Showing posts with label inspiration. Show all posts
Showing posts with label inspiration. Show all posts

Saturday, October 22, 2016

Frustration to Inspiration

Ako ay isang frustrated photographer. 

Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since galing lang naman ako sa isang normal na pamilyang Pilipino, luho na lang ang pag-kakaroon ng ganoong gamit. Sabi ko nga noon, mag-iipon ako sa college para makabili ako ng sarili kong camera. Pero siyempre, dahil nga masasabing "want" lang ang DSL at hindi "need", hindi rin ako nakabili ng isa. 

Sabi nila, savor the moment. Para sa akin, ang way ko ng pag-savor ng moment ay yung pagkuha ng litrato. Gusto ko i-capture yung mga moments at balikan every now and then. Para sa akin, ang isang litrato ay naglalaman ng napakaraming mensahe--kasing dami o mas marami pa sa pixel sa bumubuo dito. Bawat isang larawan ay may emosyon. Bawat isang larawan ay may kuwento. Bawat isang larawan ay may hininga. Sa ngayon, wala pa akong high spec na camera. Tiis muna ako sa phone photography. Medyo okay naman ang phone ko ngayon, 12 MP naman ang rear camera. Tamang adjust na lang sa contrast and lighting para mas makuha ang tamang kulay. Pero as much as possible, very minimal editing lang ang ginagawa ko para ma-preserve ang natural na ganda ng picture.

Siguro i-sh-share ko dito yung ibang photos. Pero disclaimer, I'm not expert. Sobrang amateur lang talaga.



Ito ay kuha sa oblation statue ng aking mahal na alma mater--UPLB. Noong undergrad pa ako, madalas akong mag-lakad-lakad sa campus at randomly ay kumuha ng picture gamit ang aking phone. Ito ang nagsilbing libangan ko at anti-stress. Kung baga, mag-flow man lang ang creative side ko kahit na technical ang inaaral ko. Actually wala pa naman akong masyadong technicalities na alam. Pero may mga nababasa naman na mga tips like rule of thirds ganun. Sinusubukan ko silang i-apply sa mga kinukuha kong pictures. 



Kadalasan ng mga subject ko ay mga natural landscapes at mga halaman. Gusto ko kasi makita sila sa ibang perspective. Sabayan na din natin ng malupit na caption. Tamang tama ito para sa isang katulad ko na may pagka-hopeless romantic. lol. Itong picture na ito ay kuha noong valentines. Binigyan namin ng roses ang mga batchmate namin sa org. Oh diba, how sweet. 





Isa pa sa mga subject na gusto ko ay yung mga kakaiba at may kwento kagaya netong kuha na ito. Diba, iba't ibang interpretation ang pwedeng gawin sa picture na ito. Depende na lang siguro sa taong titingin kung paano niya ito makikita.


Ito naman, nag-try ako ng ibang pespective sa usual na nakikita kong photos. Ito pala yung planta ng pinapasukan kong trabaho. Recently lang ito bago ang bagyong Lawin kaya medyo moody din ang weather. 




Last but not the least, gustong gusto ko kuhanan ng litrato ang mga sunset. Every since high school, may ibang fascination na talaga ako sa mga sunset. Kapag nag-d-drawing sa arts class, madalas sunset ang ginagawa ko. Nakaka-relieve kasi ang sunset views. Isa pa, perfect para sa senti moments. haha

Anyway, ulit, hindi naman ako pro. Marami pa akong matututunan. Makakabili din ako ng DSLR ko sa tamang panahon. Pero sa ngayon, kuha lang ng kuha ng litrato, tingin tingin sa mga professional photographer at ipon ng pambili ng camera. Higit sa pagiging frustration, ito ang nagsisilbing inspirasyon ko sa trabaho (Bukod sa pamilya ko opkors). Kung bored kayo, pwede niyo akong sundan sa instagram (https://www.instagram.com/renzsucaldito/). Oh siya, hanggang dito na muna, 

Sa mga friends kong may DSLR camera na hindi na gagamitin (lol), tumatanggap naman ako ng donations. Haha. 

Frustration to Inspiration

Ako ay isang frustrated photographer. 

Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since galing lang naman ako sa isang normal na pamilyang Pilipino, luho na lang ang pag-kakaroon ng ganoong gamit. Sabi ko nga noon, mag-iipon ako sa college para makabili ako ng sarili kong camera. Pero siyempre, dahil nga masasabing "want" lang ang DSL at hindi "need", hindi rin ako nakabili ng isa. 

