Showing posts with label sadness. Show all posts
Showing posts with label sadness. Show all posts

Wednesday, August 25, 2010

Ako bilang teenager


Ako bilang teenager, hindi man ako ganoong kalakas, hindi man ako popular, hindi man ako superhero, may magagawa pa rin ako.

Ako bilang teenager, kahit hindi ako dawit sa gulo, kahit wala akong malay na nagkakaganoon na nga, kahit nakikinood lang ako sa tv habang nagkakaputukan, may magagawa ako.

Ikaw may magagawa ka ba?

OO, meron. Ikaw, ako, tayo ay may magagawa. Ngayon, idineklara ng Palasyo ang araw ng pagluluksa sa mga biktima ng hostage taking noong nakaraang lunes.

Mahina man ako, magagawa ko pa rin magdasal sa mga kaluluwa ng mga napatay sa incidenteng ito.

Buong puso po akong nakikiramay sa mga pamilya ng mga napatay, sa mga mamamayan ng Hongkong at sa buong sambayanang Pilipinas.
Nawa ay manumbalik ang kapayapaan.

Monday, August 23, 2010

Draft

Meeting you is the best thing that ever happened to my life. Meeting an angel who just came from heaven, goddess of beauty and perfection. Carrying with you, your killer smiles, tantalizing eyes, cute voice and everything charming.

You are the one that makes my day, and the one who makes me smile. You are the one who makes me feel like floating. No one, but you, owns my heart.

You are the one who puts sunshine in my dark days. You are the one who wipes my tears away. Your voice is the only music for my ears.

You are everything to me. You are my world. My life rotates on you. My day is incomplete without you.

Sadly, you're not for me. He owns you. You love him. You care for him. You are so much devoted to him. He is your world. He is your beloved. He is your everything. He is your better half.

I am nothing. I am such a wasted man. I am just a normal person for you. You can live without my presence. You can be happy even without me.

I am yours. You are not mine. I love you. You love him. I care for you. You care for him. I miss you a lot. You misses him more. I need you. You need him. I am doing everything for you. You aren't feeling something.

Too much time wasted. Let's make a stand. It's now over. You're not mine.

I've done my part. I'm tired. Good bye.

(Anu ba, wala lang yan.. wala akong magawa. Kung may pagkakahawig man sa buhay ko, nagkataon lang yan.)

Friday, August 6, 2010

Eto na ang opportunity

paunang salita:
handa na akong ikwento ito. nangyari ito kamakailan lamang :] enjoy reading

Hapon na, tantiya ko ay mga 5 pero tila ay alas sais na dahil sa itim ng ulap sa kalangitan. Panahon nanaman ng bagyo. Shit wala akong payong. Uuwi nanaman akong basang sisiw at siguradong bubulyawan nanaman ako ng aking dad dahil sa pagiging irresponsable at tamad magdala ng payong.

Tama ako. Umulan nga ng malakas. Dapat pala mas maaga akong umuwi, kung hindi lamang sa pinagawa ng adviser namin na si Mr. Garces. Dahil nga ako ang secretary ng club namin ay may pinagawa siyang typing job para sa akin na kailangan daw tapusin noong mga oras din. Mag-isa akong tumitipa ng keyboard; nagmamadali. Ayokong gabihin masyado. Mahirap na ang mabugbog.

15 minuto ay umuwi na ako. Bahala na, may payong o wala uuwi na ako. Nakakatakot kaya magisa sa isang building. Baka may magparamdam pa sa akin, buti wala.

Naglakad ako sa kahabaan ng path walk palabas ng main gate ng school namin. Napalingon ako sa covered court namin na di kalayuan lamang at napangiti ako sa aking nakita. Nakaupo siya sa upuan doon na ginagamit ng mga outreach students ng school namin (kasi doon sila nag ka-klase), mag-isa at malayo ang tingin. Eto na ang pagkakataon. Ilang araw na din kaming hindi naguusap matapos ang issue ng IN A RELATIONSHIP STATUS naming trip sa facebook. Tama, nagdesisyon akong kausapin siya.

Ang lakas ng ulan, kasing lakas ng bugso ng hangin ang bagyo sa puso ko--- pinaghalong saya, lungkot, pagkasabik at pagkadismaya. Hinawakan ko siya sa balikat, kinausap pero parang wala siyang naririnig. "Bakit ka pa nandito? Umuwi na ba si Basco? Uwi na tayo tara hatid kita sa terminal...."

Tulad ng dati, wlang kibo. Hindi niya ata narinig ang sinasabi ko dahil sa lakas ng ulan kaya nagdecide na akong harapin siya pero..

SHIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTTTTTTTTTT

Isang bungo ang nakita kong mukha niya... SUMIGAW AKO.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...

Nagising ako panaginip lang pala. Bangungot. Pesteng bangungot XD XD XD

Sunday, June 6, 2010

Beep Once

Putek! Delayed messages nanaman ngayon. Kung hindi lang dahil sa nagiisang babae sa buhay ko eh malamang nagpalit na ako ng sim card syempre powered by other network. Lagi na lang kasing ganito. Ilang oras walang magtetext at kapag oras na pumasok lahat ng txt eh nakapagandang pakinggan ng beep once paulit-ulit. Parang Christmas Lights lang.

Tumunog na ang cellphone ko mga siguro eh naka 30+ na beep once din siya ngayon. As usual delayed text nanaman, kaya ngayon lang nagsipasukan lahat ng GMs ng clan ko. OO, txt addict din ako.

Hindi ko agad binasa yung mga txt na yon. As usual, Gm lang naman yung mga yon at saka ayoko magpaistorbo sa pagcocomputer at pagbloblog, kaya napagpasyahan kong isnobin na lang ang mga txt na iyon. Bahala siala sa buhay nila. Tinatamad pa akong magbasa eh" yan ang palaging katwiran ko.

Siguro lumipas pa ang isa't kalahating oras ng tinamad na ako magcomputer at napagpasyahan ko na ring patayin ito, at ayun na nga, sinimulang basahin ang mga txt sa cp ko. 46 messages receive. Kung tutuusin kakaunti pa lang ito sa usual 80+ or more messages na natatanggap ko minsan.

Nanlamig ako sa nabasa kong mensahe. Isang mensahe na galing sa isang taong mahalaga sa akin. Isang mensahe na hindi ko akalain na mababasa ko noong gabing iyon. Isang hindi inaasahang mensahe galing sa natatanging babaeng mahal ko na nagsasabing, "Dhie, sana maintindihan mo ako sa gagawin kong ito. Alam ko naman na maiintindihan mo naman to diba? ikaw pa? Kahit kailan ay naintindihan mo naman ako eh pero sana hanggang ngayon ay maintindihan mo pa rin. Sorry, pero ayoko na. Hindi naman dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita pero kailangan kong gawin ito kasi ito ang dapat at ito ang tama. I Love You. Goodbye ..." message receive 5:47pm. Shit alas siete ko na nabasa ang txt niya. Huli na ba ang lahat para pagusapan pa ang dahilan kung bakit siya makikipaghiwalay?

Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ng mga mata ko ang pagluha. Ang sakit. Sobrang sakit ng biglaang nangyari. Nagkulang ba ako sa kanya? Nauumay na ba siya sa pagmumuka ko na araw-araw na lang ay kinukulit ko siya at pati sa chat ay cam to cam pa ang banat namin? Nagsasawa na ba siya sa gabi-gabing pagkanta ko sa kanya para makatulog siya? Ayaw niya na ba ng may magtetext sa kanya bawat oras para sabihin na , "mhie ko, ingat ka palage ha, mahal na mahal ka ni dhie" Ang bilis ng takbo ng mga oras. Nung nakaraan lang ay sobrang saya natin, at maluha-luha pa nga ako sa kakatawa sa mga jokes niya pero eto naman ako ngayon, lumuluha dahil sa isang txt niya. Sana joke lang ito tulad ng dati. Sana hindi totoo ito.

Hindi ko maiwasang alalahanin yung masasaya naming mga oras. Yung tipong nagtititigan lang kame habang magkaholding hands at ewan ko ba bakit siya tumatawa nun, ayun pala pinagtatawanan niya na yung muka ko dahil may something dito. Yung mga tipong nanonood kami ng sine tapos sigaw siya ng sigaw kasi natatakot daw siya pero ang corny corny naman nung palabas. Ayun pala gusto lang mahug siya. Yung tipong magluluto siya ng hotdog na medyo sunog at sasabihin na style yun. At lahat ng kalokohan na pinaggagagawa namin. Naalala ko din yung first kiss namin. Kabado pa nga ako noon kasi sa school canteen namin yon. Buti na lang walang tao nun kasi uwian na. Ang sarap ng feeling noon nung iisa ang mga labi namin. Feeling ko lumulutang ako ng mga panahong iyon.

Tinawagan ko siya pagkatapos bumalik ng ulirat ko mula sa paglalakbay nito sa aming mga nakaraan.

"Hello....mhie?"

katahimikan ang kanyang sagot sa pagbati ko.

