Showing posts with label school. Show all posts
Showing posts with label school. Show all posts

Saturday, August 27, 2011

Long Weekend Rocks!

Umaga na naman. Ang sarap matulog dahil sa lamig ng hanging dala ng pagsusungit ng panahon.Pero may isang pwersa na pumilit sa akin na gumising. Ito ay ang simoy ng isang masarap na LONG WEEKEND!


Haha. makaintro wagas!


Ang saya saya noh. Ang haba ng weekend. Noong ngang bago itong long weekend eh nagtataka pa ako kung paano siya naging long weekend. Pero kahit ganoon pa man, naexcite pa rin ako dahil pagkakataon na ito para makapagrelax.


Relax? Teka paano?
Ah eto pala yung relax. (Sorry kung madilim yung picture. Dilim dito sa sala ehh)




Picture ko yan with my reading materials sa History 1 subject ko. Super long exam ko kasi sa wednesday. Hindi pa kami nakapag long exam ever sa subject na yun kaya tiyak mahaba siya at hindi nakapagtataka na ang kapal ng reading materials na nagdudulot sa akin ng stress. Ahuhu. Iyan tuloy ang pagkakaabalahan ko this weekend. medyo nakakatamad.


Pero bilang isang estudyante na pinag-aaral ng sambayanang Pilipino, kailangan kong magreview para naman sulit ang buwis na ibinabayad ninyo. Sana din tama ang buwis na ibinabayad dahil malaking motivation yan sa amin. You know, medyo may presyo na din dito. Anyways, sobrang out of topic na ako.


Gusto ko lang kayo batiin ng happy long weekend! Isa pa, gusto ko din kayo batiin ng happy National Heroes Day! Sa mga OFW na tinagurian na bilang mga bagong bayani, saludo po ako sa inyo! Sa lahat, nawa ay magsilbi tayong bayani sa bawat isa. Para naman sa ating mga kapatid na muslim, Maligayang pagtatapos ng Ramadan. 


Yun. So tara relax relax :)))

Saturday, July 23, 2011

Konting paramdam

Hephep hooray!

Buhay pa naman ako at dahil doon ay nagpapasalamat ako kay God. 

Isang buwan na din ang lumipas nang una akong akong pumasok sa malaking mundo ng buhay kolehiyo. Sa ngayon, masasabi kong masaya naman ako sa mga nangyayari. Madaming mga bagong kaibigan ang dumating. May mga makukulit, may mga seryoso, may mukang suplado, may mayabang at kung anu-anong uri ng tao. Talaga ngang sobrang dami kang maeencounter na tao sa kolehiyo kasi paiba-iba ka ng kaklase sa bawat subjects.

Masarap din pala mabuhay sa isang dormitoryo. Malayo man sa pamilyang kinagisnang kasama eh masaya pa rin dahil sa mga bagong kaibigan na karamay sa kalungkutan. Oha, may ganun pa. Pare-pareho naman kasi kaming nalayo sa pamilya kaya kung hindi kami magtutulungan na pasiyahin ang isa't isa ay mahohomesick talaga kami. 

Isang buwan na din pala akong nakakaramdam ng kakaibang init. Ang init kasi sa los banos as in. Pati tubig doon ay mainit din. Libreng hot spring kami lagi sa aming cr sa dorm. Yun nga lang, masakit maligo pag tanghali kasi mainit talaga. Bukod sa init ng tubig eh siyempre nararamdaman ko din ang init ng pagtanggao ng ubnibersidad sa akin at sa iba pang freshmen. Sa sobrang init nga eh ang dami kong napuntahan na event for freshmen na may libreng foods. Oh diba, solve na ang tyan, solve pa ang bulsa. Saan ka pa? Dito na sa LB.

Ngunit sa isang buwan na nakalipas, mayroong isang bagay na hindi ko pa nararanasan at iyon ay mararanasan ko na sa darating na linggo. Iyon ay ang HELL WEEK or examination week sa UP. Actually hindi naman confined sa isang linggo ang lahat ng exams sa lahat ng subject. Iba iba rin ng schedule. So hindi lang siya basta week. Ito ay HELL WEEKS. 

Ayon, so wish me luck at pati na rin ang lahat ng may paparating na exams. napa-update lang ako dahil namiss ko magblog at para pasalamatan ang self-proclaimed number one fan ng blog ko na si ARMANDO NATHANIEL PEDGRAGOZA. Oh yeah palakpakan! :)

By the way, miss ko na kayong lahat.

Belated Happy 2 years old my sulatkamayko! :) (July 4)

Wednesday, March 16, 2011

I'll always remember YOU

I always knew this day would come...
Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam nating lahat na dadating tayo sa ganito. Pero ang hirap din pag nasa ganito ka nang sitwasyon. Ayaw mong iwan ang ilan sa pinakamahal mong tao sa buhay mo.

We'd been standing one by one
Sa tinagal tagal ng panahon nating magkakasama, natuto na din tayong tumayo sa mga sarili natin. Dati takot na takot tayo sa mundo. Ngayon proud na proud na tayong nakatindig at sinasabing, sige i-try mo ako. Isa isa na tayong ready--ready para tumapak palabas ng institusyong kinalakhan nating lahat.

With the future in our hands. So many dreams, so many plans.
Noong June, kaunti pa lang yung naghahanda para sa kolehiyo. Madaming may aftershock pa ng 3rd year life. Maraming ayaw pa magpatuloy, pero wala tayong nagawa kundi maging 4th years. sa pagdaan ng mga panahon, napuno tayo. Naging mga responsableng estudyante. Nanindigan. Nagdesisyon. Unti-unting nangarap. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na nangangarap. Namulat tayo sa kasabihang "libre lang ang mangarap". Bawat isa gusto maging successful. paano tayo magsusucceed kung ayaw nating bumitiw sa institusyon natin ngayon?

I always knew after all these years. There'll be laughter, there'll be tears...
Sobrang naging makabuluhan ang taon na ginugol ko sa high school dahil kasama ko kayo. Hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa. Yung sobrang ang ingay sa science laboratoty nung second year tayo dahil sa mga palaka. Yung tawa tayo ng tawa kay JP na nadulas sa hagdanan. Yung MEYHI chocolate. Yung pagpiyok ni sir Garces. Yung "patingin please" phrase nung retreat. Ang dami kong tinawa kasama ninyo. Hindi ko rin makakalimutan yung mga tampuhan, mga konting awayan at di pagkakaunawaan. Yun kasi yung mga nagpatibay sa samahan natin bilang isang klase diba?

I never thought that I'll walk away, with so much joy but so much pain and IT'S SO HARD TO SAY GOOBYE.

But yesterday's gone, we gotta keep moving on. I'm so thankful for the moments, so glad I gotta know ya. The times that we had, I'll keep like a photograph, and hold you in my heart forever. I'll always remember you.

All is set ika nga. May grad song na tayo. May sosootin na tayo sa graduation. Naannounce na din ang honor students. Pati mga awards na iba ay meron na din. Nagpractice na din tayo for graduation. May papasukan na tayo for college. May plano na tayo for next year kahit konti lang. Araw na lang ang binibilang.

Kaya bago matapos ang lahat, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sa 64 na kaibigan, kaklase, kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kabuddy, naging sobrang saya ko. Di ba obvious? Alam ko alam niyo na sobrang masaya ako. kanina, last flag ceremony na natin yun sa sols, pinilit ko kayong batiin lahat ng good morning. Pinilit kong maging busy kakalibot sa school para manlang malibot ko yun bago mag graduation. Pinilit kong ngumiti buong araw para man lang kahit huli nakasmile pa rin ako sa school. Bukas, walang pasok. Sa biyernes, the end na?