Sabi nila, savor the moment. Para sa akin, ang way ko ng pag-savor ng moment ay yung pagkuha ng litrato. Gusto ko i-capture yung mga moments at balikan every now and then. Para sa akin, ang isang litrato ay naglalaman ng napakaraming mensahe--kasing dami o mas marami pa sa pixel sa bumubuo dito. Bawat isang larawan ay may emosyon. Bawat isang larawan ay may kuwento. Bawat isang larawan ay may hininga. Sa ngayon, wala pa akong high spec na camera. Tiis muna ako sa phone photography. Medyo okay naman ang phone ko ngayon, 12 MP naman ang rear camera. Tamang adjust na lang sa contrast and lighting para mas makuha ang tamang kulay. Pero as much as possible, very minimal editing lang ang ginagawa ko para ma-preserve ang natural na ganda ng picture.

Siguro i-sh-share ko dito yung ibang photos. Pero disclaimer, I'm not expert. Sobrang amateur lang talaga.

(niliitan ko yung image display dahil lumalagpas sa border ng body. Medyo na-oc. click image to enlarge na lang mga kaibigan. kung sakali lang naman na may nagbabasa nito. haha)


Ito ay kuha sa oblation statue ng aking mahal na alma mater--UPLB. Noong undergrad pa ako, madalas akong mag-lakad-lakad sa campus at randomly ay kumuha ng picture gamit ang aking phone. Ito ang nagsilbing libangan ko at anti-stress. Kung baga, mag-flow man lang ang creative side ko kahit na technical ang inaaral ko. Actually wala pa naman akong masyadong technicalities na alam. Pero may mga nababasa naman na mga tips like rule of thirds ganun. Sinusubukan ko silang i-apply sa mga kinukuha kong pictures. 



Kadalasan ng mga subject ko ay mga natural landscapes at mga halaman. Gusto ko kasi makita sila sa ibang perspective. Sabayan na din natin ng malupit na caption. Tamang tama ito para sa isang katulad ko na may pagka-hopeless romantic. lol. Itong picture na ito ay kuha noong valentines. Binigyan namin ng roses ang mga batchmate namin sa org. Oh diba, how sweet. 




Isa pa sa mga subject na gusto ko ay yung mga kakaiba at may kwento kagaya netong kuha na ito. Diba, iba't ibang interpretation ang pwedeng gawin sa picture na ito. Depende na lang siguro sa taong titingin kung paano niya ito makikita.


Ito naman, nag-try ako ng ibang pespective sa usual na nakikita kong photos. Ito pala yung planta ng pinapasukan kong trabaho. Recently lang ito bago ang bagyong Lawin kaya medyo moody din ang weather. 


Last but not the least, gustong gusto ko kuhanan ng litrato ang mga sunset. Every since high school, may ibang fascination na talaga ako sa mga sunset. Kapag nag-d-drawing sa arts class, madalas sunset ang ginagawa ko. Nakaka-relieve kasi ang sunset views. Isa pa, perfect para sa senti moments. haha

Anyway, ulit, hindi naman ako pro. Marami pa akong matututunan. Makakabili din ako ng DSLR ko sa tamang panahon. Pero sa ngayon, kuha lang ng kuha ng litrato, tingin tingin sa mga professional photographer at ipon ng pambili ng camera. Higit sa pagiging frustration, ito ang nagsisilbing inspirasyon ko sa trabaho (Bukod sa pamilya ko opkors). Kung bored kayo, pwede niyo akong sundan sa instagram (https://www.instagram.com/renzsucaldito/). Oh siya, hanggang dito na muna, 

Sa mga friends kong may DSLR camera na hindi na gagamitin (lol), tumatanggap naman ako ng donations. Haha. 

Saturday, December 11, 2010

SMP

I know right, usong uso ngayon ang abbreviation na SMP dahil sa commercial ng to the left to the left bottomless ang saya. Kung iisipin ang OA diba, Paskong pasko tapos ikaw magmumukmok. Yung tipong 24 ng gabe tapos noche buena na eh umiiyak ka sa kwarto tapos nakasandal ka sa pader habang dahan-dahan na nagi-islide pababa. Sarap mo tuktukan pag ganon. Anyways, di ko naman sinasabi na mali. Ang sa akin lang eh why not enjoy. Paskong pasko ganun ka.

