Showing posts with label pangarap. Show all posts
Showing posts with label pangarap. Show all posts

Saturday, October 22, 2016

Frustration to Inspiration

Ako ay isang frustrated photographer. 

Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since galing lang naman ako sa isang normal na pamilyang Pilipino, luho na lang ang pag-kakaroon ng ganoong gamit. Sabi ko nga noon, mag-iipon ako sa college para makabili ako ng sarili kong camera. Pero siyempre, dahil nga masasabing "want" lang ang DSL at hindi "need", hindi rin ako nakabili ng isa. 

Sabi nila, savor the moment. Para sa akin, ang way ko ng pag-savor ng moment ay yung pagkuha ng litrato. Gusto ko i-capture yung mga moments at balikan every now and then. Para sa akin, ang isang litrato ay naglalaman ng napakaraming mensahe--kasing dami o mas marami pa sa pixel sa bumubuo dito. Bawat isang larawan ay may emosyon. Bawat isang larawan ay may kuwento. Bawat isang larawan ay may hininga. Sa ngayon, wala pa akong high spec na camera. Tiis muna ako sa phone photography. Medyo okay naman ang phone ko ngayon, 12 MP naman ang rear camera. Tamang adjust na lang sa contrast and lighting para mas makuha ang tamang kulay. Pero as much as possible, very minimal editing lang ang ginagawa ko para ma-preserve ang natural na ganda ng picture.

Siguro i-sh-share ko dito yung ibang photos. Pero disclaimer, I'm not expert. Sobrang amateur lang talaga.

Ito ay kuha sa oblation statue ng aking mahal na alma mater--UPLB. Noong undergrad pa ako, madalas akong mag-lakad-lakad sa campus at randomly ay kumuha ng picture gamit ang aking phone. Ito ang nagsilbing libangan ko at anti-stress. Kung baga, mag-flow man lang ang creative side ko kahit na technical ang inaaral ko. Actually wala pa naman akong masyadong technicalities na alam. Pero may mga nababasa naman na mga tips like rule of thirds ganun. Sinusubukan ko silang i-apply sa mga kinukuha kong pictures. 

Kadalasan ng mga subject ko ay mga natural landscapes at mga halaman. Gusto ko kasi makita sila sa ibang perspective. Sabayan na din natin ng malupit na caption. Tamang tama ito para sa isang katulad ko na may pagka-hopeless romantic. lol. Itong picture na ito ay kuha noong valentines. Binigyan namin ng roses ang mga batchmate namin sa org. Oh diba, how sweet. 

Isa pa sa mga subject na gusto ko ay yung mga kakaiba at may kwento kagaya netong kuha na ito. Diba, iba't ibang interpretation ang pwedeng gawin sa picture na ito. Depende na lang siguro sa taong titingin kung paano niya ito makikita.

Ito naman, nag-try ako ng ibang pespective sa usual na nakikita kong photos. Ito pala yung planta ng pinapasukan kong trabaho. Recently lang ito bago ang bagyong Lawin kaya medyo moody din ang weather. 

Last but not the least, gustong gusto ko kuhanan ng litrato ang mga sunset. Every since high school, may ibang fascination na talaga ako sa mga sunset. Kapag nag-d-drawing sa arts class, madalas sunset ang ginagawa ko. Nakaka-relieve kasi ang sunset views. Isa pa, perfect para sa senti moments. haha

Anyway, ulit, hindi naman ako pro. Marami pa akong matututunan. Makakabili din ako ng DSLR ko sa tamang panahon. Pero sa ngayon, kuha lang ng kuha ng litrato, tingin tingin sa mga professional photographer at ipon ng pambili ng camera. Higit sa pagiging frustration, ito ang nagsisilbing inspirasyon ko sa trabaho (Bukod sa pamilya ko opkors). Kung bored kayo, pwede niyo akong sundan sa instagram (https://www.instagram.com/renzsucaldito/). Oh siya, hanggang dito na muna, 

Sa mga friends kong may DSLR camera na hindi na gagamitin (lol), tumatanggap naman ako ng donations. Haha. 