Di bale, alam ko naman na magkikita-kita pa rin tayo. Pero tandaan niyo, lab ko kayo sagad!
Oh siya, sentimental na masyado to. HEHE
Pakinggan niyo na lang grad song natin:


12 years din pala ako naging Selettinian. Ang tagal noon. Halos buong buhay ko sa kasalukuyan umikot na sa sols.

Natatandaan ko pa, noong kinder 1 ako, panghapon ako pumapasok. Hinahatid ako noong dati naming kasambahay. Tapos na homesick ako. Umiyak ako at tumakbo palabas ng campus. Umuulan noon. Wapake ako kung mabasa man ako. Namiss ko kasi yung bahay namin.

Kinder 2 ako, bago teacher namin. Hinanap ko yung dati naming teacher sa bagong etacher namin. Nagaagawan kami sa placemeat na kulay blue tuwing recess. Nakaindian seat kami sa floor during some discussions. Nagsayaw pa ako nung graduation.

Grade 1, dumami ang kaklase. Naalala ko pa nga noong first time ko na meet si Camille, isa sa mga trustworthy friends ko ngayon. Ang sungit pa nga niya nun. Naaalala ko din nung nagkaroon ng leak sa room namin. Tumulo yung tubig from the 2nd floor. Early recess tuloy kami. Naalala ko pa noon pag tinatamad ako sa discussion, gumagapang ako sa lapag, pumupunta ako sa shelves, inaayos ko yung mga libro. naaalala ko din yung mga pagkakataon na sumisigaw yung teacher namin dahil may daga sa drawer niya. Naaalala ko din yung pinalo kami ng teacher namin sa kamay doon sa harap ng klase dahil late kami after break.

Grade 2, First day noong, nag-ayos kami ng kurtina dahil inutusan kami ng teacher namin. Nakilala ko noong yung mommy kuno ko ngayon. Nakilala ko di si top 1 ngaun noon. Sakto lang, only few memories retain. Medyo tinamad kasi ako mag-aral nun.

Grade 3, naexcite ako mag first communion. Pinagpraktisan pa nga namin nung yung haw haw flakes. Parang host kasi yun. Same ang adviser namin noong grade 2. Nagleave si Ma'am kasi manganganak siya. Pinaglihi daw sa kakyutan namin ang anak niya.

Grade 4, kumakanta kami ng iba't ibang songs pero ang lyrics mga rehiyon sa Pilipinas, lugar noon at mga kapital ng bawa't lugar. Para daw matandaan namin agad. Excited din ako noon kasi naka panta na kami noon papasok.

Grade 5, naging sobrang maingay ang science class. Pano ba naman kasi reproductive system ang pinag-aaralan. Alam mo naman ang mga kabataan diba. Nag-usbungan na din ang crush crush na yan.

Grade 6, naging adviser namin yung isa sa idol kong teacher sa pagsasayaw. Ang dami niyang pinapagawa sa amin tulad ng iba't ibang sayaw na practicum at pati pagkanta. Naaalala ko din, intrams noon, nagalit siya sa amin, binasag niya yung mug na may halaman sa desk niya tapos sabe niya hindi daw kami makakapaglaro. Kami naman nagalsahan, sabe namin uuwi na kame, pero in the end, nakagraduate naman kami ng matiwasay.

1st year na, bagong uniform na. Dati blue ngayon black na. Dati tuck-in ngayon TAK OUT na. Madaming nawala sa batch namin noong elem pero mas madami ang pumalit. Eto yung taon na sobrang bumuo ng pangalan yung batch namin. Lahat kasi ng contests pinapanalo namin. Tuloy ang init ng tingin ng ibang year sa amin. pati tuloy adviser namin nakikipagtalo na sa ibang teachers for us. 1st time ko din makapagswimming with classmates ng panahong ito.

2nd year, nagbago ng sections mildy. Naging classmate ko ulit si TABA (Lanz). Dumating sa school si BFF. Bumubuo pa rin ng pangalan section namin. Nagdissect kami ng palaka na hinuli pa namin sa school. Sinorpresa din namin yung adviser namin na si sir Erwin. 21st birtdhay niya kasi yun. Ayun napaluha naman namin siya.

3rd year, medyo ang sarap ng buhay. Ang tibay na ng samahan. Dagdagan pa ng adviser na super lovable. Isama ang competitiveness= tres de san juan. Halos lahat ng pagkakataon na naging 3rd year ako memorable, though di ko kayang i-specify, mananatili yun na lessons for I'd learned a lot from this school year.

and lastly, 4th year. The best year of high school. Hanep sa projects, hanep sa extracurricular activities hanep sa lahat. Lahat ng mga nangyare masaya at todo-todo kasi nga ang iniisip namin huli na ang lahat.

Lahat ng ito ang bumuo sa pagkatao ko. Lahat ng ito ay pagpapaalala kung sino ako. Kahapon lang lahat ng ito. Ngayon ala-ala na lang. Ala-ala ng isang masayang kabataan. Ala-ala ng isang SALETTINIAN. Ala-ala ko, kasama kayo.

tama na nga. Wag na malumbay. :]

Bago pala ako matapos, CONGRATULATIONS SA ATIN SILVER GRADUATES OF SOLS!


Saturday, March 5, 2011

10 down to 10

Ayoko pa sana magblog tungkol dito eh, pero dahil nga udyok ng text ng isa kong classmate eh nainspired naman ako mapost. Eto yung sabe sa text:

A Student life

Ang pinakamahirap at pinaka maimpluwensiyang tanong:
"oi, papasok ka?"

Ang mapanuksong sagot:
"ikaw ba?"

Nakakapressure na sagot:
"ewan ko nga eh"

The best na sagot:
"kapag hindi ka pumasok, hindi na rin ako papasok"

WHICH WILL RESULT TO
"Tara, wag na tayo pumasok!"

At ang mapagkunsinteng pangyayari:
"Buti na lang hindi tayo pumasok. Wala naman daw ginawa eh"

---mamimiss ko ang mga tanong na to
Nagsimulang umikli ang panahon ko sa sols noong mag fourth year ako. Noong pasukan eh hindi ko pa nga feel na fourth year na ako. Mantakin mo, pasukan na bukas ay hindi pa nakaayos ang gamit ko. Feeling ko kasi sobrang bitin ang bakasyon at sobrang hooked pa ako sa 3rd year class ko. Pero wala naman akong nagawa, sa ayaw ko at gusto, 4th year na ako. Mas ok na to kesa bumalik pa ako ng 3rd year. dyahe yun.

Ngayong taon, naganap ang isang pinakamalaking twist sa buhay estudaynte namin. Nagkaroom kasi ng shuffling ng mga sections. Meaning to say, mashed up na ang section namin sa kabila. Noong una, nakakalungkot kasi hindi na kami yung dating Tres de San Juan na magkakasama. Parang nagkaroon pati ng malaking pader sa pagitan naming dating magkakaklase na ngayon ay hiwa-hiwalay na. Pero sa una lang yun.

Naaalala ko pa nga yung first day of classes namin eh. Sobrang tahimik sa classroom. Feeling ko walang tao eh. Nakakatakot din kasi ang adviser namin. Yung prefect of discipline ba naman eh. Pero noong mga sumunod na months ay napalagay na din kami sa isa't-isa. Naging malapit na rin kami. Ang maganda pa doon, naging saksi kami sa pag-angat ng aming classmates na dati ay nahuhuli sa klase.