Anyways, yeah right, SMP ako. Samahan ng Malalamig na Pasko. Kelan ba uminit ang Pasko eh December yun? Haha. Joke lang. Kahit SMP man ako eh ayos lang dahil SMP din ang sagot sa ka-SMP-han ko.

SMP= SARAP MAHALIN NG PANGINOON.

Amen!

Naghahanap ka pa ng iba eh anjan naman si God. San ka pa? Kahit SMP ka, tandaan mo, SMP- sarap mahalin ng Panginoon.

Wednesday, December 8, 2010

Smile day in RENZ way

Bisitahin ang page. Click mo ang SMILE

December 8, 2009, last year yun, nagsimula ang adbokasiyang ito. Ito ay isang advocacy ng co-blogger na si Mr. Charlie Montemayor o kilala sa tawag na LordCM.

Ngayon, December 8, 2010 na. Isang taon na ang nakalipas noong una akong maki-smile sa kanila kahit sa harap lamang ng monitor ng PC namin. Nakakatuwa. Nakakawala ng stress, ng lungkot. Naaalala ko pa nga nung mga panahon na yan eh super lungkot ko kasi nga basta. Secret na yun. basta SMP ako noong mga panahong yan. Ngayon, single man ako masaya pa rin naman.

Nabalitaan ko na mayroong SMILE PROJECT sila LordCM at sobrang nanghinayang ako dahil hindi pa ako pwedeng makatulong sa kanila dahil sa mga kadahilanang: nag-aaral pa lang ako at high school pa lang ako, malayo ang Bulacan sa Baguio, wala akong pamasahe, di ako papayagan kasi hindi nila alam na nagbloblog ako and joining this advocacy this time ay hindi pa napapanahon. Siguro soon.

Pero kahit na nandito lang ako sa amin sa Bulacan, hindi naman ako nabigong magpasmile ng mga tao ngayong araw, lalong higit yung mga bata na tinuturuan ko. Sa mga hindi po pala nakakaalam, teacher po ako tuwing Wednesday. Katekista po ako. Walang sweldo, walang subsidiya, estudyanteng guro lang.

Kanina sa klase namen, hindi na ako nag lesson. Nagkaroon na lang kami ng Mini-Party. Puro saya, sayaw, kanta, games at prizes. Sobrang natuwa ako sa mga maliliit na ngiti ng mga grade 1 na hawak ko. Sa simpleng mga kendi lang ay ang laki-laki na ng ngiti nila. Lahat ng bagay na binibigay ko sa kanila naaapreciate nila.

Sobrang natuwa lang ako sa sinabi ng isang bata, "Sana po maging teacher din po si kuya Louie kasi po para marami pa siyang maturuan at mapasayang mga bata". Yan ang mga salitang bumuo sa araw ko. Sa isang grade 1 na bata nagmula ang mga bagay na iyan.

Kung tutuusin mga kendi at stars lang ang naibigay ko sa mga batang yun. Wala akong ganong kadaming perang pambili ng mga bagay tulad ng mga damit at kung anu pang bagay na gusto nila. Gaya sana ng mga bata, matuto tayong i-appreciate lahat ng bagay na natatanggap natin. Matutong iappreciate ang lahat kahit sa isang SMILE lang.

Ngayong araw, mag smile tayo. Ngayong linggo, magsmile pa rin tayo. Ngayong buwan, sige smile lang. Buong taon, tara, smile tayo dahil wala ng mas gaganda sa mundong puno ng ngiti.

Happy Smile Day!

Wednesday, November 10, 2010

Dedication


Sinulat to ng classmate ko tungkol sa akin dahil sabe ko sulat siya tungkol sakin. Desperado? Hindi naman. During those times kasi eh nasa library kame ng school, nagtratraining kame for interschool competition at nagkataon na essay writting contest ang sasalihan niya so binigyan ko siya ng chance para mapractice ang skills niya. (palusot much XD)

Looking inside our room, slowly setting my eyes to each of my classmates makes me see the faces I would someday want to remember: one of thos
e faces wears eyeglasses and is intact to a tall body of a boy named Louie Renz Asuncion Sucaldito.

He grew from being a bubbly little boy to a clever young man, a young man who is brave enough to face the gruesome realities of life, the young man who is mature enough to settle as the apple of his best friend's eyes and long for nothing more than that. Although I can honestly say that there's a part of him that I can't help but hate, he will always be someone who is remarkable enough to make his way to my precious list of friends for during the times of helplessness, he was always there to cheer me up and though he might be closer to other people, he never failed to give that boosting support everyone of us need.