(niliitan ko yung image display dahil lumalagpas sa border ng body. Medyo na-oc. click image to enlarge na lang mga kaibigan. kung sakali lang naman na may nagbabasa nito. haha)

Sunday, December 5, 2010

Dear Santa

Dear Santa,

Hey with a capital H. Kamusta jan sa North Pole? Kamusta yung mga friends ko na usa jan? Kumakaen ba sila ng maayos? Siguro ready na kayo mamigay ng regalo ngayong pasko.

Obviously Santa, 20 days na lang at Pasko na so nagsusulat ako ng isang sulat sa inyo (malamang) para alam niyo na, huminge ng onting regalo para sa Pasko. Alam mo kasi santa, ang baet ko ngayong taon. HAHA.

Sana, eto lang po sana yung mga wishes ko.

1.
Acer Laptop yung maganda yung specs. Gusto ko po i7 para mabilis at astig diba. Santa, magagamit ko naman po ito sa pag-aaral ko. You know, hirap kasi ng iisa lang ang PC sa bahay tapos pareho kayong magkapatid na magaagawan sa paggamit. Ayoko ko po manakit ng kapatid eh. So kung magkakaroon ako ng ganito, bawas problema na yung ate ko. XD

2.
DSLR (Digital single-lens reflex camera). Alam mo santa, isa akong frustrated photographer. Sobrang kating kati ako mamicture kaya kung kani-kaninong cam yung ginagamit ko. Pati nga po VGA cam pinapatos ko na. Makapagpic lang ako. So para naman hindi na ako mafrustrate sa tuwing nakakakita ako ng mga ganito eh magkaroon na din ako. HOHO

3.
Supra na sapattos. Santa, bakit ganoon, yung mga hiphop dancers kelangan nakasupra pag sumasayaw. Hindi naman po ako hiphop dancer pero gusto ko ng supra. Para kasing masarap sa paa. Parang di ka mababasa pag bumaha. HAHA.

4.Kung hindi naman po maibibigay yung supra, kahit havaianas na lang po. Yung black po ha. Gusto ko po kasi santa kahit minsan makasuot lang ng mga ganyang tsinelas. Kahit na once a month ko lang gamitin. HAHA.

Yun lang naman santa ang mga material wishes ko. Alam ko naman na hindi mo pa kaya ibigay yan ngayon. Siguro sa mga susunod na Pasko eh kaya mo na. Kung maibibigay mo man po yung iba jan, Thanks. Kung hindi naman, I hate you. Joke lang po santa. Siyempre thanks pa rin.

Pero ang wish ko talaga Santa eh makasama ako sa 18th International Leaders Conference sa Cagayan de Oro 4 months from now. Birthday gift niyo na din sa akin yun kasi birthday ko yun. Pwede rin naman po na graduation gift na din. basta gusto ko lang makasama doon kahit walang laptop, dslr, supra at havaianas.

Love,
Renz

PS. saka po pala santa ayoko maging member ng SMP. HAHA
Pwede naman po maging masaya ang Pasko kahit single diba? XD

Friday, July 16, 2010

Gusto ko maging...

Bilang tugon sa nais ni G.Munting Bisiro ng Panulat, eto ay isang post sa mga pinagpiliang landas ng buhay sa hinaharap.

Noong bata pa ako, naaalala ko bakasyon noon at nasa nueva ecija kami noon, tantiya ko mga 4 years old ako noon, naguusap-usap ang mga oldies cousins ko tungkol sa mga pangarap nila ng suddenly, may tumawag sa pansin ko habang naglalaro ng ewan, salagubang ata yun na may sinulid, siya ay ang lola ko. Sabi ni inang "Renz ikaw ano ang gusto mong maging pag laki mo". Walang halong kaba at buong tikas kong sinabi "Gusto ko po maging hardinero". Tawanan silang lahat. Ang nasabi na lang ni inang "Kung hardinero lang din pala ang gusto mo eh dito ka na lang sa amin ako pa ang magtuturo sa iyo".

