Thursday, June 3, 2010

3 weeks update

Hello friends, whahahaha tagal ko nawala anu? patikim lang yan ng buhay ko ngayong senior year. Hindi pa man nagsisimula ay ayun busy na pero don't worry di man ako nagpopost eh nagbabasa naman ako ng mga blogs niyo at nagcocomment. By the way bakit nga ba ako lumubog sa banga this past 3 weeks? ganito kasi yun..

Last week, dahil mabait akong kapatid at dahil wala naman akong magagawa dahil ang ate ko ang financer at siya ang masusunod ay dinala niya ako sa kanyang school na pinagtratrabahuhan. Mala munisipyo sa ganda ang schjool na yun. Enjoy naman me dun kaso nga lang walang PC at hindi rin ako makakapagpc kasi nga magdedecorate kami ng classroom at kailangan ng creative na ako dun whahaha. Bale 2 days yun ganun ang ginawa ko.

Tapos nung thursday night eh sumibat na ako sa house para makitulog sa bahay ng kaYFC ko kasi naglayas ako. Joke lang. Nagovernyt ako kasi pupunta kami ng subic the following days for conference again. Natulog nga ba kami? medyo. Nakakatuwa kasi siya kakwentuhan ng kung anu-ano hanggang nakinig na kami ng TLC at wild confessions at tawa ng tawa ewan ko ba ^^

May 21-23 ay nasa subic kami for Luzon Kids Village-- activity yon ng youth org namin so bale kasama namin ang iba pang delegates so all in all eh 7000 kami nandoon. Fail ang PC doon kasi nga busy kami at hindi ko naisip ang blog doon kasi njoy na enjoy me.

Sumunod na week naman eh busy na lalo ang inyong lingkod dahil naappoint sa higher position sa org namin. ako na ang SECTOR KUYA ng Kids for Christ sa SOUTH BULACAN, bale hawak ko ang lugar na San Jose del Monte (sapang palay, kaypian, muzon, loma, palmera, pleasant, francisco) Marilao, Meycauayan, at Bocaue. Ayun so ako yung responsible sa mga luigar na yun. Grabe hirap pala nun super duper extra mile para makaattend lang sa gatherings chu chu.

Nagteamleader pa ako sa isang camp and ITO YUNG PINAKABEST CAMP ever na naattendan ko sobrang saya :]

Tapos brigada eskwela pa, at kung anu-ano kaya ngayon lang me nakapagblog.

Napakawalang kwenta ng post ko ngayon kasi sobrang dameng thoughts na di tugma. sa susunod na ulit yung blog na maayos haha ^^

Pasukan na namin sa Monday OMG ^^


Related Posts:

  • Untitled101Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man. Gusto ko ang magsulat… Read More
  • Konting paramdamHephep hooray! Buhay pa naman ako at dahil doon ay nagpapasalamat ako kay God.  Isang buwan na din ang lumipas nang una akong akong pumasok sa malaking mundo ng buhay kolehiyo. Sa ngayon, masasabi kong masaya naman ako s… Read More
  • to blog or not to blogNaiisip ko lang, kaya ko pa ba magblog? This past few days kasi parang nawalan na ako ng appetite mag post ng something. Naging busy din kasi this past few months at hindi na nakapagbukas. Ang resulta, tinamad na rin. Bueno, … Read More
  • Desisyon Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating … Read More
  • Buhay pa akoAkalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may ut… Read More

4 comments:

krn said...

busyng busy talaga... iba na talaga ang SECTOR KUYA noh?hehe, good luck and good bless!

BatangGala said...

yess!! nabuhay na si renz!hihi:)) musta naman? mukang bising bisi a... tinalo mo pang skedyul ng artista... eniwey, nakakatuwa naman at ang dami mong naging adbentyurs ngayong summer! at... good luck sa senior year! break many legs! haha:))

krn said...

i mean god bless pala, anu ba yan,haha, sori naman,may hangover pa

Renz said...

@ate karen haha more jobs ^^ ayy teka hangover ba? haha GOB BLESS DIN ^^

@ batanggala ahihihi tagal ko din nawala at talaga namang hinanap mo pa ako mapapisbuk man. OO nga kulang na lang magartista na talaga ako dami kong ginawa ngayong summer madami akong isusulat sa formal theme sa pasukan. Ilang legs ba babaliin ko? haha