Through my almost 10 years of being a salettinian, thinking through all those experiences, he never failed to amaze me of all the achievements he keeps on get
ting, it was as if he's a big ball of energy who despite problems thrown to him still finds his way to success. I remember way back when we were sophomores, he broke his arms while playing with his friends. We were seatmates then and I helped him write a few of his notes and seat works; During those days, I saw his eagerness to still learn despite the accident and it was not a surprise to me when he became the smartest in our class during that grading.

Truly, his exemplified perseverance is sure to lead him to success in the near future and I am fortunate to have experienced being with him for quite a while.
It is infact a blessing, that once, a person like him inspired me.

Eto pic ni Vienna, siya nagsulat neto:


Ang cute niya no, parang napopossess lang siya jan pero cute pa rin. XD

Translation ng gawa niya: Ang cute cute cute cute daw ni RENZ :] JOKE

Kung nakaabot kayo sa part na to, maraming salamat sa pagbasa ng boring kong buhay. :]
Actually wala lang talaga akong mablog kaya naisipan kong ilabas na ito sa publiko. First time pa naman na may nagsulat tungkol sa akin at super natouch lang ako.

BTW vienna, kung sakaling maopen mo ang blog mo at mabasa mo ito, super thanks dito :]
DAGS ka talaga :]

Monday, November 8, 2010

Patay



Patay na patay ang utak ko ngayong mga panahong ito. Kailan ba hindi? Lagi ko na lang binablog ang pagkatigang ng utak ko. Kasabay kasi ng buwan na ito kung saan ginunita ang araw ng mga patay eh mukhang patay din ang isip ko at hidni ako makaisip ng isang blog post.

AHA

Since napasok na dito ang usapang patay, let's get it on.

Nung nakaraang week ay inalala natin ang ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanilang mga puntod sa sementeryo at sa kung anung pinaglagakan sa kanila. Yung iba naman eh nagtulos na lang ng kandila para sa mga patay nila.

Ika nga nila eh it's better to be late than never. So makikilat
e UNDAS ako.
Yan yung picture ng kandila na sinindihan ko noong undas. Limang maliliit na kandila--limang patay na inaalala.

Unang kandila, inaalala ko lahat ng patay. Yung literal na patay--mga namatay sa sakit, sa katandaan sa aborsyon, sa pagkamartir... Nawa ay sumalangit na ang kanilang mga kaluluwa.

Ikalawa, hindi lamang mga patay na katawan ang pinagtitirikan ko ng kandila. Ito ay para sa mga taong patay na ang konsensiya. Sa lahat ng taong pumapatay. Tandaan niyo, Diyos lamang ang may kakayahang bumawi ng buhay kaya kung kayo ay kumitil ng buhay, nagpaabort o kung anu man, para sa inyo ang kandilang ito.

Ikatlo, para sa patay na sistema ng pamahalaan. Para sa patay na pamamahala. Para sa nagpapatay-patayan at pagtataingang kawali sa daing ng mga tao. Para sa inyo ang kandilang ito.

Ika-apat, Para sa patay at patuloy na pinapatay na kalikasan, para sa halos mamatay na inang kalikasan. Ang kandilang ito ay simbolo na ako ay kaisa ng kalikasan tungo sa pagbabago. Isang ilaw, na pagsinamahan ng iba pa ay magbibigay linaw sa buong mundo at magpapasiglang muli sa inang kalikasan.

Ang huli, para sa ating mga sarili. Sa patuloy na pagpapatay-patayan natin sa pagiging anu na lang ang kaya natin.. Nawa ay mapagliwanag ng kandilang ito ang ating sarili...ang kandila ng pagbabago...ang kandila ng liwanag ng bukas.

Ang dapat, araw-araw ay gawin nating pag-aala-ala sa lahat ng patay sa ating paligid--literal man o hindi.
Tulad ng batang ito-- siya si kat-kat, tatlong taong gulang, batang probinsiya. Anak ng isang kalaro ko dati na medyo may konting pagkukulang sa pag-iisip. Produkto ng karahasan, produkto ng kahalayan. Sana huwag tayong mag patay-patayan. Tulungan nating mabawasan ang mga tulad ni katkat. Matanda man, o bata, may magagawa tayo.

