts with label undas. Show all posts

Monday, November 8, 2010

Patay



Patay na patay ang utak ko ngayong mga panahong ito. Kailan ba hindi? Lagi ko na lang binablog ang pagkatigang ng utak ko. Kasabay kasi ng buwan na ito kung saan ginunita ang araw ng mga patay eh mukhang patay din ang isip ko at hidni ako makaisip ng isang blog post.

AHA

Since napasok na dito ang usapang patay, let's get it on.

Nung nakaraang week ay inalala natin ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga puntod sa sementeryo at sa kung anung pinaglagakan sa kanila. Yung iba naman eh nagtulos na lang ng kandila para sa mga patay nila.

Ika nga nila eh it's better to be late than never. So makikilat
e UNDAS ako.
Yan yung picture ng kandila na sinindihan ko noong undas. Limang maliliit na kandila--limang patay na inaalala.

Unang kandila, inaalala ko lahat ng patay. Yung literal na patay--mga namatay sa sakit, sa katandaan sa aborsyon, sa pagkamartir... Nawa ay sumalangit na ang kanilang mga kaluluwa.

Ikalawa, hindi lamang mga patay na katawan ang pinagtitirikan ko ng kandila. Ito ay para sa mga taong patay na ang konsensiya. Sa lahat ng taong pumapatay. Tandaan niyo, Diyos lamang ang may kakayahang bumawi ng buhay kaya kung kayo ay kumitil ng buhay, nagpaabort o kung anu man, para sa inyo ang kandilang ito.

Ikatlo, para sa patay na sistema ng pamahalaan. Para sa patay na pamamahala. Para sa nagpapatay-patayan at pagtataingang kawali sa daing ng mga tao. Para sa inyo ang kandilang ito.

Ika-apat, Para sa patay at patuloy na pinapatay na kalikasan, para sa halos mamatay na inang kalikasan. Ang kandilang ito ay simbolo na ako ay kaisa ng kalikasan tungo sa pagbabago. Isang ilaw, na pagsinamahan ng iba pa ay magbibigay linaw sa buong mundo at magpapasiglang muli sa inang kalikasan.

Ang huli, para sa ating mga sarili. Sa patuloy na pagpapatay-patayan natin sa pagiging anu na lang ang kaya natin.. Nawa ay mapagliwanag ng kandilang ito ang ating sarili...ang kandila ng pagbabago...ang kandila ng liwanag ng bukas.

Ang dapat, araw-araw ay gawin nating pag-aala-ala sa lahat ng patay sa ating paligid--literal man o hindi.
Tulad ng batang ito-- siya si kat-kat, tatlong taong gulang, batang probinsiya. Anak ng isang kalaro ko dati na medyo may konting pagkukulang sa pag-iisip. Produkto ng karahasan, produkto ng kahalayan. Sana huwag tayong mag patay-patayan. Tulungan nating mabawasan ang mga tulad ni katkat. Matanda man, o bata, may magagawa tayo.

Buhayin ang mga patay! (sounds creepy!)
hoho

Have an inspiring post-Halloween/UNDAS