"Mhie bakit? Akala ko ba mahal mo ako? Wag mo naman akong iwan please? Handa akong gawin lahat ng kaya ko para lang sayo mhie. Please hindi ko kayang mawala ka sakin. Ikaw lang ang babaeng nagpapatibok nitong puso ko at ikaw lang magiging dahilan ng pagtibok nito. Mhie, mahal na mahal kita. Please wag mong gawin toh..."

"Hindi mo ko naiintindihan.."

"Anu ba ang problema mhie? pupunta ako jan magusap tayo teka lang saglit.."

"WAG NA! Please tama na RENZ. Ayoko na."

"Pp-pero..?"

"OK fine. MAY MAHAL NA AKONG IBA! Sapat na ba sa'yo yan para tumigil ka sa kakapilit mo ha? Sawang sawa na kasi ako sayo, at PINAGSISISIHAN KO na naging tayo. Goodbye! "

TOOOOOOOOOOOOT

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala ng lumabas mula sa bibig ko kundi hagulgol. Hagulgol na punong puno ng emosyon kasabay ng unlimited luha mula sa aking mga mata. Ang sakit! Sobrang sakit ng nangyari. Parang gusto ko ng magpakamatay.

Muling tumunog ang cellphone ko. Isang beep once at dahil sa sobrang galit ko ay naibato ko ang cp ko. Nagkapirapiraso ito. Parang puso ko, pira piraso na rin.


ooopsssss teka
Fiction po ito :] uh lalala wala lang :]

Friday, January 22, 2010

Luha

Luha---isang bagay na maaring magpayahag ng damdamin mapamasaya man o malungkot. Para sa ilan kagaya ko, ang luha ay mahalaga. Once na pinakawalan mo ang luha, hindi mo na ito maaaring maibalik sa mga mata mo. Ang luha ay isang kayamanan- na pinawawalan lamang para sa mga taong may halaga sa iyo.

Ang luha ay nagpapakita ng pagmamahal para sa isang tao. Kapag lumuha ang isang tao, mapabata man o matanda ay tiyak ang pagmamahal nito. Isipin mo, iiyak ba ang isang bata kapag iniwan siya ng mga magulang niya kun hindi niya ito mahal, o iiyak ba ang isang bata pag inagaw ang kendi niya kung hindi niya mahal ang bagay na iyon?

Pero bakit sa mga panahon ngayon, ang dali bumuhos ng luha? Parang sa mga pagkakataon na tumutulo ang mga luha mula sa aking mga mata eh napapaisip ako, sayayang naman yang luha na yan, para na lang sana sa taong mamahalin ko.

Wagas ang pag-ibig kapag may kasamang konting tampuhan at sigalot---napapaloob na dito ang luha. Ito ang nagpapatibay sa samahan ng isang couple. pero pano pag iniiyakan mo na pala ang maling tao? Wagas man ang pagmamahal mo para sa taong iyon, nonsense parin dahil di naman mahalaga sa kanya ang bawat luhang pumapatak sa iyong mga mata.

Ang saklap pero totoo. Sa buhay natin, hindi natin alam kung tamang tao na ba o hindi ang pinagtutuunan natin ng luha. Minsan nagstick tayo sa pagaakalang tayo ng mahal natin at pagnalaman ang masaklap na katotohanan ay may isang bagay na masasayang--ang luha.

Hindi ko rin masisisi ang mga taong umiiyak sa maling tao, dahil isa rin ako sa kanila. Isa rin akong tao na sa tingin ko ay sobrang dami nang luha ang inaksaya. Isa ako sa mga taong inakala ang pag-ibig na wagas. Isa ako sa mga simpleng kabataang lumuluha, sa mga maling bagay.

Mahirap pigilin ang luha. Pagtutulo na yan, wala ka ng magagawa. Ganun din ang love diba? Kaya gaya ng luha, huwag aksayahin ang love sa mga bagay na hindi mahalaga, dahil malay mo, gaya ng mata na napapagod sa pagluha, ay mapagod ka na rin sa paghmamahal.

T.T

Tuesday, January 5, 2010

Baliw ba ako?

Naguusap-usap kaming magkakatabi sa upuan dahil wala pa naman kaming lessons at may aftershock pa ang buong class mula sa nakaraang bakasyon. Siyempre malalaki na kami, hindi na kaiba sa amin pagusapan ang tungkol sa love life.

Siyempre tanungan yon, so may point na ako ang napagbuntungan ng mga tanong.