Buhayin ang mga patay! (sounds creepy!)
hoho

Have an inspiring post-Halloween/UNDAS

Sunday, September 26, 2010

Sa Pag-ibig....

Hayaan ninyong ako ay may ipabasa sa inyong istorya. Ang totoo, nabasa ko lang naman ita sa isang libra ng Filipino sa pagkakanap ng mga kwento para sa project ko. Nagustuhan ko lang yung kwento kasi wala lang. Na touch lang ako.

Credits to Tanglaw sa WIKA at PANITIKAN III ni Angelita Binsol ng Diwa textbooks para sa libra at kay Pat V. Villafuerte na siyang may-akda ng kwentong ito.

Paunawa, hindi po ako ang sumulat ng kwentong ito. Nais kong pasalamatan ang source ko na nakasulat sa taas. :]

Sa Loob ng Bus, Isang Hapon

Pat V. Villafuerte

Hinataw ko ang dalawang saklya na nakasandal sa punong mangga. Itinindig ko ang mga iyon at aking sinalubong si Luz.

“Kanina ka pa?” ang tanong ni Luz.

“Hindi pa gaanong natatagalan,” tugon ko. “Tayo na.”

“Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo? Araw-araw ay sinusundo mo ako. Ang laki na ng molestya ko sa iyo, a.”

“Ikaw nga ang inaalala ko, e. Baka naaasar ka na sa kakasundo ko sa’yo.”

“Naku, hindi,” ang tanggi ni Luz. “Mabuti nga’t nasasabayan mo ako sa pag-uwi. Mahirap yatang mag-abang ng dyip. Saka mahilo man ako sa sasakyan ay may sasaklolo sa akin.”

Tiningnan ako ni Luz. Lumungkot ang kanyang mga mata.

“Mabuti ka pa, hindi ka nakakalimot. Di tulad ng ibang taong kilala ko,” ang sabi ni Luz.

Alam ko ang pinatutungkulan ng huling pangungusap ni Luz. Si William, ang mahigpit kong karibal sa panliligaw sa kanya. Ni minsan hindi siya nasundo nito sa paaralang kanyang pinagtuturuan.

Tuwing hapon ay sinusundo ko si Luz. Tutal ay pareho kaming taga-Gagalangin. Iisa rin ang pook na aming pinagtatrabahuhan. Isa siyang guro sa paaralang Arsenio Lacson at ako naman ay isang dibuhista sa isang printing press sa San Rafael Village.

“Siyanga pala, wala rin lamang pasok bukas ay pumunta ka naman sa bahay. May ipapadrowing ako,” Pakiusap ni Luz.

“Ang ate mo?” ang bati ko.

“Nasa loob. Kanina ka pa hinihintay. Naroon din si William.”

Parang may kung anong bagay na tumarak sa puso ko. Bumukas ang pinto. Sinalubong ako ni Luz na nakangiti.

“Tuloy ka, Ric. Teka’t kukunin ko sa drawer ang aklat na pagkokopyahan mo.”

Nang lubusang mabuksan ang pinto ay tumambad sa aking paningin ang inaasahang kong magiging panauhin ni Luz, si William. Naka-t-shirt ito ng murang asul at nakamaong.

“O, bakit hindi ka maupo? Itong si Ric, oo. Heto ang tatlong drawing na kokopyahin mo,” sabay abot sa isang makapal na aklat.

Tumingin si Luz kay William. “William, si Ric,” ang sigaw nito. “Iyan ang Amorsolo ko, baka akala mo?”

“Kamusta ka, William?” bati ko.

Sa halip na ako’y sagutin ay nagsindi ito ng sigarilyo. Di na kaila kay Luz ang pamumutla ko. Napayuko ako at nagsimulang gumuhit.

Lumabas si Luz at pagbalik niya’y dala-dala ang inihandang spaghetti.

“Mamaya mo na simulan ‘yan, Ric. Halika na’t sumabay ka na sa amin ni William.”

Kinuha ko ang saklay. Tumindig ako at lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. Kitang-kita ko nang kumbatan ni William si Luz na wari’y inuutusan ang dalaga na abutin sa kanya ang inumin. Nang akmang dudulutan ako ni Luz ng spaghetti ay di ako nagdalawang-isip. Kinuha ko agad ang pinggan.

“Ako na lang,” wika ko.

“Sige, mapilit ka, e’” Tugon ni Luz.

“Kamusta ang trabaho mo sa bangko?” ang bumasag ng katahimikan.

