Saturday, September 19, 2009

ng dahil sa baliw.

Hapon ng September 19, 2009. Nagpunta ako sa bahay ng kaibigan. May napagkasunduan kasi kami na pupunta sa aming isang classmate para maglaro ng audition.
Isang mainit at normal na hapon. Dumating ako sa bahay ng classmate (avery) ko with matching payong kasi mainit. Naghintay kami.
Ayos na sana. Boring pero may twist.

Nung nasa terrace kmi ng 2ndfloor nila, dumaan yung isa naming classmate (vienna) kasama yung isa naming schoolmate (ate sarah). Pupunta cla sa school. Walking distance lang naman. Sumabay na kami.

Napagusapan namin habang naglalakad yung tungkol sa baliw sa lugar kung saan kami naglalakad ng biglang....

Ate Sarah: Dito yon. Dito kami..

Biglang may normal na lalaking tumawid na nakangiti.
Nung una akala ko, hindi yun yung baliw kasi ang tino ng itsura.

Ate sarah: Ayan sya!

Dinikitan ng baliw ang mga girls. Eto namang si Ako hinarang ko syempre.

Ako: Kuya bakit?

Dedma ang baliw. Hinabol ang mga girls. Wala kaming magawa kundi tumakbo din habol-habol ang baliw. Ako at yung isa kong kasamang lalaki (aniel).

Aniel: Louie dampot bato
Ako: (dumampot ng mejo malaking bato) ikaw?
Aniel: sige.

Huminto sa pagtakbo ang baliw. Huminto din yung mga girls. Tpos bigla ulit nanghabol yung baliw.

Ako: (sigaw) ate sarah takbo ayan na! Ate sarah ayan na.!

Sigaw na lang ginawa ko. Mejo malayo kasi sila samin. Hindi kami pinansin nung rapist na baliw na yon. Demonyo pa kung tumawa. Walang hiya. Nung makarating na sila sa highway doon na kami tumakbo ni aniel. Worried na kmi kasi di na namin cla makita. Nakaliko na sila.
Lakad-takbo na ang ginawa namin nang masalubong namin pabalik ang baliw. Malungkot. Aha. Tapos na ang adventure.

Buti rumesbak yung dalawa pa naming classmate (ella at ces). Inalalayan nila sila ate sarah.

Nung nasa school na kami saka ko lang nalaman na nadapa pala si ate sarah at pagtingin ay nasa harap niya na yung baliw w/ his killer smile na nakakadiri daw (watda pang telenovela) pero ewan ko kung bakit umalis yung baliw.

Wow super nabawasan ang aming calories. Layo kaya ng tinakbo namin. Pero it changed the mood of the afternoon. Naging nakakatawang nakakatrauma na nakakainis.

The afternoon went ok habang naglalaro kami ng audi.

Pauwe na kmai ni romelyn, hinanting namin yung baliw. Wala na cya.

eto po ang kwentong malatelenovela.

---ang baliw..:D

moral lesson:

Looks are deceiving. Magingat palagi sa taong nakikilala.

0 comments: