Showing posts with label friends. Show all posts
Showing posts with label friends. Show all posts

Thursday, August 25, 2011

unknown title

I just want to blog today. Wala naman kasing importante ngayong araw. Kung pwede nga lang sana na hindi na nageexist ang August 25. Sana pagkatapos na lang ng August 24 eh 26 na agad para mas masaya diba?


























HAHAHA


Joke lang!


Alam niyo ba na ang araw na ito ay special? Ang araw na ito kasi ay ang birthday ng isang malapit na malapit na kaibigan para sa akin. Siya ay si Armando Nathaniel Pedragoza. (Tama ba spelling?) 
Sa palagay ko ay hindi niyo siya kilala. Malamang kasi shy type daw siya. (Self-proclaimed) Pero hindi naman :))) 


Nakilala ko si Nathan dito sa UPLB. Hindi ko siya coursemate sapagkat Applied Physics ang course niya at Electrical Engineering naman ako. Hindi ko rin siya classmate sa kahit anung subject. Nagkakilala ko siya sa isang page sa facebook para sa mga freshmen ng UPLB. Iniwan ko yung number ko doon sa isang thread at presto, may isang makulit na tao ang nagtext sa akin. Kinulit niya din ako sa fb chats and etc. Siyempre ako naman bilang isang mabuting kaibigan (ehem XD) ay kinulit din siya para makaganti at lumabas na mas magaling ako mangulit dahil madali siya mapikon XDXD.


Who would have thought na sa ilang buwan pa lang naming magkakilala eh naging close na agad kami. Siguro dahil kakaiba din kasi ang ugali netong tao na to. Napaka-sigasig niya, napaka-persuasive napaka-baet (ehemm) at siyempre calm. 


Best friend ko nga ba siya? First define best friend? Sa akin kasi ang best friend na tawagan ay iba sa best friend na turing. I never called him as my best friend but I consider him as one. Best friends will always be best friends kahit naman hindi kayo magtawagan na best hindi ba? 


Alam niyo rin ba na dahil sa kanya at sa mga kalokohan niya ay nadiscover ko ang isa pang pamilya na sobrang nakakainspire sa akin dito sa UPLB? Dinala niya ako sa SWAP (students with a purpose) isang lunes na wala akong idea kung ano ang pupuntahan ko. It was our first time to meet then. Libre niya daw ako ng dinner. Ako naman, since pagod ako sa byahe kasi galing pa akong bulacan, eh pumayag ako. You know, butas ang bulsa XD. Pero hindi pala niya ako ililibre ng dinner kasi may FREE FOOD talaga doon sa pinuntahan namin. Tingnan mo nga naman ang wais. XD Pero thanks to that, naging active pa rin ang spiritual growth ko dito sa UPLB.


Nathan, 
Happy Birthday! Salamat sa lahat. Yari ka mamaya kailangan mo kami pakainin nila kuya Dennis! May ibibigay din pala ako sa iyo. Yung statement doon ang tandaan mo palagi. Kung ano yun, malalaman mo mamaya. WEEE. 
You know I can't say a lot at alam mo na kapag nagsasalita ako, madalas double meaning or kung hindi man eh triple o quadruple pa. So hanggang dito na lang.
Salamat!


:)


PS
Alam niyo ba na si Nathan daw ang SELF PROCLAIMED na number one fan nitong blog na ito. Nagkunwari pa siyang anonymous writer at nag email sa akin ng compliments. I know it was him kasi sa isang email ko siya nag-mail. Buking :))
hahaha


SMILE always!

Wednesday, March 16, 2011

I'll always remember YOU

I always knew this day would come...
Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam nating lahat na dadating tayo sa ganito. Pero ang hirap din pag nasa ganito ka nang sitwasyon. Ayaw mong iwan ang ilan sa pinakamahal mong tao sa buhay mo.

We'd been standing one by one
Sa tinagal tagal ng panahon nating magkakasama, natuto na din tayong tumayo sa mga sarili natin. Dati takot na takot tayo sa mundo. Ngayon proud na proud na tayong nakatindig at sinasabing, sige i-try mo ako. Isa isa na tayong ready--ready para tumapak palabas ng institusyong kinalakhan nating lahat.

