Showing posts with label 2010. Show all posts
Showing posts with label 2010. Show all posts

Friday, December 31, 2010

Last Words for 2010

Akalain mo, magsusulat nanaman ako ng last words para sa taong ito. Parang Kailan lang eh sinulat ko yung Last Words for 2009 ko tapos ngayong napalitan ng 2010 yung 2009. Ang bilis ng panahon talaga. Parang bawat araw na dumadaan ay isang kurap lang. Siguro dahil busy ako kaya parang ang bilis ng oras ko.

Kung susumahin, naging maayos naman ang taong
2010 sa akin. Ang taon na nagbukas sa akin ng maraming opportunidad lalung lalo na sa larangan ng pagsasalita. Ilang beses kasi akong nagemcee, nagtalumpati, ininterview, pinadala sa ibang school para makipagtalastasan. Inborn kasi akong madaldal. sabe ng nanay ko bata pa lang ako eh madaldal na ako. Aminado naman ako. Itong taon na to ang taon na nadevelop ko ang sarili ko sa larangang iyon.

Congratulate me. Hindi ako naging masyadong emosyunal ngayong taon. Siguro nung mga unang part lang. Aftershock lang yung ng 2009 nightmares ko. HEHE

Ngayong taon din na to, mas bumigat ang responsibilidad na inatang sa balikat ko. Officer ako sa isang school club. Sa community naman eh hawak ko pa ang south Bulacan Kids for Christ bilang Sector Kuya. Pero habang bumibigat yung mga trabahong nakaatang sa balikat ko, doon ko nakikilala yung mga kaibigang handang tulungan akong magbuhat. kaya kasabay ng mga responsibilidad na lumalawak ay ang pagkakaibigang lumalalim.

Kahit na mahina pa rin o masasabi kong wala pa rin akong stable na love life (dahil bata pa naman ako), masaya pa rin ang taon. Masaya makipagbonding sa mga kaibigan. Susulitin ko muna to bago magfocus sa iisang tao lang. (hindi bitter toh XD)

Last words for 2010?

Dear 2010,

Thanks sa napakalaking impact na ginawa mo sa buhay ko. Sa pamilya man, sa eskwelahan, social life, spiritual life at kung anu man sa life ko. Masasabi kong sa mga panahon na kasama kita eh medyo naging matured naman ako. Nakasaksi ka sa maraming paghihirap ko at kasama kitang magdiwang ng matapos ang mga iyon.

Ngayon, ilang oras na lang ay aalis ka na, darating na ang kapatid mong si 2011. Pakisabi naman sa kanya na maging mabait siya para a akin at sa pamilya ko. Tulad mo, sana maging maayos kaming magsama. Sana sa darating na 2011 eh lalo pa akong magmature. Pati sana looks ko ay magmature din. Yung poging pogi ba. HAHA

O cya, baka mahuli ka na sa party mo mamaya. Salamat ulit sa lahat

--RENZ


Sa lahat, Happy New Year! Salamat at naging parte kayo ng SULATKAMAYKO ngayon sa kanyang 17th month at ikalawang New Year Celebration.

PARTEH PARTEH!

Thursday, December 30, 2010

Year End Awards


Isang taon nanaman ang magtatapos. Sa loob ng labindalawang buwan ng patuloy kong pagbloblog eh mas madami akong nakasalamuhang bloggero at bloggera kahit sa internet lang. aaminin ko, mas lumawak ang mundo ko dahil sa blog. Mas madaming kwento ang aking nababasa. Mas madaming experiensiya ang aking nasaksihan.

Sa taong ito, masasabi kong mas sumaya ang buhay blogging ko. Mas lumago ang communidad na ginagalawan ko sa blogging world. Kaya naman, bilang pagpupugay sa mga natatanging blogs na pumukaw ng aking damdamin at nag-inspire lalo magblog sa mga susunod pang mga taon, narito ang isang simpleng award.

Wala naman pong value ang awards na to at hindi kasing prestiyoso gaya ng sa iba. Ito ay simpleng recognition para sa inyo.

