Showing posts with label thanks. Show all posts
Showing posts with label thanks. Show all posts

Wednesday, November 10, 2010

Dedication


Sinulat to ng classmate ko tungkol sa akin dahil sabe ko sulat siya tungkol sakin. Desperado? Hindi naman. During those times kasi eh nasa library kame ng school, nagtratraining kame for interschool competition at nagkataon na essay writting contest ang sasalihan niya so binigyan ko siya ng chance para mapractice ang skills niya. (palusot much XD)

Looking inside our room, slowly setting my eyes to each of my classmates makes me see the faces I would someday want to remember: one of thos
e faces wears eyeglasses and is intact to a tall body of a boy named Louie Renz Asuncion Sucaldito.

He grew from being a bubbly little boy to a clever young man, a young man who is brave enough to face the gruesome realities of life, the young man who is mature enough to settle as the apple of his best friend's eyes and long for nothing more than that. Although I can honestly say that there's a part of him that I can't help but hate, he will always be someone who is remarkable enough to make his way to my precious list of friends for during the times of helplessness, he was always there to cheer me up and though he might be closer to other people, he never failed to give that boosting support everyone of us need.

Through my almost 10 years of being a salettinian, thinking through all those experiences, he never failed to amaze me of all the achievements he keeps on get
ting, it was as if he's a big ball of energy who despite problems thrown to him still finds his way to success. I remember way back when we were sophomores, he broke his arms while playing with his friends. We were seatmates then and I helped him write a few of his notes and seat works; During those days, I saw his eagerness to still learn despite the accident and it was not a surprise to me when he became the smartest in our class during that grading.

Truly, his exemplified perseverance is sure to lead him to success in the near future and I am fortunate to have experienced being with him for quite a while.
It is infact a blessing, that once, a person like him inspired me.

Eto pic ni Vienna, siya nagsulat neto:


Ang cute niya no, parang napopossess lang siya jan pero cute pa rin. XD

Translation ng gawa niya: Ang cute cute cute cute daw ni RENZ :] JOKE

Kung nakaabot kayo sa part na to, maraming salamat sa pagbasa ng boring kong buhay. :]
Actually wala lang talaga akong mablog kaya naisipan kong ilabas na ito sa publiko. First time pa naman na may nagsulat tungkol sa akin at super natouch lang ako.

BTW vienna, kung sakaling maopen mo ang blog mo at mabasa mo ito, super thanks dito :]
DAGS ka talaga :]

Tuesday, October 5, 2010

World Teachers Day

Update na ulit ako pero madalang na lang siguro muna for the reason na--- busy ako sa mga school works as usual pero iba ngayon dahil magpaparticipate ako sa interschool competition sa city namin sa isang talumpati. Anyways, di naman ito ang point ng post na ito pero pwede rin naman iconnect.




Sa bawat pagsali ng mga estudyante sa mga contest na iyan, sino ba ang gumagabay? Mga guro diba?

Sa bawat kaalaman ng mga estudyante, ang may turo niyon ay walang iba kundi mga guro diba?

Sa bawat nurse, doctor, abogado, enhinyero, artista, kapwa guro at kung anu mang trabaho pa yan-- guro din ang naghulma sa bawat isa hindi ba?


Sabi nga ng ate ko na guro "Teaching is a truly humbling profession."

Kung tutuusin, hindi naman malaki ang sweldo ng mga guro. Minimun lamang ang seldo ng ordinaryong guro, na kung tutuusin ay kikitain nila ang doble pa noon kung ibang propesyon ang kanilang pinili, pero hindi. Hindi sila nagdalawang isip na maging instrumento ng pagkamulat sa kamangmangan ng mga estudyante--Instrumento ng pagbabagoo.

Kapag naging guro ka, pagod ka palagi. Nakatapos ka na nga sa pag-aaral mo bilang estudyante, heto ka na naman, nag-aaral para sa mga lessons na ituturo mo sa mga estudyante mo.

Naiintindihan ko ang ganoong pakiramdam, dahil ako mismo ay isang batang guro, isang katekista. Naiintindihan ko ang isang bagay na nagbibigay ng lakas sa isang guro upang magpatuloy sa ginagawang kabayanihan-- iyon ay makita ang mga estudyante niyang natututo at natutuwa.

Sa simpleng pasasalamat at pagtangkilik sa isang guro at sa mga ginagawa niya ay katumbas na ng lahat ng mga gamot sa lahat ng karamdaman ng isang guro. Kaya bago matapos ang akdang ito, lubos akong nagpapasalamat sa mga gurong naririyan sa buong mundo. Maraming salamat dahil hindi lamang intilehidad ang inyong hinulma sa amin, pati ang pagkatao namin ay binigyan ninyo ng direksyon at sinisugurong sa pagtatapos ng buong buhay na grading period namin ay makakakuha kami ng mataas na marka.

Mabuhay kayong lahat--mga bayani ng ating lipunan. :]

PS. Happy World teachers day po sa ate ko, at kay Miss Fatima Rivas. :] gayun na din sa lahat ngg naging guro ko sa loob ng aking 12 taon ng pag-aaral :]