With the future in our hands. So many dreams, so many plans.
Noong June, kaunti pa lang yung naghahanda para sa kolehiyo. Madaming may aftershock pa ng 3rd year life. Maraming ayaw pa magpatuloy, pero wala tayong nagawa kundi maging 4th years. sa pagdaan ng mga panahon, napuno tayo. Naging mga responsableng estudyante. Nanindigan. Nagdesisyon. Unti-unting nangarap. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na nangangarap. Namulat tayo sa kasabihang "libre lang ang mangarap". Bawat isa gusto maging successful. paano tayo magsusucceed kung ayaw nating bumitiw sa institusyon natin ngayon?

I always knew after all these years. There'll be laughter, there'll be tears...
Sobrang naging makabuluhan ang taon na ginugol ko sa high school dahil kasama ko kayo. Hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa. Yung sobrang ang ingay sa science laboratoty nung second year tayo dahil sa mga palaka. Yung tawa tayo ng tawa kay JP na nadulas sa hagdanan. Yung MEYHI chocolate. Yung pagpiyok ni sir Garces. Yung "patingin please" phrase nung retreat. Ang dami kong tinawa kasama ninyo. Hindi ko rin makakalimutan yung mga tampuhan, mga konting awayan at di pagkakaunawaan. Yun kasi yung mga nagpatibay sa samahan natin bilang isang klase diba?

I never thought that I'll walk away, with so much joy but so much pain and IT'S SO HARD TO SAY GOOBYE.

But yesterday's gone, we gotta keep moving on. I'm so thankful for the moments, so glad I gotta know ya. The times that we had, I'll keep like a photograph, and hold you in my heart forever. I'll always remember you.

All is set ika nga. May grad song na tayo. May sosootin na tayo sa graduation. Naannounce na din ang honor students. Pati mga awards na iba ay meron na din. Nagpractice na din tayo for graduation. May papasukan na tayo for college. May plano na tayo for next year kahit konti lang. Araw na lang ang binibilang.

Kaya bago matapos ang lahat, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sa 64 na kaibigan, kaklase, kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kabuddy, naging sobrang saya ko. Di ba obvious? Alam ko alam niyo na sobrang masaya ako. kanina, last flag ceremony na natin yun sa sols, pinilit ko kayong batiin lahat ng good morning. Pinilit kong maging busy kakalibot sa school para manlang malibot ko yun bago mag graduation. Pinilit kong ngumiti buong araw para man lang kahit huli nakasmile pa rin ako sa school. Bukas, walang pasok. Sa biyernes, the end na?

Di bale, alam ko naman na magkikita-kita pa rin tayo. Pero tandaan niyo, lab ko kayo sagad!
Oh siya, sentimental na masyado to. HEHE
Pakinggan niyo na lang grad song natin:


12 years din pala ako naging Selettinian. Ang tagal noon. Halos buong buhay ko sa kasalukuyan umikot na sa sols.

Natatandaan ko pa, noong kinder 1 ako, panghapon ako pumapasok. Hinahatid ako noong dati naming kasambahay. Tapos na homesick ako. Umiyak ako at tumakbo palabas ng campus. Umuulan noon. Wapake ako kung mabasa man ako. Namiss ko kasi yung bahay namin.

Kinder 2 ako, bago teacher namin. Hinanap ko yung dati naming teacher sa bagong etacher namin. Nagaagawan kami sa placemeat na kulay blue tuwing recess. Nakaindian seat kami sa floor during some discussions. Nagsayaw pa ako nung graduation.

Grade 1, dumami ang kaklase. Naalala ko pa nga noong first time ko na meet si Camille, isa sa mga trustworthy friends ko ngayon. Ang sungit pa nga niya nun. Naaalala ko din nung nagkaroon ng leak sa room namin. Tumulo yung tubig from the 2nd floor. Early recess tuloy kami. Naalala ko pa noon pag tinatamad ako sa discussion, gumagapang ako sa lapag, pumupunta ako sa shelves, inaayos ko yung mga libro. naaalala ko din yung mga pagkakataon na sumisigaw yung teacher namin dahil may daga sa drawer niya. Naaalala ko din yung pinalo kami ng teacher namin sa kamay doon sa harap ng klase dahil late kami after break.