Una sa listahan ko,
THE CARTOONIST AWARD
para sa blogger na talaga namang napapaWOW ako every time na may bago siyang post dahil hindi nawawala ang mga litrato na karamihan ay GAWA NIYA mismo. Sobrang talented nitong blogger na ito kaya para sa kanya talaga itong award na ito.
Para kay sir MOTS ng TEACHERS PWET

Ikalawa sa listahan,
THE INSPIRING BLOG
Very positive ang outlook sa buhay, ganyan ko nakilala si sir George ng PALIPASAN. Hindi niya ako nabigong maimpress sa mga gawa niytang nakakaenlight namang talaga. Karapat dapat na ikaw ay tumanggap ng award na ito.



Ikatlo sa listahan,
THE LITERARY IDOL AWARD
Siya na ang talented gumawa ng kwento, tula at haiku. Hindi niya ang nadisappoint sa mga kwento niya. Lagi pa akong nabibitin. Sobrang idol ko to sa simula pa lang na nagblog ako. Kaya sir PANJO ng TUYONG TINTA NG BOLPEN, para sayo ang award na ito.

Ika-apat sa listahan,
THE PICTURESQUE BLOG
Para naman ito kay sir ANTON ng PUSANG KALYE na talaga namang nakakabilib ang mga shots. Kaya nga nominee ko siya for TABA 2010 eh. Kakaiba talaga. Hindi ko mapigilan mainggit at magsabing "bukas magkakaroon din ako ng DSLR" haha. Sir, para sa inyo ito.


Huli sa taong ito,
THE PROMISING AWARD
Ito ay para sa blogger na nakikita kong maganda ang future dito sa blogging world. Isa siyang OFW na kasing tanda ko lang. Hanep nuh, pero ang husay niya magsulat. Kilala niyo na ba siya? Edi si JANINE ng BATANGGALA. Etong ka-batch ko na to eh nagiimprove na sa kanyang mga akda. Mapapiksyon man o realidad. Idagdag pa ang nakakatuwang pakikipagusap niya sa kanyang sarili. Oh diba promising talaga. Batanggala, para saiyo itong award na ito.

Sa mga hindi nabigyan ng award, hindi naman po ibig sabihin eh hindi ko gusto ang blog ninyo. Gusto ko din po pero ang mga blogs na napili sa itaas ay ang mga blogs na pumukaw sa aking damdamin.

Sa lahat naman ng makakabasa neto, Salamat dahil naging parte ka ng sulatkamayko ngayong 2010.

Sa mga awardees, salamat sa inyong blogs. Keep blogging.

Sa susunod na year end meron ulit.

Wednesday, December 29, 2010

Pamilya Asuncion

Sa paglipas ng panahon, di ko namamalayan na unti-unti na ngang lumalaki ang pamilya namin. Dati tuwing Pasko kami pa yung mga bata na sobrang excited sa mga palaro at regalo. Ngayon may pumalit na sa henerasyon namin--ang mga pamangkin.

Taon-taon, hindi kami pumapalya umuwi sa aming probinsiya sa Nueva Ecija. Isang payak na probinsiya kung saan sumibol ang aming pamilya. Palibhasa ay pinalaking maayos at ika nga eh close, nakaugalian na ng mga magulang namin na magreunion tuwing mahahalagang okasyon gaya ng Pasko, New Year, Undas, Semana Santa at tuwing birthday ni Inang--ang reyna ng aming pamilya.

Tuwing sasapit ang reunion na to, makikita mo ang bawat isa na successful na. Aba, siyempre hindi pahuhuli ang aming pamilya kung sa dami ng professional lang ang labanan. Yung dati kong mga kalarong pinsan na matatanda ngayon ay mga engineer, mga teacher, nurse, architect, chef, dancer, singer, housewife at ofw na. Ako naman eh malapit na mailinya sa mga propesyunal na yan-mga ilang taon na lang ang bibilangin.

