Wednesday, June 16, 2010

Umapdate lang.

It's been a while since my last post. Last week pa ata yun, Sobrang busy weekends kasi at weekdays. Medyo struggle na ang pagsingit ng konting time para magcomputer. Good thing di na ako naglalaro ng kahit anung game sa facebook kaya hindi na ako gaanong mahihirapan i-let go ang PC kung hindi lang sa blog na ito ay malamang puro libro na ang hawak ko pero since mahal ko ang larangang ito eh pipilitin ko makapagblog para lang sa inyo. Oha, ang lakas niyo sakin.

Anyways, Last weekend eh nagreunion nanaman kaming family sa side ng mommy ko, as always naman may reunion kami doon, mapa pasko, mahal na araw, birthday ng lola inang namin. So 86 years old na siya ngayon. Oh diba ang lakas pa niyan at super nakakatuwa lang siya kasi ang cool at grabe naman sa expressions with matching mura mura effect pa siya pero nakangiti naman. Nakakatuwa din kasama yung mga pinsan ko dating mga kalaro lang namin pero ngayon eh mga anak na nila ang nililibang namin. Lumalaki na nga ang pamilya namin talaga.

I'm so proud with my family. Naaalala ko kasi yung tita ko, matandang dalaga na siya, care taker ng bahay at ni inang so sabi niya"Huwag tayo maginggitan. Alisin natin yon. Dapat maghatakan tayo pataas para lahat tayo umunlad." Mismo, siya ang nagyayari ngayon. Natutuwa ako sa mga tita at mama ko super close sila at feeling mo bagets kasi ang pinagtetexan ay "eowHz s!sT3r..jejejeje" Pero joke lang wala kaming halong jejemon LOL, basta super sarap nilang tumawa, super sarap nila magbonding at siyempre namana ng generetion namin yun.

Sa pamilya namin, masasabi kong lahat ay successful, ang mga pinsan kong Electrical Engineers, Architect, Teachers, Nurse, Computer Engineer, ECE Graduate, IT, Graduating HRM student, Future Accountant, Future Reporter/Journalist, at siyempre ako pa, dadagdag ako sa Future Engineers ng pamilya. So ayun, nakakatuwa talaga pag reunion as in slaman kaming magpipinsan, nagbabaraha, tumatambay sa tabing ilog etc. I was lucky enough to have this kind of family.

Sa tuwing kasama ko sila, hindi maipaliwanag ang saya.

So weala nanaman akong maikwento kaya eto muna :]

makapagupdate lang.. Ingat

Related Posts:

  • Umapdate lang.It's been a while since my last post. Last week pa ata yun, Sobrang busy weekends kasi at weekdays. Medyo struggle na ang pagsingit ng konting time para magcomputer. Good thing di na ako naglalaro ng kahit anung game sa faceb… Read More
  • Tribute to my so called DAD(family pic namin yan. Mula kaliwa, ako--renz, mama ko (mommy leony), papa ko (papa rene), ate ko (ate leah)Ama, minsang naging anak, magkakaanak at ang anak ay magiging ama ulit, na magkakaanak na magiging ama ulit at magkak… Read More
  • InangWala lang. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang aking napakasunget/baet/kwelang lola.Ladies and gentlemen...Siyempre siya yung nasa left este right pala.Name: Felipa Espino AsuncionNickname: FELY (JOKE) Inang, IpangAge: 86 and… Read More
  • Dagok sa Pamilya"Lasing ka nanaman. araw araw ka na lang lasing... Anu toh? Bakit amoy babae ka? Nambabae ka nanaman? Walang hiya ka talaga.""Bakit ba? Pakialam mo ba? Ako naman ang bumubuhay sa pamilya na ito?""Ah ganun na ba yun? So dahil … Read More
  • Pamilya AsuncionSa paglipas ng panahon, di ko namamalayan na unti-unti na ngang lumalaki ang pamilya namin. Dati tuwing Pasko kami pa yung mga bata na sobrang excited sa mga palaro at regalo. Ngayon may pumalit na sa henerasyon namin--ang mg… Read More

7 comments:

NoBenta said...

sarap talaga ng mga family reunions. at two months nalang, magagawa ko na yun 'pag bakasyon ko sa pinas. astig pamilya niyo dahil professionals lahat. samin kasi eh may mga napariwarang mga kamag-anak. tapos yung iba nag-iinggitan

Nice Salcedo said...

wow! you really do have a cool family! :D it's good that you're proud of them! :)

Sendo said...

di pa ko ever nakadalo ng family reunion...because we've never celebrated one yet haha

glentot said...

Gusto ko lang sabihin na ang cute ng banner sa itaas.

pusangkalye said...

at least laging nagrereunion ang pamilya mo. meaning---me close family ties. kami nga once a year lang e. pwede na rin kesa sa wala.ang iba, galit galit.hehe

Unni-gl4ze^_^ said...

awww buti pa kau may family reunion,,,namiss ko tuloy mga pinsan ko,,nasa visayas kasi cla eh haysss,,,ang saya ng fam at relatives mo ,,tama pangit yung nag iingitan sa pamilya dapat nga magtulungan para maging successful dba,,,

Arvin U. de la Peña said...

masaya nga kapag nagfafamily reunion..