“Mabuti. Kaya lang ay baka hindi ako makatagal,” ang sagot ni William na may himig-pagmamayabang.

“Bakit naman? Ang taas ng sahod mo roon, a?” ang tanong ko.

“Palautos ang executive vice-president ng bangkong pinaglilingkuran ko. Panay ang tawag, panay ang utos. Ayaw ko sa lahat iyong minamanduhan ako, e. Kung Mama ko, hindi ako mapakiusapan, siya pa?”

Napangiti si Luz kay William. Napakagat-labi ito. Ibinaling niya ang tingin sa akin. Humahanap ng kasagutan ang mga matang iyon.

“Maalaala ko. May tatlo akong passes sa Fort Santiago. Maganda ang labas sa PETA ngayon. Manood tayong tatlo,” ang anyaya ni William.

“Naku, kayo na lang. Baka makagambala ako,” tanggi ko.

“At sa palagay mo naman ay papayagan akong umalis ni Inay kung hindi ka kasama?” ang tanong sa akin ni Luz. “Sumama ka na. Teka’t magbibihis ako. Magpapaalam na tuloy ako kay Inang. Nasa kabilang kwarto siya.”

Nang makaalis si Luz ay nanatili ang katahimikan sa sala. Kapwa kami nagpapakiramdaman ni William. Waring naiilang siya sa pagkakapunta ko kina Luz. Naisip ko tuloy na napilitan lamang siya na ako’y anyayahan dahil di papayag ang nanay ni Luz kung di ako kasama. Ako lamang kasi ang pinagkakatiwalaan ng kanyang ina.

Ilang sandali ang lumipas ay lumabas na si Luz. Lalong lumutang ang kanyang kagandahan sa dilaw na bestidang suot niya.

“Tayo na,” anyaya ni Luz.

Sa daan ay halatang-halata ko na sadyang binibilisan ni William ang paglalakad. Ako nama’y tila isang asong nakabuntot. Nakadama ako ng pagkahabag sa aking sarili. Ngunit paano ko matatanggihan si Luz? Paano?

Maging sa loob ng bus ay maagap na nakahanap ng upuan si William para sa dalawang tao. Magkatabi sila ni Luz. Ako nama’y naiwanang nakaupo sa bandang likuran.

Sa loob ng bus ay sarisaring mga alalahanin ang umuukilkil sa aking diwa. Naisip ko maging sa anumang labanan ay namumuro si William sa pag-ibig ni Luz. Patok na patok, wika nga. Magandang lalaki si William, mataas ang pinag-aralan, may matatag na hanapbuhay at kilala sa lipunan ang kanyang mga magulang. Samantalang ako, isang karaniwang dibuhista lamang sa mumurahing printing press. Hindi nakatapos ng pag-aaral, anak-dukha, at higit sa lahat ay pilay.

Di naglipat-saglit, ang pampasaherong bus ay napuno. Isang babaeng buntis ang sumakay, akay-akay ang dalawang gusgusing bata. Nagpipilit itong makipagsiksikan upang makahawak sa barasan ng bus.

Kitang-kita ko nang kumbatan ni Luz si William. “Tumayo ka naman William. Baka mapanganak pa yan ng di oras,” ang pakiusap ni Luz.

“Pwede ba Luz? Ang hirap naman sa babaeng iyan, e. Alam nang puno ang bus ay nagpipilit pa ring sumakay. At nagsama pa ng mga bata. Ako ang walang kagana-gana sa mga bata.”

Muli kong itinindig ang saklay. Nilapitan ko ang buntis na babae.

“Dito na kayo umupo, Misis,” ang alok ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Luz. Nadama ko ang kanyang matinding pagkahabag sa akin. Maya maya’y nilingon niya ang konduktor.

“Mama, sa bus stop po. Bababa na kami,” ang kanyang sabi.

“Aba, nasa Zurbaran pa lang tayo, Luz. Malayo pa ang Fort Santiago. Nananaginip ka ba?” ang tanong ni William.

Huminto ang bus.

Nilingunan ako ni Luz. “Dito na lamang tayo, Ric.”

“Sandali lamang, Luz. Sasama ako,” ang pagpipilit ni William.

“Talagang manhid ka, William. Kanina, sa loob ng bus ay nakita mo ang paghihirap ng isang buntis. Ngunit ano ang iyong ginawa? Sa halip na paupuin mo ay nagbulag-bulagan ka. Hindi ka ba nahihiya kay Ric? Higit ang iyong lakas kaysa kanya ngunit siya ang nakaunawa sa pangyayaring iyon.”