Maipagmamalaki ko na wala sa pamilya namin ang adik. Kahit na may sisiga-siga eh wala namang gumagamit ng droga. Kahit na maarte sa katawan eh wala naman ang maagang nabubundat. Kahit na hindi naman gaano kaangat sa estado ng pamumuhay eh lahat nakakatapos. Ang ganda ng pagpapalaking ginawa ng aking inang at tatang. Utang namin sa kanila ang close relationship ng pamilya namin ngayon.

Eto ang ilan sa mga kuha noong nakaraang Christmas Party

Our Christmas Tree with gifts from our architect cousin

My Nephew Lee, a 4-year old boy dancing Micheal Jackson

During the Hep Hep Hooray Game

Asuncion Family Pose 1

Asuncion Family Pose 2

Di man kami kumpleto ngayon, darating ang panahon na makukumpleto din yan. :]

Sunday, December 5, 2010

Dear Santa

Dear Santa,

Hey with a capital H. Kamusta jan sa North Pole? Kamusta yung mga friends ko na usa jan? Kumakaen ba sila ng maayos? Siguro ready na kayo mamigay ng regalo ngayong pasko.

Obviously Santa, 20 days na lang at Pasko na so nagsusulat ako ng isang sulat sa inyo (malamang) para alam niyo na, huminge ng onting regalo para sa Pasko. Alam mo kasi santa, ang baet ko ngayong taon. HAHA.

Sana, eto lang po sana yung mga wishes ko.

1.
Acer Laptop yung maganda yung specs. Gusto ko po i7 para mabilis at astig diba. Santa, magagamit ko naman po ito sa pag-aaral ko. You know, hirap kasi ng iisa lang ang PC sa bahay tapos pareho kayong magkapatid na magaagawan sa paggamit. Ayoko ko po manakit ng kapatid eh. So kung magkakaroon ako ng ganito, bawas problema na yung ate ko. XD

2.
DSLR (Digital single-lens reflex camera). Alam mo santa, isa akong frustrated photographer. Sobrang kating kati ako mamicture kaya kung kani-kaninong cam yung ginagamit ko. Pati nga po VGA cam pinapatos ko na. Makapagpic lang ako. So para naman hindi na ako mafrustrate sa tuwing nakakakita ako ng mga ganito eh magkaroon na din ako. HOHO

3.
Supra na sapattos. Santa, bakit ganoon, yung mga hiphop dancers kelangan nakasupra pag sumasayaw. Hindi naman po ako hiphop dancer pero gusto ko ng supra. Para kasing masarap sa paa. Parang di ka mababasa pag bumaha. HAHA.

4.Kung hindi naman po maibibigay yung supra, kahit havaianas na lang po. Yung black po ha. Gusto ko po kasi santa kahit minsan makasuot lang ng mga ganyang tsinelas. Kahit na once a month ko lang gamitin. HAHA.

Yun lang naman santa ang mga material wishes ko. Alam ko naman na hindi mo pa kaya ibigay yan ngayon. Siguro sa mga susunod na Pasko eh kaya mo na. Kung maibibigay mo man po yung iba jan, Thanks. Kung hindi naman, I hate you. Joke lang po santa. Siyempre thanks pa rin.

Pero ang wish ko talaga Santa eh makasama ako sa 18th International Leaders Conference sa Cagayan de Oro 4 months from now. Birthday gift niyo na din sa akin yun kasi birthday ko yun. Pwede rin naman po na graduation gift na din. basta gusto ko lang makasama doon kahit walang laptop, dslr, supra at havaianas.

Love,
Renz

PS. saka po pala santa ayoko maging member ng SMP. HAHA
Pwede naman po maging masaya ang Pasko kahit single diba? XD

Monday, July 5, 2010

Blognibersaryo uno :]




June of 2009, nagsign up ako sa blogger for a purpose of having such account at dahil na rin sa pinapasearch sa amin na dito ko lang sa blogger nahanap. If I am not mistaken Anatomy of a Filipino yon. After ko masearch yon, for some day hindi ko binuksan ang blogger account ko cause I find it boring. Noong una, wala akong interest magblog. Thanks to my two classmates who have been blogging before me-- Eyoh @ blog ni eyoh and Izhel of Roll my Credits. SDabe ko sa sarili ko, why not blog? Let me give it a try.