Striking question is "Mahal mo pa ba siya?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Di ko rin kasi sure if may feeling ba ako sa kanya and 1 thing ayoko ng balikan. Moving on process number 2 na ako. Nagawa ko na dati kaya lang bumalik yung feelings. Ngayon, ayoko na. Sobrang hirap. Pero sumakit lalo ulo ko kagabi dahil dito sa quote na toh..

The minute you think of giving up...Think of the reason why you held on for so long


Tama nga naman.
Kung tutuusin madami na rin akong effort. Imagine, more than a year na ang OBSESSION ko sa kanya. Obsession. Tama ang nabasa niyo.

Halos araw-araw na lang napapadaan siya sa isip ko. Ewan ko. Ang gulo gulo. Alam ko namang hindi na pwede eh. Pero bakit ako baliw na nakahawak pa din sa kamay niya? Nababaliw sa kakatitig sa kanya ng palihim. Nababaliw sa tuwing nakikita siyang papalapit. Nababaliw sa mga oras na tumatakbo siya sa utak ko. Nababaliw ako. nababaliw. Nababaliw sa tamis ng kanyang mga ngiti. Nababaliw sa maliiit niyang boses. Nababaliw akong kasama ka kahit sa panaginip lang. Nababaliw ako. nababaliw. Nababaliw ako pag nagtetext ka. Nababaliw ako pag kinakausap mo ako. Baliw na baliw ang puso ko dahil sayo. Baliw man ako kakaasa sa wala, wala naman akong magawa. Alipin lang ako ng kabaliwan na ito. Ako'y isang baliw. Baliw dahil sayo!

(puro baliw. Nababaliw na kasi ako.)

Wednesday, December 23, 2009

Friday, December 18, 2009

Bitin

Hapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay ayun nga. Pinatatag ko ang loob ko. Hinawakan ko siya sa kamay at binulungan. "ano ba ang problema mo? bakit ka umiiyak."

Sampung minuto na yata ng naitanong ko iyon. Wala naman siyang imik kaya minabuti ko na lang lumabas ng room at iwanan siyang magisa.

Papalabas na ako ng pinto ng may narinig ako. "Louie........." Lumingon ako. Nakita ko siya na tinatawag ako, mugto ang mga mata. Nilapitan ko siyang muli.

"Ok na na ba? Ano ba kasing problema mo?" tanong ko ulit..

"uhmm basta uhmm sorry talaga louie...."

"dahil ba hindi ako ang pinili mo?" patapang kong sagot. Alam ko na yung isasagot niya pero gusto ko sa kanya manggaling.

"Hindi. Nagsisisi lang ako. Break na kami, ang sakit. Bakit ganon siya? Minahal ko naman siya ah.."

"Ang emo neto. Wag ka na ngang umiyak jan dahil darating na mga classmates natin. O sya wag kana umiyak. Alam mo namang mahal na mahal kita ehh.."

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang muka.

"Tara sa labas tayo. Pahangin tayo" aya ko sakanya.

"tara." Wow. natuwa ako sa sagot niya.

Nakarating kami sa likod ng building ng school namin. Napagkwentuhan namin ang nakaraan. Nakakatwang isipin na kanina lang ay ayaw niya man lang ako kausapin pero ngayon eto, nakasandal siya sa akin habang kinukwento ang nakaraan.

Hinawakan ko ang muka niya. "Alam mo, ang cut mo talaga" sabe ko.

"Bakabar!" sagot niya.

Natulala na lang ako sa muka niya. Kitang kita ko bawat ditalye ng muka niya, ang mahabang pilikmata, ang cute na muka. Ang sarap tignan.

Naramdaman ko na lang sa dibdib ko na malakas ang kabog nito. Ang sarap pakinggan. Lalong lumalakas habang papalapit ang mga labi ko sa mga labi niya.

Didikit na ang mga ito ng biglang may narinig ako.

"LOUIE RENZ ANO PAPASOK KA PA BA? TANGHALI NA!" sigaw ng nanay ko

siyet panaginip lang pala. Nalungkot ako.

Tuesday, December 15, 2009

10 painful things..

December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt. Eto yun isheshare ko.

10 painful things

--Bringing back the feeling you've never learn to forget
(ouch sapul c ako. Hay bakit ba kasi mahirap makalimot ng siang bagay. Pero sabi nila instinct nga lang daw. Eh ayaw ng puso ko eh bakit ba. Cge palit nalang tayo ng sitwasyon.

--Reminiscing the good times
(Ouch men. Eto rin panama. Ang masasabi ko lang kung bakit ginagawa ko toh dahil ito na lang ang sandigan ko para ngumiti inspite those problems)

--Trying to hide what you really feel
(Eto pa ang isa. Plastikan kung plastikan :D)

--loving someone who loves another
(Eto ang pinakamasaklap. hay. No comment)

--Having a commitment with someone that you know wouldn't last.
(So far d q pa naeeexpi toh :D)

--Shielding your heart to love somebody
(Ouch. Saklap naman neto.)