Grade 2, First day noong, nag-ayos kami ng kurtina dahil inutusan kami ng teacher namin. Nakilala ko noong yung mommy kuno ko ngayon. Nakilala ko di si top 1 ngaun noon. Sakto lang, only few memories retain. Medyo tinamad kasi ako mag-aral nun.

Grade 3, naexcite ako mag first communion. Pinagpraktisan pa nga namin nung yung haw haw flakes. Parang host kasi yun. Same ang adviser namin noong grade 2. Nagleave si Ma'am kasi manganganak siya. Pinaglihi daw sa kakyutan namin ang anak niya.

Grade 4, kumakanta kami ng iba't ibang songs pero ang lyrics mga rehiyon sa Pilipinas, lugar noon at mga kapital ng bawa't lugar. Para daw matandaan namin agad. Excited din ako noon kasi naka panta na kami noon papasok.

Grade 5, naging sobrang maingay ang science class. Pano ba naman kasi reproductive system ang pinag-aaralan. Alam mo naman ang mga kabataan diba. Nag-usbungan na din ang crush crush na yan.

Grade 6, naging adviser namin yung isa sa idol kong teacher sa pagsasayaw. Ang dami niyang pinapagawa sa amin tulad ng iba't ibang sayaw na practicum at pati pagkanta. Naaalala ko din, intrams noon, nagalit siya sa amin, binasag niya yung mug na may halaman sa desk niya tapos sabe niya hindi daw kami makakapaglaro. Kami naman nagalsahan, sabe namin uuwi na kame, pero in the end, nakagraduate naman kami ng matiwasay.

1st year na, bagong uniform na. Dati blue ngayon black na. Dati tuck-in ngayon TAK OUT na. Madaming nawala sa batch namin noong elem pero mas madami ang pumalit. Eto yung taon na sobrang bumuo ng pangalan yung batch namin. Lahat kasi ng contests pinapanalo namin. Tuloy ang init ng tingin ng ibang year sa amin. pati tuloy adviser namin nakikipagtalo na sa ibang teachers for us. 1st time ko din makapagswimming with classmates ng panahong ito.

2nd year, nagbago ng sections mildy. Naging classmate ko ulit si TABA (Lanz). Dumating sa school si BFF. Bumubuo pa rin ng pangalan section namin. Nagdissect kami ng palaka na hinuli pa namin sa school. Sinorpresa din namin yung adviser namin na si sir Erwin. 21st birtdhay niya kasi yun. Ayun napaluha naman namin siya.

3rd year, medyo ang sarap ng buhay. Ang tibay na ng samahan. Dagdagan pa ng adviser na super lovable. Isama ang competitiveness= tres de san juan. Halos lahat ng pagkakataon na naging 3rd year ako memorable, though di ko kayang i-specify, mananatili yun na lessons for I'd learned a lot from this school year.

and lastly, 4th year. The best year of high school. Hanep sa projects, hanep sa extracurricular activities hanep sa lahat. Lahat ng mga nangyare masaya at todo-todo kasi nga ang iniisip namin huli na ang lahat.

Lahat ng ito ang bumuo sa pagkatao ko. Lahat ng ito ay pagpapaalala kung sino ako. Kahapon lang lahat ng ito. Ngayon ala-ala na lang. Ala-ala ng isang masayang kabataan. Ala-ala ng isang SALETTINIAN. Ala-ala ko, kasama kayo.

tama na nga. Wag na malumbay. :]

Bago pala ako matapos, CONGRATULATIONS SA ATIN SILVER GRADUATES OF SOLS!


Friday, February 25, 2011

kwentong walang kwenta. kwentang walang kwento

Magkukwento na lang ako.

Feel ko na na ganap na akong tao. Nakakapunta na ako sa lungsod ng walang kasamang nanay. kaibigan lang. Natry ko na rin na mag-isa lang. kailangan ko na kasi matuto. Next year lumbay na ako dahil malalayo ako sa pamilya ko. Titira ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Masaya. Exciting pero nakakatakot. Kaya ko na ba talaga? kaya ko na. Siguro.

Pero hindi yan ang kwento ko. Saka na yan.

As we all know, EDSA ngayon. Ang sarap ng buhay naming mga estudyante ngayon dahil walang pasok. Thanks God. Wala nanamang pasok. At siyempre, hindi ko inubos ang maghapon sa bahay. Naginterview kami for our supposed to be thesis na naging reseach paper na lang. Nahirapan kasi kame kaya nagdemand kame na wag na thesis tutal high school pa lang kame and thesis is for those na may mas mataas na degree kaysa high school or in short sa college.