July 4, 2009 nagstart na akong magpost, siyempre introductions and etc. Diyan nagsimula ang mga blogger adventures ko. Ang paki
kipagfriends sa mga other bloggers out there, simple exchange links and follow me messages sa cbox, at alas, Nandito na ako ngayon, isang taon at isang araw nang magsimula akong magblog.

Kahapon talaga ang blog anniversary ko. I am so sad kasi hindi ako makasingit sa pc kasi gumagawa ng lesson plan akong ate kong titser at kailangan kong mgapraktis para sa VJ activity naman kanina kaya ngayon lang ako makakapagpost habang wala ka si ate superiora :))


By the way, natatandaan ko yung promise kong giveaways, balak ko sana isa-isa kayo gagawan ko via photoshop pero dala ng kabusyhan ko sa pagaaral dahil senior hs na ako plus everyweekend ay nagrereview ako for U
PCAT and other college entrance exams ay hindi ko nagawa. Sorry friends. Babawi na lang ako next time, pero may nagawa pa rin naman ako para sa inyo :]

Anyways, sa loob ng isang taon ko sa blogging world, gusto kong magpasalamat sa approximately 10,000+ views since I started blog
ging. salamat din sa 99 friends na naging sandigan ng aking mga kwentong ewan ko ba kung may kwenta. Salamat din sa mga taong naginspire sa akin magsulat. Salamat sa lahat ng mga nagcocomment, sa lahat ng nagiiwan ng bakas sa chatbox, at sa lahat ng mga INVISIBLE readers ng blog ko. Hindi man kayo nagcocomment at nagiiwan ng bakas sa cbox atleast nagbabasa pa rin kayo. Very much appreciated. Kung wala kayo, wala si Renz at wala ang sulatkamayko.

I want to personally thank BATANGGALA-- AKA Janine Binanitan. She's a blogger batchmate na maituturing ko, dahil halos magk
asabay kaming dumiscover sa mundong ito ng blogging at siya ang naging isa din sa inspirasyo ko sa pagsulat dahil halos ka edad ko na rin siya. Isang buwan lang ang tanda niya sa akin. Gusto ko din magpasalamat kay SIR PANJO sa mga kwento niyang talaga namang nakakainspire. Sa kanya ko nafeel ang passion ng pagsusulat.

Anyways, I just want to give special remarks to these ten blogs I LIKE THE MOST :
Click niyo na lang ang link para madalaw sila-- mga ido
l

1. Tuyong Tinta ng Bolpen
2. Batanggala
3. Superkeso
4. Palipasan
5. Why me?
6. Stories of Bad Mj
7. Sendorero

8. Dungeon Lord
9. Dark's Diary
10. Anak ng tokwa

Sila po yung mga blog na napawow ako, at marami akong natutunan. Sila din po yung mga avid supporters ko--I mean yung iba sa kanila.

I just want to appreciate lahat po ng mga blogs na ito for being part of a year of blog experience. Sa mga di ko nasama, paki inform na lang ako :]

Akosimac, Am I real?, Almagations of Peter Paul, An audience of none, Anak ng tokwa, Ang aking talambuhay, Ang kwento at kwenta ng Layp, ang madumi kong isipan, Ang mga kwento ni Paulkian, Ang sabi ng tatay ko, Avery Isaac attempts to write

b'log ang mundo, bakas ng pluma, baklang maton on the Road, batanggala, Biohazard Life, Biyaheng Quiapo, Blagblagan, Blog and Roll, Blog na walang kakwenta kwenta, blog ng ina mo!, blog ni eyoh, blog ni kokoi, buco salad, bulakbole
ro at singapore

cacoethes scribendi, chapter six, chi, chico veluce, choknat's, complicated love

daily guide101, Dallies Twirl, Damuhan: Blog ng Pinoy, dark lady, Dark's Diary, Domesticated Daddy's Diaries, Drake's Room, Dungeon Lord

