Showing posts with label Panagnip. Show all posts
Showing posts with label Panagnip. Show all posts

Tuesday, June 8, 2010

Bangungot


Kagabe, habang katext ko ang someone special ay nakafeel ako ng antok kaya ayun, nagdecide na akong mag goodnight sa katext at nakapwesto na rin ako sa higaan namin nila papa at mama. Sa sala lang kami natutulog. Napakainet aksi sa kwarto. Gustuhin ko man na matulog sa kwarto eh hindi naman ako makakatulog dun kasi nagmistulang bodega na rin yung nagiisa naming kwarto.

Nakapikit na ako noon, tapos siyempre bago matulog nagpray muna ako pero di ko napansin sa sobrang antok at pagod sa first day ng klase eh nakatulog ako sa kalagitanaan ng pagdarasal. Tantiya ko eh mga 11 pm na noon. Kampante naman akong matulog ng ganoong kalate dahil wala kaming pasok ngayon so okay lang babaran to the max sa kama.

Siguro kalagitnaan na ng tulog ko nung parang nakafeel nanaman ako na binabangungot ako. I was always like that. Binabangungot nga ako kasi ang weird ng feeling. Super nakakatakot yung mga nakikita ko sa panaginip ko and I can't scream. I can't call for their attention. Ang masaklap pa feeling ko lumulutang na ako at nakita ko na parang humihiwalay na ako sa katawan ko pero nagstrive akong bumalik. Buti na lang nakabalik ako.

I called for the attention of my dad. Sabe ko tulungan mo ko pa binabangungot ako, pero may parang nakatakip sa mata ko na ewan at hindi ko nakikita yung kausap ko tapos ayun pagkatingin ko sa ceiling namin may something na babae na mahaba ang buhok na nandun. Sobrang natakot ako. Akala ko gising na ako noon pero part pala yun ng dream ko.

Nagising na ako in reality. Sobrang takot na takot ako. Hinug ko si papa sa tabi ko, sabi ko papa binabangungot ako. Sabe ko pa gising na ba talaga ako? Litong lito din ako nun, pero tama, gising na nga ako kasi kinurot ko yung sarili ko at nasaktan ako pero nung una kong kurot sa dream ko walang feeling. Buhay pa nga ako. Hay salamat. Akala ko ma dedeads na ako nun. Super natakot ako at nagpray ako again.

Kaya naman pala sigurop ako binangungot kasi nagtampo si Papa GOD kasi tinulugan ko siya plus yung mga rituals ko bago matulog eh hindi ko nagawa tulad ng paglalagay ng isang boteng tubig sa ulohan ko bago matulog. Pangontra daw yun sa bangungot. Gabi-gabi ako naglalagay nun kasi lage nga ako nababangungot.

Hay naisip ko, andami ko pang pangarap. Wag muna ngayon Papa God. Need ko pa makatapos ng pagaaral, magkapamilya at kailangan ko pang makaexperience ng TRUE LOVE. haha. Paano na din ang mga bagay na importante sakin pagnagkataon. (wag naman sana. knock on wood)

So ayun, tip ko lang magpray kayo lage. Hay nakakalito. Gising na ba ako o nananaginip lang ako na nagbloblog ako? Sana reality na ito. ARAY! kinurot ko pa sarili ko. totoo na nga ito.

Super wierd dream. Sa panaginip, ang panaginip ko ay nananaginip din. Triple dreaming ang bangungot ko ngayon.

Friday, December 18, 2009

Bitin

Hapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay ayun nga. Pinatatag ko ang loob ko. Hinawakan ko siya sa kamay at binulungan. "ano ba ang problema mo? bakit ka umiiyak."

Sampung minuto na yata ng naitanong ko iyon. Wala naman siyang imik kaya minabuti ko na lang lumabas ng room at iwanan siyang magisa.

Papalabas na ako ng pinto ng may narinig ako. "Louie........." Lumingon ako. Nakita ko siya na tinatawag ako, mugto ang mga mata. Nilapitan ko siyang muli.

"Ok na na ba? Ano ba kasing problema mo?" tanong ko ulit..

"uhmm basta uhmm sorry talaga louie...."

"dahil ba hindi ako ang pinili mo?" patapang kong sagot. Alam ko na yung isasagot niya pero gusto ko sa kanya manggaling.

"Hindi. Nagsisisi lang ako. Break na kami, ang sakit. Bakit ganon siya? Minahal ko naman siya ah.."

"Ang emo neto. Wag ka na ngang umiyak jan dahil darating na mga classmates natin. O sya wag kana umiyak. Alam mo namang mahal na mahal kita ehh.."

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang muka.

"Tara sa labas tayo. Pahangin tayo" aya ko sakanya.

"tara." Wow. natuwa ako sa sagot niya.