Ang dami naming mga napagsamahan. Ilang araw din na gabi na kami umuuwi dahil sa kung ano-anong group projects ang ginagawa. Ilang servings na din ng lugaw ang napagsaluhan namin. Madami-dami na ding bananacue ang naubos namin. Madami na ding kabag ang inabot namin sa halos buong araw na pagtawa.

Ang ikinatutuwa ko ngayon ay yung lumawak ang mundo namin. Hindi na lang kami limitado sa mga dati naming kaibigan. Naging close din kami sa kabatch namin. Akalain mo, yung dating hindi mo makausap dahil feeling mo hindi ka niya kakausapin, ngayon eh nahahampas hampas mo na lang. Yun nga siguro ang naidulot ng merge. Maganda, masaya dahil madami!

Nakakalungkot ngayon, dahil patapos na ang 10 months. 10 school days na lang ang natitira. Ang nakakalungkot lang doon ay mabilis lang ang 10 days. Ilang tulog lang yun kung iisipin diba?

Pero sabi nga ng adviser namin, ang graduation ay hindi iniiyakan. Dapat wala sa inyo ang iiyak. Tingin ko, sinasabi lang ni sir to para hindi kami gaano malungkot. Imagine, 12 years ako nag-aral sa school na yun. karamihan sa kanila since elementary ko pa classmates tapos next year hiwa-hiwalay na?

Oo, magkakalapit lang kami ng bahay pero hindi naman ibig sabihin noon na lagi pa rin kaming magkakakitaan. Tulad ko, sa laguna na ako titira for UP, tapos yung iba din, mapapalayo na. Masasabi ko lang, sobrang salamat sa lahat lahat. Di ko alam kung paano ako magpapasalamat pero salamat talaga. Sa inyong lahat, sa 64 na naging classmates ko, at sa lahat ng teachers ko, sa lahat ng schoolmates and friends. Thank You for beeing part of my life.

Sa mga next batches, goodluck

to the SILVER JUBILAREAN BATCH AKA PILAK BATCH of 2011, swerte natin, graduate tayo ng 25th anniversary ng school. Good luck sa atin lahat, mapa UP, UST, Ateneo, UE, Mapua, PATTS, Fatima, CEU o kahit anong school man kayo pupunta, GOOD LUCK!

**cancel ko na yung video upload. ang tagal tagal :]
link ko na lang once ma-upload sa youtube

Friday, March 4, 2011

Career Talk

****Actually, ang career talk na tinutukay ko sa taas ay hindi naman isang pormal na career talk. Naisipan ko lang na yun ang i-title for formality sake.

March 3, 2010, Huwebes, nagtatake kami ng RAT or sige na, para pahabain eh Reginaol Achievement Test. Tantiya ko eh mga alas kuwatro na yun nga hapon. Kasalukuyan nagdiriwang ang aming mga cells nun dahil huling exam na namin yun ngayong school year na nangangahulugan ding huling exam para sa high school life. Natatandaan ko pa naman (dahil kahapon lang yun) ang subject namin nun ay values ed (na napakahirap i-analyze kasi tagalog). Yung proktor namin, itago na lang natin sa pangalang SER, eh nagpapamigay ng fliers ng isang school na itago na lang natin sa pangalang SCHOOL. Isa-isa niya kaming binigyan ng flyers (na kalaunan ay pinalipad naman ng ilan dahil sa kadahilanang ginawa itong eroplano talaga).

Ang ang catch?

Habang binibigay niya yung mga flyers, sinasabihan niya kami na huwag ka mag-aral jan. Depende sa tao. Kapag sa amin na medyo may napasahan na na magandang school ang sinasabi ni SER eh "wag ka dito mag-aral." Kapag naman sa mga nahuhuling classmate namin "Oh, dito ka na. maganda dito".

Oh diba? Natatawa lang akong isipin na first time ko makaencounter ng nagpropromote ng negatibo. Pero kalaunan ay binawi din naman ni SER yung mga sinabi niya. Sinabi niya na maganda naman din daw yung SCHOOL kasi accredited by CHED naman.

So ang katapusan, nag check kami ng papers. 32 over 50 lang ako sa values. Ayos na din. Mukha pa ring mabaet na bata.

At ngayon, two weeks na lang graduation na. At desidido na rin ako kung saan ako lulugar next year. :] at feeling ko walang sense na post na naman.


Sunday, January 23, 2011

Ako ay Nagnilay

Tumatakbo ang oras kahit walang paa. Mabilis. Hindi ko namamalayan. Siguro dahil madami akong ibang bagay na pinapahalagahan na dapat ay hindi naman bigyan ng ganoong kalaking atensiyon. May mga bagay na kailangan gawin ngunit hindi ko na nagagawa dahil inuuna ko ang mga bagay na hindi dapat. May mga bagay na hinahanap-hanap ko pero hindi ko alam, nasa kamay ko na pala. Ang buhay ay sadyang mabilis kung kaya't ako nagpapasalamat kasi sa tatlong araw ay napabagal ko ito.

January 13-15 2011, Huwebes hanggang Sabado, pumunta kami sa hometown ni KESO --> Silang Cavite uipang mag retreat. Nabanggit ko na sa mga uanng posts ko na nagretreat kame pero eto na ang kwento tungkol doon. Isang linggo pa lang bago magretreat pinapaalalahanan na kami ng aming adviser na hindi yun isang outing kung hindi retreat at paulit-ulit ko pang dinefine yung retreat. pati ba naman sa mismong simula ng retreat ay dinefine ko pa. Grabeng tunay.

Sinabi ko sa taas na napabagal ko ang oras. OO. Napabagal in a sense na napag-isip isipan ko talaga yung mga bagay na dapat kong isipin sa loob ng tatlong araw. Sino ba ako? Ano ba ang halaga ko sa mundong ito? Sino ba ang mga tao sa pailigid ko? may dulot ba silang maganda sa akin? O sila lang ay mga sugo ni taning na umaakit sa akin sa kasamaan. Kung iisipin ninyo napakaseryoso naman ng post na ito. Minsan, sa buhay, hindi lahat naidadaan sa kasiyahan. Ang pinakamasarap sa buhay ay yoong malaman ang katotohanan at matanggap yon. Doon magsisimula ang kasiyahan sa puntang natanggap mo na ang katotohanan.

Unang araw, pinipigilan ko talaga ang umiyak sa bawat sharing mga mga ka-edad ko, mga classmates ko. Ayoko kasi maging emosyunal sa harap ng mga classmates ko kasi gusto ko matapang ang aura ko. Pero hindi ko na napigilan noong mga sumunod na araw. lalong-lalo na nung natanggap ko yung sulat na galing sa ate at sa nanay at tatay ko. Though expected ko na na magpapadala sila ng letter, naiyak pa din ako kasi yung content ay hindi ko inaasahan na ganoong kasweet. Sa isang anak na laging nasisigawan, isang masayang achievement at regalo na mula sa isang magulang na laging galit ang isang sweet at emosyonal na sulat. Habang sumusulat nga ako ng reply eh maluha-luha at mauhog-uhog pa ako. Dahil doon nalaman ko na mahal pala nila ang kanilang bunso ng tunay.

Pero hindi lang naman puro seryoso ang retreat. Siyempre mawawala ba diyan yung mga kalokohan? lalung-lalo na sa dorm. Kasi kaming mga boys ay hiniwalay ng building sa mga girls sa kadahilanang madame kami at baka kung ano ang mangyari. Though wala mga chjicks, nakakatuwa pa rin kasi nakapagbonding-bonding kaming mga brothers. Wrestlingan to the mas at tawanan buong araw. Isama pa ang pamorningan na kwentuhan at sabihan ng mga sikreto. Doon tumibay lalo ang samahan namin. Imagine, isang kwarto na pang 3 persons lang eh siyam kaming nagsiksikan. Kasi daw may multo kaya nagsisilipatan kami. Haha.