Eat ka damo, Elay's Escapades, Emoterong Bulol, emotional baggage

Fiel-kun's thoughts, Freedon wall

gitaristangdrummer, GlamPinoy, Glenn's Space, Goyo's adventure, Gusot ng papel

hangout, hidden creation, hu's uber der?

i write to taste life twice, Ira meanders around, iskratspeyper

Jie-No's Pyer.Sips.Yon


ka-blogs-tugan, kaleidos, klasrum ni Pajay, kornchops, KosaPogi, kwentong nakaka

Lanztorys, Larawan at katotohanan, Life 'round me N you, Llama's journal, Love of my life

Mae's Futon, M(.)(.)D sWings, Mojojojo's Lab, MazePlace, Mgakwentoko, Music Upd8: Newest Music, My Haven, My Life in Holland, My unfold stories

naglalagab-BLOG, NoBenta

pahinanibhentot, Palipasan, payato on the go, pink and pot, Pinoy + Adventure + Turista = Pinoy AdvenTurista, Pinoy mixed, pluma ni jepoy, Pretsel Maker, Pusang Kalye

real girl, roll my credits


Sendorero, simple thoughts, Simplymeeh!, SIRA Someone, Something to Brood Over, Soundtrip ni Choknat, Stories of Badmj, Stupidly perfect, Super Gulaman, Superjaid

Tacit Lexis, take a deep breath, tekpen 0.3, The Chicomachinery chronicles, Tuyong Tinta ng Bolpen

Visionary Afterthoughts

what's with vienna?, where your laughs meet, who's Betch, Why me?, wickedmouth.com, written feelings

♥ My own little worLd :)) ♥,
♥AkoCLhey

At para sa lahat may gift ako sa inyo, pasinsiya na, pero sana itreasure niyo yan :]



Sana makasama ko pa kayo ng mas matagal pang blogger years :]

Again, thanks sa lahat. A year of blogging is impossible without you --RENZ

Tuesday, June 29, 2010

Point of Information Mr/Ms Speaker...

Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2 parties sa High school department. Ewan ko ba sobrang parang ang ganda ng laban, balanced kasi ang pagkakahati ng speakers per party. Ang proposition pala ng debate namin ay
Resolve that social networking sites can promote values.
Napunta sa amin ang government which means ang stand namin ay YES, We agree that social networking sites can promote values. Medyo nabuhayan ang dugo ko kasi akala ko iikot lang yun sa facebook, friendster, myspace lang. Buti na lang at sinabi rin ng facilitator namin na si Ms. Fat (Hi Miss Fat!) haha nagbabasa kasi siya minsan dito, anyways sinabi niya na kasama ang BLOGSPOT. This is it. napuno ang utak ko ng mga gusto kong i-share sa buong madlang pipol ng eskwelahan namin tungkol sa blogger at siyempre nagvolunteer na akong mapasama sa 4 speakers ng party namin.

The event goes this way. Una nagtoss coin, heads kami so if ever na heads ang lumabas, sa party namin magstart ang first speaker pero since tails ang lumabas eh sa kanila ang unang banat. 9 chairs face to face sa stage na sa tantiya ko at 2-3 feet ang taas. Estudyanteng sa tingin ko ay nasa 200+, ilang mga guro, isang madre at apat na mikropono. Let's get it on!

Una nilang tinira na sa social networking daw eh nawawala na yung sense ng real communication kesyo dapat daw eh dapat personal, siyempre bumanat naman ang president namin ng POINT OF INFORMATION blah blah blah. Madaming thoughts so sunod sunod na yun. We have 3 minutes na makapagsalita ng walang makakasawsaw at 5 minutes butting in.

Let us hear from the second speaker of SMILE Party, Mr. Louie Renz Sucaldito.