Nakarating kami sa likod ng building ng school namin. Napagkwentuhan namin ang nakaraan. Nakakatwang isipin na kanina lang ay ayaw niya man lang ako kausapin pero ngayon eto, nakasandal siya sa akin habang kinukwento ang nakaraan.

Hinawakan ko ang muka niya. "Alam mo, ang cut mo talaga" sabe ko.

"Bakabar!" sagot niya.

Natulala na lang ako sa muka niya. Kitang kita ko bawat ditalye ng muka niya, ang mahabang pilikmata, ang cute na muka. Ang sarap tignan.

Naramdaman ko na lang sa dibdib ko na malakas ang kabog nito. Ang sarap pakinggan. Lalong lumalakas habang papalapit ang mga labi ko sa mga labi niya.

Didikit na ang mga ito ng biglang may narinig ako.

"LOUIE RENZ ANO PAPASOK KA PA BA? TANGHALI NA!" sigaw ng nanay ko

siyet panaginip lang pala. Nalungkot ako.

Sunday, December 6, 2009

Mga alaala ng nakaraan.

Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kanya, pero ewan ko kung bakit.

Araw-araw ganito ang nangyayari. Hanggang sa nahulog na paunti-unti ang loob ko sa kanya. Nagsumikap akong kausapin siya, at maging kaibigan niya. Naging matagumpay naman ako.

Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang kamay niya. Ang malililiit at maiinit na kamay na bago sa lang sa aking pakiramdam. Napakasaya ng pakiramdam. Hawak ko ang kamay ng babaeng gusto ko. Wala pa noong malisya sa kanya. Parang nagbibiruan lang kami.

Masaya ring makatabi siya sa misa. Lalo na kapag ama namin na. Mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Hay... ang bagal ng oras. Ayaw ko matapos ang kanta. Kahit sampung beses pa akong kumanta huwag lang magkabitaw ang mga kamay namin. Pero hindi maaari.

Itinago ko sa sarili ang nararamdamang paghanga. Hanggang sa dumating ang oras na nalaman niya ito. Nailang na siya. Nawasak ang pagkakaibigan. Napupuno ng malis
ya ang bawat galaw na ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ang lumayo.

Hindi ko na narereceive ang mga text niya, pati mga GM niya. Wala na. Sira na ang pagkakaibigan.

Minsan dumating rin ang balitang sobrang napakasakit. Ang malamang mayroon na siyang bf. Ang saklap ng pakiramdam. Isang malamig na pasko. Bumaha ng luha sa aking mundo.

Sa bawat araw na nagdaraan, lalo akong nasasaktan. Lalung lalo na
nung mag isang buwan sila. Ang hirap ng pakiramdam. Isang buwan na pala akong wasak. Pero muli kaming naging magkaibigan. Naging close at nagbalik ang pagkukulitan.

Nagbibigay saya na ulit sa akin ang mga text niya. Nagbibigay lakas ang mga ngiti niya. Nagbibigay ng dahilan upang mabuhay pa. Pero lahat ng kasiyahang ito ay nauwi rin sa pagluha.

Buhay nga naman. Parang rollercoaster. Nasadlak nanaman ako sa kalungkutan.

Nagbakasyon na, di ko man siya nakikita, araw-gabi naman siyang nasa isip ko. Inaalala ang mga bagay na ayaw kong matapos. Ang mainit niyang kamay. Ang maliit niyang boses. Ang cute niyang ngiti. Nakakamiss.

Panibagong taon na. Third year na ako. Nagpakatatag ako. Pumasok ako sa silid ng taas noo. Wari'y di ko siya nakikita. Magkaklase nga kame pero parang di naman kami nagkakakitaan. Ayoko ng maulit ang mga sakit na nararamdaman hanggang sa maglaro ang tadhana.


Naging magkatabi kami sa upuan. Ayaw man ng isip ko, tuwang-tuwa naman ang puso ko. Bumigay nanaman ako. Napamahal nanaman ako sa kanya. Di ko kinaya ang magpigil ng damdamin. Naging close kami muli. Ang saya.

Dumating naman ang panibagong balita ng break up nila. Nalulungkot ako pag nakikita ko siyang nalulungkot at umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang titigan siya, at kapag magisa na ay patutuluin ang luha at maglalabas ng sama ng loob sa aking bolpen at doodle notebook.

Pero di maipaliwanag ang naramdaman ko ng malamang nagkabal
ikan sila. Masaya ba ako o hindi? Babatiin ko ba sila? magiging masaya na sila ulit. At ako babalik nanaman sa normal kong buhay.

Pasulyap-sulyap, nagiisip at binabaon sa puso ang masayang alaala kasama niya.

Ngayon, kung ano man ang mangyayari, hindi ko alam. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman. Pero mukhang hindi pa matatapos itong sakit.

Isang taon mahigit na, at isa nanamang MALAMIG na pasko.