Showing posts with label last day. Show all posts
Showing posts with label last day. Show all posts

Friday, December 31, 2010

Last Words for 2010

Akalain mo, magsusulat nanaman ako ng last words para sa taong ito. Parang Kailan lang eh sinulat ko yung Last Words for 2009 ko tapos ngayong napalitan ng 2010 yung 2009. Ang bilis ng panahon talaga. Parang bawat araw na dumadaan ay isang kurap lang. Siguro dahil busy ako kaya parang ang bilis ng oras ko.

Kung susumahin, naging maayos naman ang taong
2010 sa akin. Ang taon na nagbukas sa akin ng maraming opportunidad lalung lalo na sa larangan ng pagsasalita. Ilang beses kasi akong nagemcee, nagtalumpati, ininterview, pinadala sa ibang school para makipagtalastasan. Inborn kasi akong madaldal. sabe ng nanay ko bata pa lang ako eh madaldal na ako. Aminado naman ako. Itong taon na to ang taon na nadevelop ko ang sarili ko sa larangang iyon.

Congratulate me. Hindi ako naging masyadong emosyunal ngayong taon. Siguro nung mga unang part lang. Aftershock lang yung ng 2009 nightmares ko. HEHE

Ngayong taon din na to, mas bumigat ang responsibilidad na inatang sa balikat ko. Officer ako sa isang school club. Sa community naman eh hawak ko pa ang south Bulacan Kids for Christ bilang Sector Kuya. Pero habang bumibigat yung mga trabahong nakaatang sa balikat ko, doon ko nakikilala yung mga kaibigang handang tulungan akong magbuhat. kaya kasabay ng mga responsibilidad na lumalawak ay ang pagkakaibigang lumalalim.

Kahit na mahina pa rin o masasabi kong wala pa rin akong stable na love life (dahil bata pa naman ako), masaya pa rin ang taon. Masaya makipagbonding sa mga kaibigan. Susulitin ko muna to bago magfocus sa iisang tao lang. (hindi bitter toh XD)

Last words for 2010?

Dear 2010,

Thanks sa napakalaking impact na ginawa mo sa buhay ko. Sa pamilya man, sa eskwelahan, social life, spiritual life at kung anu man sa life ko. Masasabi kong sa mga panahon na kasama kita eh medyo naging matured naman ako. Nakasaksi ka sa maraming paghihirap ko at kasama kitang magdiwang ng matapos ang mga iyon.

Ngayon, ilang oras na lang ay aalis ka na, darating na ang kapatid mong si 2011. Pakisabi naman sa kanya na maging mabait siya para a akin at sa pamilya ko. Tulad mo, sana maging maayos kaming magsama. Sana sa darating na 2011 eh lalo pa akong magmature. Pati sana looks ko ay magmature din. Yung poging pogi ba. HAHA

O cya, baka mahuli ka na sa party mo mamaya. Salamat ulit sa lahat

--RENZ


Sa lahat, Happy New Year! Salamat at naging parte kayo ng SULATKAMAYKO ngayon sa kanyang 17th month at ikalawang New Year Celebration.

PARTEH PARTEH!

Friday, March 26, 2010

RECOGNITION DAY

March 25 2009, marks the day of recognition after a year of work. Umabsent si mom sa trabaho para lang umatend, how sweet, si ate naman, maghahalfday. Aattend siya ng recognition. Hapon pa naman kasi yon, 1pm

Umaga pa lang, busyng busy na sila sa paghahanda ng kung ano-anong bagay---this includes luto ng konting handa, tapos linis ng bahay. Ang saya kasi kahit 3rd lang ako, al
l around pa rin ang support nila sa akin. That's what I love sa family ko :D

12 na, and we started preparing for the program. Alam mo naman, filipino, kaya 1 ang start ng program eh 1 palang kami umalis ng house. Buti di pa kami ganung ka late kasi marching pa lang sila nung dumating kmi, buti third year ako, kaya huli kami magmamarch. wew. Safe ako dun. umabot naman.

So ayun, nagsimula ang programa. Bigla akong napaisip, nice, last
recognition day ko na pala to sa school namin, kasi next yr eh graduation na. naka ilang recognition na ba ako sa school? grade 1-5, 1st yr to 3rd, madami na din pla, and sadly this is the last---and indeed the happiest.

This school year, nakakuha naman ako ng 2 medals eto yun :



yung nasa left, yung best in religion na award ko, kasi naman ako daw pinakamabaet. *joke lang) at yun nasa right yung medal ko sa third honors.