Eto nga pala yung ibang fun shots noong retreat. uwian na lahat yan kasi kinuha lahat ng gamit namin noong pagdating namin at ibinalik noong papauwi na kami. Wala tuloy kaming pic ng mismong activities namin na lumusong sa imburnal ng nakablindfold. Ang saya sobra.


Kung ano ang ikinabagal ng oras dahil nakilala ko ang sarili kio, ganoon naman ito naging kabilis dahil tatlong araw namin ay tapos na. kailan kaya ulit ako makakapagretreat? Siguro huli na to. Sobrang napakasaya ng tatlong araw na ito dahil nakasama ko yung mga classmates ko sa pagninilay ng mga bagay-bagay. Noong pauwi na nga kami parang ayaw pa naming lahat. Eto na kasi ang naghuhudyat na malapit na. Ilang araw na lang. Isang hapon na ng marso. Lalakad kasi sa hall na nakaputi. Bumibilis na ang oras.

Wednesday, January 5, 2011

Pinakahihintay


January 3, 2011 ang nabasa ko noon sa website nila na irerelease daw ang result ng UPCAT. So January 2 palang eh tense na kaming lahat at nagaabang na ng pagpasok ng 3 para makita ang results ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test). Matagal din main tong hinintay. 5 months kaming clueless kung ano na nga ba ang resulta ng entrance exam namin.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang eh ipinost ko ang Kwentong UPCAT ko. Ngayon eh lumabas na ang resulta.

Pero bago ko sabihin ang resulta, nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin lumakad ng papers ko for UP, at the same time sa review center at sa ibang mga sources. Di niyo naman toh mababasa pero salamat pa rin.

So ayun na nga. Kinabukasan eh nabalitaan na yun sa school ni Miss Fat. (sa mga di siya kilala, siya yung teacher ko sa English na nagbabasa minsan dito at minsan ko ng nagawan ng entry) at tiningnan nila sa internet sa school at ang sabi ay naiba daw yung January 3. Naging 1st week of January daw. Takte naman. Pinaeexcite kami lalo. Pinasasabog ng UP ang kabado naming mga puso.

Kinagabihan ng January 3, piniem ako ng kaklase, 10pm daw ang release ng results. Nagtweet daw yung taga-UP na admin. So at yun nag-abang na kami ng resulta sa website. Takte 10:30 na eh di pa rin lumalabas yung resulta. Sabe daw sa tweet eh baka daw before 12 pa daw or worst scenario eh January 4 pa raw. Di ko na hinintay. Natulog na ako. Nagpray na lang ako.

kinabukasan, paggising ko ng alas sais para maghanda sa pagpasok sa school eh binuksan ko ang PC at titignan ang result. Pag-open ko ng site, walang result akong nakita. First week pa rin ng January yung naandoon. Clinick ko yung mga mirror sites. ABA MERON NA! Kinabog ang dibdib ko sa kaba at excitement.

Hanap hanap ng name range.
ST.....
Su...

At eto ang sumunod kong nakita :

(malabo yung pic. Dito na lang po yung link -> UPCAT 2011 RESULTS)

Ang una kong nasabi ay ang isang "UI PUMASA AKO" with the tone of bagong gising na walang feelings. Sobrang natuwa ako niyan pero ang hirap magexclaim pala pag bagong gising. Tinawag ko agad ang mommy at papa ko at natuwa naman sila sa result ng exam ko.

OMG Los Baños is so far. Ibig sabihin malalayo ako sa pamilya ko ng 5 years? independent na ba ako next year? saan ako titira? Pero ok lang. kaya ko yan lahat for UP. YES I'M PROUD TO BE UPINIAN. Sa UP na talaga ako mag-aaral for sure.

I survived UPCAT 2011. Tulad nga ng wish ko noong una akong makapunta sa UP, babalik ako at eto na ang passport ko. BABALIK NA AKO, UP!

Ang saya ko!

Thank You Lord for making me Pass this University! :]

Thursday, December 2, 2010

Last Field Trip for HS

It's been a while since I last updated my blog. Sorry for that. OMG ayoko na po umenglish. HEHE. yeah mga 1 week na din nagkanet pero 1 week din wala maiblog.

Anyways, since past na yun at ang mahalaga ay may kwento ako so ikwekwento ko
na nga. Eto na nga.

Last November 29, 2010, nagkaroon kami ng field trip sa school namin. It's no ordinary stories to be heard sa mga panahon ngayon dahil ngayon ay field trip season. Actually, normal trip lang naman talaga ito para sa amin mga tumatandang estudyante dahil madaming trips na rin ang nasamahan namin. Ang nagpaimportante lang dito eh dahil HULI na ito sa buhay namin bilang mga high school. Nakakalungkot nga kasi hindi pa lahat sa amin eh sumama. Ayus lang, we have retreat pa naman eh pero it's another story.

Ok. Pumunta ang school namin sa Subic, Zambales, ang pinakahot ngayon para pagdausan ng mga field trips. We went particularly sa Ocean Adventure, Zoobic Safari and Duty Free. (Alam niyo ba noong araw ng field trip namin eh doon mismo tumaya sa duty free yung nanalo ng lotto? TSK. Sana ako na lang hehe)

Back to story. Ang usapan sa school eh 5 o'clock daw ang alis and guess what, 5 am dumating ang mga bus. Pero ayos lang. We make the most of out time KODAKING ourselves sa madalim na gym ng school.
Here are some samples:



And then after that, nagstart na ang medyo mahabang byahe from Bulacan to Subic. Hindi naman naging boring ang aming byahe kasi napakakwela ng aming tour guide. Ang dami niyang trivias. Bawat madaanan eh may trivia. Tinanong ko nga siya kung hindi ba siya napapagod, hindi naman daw. Sa tingin ko kaya ko din mag daldal ng ganoong kadami/katagal since madaldal naman akong tao. (in a good way)

Sa Ocean Adventure, meron kaming 4 shows na napanood. Yung una yung sa Sea Lion Marine Patrol. Actually, pagpasok nung Sea Lion, naawa ako sa kanya. Parang pagod na pagod na kasi siya pero he never failed to impress me. Napakahusay na nilalang. Sea Lion na dumidila, nangkikiss, kumakaway at nageexhibition for the sake of a fish. TSK

Next naman eh yung Dolphin and Whales show. Yun naaliw lang din ako dahil isipin mo, mga dolphins naglalakad sa tubig. Ang cute nila. Parang si Dollie sila sa Agua Bendita. Tapos may show din na nagtratrapaulin sila something like that at yung last eh yung sa Jungle Survival.

After that, kumaen na kame ng lunch na provide ng Ocean Adventure then byahe na papunta sa Zoobic Safari.

Sa Safari, puro hayop lang naman din ang makikita mo. yung pinakaexciting na part na CLOSER ENCOUNTER kung saan nakasakay kayo sa jeep tapos hahabulin kayo ng Tiger eh naging boring sa amin. Di na kasi kami inallow na bumili ng pagkain pampahabol sa Tiger kasi over fed na daw yung mga Tigers kaya medyo boring. nakakapagod lang maglakad lakad sa zoo.