--Loving a person too much.
(Di naman toh masama. Mahirap lang magmahal ng todo pag one sided love. Mahirap mabigo.)

--right love at a wrong time
(hay ang saklap neto. Pano niyo ipaglalaban ang isa't isa kung madaming tutol. Diba ikaw?)

--Taking risk to fall in love again
(hay masakit talaga toh. Natatakot lang siguro ang mga tao like me na masaktan ulit)

--Accepting that it was never meant to be
(ito ang pinakamasakit.)

Sunday, December 6, 2009

Mga alaala ng nakaraan.

Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kanya, pero ewan ko kung bakit.

Araw-araw ganito ang nangyayari. Hanggang sa nahulog na paunti-unti ang loob ko sa kanya. Nagsumikap akong kausapin siya, at maging kaibigan niya. Naging matagumpay naman ako.

Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang kamay niya. Ang malililiit at maiinit na kamay na bago sa lang sa aking pakiramdam. Napakasaya ng pakiramdam. Hawak ko ang kamay ng babaeng gusto ko. Wala pa noong malisya sa kanya. Parang nagbibiruan lang kami.

Masaya ring makatabi siya sa misa. Lalo na kapag ama namin na. Mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Hay... ang bagal ng oras. Ayaw ko matapos ang kanta. Kahit sampung beses pa akong kumanta huwag lang magkabitaw ang mga kamay namin. Pero hindi maaari.

Itinago ko sa sarili ang nararamdamang paghanga. Hanggang sa dumating ang oras na nalaman niya ito. Nailang na siya. Nawasak ang pagkakaibigan. Napupuno ng malis
ya ang bawat galaw na ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ang lumayo.

Hindi ko na narereceive ang mga text niya, pati mga GM niya. Wala na. Sira na ang pagkakaibigan.

Minsan dumating rin ang balitang sobrang napakasakit. Ang malamang mayroon na siyang bf. Ang saklap ng pakiramdam. Isang malamig na pasko. Bumaha ng luha sa aking mundo.

Sa bawat araw na nagdaraan, lalo akong nasasaktan. Lalung lalo na
nung mag isang buwan sila. Ang hirap ng pakiramdam. Isang buwan na pala akong wasak. Pero muli kaming naging magkaibigan. Naging close at nagbalik ang pagkukulitan.

Nagbibigay saya na ulit sa akin ang mga text niya. Nagbibigay lakas ang mga ngiti niya. Nagbibigay ng dahilan upang mabuhay pa. Pero lahat ng kasiyahang ito ay nauwi rin sa pagluha.

Buhay nga naman. Parang rollercoaster. Nasadlak nanaman ako sa kalungkutan.

Nagbakasyon na, di ko man siya nakikita, araw-gabi naman siyang nasa isip ko. Inaalala ang mga bagay na ayaw kong matapos. Ang mainit niyang kamay. Ang maliit niyang boses. Ang cute niyang ngiti. Nakakamiss.

Panibagong taon na. Third year na ako. Nagpakatatag ako. Pumasok ako sa silid ng taas noo. Wari'y di ko siya nakikita. Magkaklase nga kame pero parang di naman kami nagkakakitaan. Ayoko ng maulit ang mga sakit na nararamdaman hanggang sa maglaro ang tadhana.


Naging magkatabi kami sa upuan. Ayaw man ng isip ko, tuwang-tuwa naman ang puso ko. Bumigay nanaman ako. Napamahal nanaman ako sa kanya. Di ko kinaya ang magpigil ng damdamin. Naging close kami muli. Ang saya.

Dumating naman ang panibagong balita ng break up nila. Nalulungkot ako pag nakikita ko siyang nalulungkot at umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang titigan siya, at kapag magisa na ay patutuluin ang luha at maglalabas ng sama ng loob sa aking bolpen at doodle notebook.

Pero di maipaliwanag ang naramdaman ko ng malamang nagkabal
ikan sila. Masaya ba ako o hindi? Babatiin ko ba sila? magiging masaya na sila ulit. At ako babalik nanaman sa normal kong buhay.

Pasulyap-sulyap, nagiisip at binabaon sa puso ang masayang alaala kasama niya.

Ngayon, kung ano man ang mangyayari, hindi ko alam. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman. Pero mukhang hindi pa matatapos itong sakit.

Isang taon mahigit na, at isa nanamang MALAMIG na pasko.