Honestly speaking, kinakabahan din ako nung mga panahong iyan, kahit bi-lingual na ang gamit ko eh parang ang hirap pa rin pero siyempre dahil nga inspired ako sa blogger eh ayun, kinuwento ko sa kanila na sa blogger, na isang social networking sites, matututo kang MAGSULAT, malalaman mo ang SALOOBIN ng bawat isa. In other words freedom of speech. Eto sa tingin ko ang kaibahan ng pagbloblog sa ibang social networking sites. Walang madaming interaction. Ang nangyayari lang eh usap-usap sa chatbox, comments at pagshashare lang ng mga saloobin. Di pa rin naman nalalayo sa kahulugan ng SOCIAL which means between person diba. Tao din naman ang mga bloggers right? So we are connecting. Plus idagdag pa dito ang confidence ng bawat bloggero na ilathala lahat ng gusto nila with due respect sa tinatawag na NETTIQUETTES.

Sabi naman ng isang classmate mula sa kabilang ibayo, Bakit pa daw kailangan ng blog kung pwede namang mag DIARY.

Sa akin naman, Iba ang diary sa blog. Ang diary is for yourself kaya nga diary eh. Kung public diary edi parang blog na din yun or story diba? Kung diary may value ba ng confidence at freedom of speech doon? Ang diary kasi ay more on your feelings na hindi mo kayang sabihin sa iba kaya sinusulat mo na lang right?

Isa pa, nadamay pa ang name ng blog ko, anyways that's another story.

So much for this debate. Tama na. Move on. Sa thurdsday na lang, ika nga ng blogger schoolmate na si VANESSA or BHENIPOTPOT dito sa blogosperyo nasa dulo daw ng kamay ng ballpen ang magiging resulta. (kamay ng ballpen?) haha.

Thank You Bhens sa pagtangkilik :] at sa pagpalakpak kanina habang naginginig ako sa harapang nagsasalita. Nung debate ba yun o nung intro? Basta salamat.

Politika, mahirap ka ha, swear! Pero kakayanin kita!



Monday, June 28, 2010

Student Government Elections 2010

I am not into blogging since last week because of a hectic schedule mapa weekdays man o weekends, so sorry guys, I'll try to read your post soon pag nakahanap ako ng konting time. I just want to share this thought kasi ang dami ko na talagang gustong i-post at sa kasamaang palad eh hindi ko magawa dahil eentrada pa lang ako at maglolog-in sa blogger ay siya namang dadating ang ate ko at magppc. Anyways hindi naman ito ang kwento ko for this day.

Since last week, naging busy ako sa pagbrabrainstorm or something in connection sa nalalapit na KANLUNGAN Elections ng school namin. KANLUNGAN ang pangalan ng student government namin na nangangahulugang KAbataang Naglilingkod at NagtutuLUNGAN. For the 5th time, eto nanaman ako at naghahangad na mapaglingkuran ang kapwa ko mga estudyante.

Mahirap maging officer ng student government. Kailangan ng dedikasyon para magampanan ang trabaho mo, kailangan ng oras, kailangan i-prioridad, nakakapagod at sobrang wala ka namang talagang mapapala kung hindi mapagod, mapagod at mapagod. Walang bayad pero kahit ganoon minahal ko na ang paglilingkod dito.

Masarap maging leader ng eskwelahan. Masarap kasi nasasabi mo lahat ng gusto mong sabihin sa mga autoridad ng eskwelahan. Masarap sa pakiramdam pag may bagay kayong naipapatupad. Masaya pag nakikita mo yung mga ngiti ng mga estudyanteng satisfied sa lahat ng ginagawa niyo.

KATAPATAN. Sa tingin ko ito ang ugali na mayroon ang isang naghahangad maging leader tulad ko. Maging tapat lang dapat sa paglilingkuran.

This year, maraming nagsasabi sa akin na tumakbo bilang presidente pero ayaw ko talaga. Sa tingin ko hindi ako magiging magaling na pesidente. Kaya kong maglingkod sa kahit anong posisyon wag lang ang pagiging presidente. Walang tiwala sa sarili? Hindi naman sa ganoon. Bakit pa ako tatakbo bilang presidente kung wala naman akong magagawang maganda diba kaya ayun, I'm running for the position of Secretary on Board.