And the happiest moment is the bus ride. Super enjoy kami to the point na lahat kumakanta. Flash dito, flash doon. Parang wala ng susunod. Ay, wala na nga pala talagang kasunod yun. Maybe sa college pero that will be another story.
I really enjoyed the trip lalo na sa bus. At lalong naging enjoy pag naiisip ko na last na to. Next year siguro ibang field trip na ang ikukuwento ko.

Wednesday, November 17, 2010

Thesis

Eto na nga, dumating na ang isa sa mga bagay na medyo pressuring sa part naming mga seniors. Dumating na sa kaisipan ng teacher namin na oras na upang gumawa ng thesis tungkol sa ilang mga socio-economic problems sa Pinas. Since economics ang subject namen eh siyempre kelangan tungkol yan sa ekonomiya at siyempre kelangan hindi basta-basta na lang baliwalain kasi one of my favorite subjects is history. Ang kaso ang hirap niya talaga to the infinite power.

Brainstorming mode pa lang kami. Siyempre may mga previous batches na na nauna samin so parang ang panget kung pareho ng topic diba. So halos lahat ng magandang topic eh nakuha na. 6 groups pa ata kami sa seniors so isa pang problem ang pag-uunahan namin sa mga topics na yun.

Isa pang daing, ang mahal niya. Magpapabook bind, magreresearch, heavy printer works, labor, meryenda, transportation. Ang sakit sa bulsa.

Pero on the other way around naeexcite naman ako. May freedom na kasi kaming pumunta sa kung saan lugar para mag-aral sa mga bagay-bagay na yun. Ang sayang experience nung magiinterview kayo at sama-sama kayong magpupuyat sa iisang bahay para gawin ang thesis ninyo.

Di bale konting tiis na lang naman at discharge na kami sa high school. Konting sakripisyo na lang hawak na namin diploma namin. Naks naman.

So wala lang, naisipan ko lang isulat toh.
Anyways, ang lesson naman eh "Kung may tiyaga, may diploma"
Have a nice day!

Saturday, September 25, 2010

Ayoko na mag-aral.

Gigising ng umaga, kakaen, maliligo, magbibihis, maglalakad papuntang sakayan ng tricycle, papasok, buong araw mag-aaral, laro saglit, uuwi, kakaen, magppc, matutulog at sa uulitin nanaman.

Nakakapagod nuh? Pasok ka ng pasok at ganun din ang routine na ginagawa mo, wala namang sweldo maliban sa baon na pilitan pa ang paghinge ng increase. Exam n
g exam. Buwan buwan na lang. Basa ng basa, gawa ng gawa ng projects, recite ng recite.

Ganyan ang outlook ko dati sa pag-aaral.

Hindi ba mas masarap yung nakahiga ka lang sa bahay ninyo at nanonood ng tv habang hawak ang cellphone at nagtetext sabay kain ng chichiria?

Hindi ba mas masarap tumambay na lang sa kanto, nonstop kwentuhan sa tropa, laro dito laro doon?

Hindi ba mas masarap mag palamig sa mall, sabay tambay sa timezone or tom's world o kaya ay mag window shopping?

Oo. Masarap nga ang ganitong buhay. Pero sa una lang ito masarap. Ika nga eh pansamantalang kaligayahan.

Nakakakonsensiya sa tuwing may naririnig akong out of school children na gustong-gusto mag-aral tapos ako, nag-aaral na nga eh nagrereklamo pa.

Sinampal ako ng aking kahihiyan nung makita ko itong pics na ito ito: (hindi ito yung actual na nakita ko dati pero somehow ganito din yung itsura)


Naisip ko, mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi bukas maayos ang buhay ko.

Mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi may mapaghuhugutan ako ng lakas sa mga susunod na araw.

Maswerte tayo, nag-aaral tayo. Eh sila? Pinipilit lang nila na makapag-aral.

Sabi nga ni Warren G. Bennis

Excellence is a better teacher than mediocrity. The lessons of the ordinary are everywhere. Truly profound and original insights are to be found only in studying the exemplary.

So ngayon, bigyan nyo ako ng chance sabihin na, GUSTONG GUSTO ko mag-aral :]

Tuesday, September 21, 2010

Contest lang, walang personalan.

PAUNAWA
(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyong malawak na pang-unawa. Salamat)

Sa buhay ng pagsali sa mga patimpalak, may magagaling, may hindi. May mapanggulat, may normal lang. May praktisado, may nagkakalat. Higit sa lahat, may nananalo at natatatalo.

Ilang beses ko ba kailangan i-post ang ganitong klase ng blog entry? Paulit-ulit na lang ang nangyayari. Laging may aberya. Laging may nakakabangga. Laging may nagagalit. Kung hindi kami, sila. Ganun na ba talaga ang mga pinoy? Hindi na nakuntento sa resulta. Tulad na lang sa loob ng classroom, pag walang ginagawa nagagalit. Pag masyadong madaming ginagawa nagagalit pa rin. Siguro kaugalian na talaga yan ng mga Pinoy.

Ayaw ko na sanang magpost pa tungkol dito dahil alam ko maraming masasaktan, lalung-lalo na kayo (sorry po). Pero ayoko din naman na basta na lamang tanggapin lahat ng feedback na maaaring marinig ko at basta na lang dedmahin lahat iyon. Medyo unfair din naman para sa amin yun kung pagbabasihan ang freedom of speech namin.

Kung sa husay at koordinasyon at kung anumang kriterya na mauugnay sa galing, aaminin ko, bilib talaga ako sa kakayahan ng aming kalaban. Napakahusay ng pagkakagawa ng kanilang sayaw, mula sa entrance, sa pagtakbo, sa formation, sa BEAT at sa lahat. Hindi ko nga ineexpect na kami pa ang makapaguuwi ng papremyo noong araw na iyon dahil alam naman namin sa sarili namin na walang panama ang sarili naming production number sa kanila. Simple lang na ethnic dance ang samin with the touch of modern. Ni walang ka beat beat, ni walang gaanong audience impact na narinig, ni walang buhay ang audience habang sumasayaw kami.

Kung sasabihin man po ninyo na pinagbigyan dahil 4th yr na kami at paalis na kami sa school na yon, kung ito man talaga ang dahilan ng pagkapanalo namin, mas gugustuhin ko pa na huwag na lang manalo. Katulad ng kalaban namin, ilang linggo din kaming naghanda para sa laban na iyon. Ilang linggo na rin kaming nagtitiis tulad nila. Hindi naman po siguro tama na sabihing paalis na sila kaya pinagbibigyan. Masakit din sa loob namin dahil nageffort din kami pero alam ko na MAS nag effort kayo kaysa sa amin.

Lumaban kami dahil may kagustuhan kaming manalo pero hindi naman inaasam ang pinakataas o ang number 1. Gusto lang namin na enjoyin ang mga nalalabi pang araw namin sa eskwelahan. Kung nasaktan man po kayo sa naging desisyon ng mga hurado, eh hindi po ako humihingi ng tawad dahil wala naman kaming kinalaman sa pagkapanalo namin. Hindi ko rin sinisisi ang mga hurado sa nangyaring ito. Hayaan na natin sila. Ang mahalaga, nagperform kami, at nagenjoy kami. Wala ng sisihan. Tapos na. There's no other way but forward. Ika nga sa physics eh mag accelerate ka, or mag free fall ka downwards. Let's all learn from this.

Monday, August 30, 2010

1 Grading Down. 3 to go.

Kahapon, kinuha na namin ang card namin for first grading at dahil doon, eh naeexcite nanaman ang aking nanay na malaman kung ano ang rank ng kanyang anak. Lage na lang sila nageexpect na makakasama ako sa rank at dahil ayaw ko naman silang biguin eh ginagawa ko pa rin lahat ng makakaya ko para lang hindi sila madisappoint.