Gaya nga ng intro ko (i-connect ko lang), tatlo kaming nagpunta sa may Quezon City Hall. Actually, di naman yun kalayuan dito sa lugar namin kahit na sabihin na Bulacan ito. Boundary kasi ito. Mga ilang hours lang eh nakarating na rin kame doon.

Ilang mga bagay yung napansin ko.

Una, bakit kaya walang 13th floor sa halos lahat ng building na may higit pa sa 13 ang floors? Totoo bang may dulot na malas yung number na yun? So ibig sabihin ba, yung pang 14th floor eh yun yung pang 13th? Natanong ko lang. Nakita ko kasi sa number nung elevator, nagskip siya sa 13 kaya ayun.

Kanina din, 1st time ko mag underpass. Nakakahiya no, ang laki ko na. 16 na ako at first time ko lang magunderpass kanina. Fantastic. Saan ka ba naman kasi makakakita ng underpass sa probinsya?

Pagtapos namin maginterview, pumunta kami sa bahay ng lola ng classmate ko sa di kalayuan para palipasin ang lunch break. Balak kasi namin pumunta sa UP para i-check ang UPG namin. Wala pa yung letter ko. Yung mga classmates ko na pumasa rin meron na.

Naalala ko noong last na punta ko sa UP. Sabe ko, I SHALL RETURN. Kanina, nagbalik na ako at sinabi ko ulit yun. Ayun, pinalipas namin ang ilang oras sa paglalaboy sa UP. Wala gaanong tao. Siguro nasa EDSA. Dame tuloy naming wacky pics. Sample to:

Pagod na ako maglakad sa loob ng UP

Batas ako sa Jeep. Ganyan ang tamang pag-upo.

Nagmumuni-muni (daw)

Tapos pumunta naman kami sa SM. Bumili ng kung ano-ano at nagpalamig. Bumili kami ng Ice cream sa DQ, yung Blizzard. Ang cool kasi pag sinerve sayo upside down tapos di nahuhulog yung ice cream. Wala lang. share ko lang. As usual, nagtatanong nanaman ang aking kautakan kung bakit ganun. I'm looking for a scientific explanation ika nga. Tapos ayun, sumakit ang paa. Naglalakad buong araw kasi. Tapos nakita pa namin sa food court si Michael V. Nagtataka kami kung bakit dinudumog yung lugar namin. kalapit lang pala namin siya. Akala ko ako yung dinudumog doon. Kidding. Nanood pa kami ng shooting ng pepito. Sabi kasi ng classmate ko nood daw muna kame. Tapos pinaalis kame ng crowd control.

tapos umuwi na kame, naguupload ako ngayon. Ang tagal. Kaya magpopost at magbabasa muna dito sa blog.

What's the sense of this post?

Go, find it. Hehe. Salamat sa pagbabasa.

Wednesday, November 10, 2010

Dedication


Sinulat to ng classmate ko tungkol sa akin dahil sabe ko sulat siya tungkol sakin. Desperado? Hindi naman. During those times kasi eh nasa library kame ng school, nagtratraining kame for interschool competition at nagkataon na essay writting contest ang sasalihan niya so binigyan ko siya ng chance para mapractice ang skills niya. (palusot much XD)

Looking inside our room, slowly setting my eyes to each of my classmates makes me see the faces I would someday want to remember: one of thos
e faces wears eyeglasses and is intact to a tall body of a boy named Louie Renz Asuncion Sucaldito.

He grew from being a bubbly little boy to a clever young man, a young man who is brave enough to face the gruesome realities of life, the young man who is mature enough to settle as the apple of his best friend's eyes and long for nothing more than that. Although I can honestly say that there's a part of him that I can't help but hate, he will always be someone who is remarkable enough to make his way to my precious list of friends for during the times of helplessness, he was always there to cheer me up and though he might be closer to other people, he never failed to give that boosting support everyone of us need.