Monday, November 30, 2009

Pader


Isang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.

Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.

Naniniwala ka ba sa quote na "Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?

Siguro ako maniniwala na. Based on my experience yap, tama to.

Pag friend mo, pwede mong hawakan yung kamay ng walang malisya. Pwede mong titigan, pede kang makipagbonmding ng walang maiilan. Lahat pede. Walang limitasyon. Walang pader.

Pero bakit pag pinagtapat mo na ang tunay na hangarin ay unti unti na ring tumataas ang tila isang pader na humaharang sa inyong dalawa? Isang pader na pilit pinaglalayo ang dalawang taong nais magsama. Isang pader na mahirap akyatin, Isang pader na napakataas at wala ka ng magagawa kundi umalis at maghanap ng ibang daan.

Bakit pag nagpapakatotoo ka saka pa siya lalong nagagalit? Ito ay realidad na masaklap na nagaganap sa buhay ng bawat isa- lalong lalo na ang mga kabataan.

Ano ba ang dapat gawin para mabasag yung pader na yun?

Share ko lang na minsan naencounter ko din yang pader na yan. Ano ba ginawa ko, act natural as if di ko nakikita yung pader. Umiwas ako at unti unti kong napapansin na sa paglipas ng mga taon ay natitibag din pala ang pader na naghihiwalay sa akin at sa kanya. Unti-unting bumalik ang friendship.

PERO

Masyado akong naexcite. Siguro na miss ko lang yung mga times na nagkahiwalay kame kaya masyado akong natuwa sa pagkawala ng pader. Dumating ang balita. Ang luha muling tumulo, at ang pader ay unti-unting binuo muli upang maghiwalay sa amin.

Hay sayang. Hihintayin ko nanaman gumuho ang pader na iyon.

Tuesday, November 24, 2009

Kadugtong ng nasa baba neto :D

Nabuang nanaman ako. Nawala sa sarili. Nagyon napagisipan ko na kung ano talaga ang nasa isip ko habang naghihintay umalis ang ate ko sa pc, isinulat ko na to sa doodle notebook ko.

WARNING: Para sayo, kung mabasa mo man to, wag ka sana magbago, wag ka din mailang. SANA

Ang hirap ng ganitong feeling
Nakikita kitang sobrang lungkot, sobrang depressed.
Gusto kitang tulungan, pero ang tangi ko lang magagawa ay titigan ka.
Sobrang sakit makita kang ganyan.
Okay lang sana kung ako ang nagkakaganyan
Bakit ikaw pa?
Di ba dapat masaya ka na lang ngayon? Anong nangyari?
Di ba dapat wala ka nang problema? Bakit meron?
Di ba mahal niyo ang isa't isa? Bakit nagkakaganito?
Ayokong makita kang ganyan dahil naiinis ako
Ayokong nahihirapan ka dahil ***** pa rin kita
Pero ayoko rin namang makisawsaw
Dahil alam ko, di ako ang dapat umayos niyan.
Wala akong karapatan makialam, at ni walang karapatan upang manghusga.
Tititig na lamang ako, at sa tahimik kong mundo,
Ikaw ay aking yayakapin.
Papawiin ang sakit na nadarama,
Pupunasan ang bawat luhang pumapatak
Lahat ng ito'y mga pangarap, na sa hangin lamang maisusulat.
Pangarap na unti-unting nabubuhay sa aking isipan
Pangarap na walang kasiguraduhan
At pangarap na hanggang pangarap na lamang.
Dahil alam ko, na siya pa rin naman kahit anong mangyari diba?

Hindi ako!

Thursday, November 19, 2009

You are the Moon- by Malfunctioning

Eto ulit ang panibagong poem ng aking kaibigan na si MALFUNCTIONING na kung maaalala niyo sa entry na Ballpen at Papel, kung saan ipinakilala ko siya.

Sana ay magustuhan ninyo ito at magiwan sa inyo ng mga aral.

You are the Moon
--Malfunctioning

You are the moon
That, little did I know, is gone too soon
Little did I know, shall hurt me bad
Shall leave me here, alone, unclad

You are the light
That is so gentle, warm and bright
Indeed so bright, you took my sight
Not only that but my heart and might

You are the orb
That had me perfectly absorbed
Dropped me around tightly yours
Though far, conquered me through cores

You are the moon...and your light is from the sun
And the two of you had the heaven stunned
Being a mere girl, I can't take you away
or else you will hardly last a day
You are the moon, and the sun is your life source
I'm not worthy to be the one to close your doors..
...From the sun or else you'll die
Without her breath, hearing her goodbye.