I ranked 3 among 65 seniors sa school namin. It's not bad. I mean masaya na ako para doon pero they keep on telling me na kaya mo pa yan habulin. 88.92 ka, yung top 2 eh 88.94. Kaya mo pa yan. Wag ka na dapat mawala sa rank mo. PRESSURES.

I just told them last night, "It's not about the grades naman. it's about the learnings". I admit, Medyo nakakapressure sila dahil mataas ang expectations nila sa akin dahil kinocompare ako sa ate ko na consistent top 1 nung hs siya. Ang sakin lang, ayos na din ang rank ko. Ang mahalaga natututo din naman ako.

Alam din naman ng top 1 at 2 ang f(x), domain at range? Ganun din ang Free Fall at Projectile motion? Pare-pareho din naman kaming nagimpromptu speech sa english, pare-parehong nag rerecite, nakikinig at naglilibang. It's ok. Pare-pareho naman kaming natututo. Hindi na din masama diba?

pero kung papalarin, at makakaangat pa eh Thanks God. Kung hindi naman, Thanks God pa rin. Sabi nga sa Gospel kahapon, "Ang mga nagpapakababa at itataas at ang mga nagpapakataas ay siyang ibababa"

OK. Ganito na lang. LUKEANS let the healthy competition begin :)

Saturday, August 28, 2010

Linggo ng Wika 2010

Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung anu ba ang iyong mga naging pagkukulang.

Sa buhay, hindi kailangan na perpekto ka. Ang perpektong tao ay katulad din ng walang alam--walang alam kung hindi ang tama. Walang alam kung hindi pilitin ang sarili na maging tama. Ang labas-- pagiging mayabang.

Tulad na rin halimbawa si Miss Universe 2010 4th Runner up Maria Venus Raj sa kanyang "MAJOR MAJOR..THANK YOU THANK YOU" na banat. Hindi man niya naiuwi ang pinaka-korona, natuto naman siya sa kanyang pagkakamali diba? Ang maganda pa doon, hindi siya napipikon dahil tanggap niya na ang pagkakamali na iyon ay normal.

(*Ang haba ng intro.. Sige na kwento na ako.)

Noong last July, kami ang nanalo sa Nutri-Jingle competition sa school namin, maging ang mascot making. Sobrang naghanda talaga kami noon. Kahapon naman, may isa nanamang kompetisyon sa school namin, ang SABAYANG BIGKAS.

Kung tutuusin, sobrang kulang ang oras namin magpractice. Hindi kami pinapayagang magpractice tuwing may klase kaiba sa mga kalaban namin sa mga lower years. Madami pa kaming ginagawa, lesson plans, CAT etc. Pero kahit ganoon na nga ang nangyari eh nagawa pa rin naming makapagtanghal.

Inaamin ko, hindi namin makukuha ang title ngayon bilang panalo kasi alam ko na gahol kami sa oras. Mismong araw na nga ng kompetisyon eh hindi pa namin tapos ang sabayang bigkas namin pero naging masaya naman kami.

Iyon naman ang mahalaga diba? Ang pagiging masaya sa bawat ginagawa mo, maging panalo man o talo, basta'y sama-sama at masaya, solve na.

Dahil dito sa nangyaring kompetisyon na ito na medyo nagkalat kami ng kaunti, natuto kami. Natuto kaming magpahalaga sa oras at bigyang importansya ang bawat bagay na gagawin namin. Iyon naman ang kailangan. Aanhin niyo ang napakaraming parangal kung wala kayong natututunan?

Basta, kahit anu man ang maging resulta, mahal ko pa rin kayo LUKEANS :]

Enjoyin na lang natin ang mga susunod na buwan. saglit na lang, madidischarge na tayo sa high school :)

Sunday, August 22, 2010

USTET Experience

August 22, 2010, ngayon yan, ay nagtake ako ng isa nanamang college entrance test sa isa nanamang university na kabilang sa tinatawag na BIG 4. USTET nga ito or mas kilala din sa tawag na University of Santo Tomas Entrance Test. Ayon sa mga rumors bago pa man ako mag exam sa UST, mas madali daw ang USTET kaysa sa UPCAT pero may isang distinction ang USTET--panalo sila sa mental ability test.

Umaga pa lang, nagprepare na ako. Umaga kasi ang test ko so need ko pa sumakay ng bus papunta ng manila at this time, solo na lang ako. Ayaw nila ako samahan. Sabe nila "Bakit magpapasama ka pa? Ang dali lang pumunta dun. Paano ka niyan magcocollege?" At dahil ouch nga naman ang statement na yan at dahil na din naghahanap ako ng feeling of independency ay mag-isa akong lumuwas ng Maynila bitbit ang test permit, at ilang mga baon. 1st time ko bumyahe mag-isa pa Maynila, na sasakay ng bus at dadaan pa ng NLEX pero thank God nakarating ako sa UST ng safe at MAAGA pa. Early bird talaga ako.

Lakad, lakad, lakad. Feeling ko ang galing ko. Kasi naman wala akong ibang nakikitang mageexam na mag-isa lang. Lahat sila may moral support. Yung iba kasama pa ang buong pamilya, san ka pa. Ano to reunion? Pero on the other hand, naiinggit lang talaga ako sa kanila. Bitter ako dahil wala akong kasama LOL.

Dahil ayoko mag mukang tangengot, nag asta naman akong confident habang naglalakad. Yung feeling ko kabisado ko yung loob (pero medyo talaga. Doon graduate si ate) pero hindi naman gaano. At last, nakita ko din ang building na pageexaman ko, as usual sa mga ganitong pagkakataon feeling star struck audition ang mga testing centers pero since kami naman ang star eh deretso na kami agad sa loob. Konting akyat ng hagdan, PRESTO. Nasa tapat na ako ng room ko sa may third floor. Gusto ko na sanang tumalon sa baba pero hindi masyadong maganda ang babagsakan. Wag na lang. Sayang ang sandwich na dala ko. Medyo huming-hinga muna ako saglit. Akala ko kasi may pila pa. Pagsilip ko sa room may ulo kaya ayun pumasok na ako. Waaa.. konti ng tao, pero ang cute ng proctor ha. :)) (students ng ust ang proctors)

Bago mag exam, nakailang cr din ako. Ang lamig kasi eh sa room. Nahiya naman akong magjacket kasi mahahalatang poor ang resistance ko sa lamig kaya bahala na. 50 heads per room, absent ang dalawa samin. Lahat ng nasa room halos lahat kami lalaki 3 lang ang babae. Puro engineering aspirants kami lahat.

Pagkabigay ng test instructions, ayon nagsagot na kami. Una yung parang IQ test siya, measurement daw kung gaano kabilis mag-isip, pure common sense lang pero ang iksi ng oras. 80 items for 30 minutes. Bitin. Di ko tuloy natapos. Hanggang 62 lang nasagutan ko. Next doon yung English na medyo may kahirapan kasi vocabulary ang focus ng halos lahat. Weak pa naman ako dun. Sana error identification na lang like upcat. Sumunod naman yung math, madali siya compared sa upcat pero bitin din ang oras. 60 items for 45 minutes lang. Last yung science, madali lang din siya.

Pagkatapos ko lumabas ng testing room ko, pinuntahan ko ang classmate ko sa may kabilang ibayo ng building. Swerte ko, may kasabay na ako umuwi at kala ko uuwi na kami, may libre inasal pa ako. Birthday niya kasi. Ayos guud!

