Siya po si Ginoong Arnold V. Garces, and kinatatakutan ng mga high school students lalo na kung madami kang atraso, dahil siya ang prefect of discipline ng school. Siya ang adviser ko ngayong fourth year ako.
Way back my junior year, natatakot talaga ako kay sir kasi yun yung dating ng kilos niya palagi, yung tipong rawr! matakot ka. Yung parang kakainin ka ng buong buo pag nakagawa ka ng masama plus ang tough na muka niya--mukang fearless at mukang superior above all. Every year, siya ang adviser ng mga outgoing students- ang mga fourth year kaya ayun siguro nga pag fourth year ka na ay mapapatino ka talaga dahil sa kanya at the same time it's now or never ang drama pag fourth year.
Ayon din sa iba, ang klase ni sir ay napakaboring, kasi ang dami daw mga kwento at ang haba daw ng over time plus super higpit daw sa rules. Kesyo bawal tumingin sa oras and anything and everything ang daming bawal. Sabi pa ng ilan nakakaantok daw sa klase niya kasi daw monotone daw yung boses na mahina tapos nakaMIC pa tapos yung subject matter niya pa ay mahirap like advance algebra, statistics and trigonometry sa math, at physics naman sa science. Idagdag pa dun yung values education na ang adviser mo ang required magturo sa inyo.
Ayan ang mga bagay kung bakit medyo natatakot ako mag fourth year last year. Pero wala tayong magagawa kung hindi mag move on. Don't judge the book by its cover ika nga so ayun na nga ang kwento, nung first day ng klase ay nadivide kaming mga seniors at napuntas na nga ako sa section ni sir Garces. Kaswerte ko nga naman talaga, pwede naman sa isa, pero bakit dito pa kay sir. Yan ang una kong sinabi sa isip ko pero siyempre with a smile yun nung tinawag yung name ko.
First period, ayun para kaming umattend ng seminar. Super tahimik ng klase kahit yung mga pinakasabog sa kaingayan ang bibig eh mukhang tinahi ng cross stitch paulit-ulit ang mga BUNAGNGA at hindi makapagsalita. Siguro hindi lang nila maintindihan yung sinasabi ni sir. Bukod sa mahina na, english at mabilis pa kaya ayun sa unang beses eh talagang mapapakunot ang noo mo.
After two days of being in his class, medyo nakilala ko naman na si sir. Confirmed. Si sir ay isang tao na hindi marunong mag crack ng joke. Serious type of person siya dahil na nga din siguro sa napagdaanan niyang training during his high school days. "I am teaching and focusing not on the heart of the students but on their minds. I'm focusing more on intellects than feelings." Ganyan si sir Garces. Siguro nga it's the time para mag-aral ng mabuting super mabuti pagkatapos ng 3 years na may libang libang. This is it.
Si sir din ang taong napakaraming words of wisdom. Yung tipong magtatanong siya sa klase tapos alam mo na yung sagot pero ayaw mong magrecite kasi nga nahihiya ka at the same time eh natatakot ka tapos pagnahahalata na niya na gusto mo magrecite pero ayaw mo magtaas ng kamay babanat siya ng ganito: "Alam niyo estudyante, ang utak ay nahahasa pag sinasabi ang laman nito." So ayun napapataas tuloy ako ng kamay kasi sakin siya nakatingin. Oh diba? ayus din siya eh :]
Marami pa siyang mga bagay-bagay at kung anu-anung terms na binabanggit like aSINment sa assignment kasi daw lahat ng assignments ay may kaakibat na kasalanan, kasi nangkokopyahan lang. "Okay lang sa akin na mali ang sagot niyo as long na kayo ang nagsagot at hindi ang kaklase niyo." Meron pang iba tulad ng BWISITed sa be seated, PO-ENTs sa points, at ang pinaka nakakatawa eh yung "pagnagpapaquiz ako eh yung mga estudyante ay walang ka GIRAFFE GIRAFFE." Kaya daw giraffe kasi humahaba daw yung leeg ng mga estudyante. Funny. Natatawa ako sa kanya, hindi naman pala siya yung stone-hearted man gaya ng perception ko.
Minsan din nagtalo ang klase kung anu ang mas mahirap na subject. Religion ba o Math siyempre nagvoting voting kami diba at mas lumabas na nahihirapan kami sa math pero bumanat nanaman si sir. "Alam mo estudyante, mas madali talaga ang math kaysa religion para sa akin lang ha, kasi ang basihan ko ay kung paano isinasabuhay ang bawat subject. Kung tutuusin mas madali isabuhay ang math, kaysa sa religion diba? Puro loooooooovee your enemy, looooooooooveee everyone." Astig. Di ko naisip yun kasi may pangdefense naman na ako sa sagot kong mas mahirap ang math eh pero Hands down. Ang galing ni sir. Truly a matured man.
I learned a lot from this teacher. So far so good and so far nageenjoy ako sa klase niya. I want to know him better at gusto ko patunayan na mali naman din yung ibang mga perception ng mga tao. I think this year would be a full of learning, not only by the subject matters, pero sa mga guidelines na rin para sa isang magandang bukas.
Sir garces, saludo ako sa inyo! Pinatunayan niyo na "A man o silence, is a man of strength." Tama ba? basta yun na yon :]
7 comments:
so true hahahaha yes proudness naman ke sir G ahahaha natatawa talaga ako jan kahapon eh sumasayaw sayaw ako tas binubungo ko ng bewang q c gelo tas sabe magjowa daw kame..tas c jim at joshua din daw jowa ko hahaha tas c jared naman pinatawag pa na nasa loob ng cr para lang sabihan na manliligaw ko daw hahahahahahahaha lol nakakatuwa talaga c sir garces
renz, si sir garces ito. bakit mo ko bino-blog ha? dahil dyan... PASADO ka na sa first grading.
wahaha!jokes!
anyway, minsan pamatay talaga ang mga first empressions, kaya minsan, kelangan muna nating kilalanin ang isang tao bago natin sila husgahan... at dahil dyan... mukang magiging eksayting ang sinyor layp mo ah... looking forward sa mooore adventures mo with mr graces.ok, yun lang naman. babye! :)
wow. sikat ang prof, nasa blogosperyo ang peys. :)
Well, isa lang yang teacher mo sa iilang matured na tao ngayon. Well, yung adviser ko nung 4th Year High School eh ganyang ganyan din, Math teacher din tapos Religion pa ang tema ng buong Math, well, ako naman natutunan ko naman eto ganito naman:
- Para matandaan mo ang signs ng trigonometric functions of any angles, parang nagdadasal ka lang, sa cartesian plane, mabubuo mo ang word na A-C-T-S. Sa prayer, ang Acts ay Adoration, Contrition, Thanksgiving and Supplication. ^_^
- Sa sum and difference of two angles, mayroon naman "sin(A+B) at cos(A+B)" as well as the opposite, pero sa Religion, ito ay ganito..
sin (A+B) = sinA cosB + cosA sinB
Sa Religion: Sin, kuskusin.
cos (A+B) = cosA cosB - sinA sinB
Sa Religion: Kuskusin Sin
hahaha! just a share! :P
magkakaklase kayo?:D ang galing nmn
wow..sikat na nga cya dito sa blogosphere! haha.. :D i also have that same kind of teacher in our school! looks like prefect of disciplines are all really that strict! haha.. :)) i also learned a lot from our teacher-slash-prefect of discipline, like you.. :D
aLam nea b toh ? haha
Post a Comment