This year 2 parties lang ang maglalaban sa high school department. Ang OMG! Party (Outstanding Minority Government) at ang S.M.I.L.E Party (Salettinians Movement in Leadership for Everyone) na kinabibilangan ko. Sa tingin ko lang naman ay magiging mahigpit ang labanan. Medyo may pakiramdam kasi ako na pareang ang bigat bigat ng negative force, pero anyways hayaan na natin yun. Let the people choose for the deserving one, mapabagong opisyal man o yung mga tradisyunal.

Bukas, mayroon kaming debate sa stage ng school namin, kaharap ng buong high school department. Dito daw makikita kung gaano ka-kritikal ang bawat kandidato sa pagdepensa sa proposisyon. Dito makikita kung sino ang magaling, at siempre dito magpapasikat ang bawat isa.

Bukas magkakaalaman na. :]

Renz, kaya mo yan!

Saturday, June 12, 2010

Independence Day 2010

Maikling post lang naman ito para magbigay pugay sa araw ng kalayaan ngayon. Mga kabayan sa blogosperyo, para sa inyo ang kantang ito.



Eto yung kanta sa bayan ni Juan sa isang tv network sa Pilipinas. Napili ko lang itong ishare sa inyo kasi naisnpire ako sa lyrics niya.

BAGONG SIMULA sa BAYANIJUAN

KEVIN ROY:
parang isang gabing walang katapusan
sa bawat mesa, asin lagi ang ulam
umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
batang nakahubad kumot ang lansangan

YAEL:
lupaing kinalbo minsa'y nadidilig
ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid

MARC:
sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
parang awa sana ay dito magtapos

KEVIN:
todo na 'to!

YAEL:
liparin ang langit na bughaw
pagningningin mga tala at araw

MARC:
mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan

KITCHIE:
wag nang maulit kapalarang kay pait
wag magpabaya wag kang manahimik
wag kang manlalamang, wag kang mangigipit
wag magkanya-kanya, magkaisang bisig

YENG:
magmalasakit ito'y kabayanihan
gawin mo anumang makayanan
kalagayan ng bayan sumasama lamang
kung walang gagawin tayong mamamayan

ALL:
todo na 'to!
lliparin ang langit na bughaw
pagningningin mga tala at araw
mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan

ipakita natin sa ating mga magulang,
mga kapatid,
kaya natin 'to!
isang subok pa,
sabay-sabay na,
walang kokontra!

PLACID:
todo na 'to!
lliparin ang langit na bughaw
pagningningin mga tala at araw
mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan

TUGMA PART

ALL:
todo na 'to!
lliparin ang langit na bughaw
pagningningin mga tala at araw
mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan

Sana ay maging inspirasyon natin ang video na ito na hindi pa huli ang lahat para sa bayan ni Juan dela Cruz. Sama-sama tayo, mapa bata man o matanda para sa pagbabago sa Bayan ni Juan. Mabuhay Pilipinas!

Saturday, June 5, 2010

1 month to go.

July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (WAW) na ang dami na pala ng mga taong nakilala ko dito sa blogosperyo na ito. Aksidente lang naman kasi ang pagkakagawa ko sa blog na ito at ayun, nalibang at nagenjoy naman ako.

It was June noon nung ginawa ko itong blog na ito dahil sa paghahanap ng piece na ito for our activity at nahanap ko ito sa isang blogspot at struggle talaga ako para mahanap iyon kaya nagcreate pa ako ng account para macopy paste yan. ewan ko ba bakit ako gumawa ng account sa blogger but now I'm so thankful. Serendipity nga ito sabi nga sa Science.

Nung una, nagbloblog lang ako para basahin ko din personally. Yung tipong sulat mo, basa mo. Ganun naman ang sistema ng lahat ng nagsisimula sa pagbloblog diba? nakakatamad pero kailangan malampasan mo yung tamad stage ng blogging tapos maeenjoy mo na yun mga sumunod.

Thanks so much dito kasi dahil dito lumago ang mga blogger neighbors ko. Dumami ang mga reader's and followers, nagearn ng mga new friends, at lalong naging pamilyar sa mundo ng pagbloblog.