After that, umuwi na kami at pag dating ko sa bahay, bulagta. Kapagod ang biyahe :)).

Sana pumasa din sa UST para may second choice campus if and only if ma reject sa UP.

2 down. 1 more. See you mongol 2 pencil sa OCTOBER :)) MSAE naman. (Mapua Scholastic Aptitude Test)

Friday, July 30, 2010

Move on. Fourth Years na tayo...

*This post is dedicated to my dear SILVER JUBILARIAN 2011 BATCHMATES

Sobrang malaking pagbabago ang naganap ngayong taon na to. Yung dating two sections natin from 1st-3rd year eh narambol rambol. Nagkahiw
alay na yung mga dating friends. Mahirap mag move on pero ano ang magagawa natin? Let's just accept the fact that we are not classmates anymore. Anyways may mga times na merged class naman tayong mga seniors.

Sobrang namimiss ko na yung dati nating samahan. Yung mga tawanang wagas sa tuwing gumagawa tayo ng mga kung anu-anong preparations para sa school activities, pero ngayon iba na. Magkakalaban na tayo ngayon pero besides that fact, ramdam ko pa rin na solido pa rin tayo.


Nakakamiss ang buhay third year lalo na sa advisory class ni MISS FAT. Nakakamiss yung may adviser ka na, may kaibigan ka pa, (may nanay ka pa :)) ). Nakakamiss yung super kulit na adviser mo dati, pero iba na ngayon. W
e need to train ourselves dahil sa college mas lalong walang mga ganitong mga basta.. walang ganito sa college.

Resto modes, Gigolo modes, LAUGHTRIP modes kahit sa kalagitnaan ng klase EVERYDAY. Idagdag pa dito ang weekend gala sessions natin. Isama mo na rin ang mga overnights project making. Yung tipong 1 1/2 lang ang tulog niyo tapos papasok pa kayo kinabukasan dahil ayaw niyong mapagalitan.

I really miss III- St. John 09-10. I really miss MISS FAT. I really miss that SPECIAL SOMEONE in my life. I really miss you. I want you all back but sadly, I can't. I am not superman, batman nor the god of time. I am just a mere "Louie" , that student wearing glasses, that can't do anything but sigh and reminisce those times when we're together.

Emo?

OO. Sige ako na emo. Nakakamiss kasi tulad kanina
may event sa school tapos nakakainggit yung all around support and cheer ng dati naming adviser sa new advisory class niya. (I'm not telling our adviser isn't cheering us much. HE IS. In a different manner) Somewhat nakakalungkot at nakakainggit pero we need to be strong at pigilan ang mga emotions na maaaring magpahina sa atin. Sabi nga din niya sa isa niyang post sa facebook kht d nmn aq advsr nio lab q pah dn kau lahat!..kylangn tlga nten mg-muv on sa buhai.haha.

It's really hard to magmove on lalo na kung masyado kang rooted sa isang bagay/tao o events. Kasing hirap ng pagtransplant sa isang puno na nakaugat na sa isang lugar sa mahabang panahon at tinibay na ng mga bagyo na nagpatatag sng a pagkapit ng ugat nito. Pero may paraan din naman na iba. Pwede namang stem cutting na lang diba? Yung tipong nakaugat ka pa rin sa tao na yun pero puputol ka lang ng sanga para itanim sa panibagong lugar.

I an really getting so emotional kaya so much for this one. All I can say is that, St. John 09-10, kahit na magkakaiba na tayo ng classes and at the same time magkakahiwalay-hiwalay na tayo, lagi kayong nakaugat sa puso ko gaya ng isang punong pinagtibay ng mga bagyong dumaan. Love you all.

Eto yung isang pic namin. Nakakamiss :[


Friday, July 23, 2010

TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging Friday

Hay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad sa higaan ng walang ibang iniisip kundi tulog tulog tulog. Anyways eto ang weekend kwento na ewan ko ba kung bakit mo pa binabasa ngayon. Pero kung wala kang magawa at sa tingin mo ay gusto mo pa magbasa eh proceed na sa susunod na paragraph.

Last Saturday, Last review session ko yun sa standards review center somewhere sa commonwealth near Philcoa at kung alam mo yung EVER eh ilang tumbling lang yun doon. So far madami naman akong natutunan sa 5 weeks (45 hours) + 1 sunday (5 hours) na review session na yun for preparation sa UPCAT. Pumasok ako sa review center na yun na para akong baso na kalahati lang ang laman. Pag labas ko ay naging 3/4 na ang laman plus nagkaroon pa ng flavor XD (chocolatte flavor yung katulad nung nasa vendo don). Ganyan ko maicocompare ang help ng review na yan para sa preparation ko for UPCAT. I would like to share na din yung result ng dry run exam namin. So far so good and happy naman ako para sa result. I ranked 26 out of 130+ na nagtake ng dry run. Yipee. natuwa lang ako. Unexpected kasi alam mo yun yung nangangamote ka na lalo na sa math tapos nagpapawis pa yung kamay mo tapos sobrang lamig wala kang jacket at nabrabrain freeze ka na eh nakakuha pa ng ganyang rank. Pero hindi dapat ako makuntento diyan. Review more--kahit self-review lang.

Nung monday naman eh binigyan kami ng task ng aming teacher sa English na si MISS FAT (alam ko mababasa niya toh. Nagbabasa siya ng blog ko whahaha) gumawa daw kami ng prepared speech kasi kasama sa english subject namin yung public speaking. Dapat daw kabisado kahit papaano tapos sa podium atmay mic pa. Kabado, nagprepare pa rin ako at dumating ang araw ng performance (kahapon) super nanginig ako habang naiispeech pero nadeliver ko naman ng maayos at pinagperform ulit ako (pati yung iba kong classmate) sa harap ng lahat ng 4th years. Doon ako namental block ng husto. DAmi nga njilang rumors eh kasi medyo tinamaan ng topic na FIRST LOVE ang speech ko. kaya daw ako namental block kasi nandoon daw si FIRST LOVE. Mga tao talaga.

Bukas din meron kaming Acting workshop. Actually para lang yun sa theater arts club ng school namin pero ininvite kami ng moderator na si MISS FAT kaya it's a plaesure at nakakahiya naman na tanggihan yun. I want to learn more naman din sa field ng acting para naman hindi lang so-so yung mga talents (singing?, dancing?, acting?, drawing?, Playing musical instuments?) ko. Kailangan madevelop din sila diba? Nagpreprepare kasi yung club para sa nalalapit nilang play production na HAMLET at gusto ko maging part nun. Maganda yun!

Kanina din, nagalit yung French teacher namin, ayun minus 5 kami sa quiz kanina na 15 items na hindi tapos. Tsk. Kakaasar kasi mga classmates na epal. Sarap isilid sa locker. Haha

Yun lang. Kwentuhan ko lang kayo at umapdate na din. Nabubulok na kasi blog ko :))
Ingats. Next time kwentuhan ko kayo ng PAGIGING TEACHER ko :) oo, teacher nga!

Friday, July 2, 2010

Nadapa ako

"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."

TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistema ng pangangandidato, simula't sapul noong nagsimula akong kumandidato para sa school student body org namin nung grade 4 ako.

Kung tumatakbo ang term, siguro akma namang gamitin ang NADAPA diba? Obviously, NADAPA ako sa eleksiyon ngayon kung kaya ay naungusan ako ng mga katunggali. Masakit din pala ang madapa nuh? Pero dapat lang naman na minsan sa buhay mo ay madapa ka naman ng matuto ka huminto sandali at tumingin sa paligid mo kung anu na ang nangyayari.