Napayuko ako. Damang-dama ko ang naghaharing pagkahabag sa akin ni Luz.

“Paano kung tayong dalawa ang maging magkapalaran at mabuntis ako, kaiinisan mo rin? At paano kung dumami ang ating magiging anak, mawawalan ka rin ng gana?

“Dinaramdam ko rin, William. Ngunit ang eksenang naganap kanina sa loob ng bus ay higit na makabuluhan kaysa anumang mapapanood natin sa Fort Santiago. Mabuti’t hangga’t maaga ay nakilala kita.”

Tumalikod si William nang hindi na nagawa pang magpaalam. Inayos ko ang aking dalawang saklya. Inalalayan ako ni Luz sa paglalakad. Nang sumandaling iyon naging magaan para sa akin ang paglalakad. At marahil sa susunod na mga araw ng pagsundo ko sa kanya ay makadarama ako ng mga kakaibang kaginhawaan.


:] End muna

Wednesday, September 22, 2010

Sa bawat

Sa bawat lukso ng isang tao, babagsak at babagsak pa rin siya sa lupa.

Sa bawat pagkain mo, ilalabas at ilalabas mo rin iyan sa kahit anung paraan.

Sa bawat pagbili mo ng bago, unti-unti ay malalaos din iyan at mapipilitan ka na palitan iyon.

Sa bawat talbog ng bola, patuloy itong bumabagsak.

Sa bawat patak ng ulan, nababasa nito ang kalsada.

Sa bawat pagkupit sa pitaka ng nanay ay katumbas ang kurot sa ating konsensiya.

Sa bawat mahabang lakarin ay may kaakibat na pagod.

Sa bawat pihit sa manibela ay may kaakibat na dereksyon.

Sa bawat tinta ng bolpen na iyong inaaksaya, mas maraming math problems pa ang hindi mo masasagutan.

Sa bawat pagkagat ng lamok, kasunod lagi ang pantal at kati.

Sa bawat hithit ng sigarilyo ay paglalagay ng kalahati ng buhay sa hukay.

Sa bawat eksaminasyon na sinasagutan at ipinapasa, unti-unting lumilinaw ang bukas.

Sa bawat pagtipa ko sa keyboard na ito, mailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin.

Sa bawat aksyon na ating ginawa, ginagawa at gagawin, palaging may bunga o epekto na kasunod. Maging positibo man o negatibo ito. Lahat ng bagay na mangyayari bukas ay nakasalalay ngayong mga oras na ito. Kung nanaisin mo ng magandang bukas, gumawa ka ng maganda. Kung ayaw mo di huwag.

Dahil

Sa bawat pangyayari, may tamang reaksyon. Nasasaiyo kung paano ka magrereact.

Sa bawat problema, may solusyon, maging mapamaraan at ibukas lamang ang mata.

Ika nga eh nasa huli ang pagsisisi. Nagawa mo na ang isang bagay. Matuto kang panindigan ito, maging positibo ito o lalong higit kung negatibo.

Dahil

sa bawat pagkakadapa ay may pagkakataong bumangon

sa bawat pagbangon ay may pagkakataong lumakad

sa bawat paglakad ay may pagkakataong marating ang nais marating.

Tandaan, sa bawat Gabi, kasunod nito ang bagong umaga.

Tuesday, September 21, 2010

Contest lang, walang personalan.

PAUNAWA
(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyong malawak na pang-unawa. Salamat)

Sa buhay ng pagsali sa mga patimpalak, may magagaling, may hindi. May mapanggulat, may normal lang. May praktisado, may nagkakalat. Higit sa lahat, may nananalo at natatatalo.

Ilang beses ko ba kailangan i-post ang ganitong klase ng blog entry? Paulit-ulit na lang ang nangyayari. Laging may aberya. Laging may nakakabangga. Laging may nagagalit. Kung hindi kami, sila. Ganun na ba talaga ang mga pinoy? Hindi na nakuntento sa resulta. Tulad na lang sa loob ng classroom, pag walang ginagawa nagagalit. Pag masyadong madaming ginagawa nagagalit pa rin. Siguro kaugalian na talaga yan ng mga Pinoy.