Mejo tipid ang school, di na uso ang di tali, sa graduation kasi puro ganun.tsk :D Pero medal pa rin naman yan. It does'nt matter kung ti sabit or pin, ang mahalaga eh may medal :D

after nung awardan ng honors siyempre di mawawala jan yung p
icture taking. Isang pic lang ipapakita ko dito. Add niyo n lang ako sa fb para maview niyo lahat :D

eto kaming top 10 ng third year, wala si top 2 eh kaya kulang.



ako yung guy sa top right, katabi ko sa left ng screen ang aming adviser, si MS. Fat, one of my favorite teachers ever, tapos si imah, top 12 namin, sa tabi niya si ms. triff, teacher namin na close din samin, yung boy sa baba ni ms triff si r.a, top 11 namin, best in comp myna :D, yung babae sa pinakagitna na parang sumingit lang, si Leizel, top 4 nami
n, bloggera din yan :), tapos yung katabi ko sa right ng screen yung top 1 namin, si aika. Best is science at Math oh san kapa.

Mga girls naman sa pinakababa, starting from left...
dayan- top 5, best in english, saka best in performing arts. katrina- top 7 namin, vienna- top 8, Lynzl- top 10, camille- top 6, eliza- top 9 at si andre yung dulong girl sa right ang top 13.

so eto po yung mga awards ko for the past recognition days, nadagdagan nanaman ng dalawa. ang saya, sana madagdagan pa :D

eto lang ang tanging kayamanan ko na hindi pedeng makuha sa akin ng iba-- ang EDUKASYON, ang TALINO :D

Friday, March 19, 2010

Last Day for the school year 2009-2010

This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang Dance Contest at Battle of the Bands ng mga Salettinians (kami yun, mga student sa La Salette).

Super grabeng preparations na rush, as is almost two weeks lang kami nagpractice para sa sayaw namin. Ang daming hassles, problems at kung anu-ano pa pero nasolve din naman lahat. Ang daming gabing pinagpuyatan, pagkaing pinagsaluhan ng sama-sama, pamasahe na winaldas para sa praktis at palusot na ginawa sa magulang para makapagpraktice lang.

Tapos na. Yes! Sulit ang bawat pagod ng lahat. Tinodo na namin lahat, ako, at siyam pa na kaklase ang bumuo ng aming grupo. Tinawag itong THE RENEGADES.

Sa simula di kami nageexpect na manalo since ang mga defending champions ng dance contest last year ay sasali pa rin (dahil tinuruan nanaman sila ng outsider na coach) maski nasa rules na NO TRAINERS OUTSIDE. SUS! Naaasar lang kami kasi di nadisqualified. Nagrules pa naviolate din naman. Tsskk.. BTW back to the topic, di kami nageexpect pero ang result..

tenen

KAMI ANG PANALO SA JUDGES..

pero di pa yan ang happy ending. Dahil 50% eh sa judges at 50% votes. So paramihan ng pera ang labanan? Kung tutuusin wala naman talaga sa kalingkingan ng sayaw namin yung kanina. (chos lang! pero totoo naman. upload q vid mag may time) Bongga nga costume at props design lang naman. Ang gara pa, walang energy, parang mga nagaangas lang :)) LOL. PADAMIHAN NG PERA?

Sorry di kami ganun kayaman, kaya ang nangyari, sila ang overall. Tsk second placer lang kami, WE DESERVE THEIR PLACE.

Kung pera-pera lang din eh wag na sumayaw. Kung pera pera lang din pano pa sa ELEKSYON? pera pera na lang din ba? SUS ganun naman ang tiyak na mangyayari.

Anyways, let's go back to the story ng last day ng klase. Syempre the best din ang aming banda-- THE RENEGADES WEARS PINK. And as usual dahil nga pera pera ang usapan, SECOND PLACE NANAMAN ang aking mga kaklase. SUS anu bang ginawa nung nanalo sa harap? tumayo, nagingay, nagkalat. Pero dahil may pera, ayun panalo. dapat kami din pala yun :D

SORRY KUNG MABASA NIYO MAN TO, DI KO KAYO MINENTION DITO AH :))

so ayun, kaming mga juniors ay BITTER dahil sa mga panalo na dapat ay samin. SHOWCASE YOUR TALENTS, yun ang mahalaga :) Panalo kami sa judges, yun ang mahalaga, sainyo na pera niyo :))

So dahil nga wala naman kaming magagawa eh nagdecide na lang kaming mga klasmates na mag picture taking ng tumatalon, etc etc. since eto naman ang last day, eh sinulit namin, at kumain pa kami sa isang resto, with our adviser, and half of the class ata nandun, supre saya. :D Pinakamasayang last day ever :)

Inabot na kami ng 8pm sa resto :) at dahil bitin pa kami ay lumakad kami pauwi at pagdating ko sa bahay mga 8:30

BOGOOOOOMMMM!

Galit si itay--muntik pa akong sapakin. Buti nakasalag ako. Kesyo nagbabarkada na daw ako etc etc.

Sabi ko naman sa kanya "Kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko, ewan ko lang sayo" pero joke lang yan. Siyempre di ko kaya sabihin yan,

di ko na lang pinansin, ganun naman lagi yun, alam ko naman na nasa MABUTING barkada ako :)

and that's the ending of my junior life, super saya :)
bukas papasok pa rin ako, kahit walang gagawin at bawal na pumasok :) magliliwaliw at mag i-slurpee :))

--FIN--