Hindi ito ang unang beses kong pagkatalo sa eleksyon sa school namin. Eto ang PANGATLO. Pero ito ang unang beses na natalo ako sa pagtakbo sa high school. Kadalasan ay noong elementarya pa ako.

Iba't iba ang basehan ng mga estudyante sa pagboto, at sa tingin ko, may mas makagagawa pa ng mas mahusay sa kaya kong gawin kaya sila ang nanalo. Mas ok silang leader.

"Louie.,...Louie... I'm so sad. :( I want you in my group. I can't do it without you..." Sobrang na touch ako sa sinabi ng presidente ng partido namin nung inapproach niya ako matapos maproklama ang mga nanalo. nasabi ko na lang "It's ok. Try working with a new set of friends. I'm ok. Don't worry"

Natotouch din ako sa mga taong nagaapproach sakin at nagsasabi na sayang kuya binoto pa naman kita. Ang daming tao din ang lumapit sakin. Sa tingin ko with that, panalo na din naman ako. Nakaalis ng sama ng loob honestly yung mga taong yun. Nakapagbigay ng ngiti sa mga labi ko, at nagpalakas ng loob ko.

Positively, ok lang naman kasi officer naman ako ng desired club ko-- computer club. Saka bawas stress din kasi walang masyadong iisipin sa KANLUNGAN.

Hindi man ako officer may magagawa pa rin ako--at lahat tayong mga salettinians. Sa mga calssmates/ schoolmates na makakabasa neto..salamat sa tiwala niyo.

Thursday, July 1, 2010

Bloggerong Politiko :

Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talaga bang may tiwala pa sa kakayahan ko ang mga schoolmates ko. Umaga pa lang pawi sna ako. Oh my, momay, kabado ako habang nakahanay sa CAT namin at nakatikas pahinga :]

Alas otso ng umaga nagstart ang election. Unang bumoto ang section namin, particularly kaming mga boys. Tahimik akong magisang naglalakad papunta sa precint ng election at nagiisip kung paano kung matalo ako? Anu naman ang magagawa ko pa pag nanalo ako? At biglang sumigaw ang Board of inspectors sa di kalayuan. "DOUBLE TIME!" Naputol ang pagiisip ko.

Kumuha ako ng papel, humanap ng upuan, tumingin sa listahan ng mga iboboto sa harapan, tinanggal ang takip ng ballpen, medyo mga half a minute bago ako nakapagsulat. Drama nu, ewan ko ba iba ang takbo ng utak ko kanina, straight naman ang iboboto ko dahil loyal ako sa party ko, bakit nagiisip pa ako. Matapos isulat ang pangalan ng mga kapartido ko, kabilang ang akin, itinupi ang balota, nag thumb mark, hinulog sa ballot box, presto! Nakaboto na ako. Even though manual elections lang, di naman kasing gulo ng automated kung saan madaming tao. 10 lang ata kami dun sa loob ng presinto.

Clueless ako kung ano ang magiging resulta, even though may naririnig akong mga runors na mga panadalo DAW, ayoko muna mag jump into conclusions. May bukas pa, at bukas iaannounce ang mga panalo.

Sa mga mananalo, sana ay magampanan ng bawat isa ang mga gawain ng isang lider. Sa mga matatalo, nawa ay magampanan din ang tungkulin bilang miyembro ng organisasyon. Walang lider kung walang miyembro.

Para sa mga bumoto at nagtiwala sa kakayahan ko, salamat sa inyo. Sana manalo tayo. :]

Tugtug, tugtug LORD manalo, matalo, sana maging mabuting leader pa rin ako, hindi man sa buong school namin, kundi sa bawat galang ko :]

Tuesday, June 29, 2010

Point of Information Mr/Ms Speaker...

Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2 parties sa High school department. Ewan ko ba sobrang parang ang ganda ng laban, balanced kasi ang pagkakahati ng speakers per party. Ang proposition pala ng debate namin ay
Resolve that social networking sites can promote values.
Napunta sa amin ang government which means ang stand namin ay YES, We agree that social networking sites can promote values. Medyo nabuhayan ang dugo ko kasi akala ko iikot lang yun sa facebook, friendster, myspace lang. Buti na lang at sinabi rin ng facilitator namin na si Ms. Fat (Hi Miss Fat!) haha nagbabasa kasi siya minsan dito, anyways sinabi niya na kasama ang BLOGSPOT. This is it. napuno ang utak ko ng mga gusto kong i-share sa buong madlang pipol ng eskwelahan namin tungkol sa blogger at siyempre nagvolunteer na akong mapasama sa 4 speakers ng party namin.

The event goes this way. Una nagtoss coin, heads kami so if ever na heads ang lumabas, sa party namin magstart ang first speaker pero since tails ang lumabas eh sa kanila ang unang banat. 9 chairs face to face sa stage na sa tantiya ko at 2-3 feet ang taas. Estudyanteng sa tingin ko ay nasa 200+, ilang mga guro, isang madre at apat na mikropono. Let's get it on!

Una nilang tinira na sa social networking daw eh nawawala na yung sense ng real communication kesyo dapat daw eh dapat personal, siyempre bumanat naman ang president namin ng POINT OF INFORMATION blah blah blah. Madaming thoughts so sunod sunod na yun. We have 3 minutes na makapagsalita ng walang makakasawsaw at 5 minutes butting in.

Let us hear from the second speaker of SMILE Party, Mr. Louie Renz Sucaldito.

Honestly speaking, kinakabahan din ako nung mga panahong iyan, kahit bi-lingual na ang gamit ko eh parang ang hirap pa rin pero siyempre dahil nga inspired ako sa blogger eh ayun, kinuwento ko sa kanila na sa blogger, na isang social networking sites, matututo kang MAGSULAT, malalaman mo ang SALOOBIN ng bawat isa. In other words freedom of speech. Eto sa tingin ko ang kaibahan ng pagbloblog sa ibang social networking sites. Walang madaming interaction. Ang nangyayari lang eh usap-usap sa chatbox, comments at pagshashare lang ng mga saloobin. Di pa rin naman nalalayo sa kahulugan ng SOCIAL which means between person diba. Tao din naman ang mga bloggers right? So we are connecting. Plus idagdag pa dito ang confidence ng bawat bloggero na ilathala lahat ng gusto nila with due respect sa tinatawag na NETTIQUETTES.

Sabi naman ng isang classmate mula sa kabilang ibayo, Bakit pa daw kailangan ng blog kung pwede namang mag DIARY.

Sa akin naman, Iba ang diary sa blog. Ang diary is for yourself kaya nga diary eh. Kung public diary edi parang blog na din yun or story diba? Kung diary may value ba ng confidence at freedom of speech doon? Ang diary kasi ay more on your feelings na hindi mo kayang sabihin sa iba kaya sinusulat mo na lang right?

Isa pa, nadamay pa ang name ng blog ko, anyways that's another story.

So much for this debate. Tama na. Move on. Sa thurdsday na lang, ika nga ng blogger schoolmate na si VANESSA or BHENIPOTPOT dito sa blogosperyo nasa dulo daw ng kamay ng ballpen ang magiging resulta. (kamay ng ballpen?) haha.

Thank You Bhens sa pagtangkilik :] at sa pagpalakpak kanina habang naginginig ako sa harapang nagsasalita. Nung debate ba yun o nung intro? Basta salamat.

Politika, mahirap ka ha, swear! Pero kakayanin kita!