Sunday, June 20, 2010

Tribute to my so called DAD


(family pic namin yan. Mula kaliwa, ako--renz, mama ko (mommy leony), papa ko (papa rene), ate ko (ate leah)


Ama, minsang naging anak, magkakaanak at ang anak ay magiging ama ulit, na magkakaanak na magiging ama ulit at magkakaanak at magiging ama ulit. anu gusto mo pa ba? haha. Ganyan ang cycle ng buhay. Lahat ng ama ay dumaan sa pagkabata. Lahat ng bata ay magiging mga ama o ina. Tulad ko, magiging ama din siguro ako mga sampung taon pa mula ngayon.

Ama-- larawan ng isang taong matatag. Isang taong maprinsipiyo. Isang taong strikto at disiplinado. Isang taong mapamaraan at isang taong lubos ang pagmamahal. Ganyan ang pagkakaalam ko at pagkakakita ko sa mga ama mula sa nakikita ko sa aking ama.

Hanga ako sa mga ama, lalo na sa aking ama. Siya yung taong kapag may problema ang pamilya, hindi siya nangangamba at uubusin ang oras sa kakaisip lang. Siya yung taong gagawa ng paraan para sa pamilya.

Hanga ako sa mga ama lalo na sa aking ama. Siya ay isang taong talagang matalino at matured. Iniintindi niya ang bawat isa sa pamilya at nakikisabay din sa agos ngunit alam kung paano pa rin ilugar ang bawat isa bilang ama at anak.

Hanga ako sa mga ama, lalo na sa aking anak dahil natitiis nilang pagsabihan kaming mga anak at kung minsan pa ay napagbubuhatan ng kamay para lang lumaking maayos at magtanda. Hanga ako sa tatag ng loob nila na paulit-ulit kaming pagsabihan at pagalitan para lang matuto.

Hanga ako sa mga ama, lalo na sa aking ama at mga amang OFW. Tinitiis nila ang kahit anong hirap para sa aming mga anak at para sa pamilya nila. Mabaon man sa sandamakmak na utang at cash advance at kahit magtipid na sa pagkain ay natitiis para sa pamilya.

Hanga ako sa pagmamahal ng mga ama, lalo na sa aking ama. Masarap magmahal ang mga ama lalo na kung ikaw ay anak na lalaki. Spoiled ka sa kanya dahil ikaw ang magdadala ng kanyang apilyedo sa hinaharap. Masarap din magmahal ang ama dahil ibinibigay nito ang lahat ng makakaya para sa aming mga anak at sa buong pamilya.

Hanga ako sayo, aking ama dahil naging mabuti kang ama sa akin. Tinuturuan mo ako sa mga ginagawa mo at ipinapakita mo, kung ano ang dapat kong gawin sa hinaharap kapag ako'y magiging isang ama na rin.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng bagay na tinuro mo sa akin. Yung mga kapampangan at ilocano words bondings natin, yung cooking bonding natin, at kapag pumapasyal tayo at iniiwan sila at at mama. Sobrang saya mo po kasama sa kalokohan, sa kilitian, sa tawanan at kung anu-ano pang bonding moments natin.

Bilang anak, ako po ay humihingi ng dispensa sa mga bagay na nagawa kong hindi ninyo ikinatuwa. Bilang anak, nangangako po ako na tutularan ko ang mabuti ninyong pagpapalaki sa amin sa mga susunod na taon kapag ako naman ang haharap sa ganoong tungkulin.

Pa, Happy Father's day. I Love You po :]

(di naman nagbabasa ng blog si papa. Pag nakasalubong niyo siya pakisabi may tribute ako sa kanya :] )

at sa lahat ng ama sa buong mundo, saludo ako sa inyo. Maligayang araw ng mga Ama.

INUMAN NA!

Related Posts:

  • Pamilya AsuncionSa paglipas ng panahon, di ko namamalayan na unti-unti na ngang lumalaki ang pamilya namin. Dati tuwing Pasko kami pa yung mga bata na sobrang excited sa mga palaro at regalo. Ngayon may pumalit na sa henerasyon namin--ang mg… Read More
  • Dagok sa Pamilya"Lasing ka nanaman. araw araw ka na lang lasing... Anu toh? Bakit amoy babae ka? Nambabae ka nanaman? Walang hiya ka talaga.""Bakit ba? Pakialam mo ba? Ako naman ang bumubuhay sa pamilya na ito?""Ah ganun na ba yun? So dahil … Read More
  • Umapdate lang.It's been a while since my last post. Last week pa ata yun, Sobrang busy weekends kasi at weekdays. Medyo struggle na ang pagsingit ng konting time para magcomputer. Good thing di na ako naglalaro ng kahit anung game sa faceb… Read More
  • Tribute to my so called DAD(family pic namin yan. Mula kaliwa, ako--renz, mama ko (mommy leony), papa ko (papa rene), ate ko (ate leah)Ama, minsang naging anak, magkakaanak at ang anak ay magiging ama ulit, na magkakaanak na magiging ama ulit at magkak… Read More
  • InangWala lang. Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang aking napakasunget/baet/kwelang lola.Ladies and gentlemen...Siyempre siya yung nasa left este right pala.Name: Felipa Espino AsuncionNickname: FELY (JOKE) Inang, IpangAge: 86 and… Read More

14 comments:

darklady said...

hahahahaa talagang inuman na ah!!


Happy Father's Day kay Dad mo. ^_^

Nice Salcedo said...

aww! happy father's day! :D

BatangGala said...

HAPPY FATHER'S DAY kay papa mo, at sa lahat ng papa sa mundo. tagay na! :D

RED said...

Happy father's day sa tatay mo

NoBenta said...

isang tagay para sa iyong tatay!! happy father's day kay erpats mo! \m/

Sendo said...

happy father's day to your daddy, dada, papa, tatay

kikilabotz said...

happy fathers day sa tatay mo ^_^

AIS said...

HAPPY FATHERS DAY UTOL (=

Anonymous said...

ang sweet namang anak!!!

Jag said...

Sweet na anak. belated happy dad's day sa dad mo..

2ngaw said...

Belated happy father's day sa tatay mo :)

Arvin U. de la Peña said...

happy fathers day sa dad mo..

Regine S. said...

_buti pa u naka bati aq wala jud!!!jujuju...

Renz said...

SA LAHAT NG BUMATI! salamat :] maraming salamat! TAGAY!