Ayaw ko na sanang magpost pa tungkol dito dahil alam ko maraming masasaktan, lalung-lalo na kayo (sorry po). Pero ayoko din naman na basta na lamang tanggapin lahat ng feedback na maaaring marinig ko at basta na lang dedmahin lahat iyon. Medyo unfair din naman para sa amin yun kung pagbabasihan ang freedom of speech namin.

Kung sa husay at koordinasyon at kung anumang kriterya na mauugnay sa galing, aaminin ko, bilib talaga ako sa kakayahan ng aming kalaban. Napakahusay ng pagkakagawa ng kanilang sayaw, mula sa entrance, sa pagtakbo, sa formation, sa BEAT at sa lahat. Hindi ko nga ineexpect na kami pa ang makapaguuwi ng papremyo noong araw na iyon dahil alam naman namin sa sarili namin na walang panama ang sarili naming production number sa kanila. Simple lang na ethnic dance ang samin with the touch of modern. Ni walang ka beat beat, ni walang gaanong audience impact na narinig, ni walang buhay ang audience habang sumasayaw kami.

Kung sasabihin man po ninyo na pinagbigyan dahil 4th yr na kami at paalis na kami sa school na yon, kung ito man talaga ang dahilan ng pagkapanalo namin, mas gugustuhin ko pa na huwag na lang manalo. Katulad ng kalaban namin, ilang linggo din kaming naghanda para sa laban na iyon. Ilang linggo na rin kaming nagtitiis tulad nila. Hindi naman po siguro tama na sabihing paalis na sila kaya pinagbibigyan. Masakit din sa loob namin dahil nageffort din kami pero alam ko na MAS nag effort kayo kaysa sa amin.

Lumaban kami dahil may kagustuhan kaming manalo pero hindi naman inaasam ang pinakataas o ang number 1. Gusto lang namin na enjoyin ang mga nalalabi pang araw namin sa eskwelahan. Kung nasaktan man po kayo sa naging desisyon ng mga hurado, eh hindi po ako humihingi ng tawad dahil wala naman kaming kinalaman sa pagkapanalo namin. Hindi ko rin sinisisi ang mga hurado sa nangyaring ito. Hayaan na natin sila. Ang mahalaga, nagperform kami, at nagenjoy kami. Wala ng sisihan. Tapos na. There's no other way but forward. Ika nga sa physics eh mag accelerate ka, or mag free fall ka downwards. Let's all learn from this.

Saturday, September 4, 2010

Inconsistency

Ako yung tipo ng tao na gustong i-try lahat ng bagay--wag lang drugs at yosi. Ako yung tipo ng estudyante na bibong-bibo. Oo sige, sabihin na natin na ako yung tipo ng tao na mahangad or in other term eh gusto lahat maachieve. Tanggap ng tanggap ng opportunities, sometimes FAILED, tapos magmumukmok at magsisisi.

Opportunities knocks only once. Ikaw nga eh pag dumaan na, sunggab na. Baka di na babalik yun or kung bumalik man at makita mo man ulit, may iba na na nakahawak dito. Grab lang ng grab, hanggang kaya mo. Pero ngayon natuto ako sobrang hirap din ng grab ng grab ng mga opportunities.

I admit, Grab ako ng grab ng opportunity. Gusto ko naman kasi yung mga bagay na ginagawa ko na yun pero ang mahirap lang eh pag nagkasabay-sabay silang lahat, ewan ko ang hirap pumili. Ang sakit sa pakiramdam. (Emo lang konti :)) ). Ako kasi yung tao na medyo may pagkaperfectionist. Ayokong tumanggi kung maaari lang dahil sa tingin ko pag tumanggi ako, isa akong weak at walang kwentang tao. Nahihiya ako humindi. Yan ang isang factor kung kaya grab ako ng grab pero mas malaking percentage pa rin naman ang sincerity at desrire sa mga desisyon na iyon.

TIme Management. Yan ang magandang solusyon sa problemang iyan. Hatiin ang oras. Bigyang importansya ang bawat segundo na ilalaan sa isang bagay. Ang buhay sa mundo ay minsan lamang kaya dapat huwag sayangin diba?

Sa kabilang banda, medyo umayos na ang mga conflicts ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon bilang estudyante pero may feeling of failure pa rin akong nararamdaman kasi ewan.. Hindi maipaliwanag.

Tip ko lang: Mag-isip muna bago gumawa ng desisyon. Yun lang naman ang importante dito sa post na ito. :)

Have a nice day!