Through my almost 10 years of being a salettinian, thinking through all those experiences, he never failed to amaze me of all the achievements he keeps on get
ting, it was as if he's a big ball of energy who despite problems thrown to him still finds his way to success. I remember way back when we were sophomores, he broke his arms while playing with his friends. We were seatmates then and I helped him write a few of his notes and seat works; During those days, I saw his eagerness to still learn despite the accident and it was not a surprise to me when he became the smartest in our class during that grading.

Truly, his exemplified perseverance is sure to lead him to success in the near future and I am fortunate to have experienced being with him for quite a while.
It is infact a blessing, that once, a person like him inspired me.

Eto pic ni Vienna, siya nagsulat neto:


Ang cute niya no, parang napopossess lang siya jan pero cute pa rin. XD

Translation ng gawa niya: Ang cute cute cute cute daw ni RENZ :] JOKE

Kung nakaabot kayo sa part na to, maraming salamat sa pagbasa ng boring kong buhay. :]
Actually wala lang talaga akong mablog kaya naisipan kong ilabas na ito sa publiko. First time pa naman na may nagsulat tungkol sa akin at super natouch lang ako.

BTW vienna, kung sakaling maopen mo ang blog mo at mabasa mo ito, super thanks dito :]
DAGS ka talaga :]

Friday, September 17, 2010

Ang babaeng mukang lalake XD



Nacurious ba kayo sa title, pwes, kung inaakala ninyo na tungkol sa hermaphrodite ang post na ito, medyo mali lang kayo ng slight. Slight lang naman XD. May ipapakilala ulit ako sa inyo na isang taong malapit sa puso ko. Hindi ko siya crush or what so ever love na sinasabi ninyo. Super duper close friends lang kami dahil na rin siguro sa tagal ng pinagsamahan namin. Mantakin mo, grade 1 pa ako nagsimulang maumay sa mukha niya. JOKE. Camz, peace. Di bale, babawi na lang ako.

Tentenenenen..

Siya po si Camille Jane M. Salvador, obviously isa po siyang babae. Babaeng parang lalaki. Proud siya pag tinatawag siyang ganyan. Kakaiba kasi siya sa ibang girls na super pademure. Siya hindi naman super. medyo lang at medyo malakas din siya. Isa siyang amazona. JOKE. Siya po ay kasing hinhin ni Maria Clara na di makabasag pinggan, super OC at super bugnutin.

Oo, tama ang nabasa niyo. Super bugnitin yan ni Camz. Yung tipong maya-maya lang nakatawa siya. Paglingap mo lang ng isang minuto umiiyak na. Napaka moody niya din at may explanation siya sa akin kung bakit siya moody. Gusto niyo ba malaman?

"Moody ako kasi Capricorn ako..."

Totoo ba na moody ang mga capricorns? O talaga lang sobra ang pananalig niya sa ganoong mga bagay? Sabi pa niya, nakuha niya daw itong impormasyon sa isa pa niyang close friend na classmate namin na si R.A na batikang horoscoper. May ganun ba? Ah basta, malakas ang pananalig niya dun. XD

Si Camille, ang babaeng laging basa--basa pag umuulan. Kasi naman, walk trip ang hanap niya tuwing hapon, rain or shine dahil daw super nagtitipid siya para sa pasko raw ay madami siyang wawaldasin. makes sense diba? Para siyang langgam no, napakasipag kaya ayun dinadamay pa ako sa kanyang paglalakad. Ako naman pumapayag. Bawas taba din yun. Slightly antaba ko na kasi eh :)

Si Camille, ang babaeng NBSB as far as I know at sa sinasabi niya sa akin. Ewan ko ba diyan napakamartir kasi, gusto lagi siya nasasaktan. EHEM XD

Si Camille ang number 1 heart doctor ko. Alam niyo ba, madaming alam yan sa pag-ibig kahit NBSB yan. Mahilig kasi sa mga teledrama. Hanep na yan, sa buhay ko sinampol lahat ng tips na nakukuha sa tv, ayun effective naman siya.

At eto pa, alam niyo ba crush ako ni Camille. JOKE XD Pero totoo po ito. Nung grade 1 kami, dikit ng dikit sakin XD (assuming) Wala na kasi ako masabi.