You are the moon..
My beautiful life giving light
And I shall vanish soon..
Away from your sight...


Wednesday, November 18, 2009

Sana

Ang daming kong pangarap na gustong matupad. Sa totoo lang hindi ako nakukuntento kung ano ako ngayon at kung ano ang mga nagyayari sa akin. Kaya obviously, ang entry na to ay about sa mga gustong mangyari, at maging.

Sana Damo na lang ako...
Kasi ang damo, napakahumble, napakanoble. Walang rekla
mo pag naapakan, walang reklamo pag binubunot, at hindi pinapakialaman ng maraming tao. Tahimik lang ang damo, at mapapansin lang pag matataas na sila. Sana ganun na lang ako para pede mo akong apak-apakan pag wala kang madaanan. Pede niyo akong higaan dalawa habang naglalabing-labing. Pede mo akong bunutin pag nagagalit ka, at sa huli, pede mo akong iwan pag nagsawa ka. Wala namang pinagkaiba. Ganun din naman ako ngayon kaya sana damo na lang ako.

Sana Mineral Water na lang ako, nagbibigay ng buha
y pag ikaw ay nauuhaw, naiiyak, naaasar, ninenerbiyos. Nagpapakalma sayo kapag hindi maganda ang pakiramdam mo.

Sana Ballpen mo na lang ako. At least lagi mo akong hawak. Lagi mo akong hahanapin sa tuwing mawawala ako, at pag sawa ka na sa akin itapon mo na lang ako.

Sana Kwintas mo na lang ako. At least malapit sa puso mo. Y
ung kwintas na mahalaga syo, na kailanman ay pagsisisihan mo pag nawala ako.

Sana Cellphone mo na lang ako. Ipinupuslit mo sa school dahil ayaw mo mawalay sayo. Na lagi mong hinahanaphanap kapag ito'y nangangailangan ng tulong mo sa tuwing may magtetext omay tumatawag.

Pero sana

Ako siya na mahal na mahal mo. Siya na handa kang ibigay
ang buhay mo. Siya na pede mong paglabasan ng galit mo tulad ng mga damo. Siya na nagbibigay buhay sayo na parang tubig. Siya na laging hawak mo sa iyong kamay. Siya na malapit sa puso mo. Siya na lagi mong hinahanaphanap.

Sana Tayo na lang. Para siya naman ngayon ang nagbloblog ng ganitong blog.

Pero ang sana ay SANA na lang. Wala kasiguraduhan.

Kaya kahit na ganito. Ako pa rin ang tunay na nagmamahal sayo, kahit hindi mo man ako paglabasan ng galit. Kahit di ako ang nakakapagpakalma sayo. Kahit hindi mo ako laging hawak sa kamay mo. Kahit malayo ako sa puso mo. Kahit hindi mo ako kailangan sa buhay mo.

Ako, ay ako pa rin. At ikaw ay sa kanya parin. Wala akong magagawa kundi ngumiti sabay sabing

hayyyyy SANA....

Monday, November 16, 2009

Flashback

Minsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong gusto niya. Naging masaya siya sa pag-aakalang maganda ang takbo ng kanyang love life. Kala niya ganun nalang din kadali ang bagy-bagay pagdating sa buhay pag-ibig. Sabihin na nating tanga siya.

Dahil bago palang sa ganitong aspeto ng buhay, hindi siya marunong manligaw, ni nahihiyang tumingin sa taong nagugustuhan. Ang alam lang niya ay umasa, na sa mga susunod na araw ay sila na ng babaeng gusto niya.

Dumating ang araw, nakatanggap siya ng impormasyon na ang babaeng iyon ay may boyfriend na. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sakit na nadarama sa nalamang masamang balita. Nalungkot, Umiyak, Sobrang nasaktan. Sa unang pagkakataong nakadama ng pag-ibig, nadama rin kung gaano ito kasakit.

Mapagpanggap ang lalaking iyon. Hindi niya ipinapakita ang nararamdaman sa mga kaibigan. Kinimkim ang sakit, at ikinubli ang luha sa ilalim ng maskarang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sinubukan niyang mamuhay ng normal, pero kahit anong gawin niya sobrang sakit.

Umaasa pa rin siya na sa darating na panahon ay maibabalik ang pagkakaibigang nasira ng pagmamahal--- at dumating nga iyon. Nanumbalik ang dating relasyon. nanumbalik ang sigla at nanumbalik ang pag-asa na bukas, sila na. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, naulit ang bawat pangyayari.

Nasira ang pagkakaibigan at muling tumulo ang luha.