OO, hardinero ang gusto kong maging trabaho dati. Bata pa naman ako noon at wala pa akong alam sa ekonomiya at inflation deflation at rates at kung gaano kahirap ang trabaho ng isang hardinero. Bata pa lang kasi ay nahilig na ako sa mga halaman. Kasama ko kasi lagi si papa pag nag gagarden kami habang tinuturo ang mga gulay "Anak, yaan ang carrots, pampalinaw ng mata. Yan naman ang sitaw, pampahaba ng paa". Nagustuhan ko tuloy magtanim at natutuwa ako pag yung tinatanim ko ay tumutubo.

Nung grade one naman ako, gustong gusto ko maging teacher. Naaalala ko pa nga yung mga panahon na kinukuha ko lahat ng mga lumang libro ni ate at libro ko tapos inaarrange ko sila tapos kunwari nagtuturo ako. Natuwa din siguro akong magturo kasi pilit akong sinasali ng mga kapitbahay namin sa teacher teacheran pero PE ang favorite kong klase nun, puro takbuhan.

Nung grade 4 ako, nagsimula ang pangarap ko na maging chef, isang magaling na magaling na chef, kung saan lulutuin ko lahat ng gusto kong pagkain, paglulutuan ko ang pamilya ko at magluluto ako sa barko, pero lahat ng pangarap na iyon ay gumuho nung naging aware ako na mahal magculinary tapos parang mahirap humanap ng career pag ganoon plus hindi naman ako humahawak ng gamit panluto sa bahay.

These years bago ako mag 4th yr (siguro from 2nd yr- 4th yr) naconceptualized na sa isip ko na magtatake ako ng engineering course sa college. Hindi naman ako math-wiz gaya ng sinasabi nila na pag engineering student ka eh mabangis ka sa math. Marunong naman ako sa math, nakakaintindi naman ako, alam ko naman ang basics ng math at ang pinakamahalaga ay handa naman akong MATUTO pa eh kaya sa tingin ko eto na talaga, magiging engineer na ako paglaki ko. Gusto ko ito, at higit sa lahat gusto ng mga magulang ko. Mahirap din kaya mag-aral kung dinidiktahan ka nila, atleast ako, gusto nila at the same time gusto ko din naman.

Kaiba sa mga ibang bata, ni minsan di ko naisip maging doktor or nurse para gamutin ang mga taong may sakit. Ewan ko ba, para kasing nakakapanghina ang mga ganung scenario kung saan makakasaksi ka ng kritikal na buhay at mga may sakit. Bata pa lang kasi ako may takot na ako sa dugo plus injection pero hindi na ngayon.

Hindi rin pumasok sa isipan ko maging lawyer. Sa tingin ko, hindi para sa akin yun. Hindi pa sapat ang pagiging makatwiran ko para maging lawyer.

Di ko rin naisip magtake ng mga super out of this world courses or yung tipong super nerdy ang dating like paleontology, astronomy etc. Para kasing sobrang hirap ng mga ganung course. Ikababaliw ko yung mga ganun.

Tama na din siguro yung naging desisyon ko, isang Engineer na Writter, oh diba, malay niyo someday matatag pa rin ang daliri ko magtype ng mga kwento at maging Engineer witter ako at makapagpaDOMAIN na din ng blog. kasama yan sa mga pangarap ko, pero ngayon ang magagawa ko na lang ay mag-aral. Madami pa akong pagaaralan. 8 months pa sa hs, 5 years pa sa college. Madami pa akong matututunan.

--End

PS Sir sana po ok lang sa inyo ito : ]
Kung may gusto kayong post, ok lang tumatanggap ako ng request basta matripan ko lang gawan ng post.