Saksi ang blog na ito sa mood swings ko. Mula sa pageemote sa mga pagrereklamo trying hard movie review . Nakiramay din ako sa pagluluksa ng ating bansa, naging saksi sa mga kaba, pagpopost ng mga poems ko, mga kawirduhan, katatawanan, nonesense random stories, at kung anu-ano pang mga bagay.

Mas close pa nga kami ng blog ko kaysa sa iba kong mga kaibigan, kasi ang blog ko alam niya ang lahat ng hindi ko kayang sabihin ng personalan diba? At saka ang blog, hindi ka sesermunan pag nagpost ka ng kalokohan mo. Hindi ka rin sasabihan ng TANGA pagnagpost ka ng katangahan mo. Ang gagawin niya lang, makikinig lang siya sa mga hinaing mo. Minsan hindi naman talaga kailangan ng mga payo. Ang kailangan lang ay tagapakinig diba?

Minsan ko na ring naisip na huminto na lang sa pagbloblog kasi naisip ko nonesense lang naman but thanks to SOMEBODY who motivated me at eto na nga, tumagal din ako sa blogging wold.

YIPEEEE! Akalain mo, isang buwan na lang tatanda na blog ko. Ang cool at dahil COOL talaga eh may ibibigay ako sa lahat ng naging parte ng blog ko. :]

ABANGAN!

Tuesday, May 11, 2010

Eleksyon Kwento ni Renz

March 10, 2010. The day that will change the Philippines for the next years. Judgment day ika nga sa mga kandidato na kung anu-anong pabango na nga ang pinaggagagawa sa pangalan nila para lang maging karapat dapat sa posisyong hinahangad. Pilian na ng mga platapormang inilatag, kung saan mas gaganda ang buhay sa mga susunod na taon.

This election will be a lot different from the past ones. This is the first ever Automated Election in our country. Wow! High tech na nga talaga ngayon. Imbes sa sulat sulat lang at ihuhulog sa kulay dilaw na box eh ngayon shade shade na lang sa bilog sa tabi ng pangalan sa umano'y napakahabang balota na siya mo namang ihuhulog sa isang di umano'y PCOS machine na nakakonek sa malabasurahan sa laking balot box. Iba na din ngayon. Clustered na ang precinct. Kunga ang dating 200 voters sa isang presinto ay naging 800-1000 na. Mabilis na daw ang eleksyon pero parang bumagal lalo dahil sa pagdagsa ng mga tao.

Napakaraming reklamo din ng mga tao ngayong eleksyon, atr mas lalo bago ito. Kesyo madali daw dayain, sira ang mga Memory cards kuno ng PCOS at kung ano-ano pa pero anung nangyari? So far kokonti lang naman ang mga PCOS na pumalya and the counting of the balots ay malapit na matapos. Laking ginhawa ito sa mga teachers na talaga namang hirap na hirap sa kanilang trabaho.

Kahapon, pagkagising ko ay wala ng tao sa bahay. Apat lang kasi kami sa pamilya, mama at papa ko at ang aking ate. Pawang mga botante na sila at maaga daw silang boboto dahil mahaba daw ang pila. Naiingit talaga ako, hindi dahil gusto ko mgashade shade at dahil automated eh dahil sayang at hindi pa umabot ang age ko para makaboto and I want to cast a votre for my leaders. Ang ginawa ko kinuha ko na lang yung sample balot sa bahay at nakishade haha. Bakit ba? masama ba mangarap na bumoboto din ako?

Pagkauwi nila pinakita ko din yung boto ko. How I hope this is for real. Dagdag points din ito kay sir GIBO and sir BINAY at siyempre yung list ko ng senators no pero siyempre wala naman akong magagawa kundi tumutok lang sa tv at matuwa dahil nangunguna sa balota ng bise presidente and gusto kong manalo. Yung may nagawa na. Ika nga ay MAY B . haha

Ikaw sino ang binoto mo?

Let's hope for a leader na may will para baguhin ang bansa hindi lamang ang kanyang sarili. Tara manood na lang tayo ng news.

PS> Sobrang natuwa ako sa hologram ng GMA grabe astig XD