Si lalaki ay pilit nag move on. Kinalimutan ang masakit na karanasan at makalipas ang halos 8 buwan, heto nanaman, nanunumbalik ang dating nararamdaman na akala niyang wala na nga.

HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO LALAMPASAN MULI ANG SAKITNA NADARAMA SA TUWING NAAALALA KO NA MALAPIT NA ANG ISANG TAON NGUNA AKONG MASAKTAN.....

ang masakit na ala-ala, ayoko nang balikan..

Friday, November 13, 2009

SELOS

Selos- isang salitang nagsasaad ng isang damdaming malungkot. Nararamdaman lamang ito ng isang taong TUNAY na nagmamahal.

Maraming nagsasabing mahirap makaramdam ng selos- isa na ako sa mga taong iyan lalung-lalo na kung ang pinagseselosan mo ay taong may mahal naman iba. Anila, kaakibat daw ng pagmamahal ang selos--TAMA. Pero paano kung nagseselos ka pero wala ka sa lugar? Yung tipong may Boyfriend na yung taong iyon.

Masakit. Di maipaliwanag ang sakit.

Isa ako sa nakakaramdam ng selos ngayon, sa mga oras na ito. Alam ko hindi dapat ako magselos dahil walang karapatan pero anong magagawa ko? Alipin lang ako ng sariling emusyon. Mahirap labanan ang bugso ng damdamin. :D

Ano ba ang dapat gawin ng isang taong nagseselos?

Ayon sa aking kaibigan na tinext ko dahil nanghingi ako ng payo,

Una- forget. Walang mangyayari kung patuloy kang sasakay sa isang bangka na tanging dalawang tao lang ang pwede at makikisingit ka lang. Pare-pareho lang kayong malulunod at pare-parehong masisira kaya huwag ka nang mandamay.

Pangalawa- Gumawa ng paraan upang pagselosin rin ang taong pinagseselosan mo. Pwede rin ang ganitong paraan kung kayo ng partner mo. Eh paano kung hindi? Mapapagselos mo kaya siya?

Pangatlo- think positive, lahat daw ng bagay ay kayang lampasan. Sa tingin ko ito ang dapat kong gawin.

Katulad nga ng nasasaan sa aking nakaraang entry na Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko. eto na nga ang kinakatakot ko. Ang muling pagbagsak sa bangin na matagal ko nang inakyat. Nahulog nanaman ako sa isang taong alam kong hindi ko dapat mahalin. Ang masama pa, nagseselos ako sa ibang taong lumalapit sa kanya. Possesive daw ako? Ewan ko ba. Kayo na ang magjudge.

Pero right now I'm striving for the better. Napakagulo talaga ng isipan ko.

Eto nalang ang iiwanan kong quote para sa lahat. May kaugnayan ito sa selos.

Don't choose a candy if you won't buy it anyway...in other words don't be so sweet if you don't have a plan to love the person.

Alam niyo naman, mahirap umasa. At kaakibat ng umaasa ang pagseselos. Live out the quote.

Saturday, November 7, 2009

Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko.

Obviously, Ang blog ko ngayon ay may kaugnayan sa isang message na natanggap ko makailang minuto pa lang ang nakakaraan. Dahil doon, nakabuo nanaman ako ng isang idea para sa blog entry ko na toh. By the way pala, salamat sa mga tagabasa.

Ganito ang storya. Dahil nga nagkasakit ako at umabsent sa klase ay di ko alam na nagbago pala kami ng seating arrangement. Ang ayos pa ng upuan ay yung mga iniissue sa room kahit na alam na nga nilang past na eh ganun pa rin ang ginagawang pagkokonekta sa dalawang magkaibang buhay. Siyempre di ako nakaligtas sa ganitong sistema. Pilit inuungkat ang nakaraan. (kung may nakaraan nga).

Fine. Eto na yun wala akong magagawa kundi maging seatmate niya. Pero ok lang, we're friends at hanggang dun na lang yon. Sana. Mahirap kasi yung paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Masasaktan, masasaktan, at masasaktan pa rin. Pero sabi nga sa kowt na to na nabasa ko ng tumunog ang cellphone ko "Why do we have repeated experiences?.....It is because repeated experiences ha
ve one aim......to teach the things you refuse to learn" Awts. Kung meron man akong lesson na namiss mula sa experience ko nung nakaraan ano?

Feeling ko tapos na yung mga araw na yun kung saan di maiiwasan ang lumuha. Nakamove on na ako at kung ano man yung lesson na sinasabi sa kowt na yan, handa akong matutunan para lang matapos na ang lahat.

Ayoko na.