Oh eto, umayan nanaman
:)
Pwede daw po siya maging GF. (aw nambugaw pa ako XD) Joke lang ho ito.
Camz, Thanks sa lahat. Hanggang sa muli :) Dalaw ka dito sa bahay libre kita pansit canton at RC XD


Saturday, August 21, 2010

Day 3: Pictures daw ng aking friends


Ito nanaman ang yugto ng blogging pattern, skip na ako sa day 2 kasi naman ang blogger name ko ay walang secret.

Eto ang iba sa mga pictures ko with my friends.
Yung unang picture, with my closest YFC barkada yan. Sila yung mga klase ng tao na sobrang pananakitan ka ng tiyan dahil sa mga kakornihan nila at sila rin ang mga taong katulad ko rin, di naman ganun kayaman sa buhay. Sakto lang.Tingnan mo yung picture background, champions of the poor. Oha AYOS.

Yung nasa baba naman yung mga Super tropa ko sa school, formerly, ultrasounds daw ang name ng grupo kasi daw ang ultrasound ay isang sound and we are sounds sa pandinig ng school. assuming lang ho yan. Sila yung mga friends na super care sa akin at sa buong grupo. Sila yung kasama ko sa halkos lahat ng oras sa school.

Actually madami pa sana akong ilalagay na pics kaso tinatamad ako magbrowse ng pics. :)




Friday, July 30, 2010

Move on. Fourth Years na tayo...

*This post is dedicated to my dear SILVER JUBILARIAN 2011 BATCHMATES

Sobrang malaking pagbabago ang naganap ngayong taon na to. Yung dating two sections natin from 1st-3rd year eh narambol rambol. Nagkahiw
alay na yung mga dating friends. Mahirap mag move on pero ano ang magagawa natin? Let's just accept the fact that we are not classmates anymore. Anyways may mga times na merged class naman tayong mga seniors.

Sobrang namimiss ko na yung dati nating samahan. Yung mga tawanang wagas sa tuwing gumagawa tayo ng mga kung anu-anong preparations para sa school activities, pero ngayon iba na. Magkakalaban na tayo ngayon pero besides that fact, ramdam ko pa rin na solido pa rin tayo.


Nakakamiss ang buhay third year lalo na sa advisory class ni MISS FAT. Nakakamiss yung may adviser ka na, may kaibigan ka pa, (may nanay ka pa :)) ). Nakakamiss yung super kulit na adviser mo dati, pero iba na ngayon. W
e need to train ourselves dahil sa college mas lalong walang mga ganitong mga basta.. walang ganito sa college.

Resto modes, Gigolo modes, LAUGHTRIP modes kahit sa kalagitnaan ng klase EVERYDAY. Idagdag pa dito ang weekend gala sessions natin. Isama mo na rin ang mga overnights project making. Yung tipong 1 1/2 lang ang tulog niyo tapos papasok pa kayo kinabukasan dahil ayaw niyong mapagalitan.

I really miss III- St. John 09-10. I really miss MISS FAT. I really miss that SPECIAL SOMEONE in my life. I really miss you. I want you all back but sadly, I can't. I am not superman, batman nor the god of time. I am just a mere "Louie" , that student wearing glasses, that can't do anything but sigh and reminisce those times when we're together.

Emo?

OO. Sige ako na emo. Nakakamiss kasi tulad kanina
may event sa school tapos nakakainggit yung all around support and cheer ng dati naming adviser sa new advisory class niya. (I'm not telling our adviser isn't cheering us much. HE IS. In a different manner) Somewhat nakakalungkot at nakakainggit pero we need to be strong at pigilan ang mga emotions na maaaring magpahina sa atin. Sabi nga din niya sa isa niyang post sa facebook kht d nmn aq advsr nio lab q pah dn kau lahat!..kylangn tlga nten mg-muv on sa buhai.haha.

It's really hard to magmove on lalo na kung masyado kang rooted sa isang bagay/tao o events. Kasing hirap ng pagtransplant sa isang puno na nakaugat na sa isang lugar sa mahabang panahon at tinibay na ng mga bagyo na nagpatatag sng a pagkapit ng ugat nito. Pero may paraan din naman na iba. Pwede namang stem cutting na lang diba? Yung tipong nakaugat ka pa rin sa tao na yun pero puputol ka lang ng sanga para itanim sa panibagong lugar.

I an really getting so emotional kaya so much for this one. All I can say is that, St. John 09-10, kahit na magkakaiba na tayo ng classes and at the same time magkakahiwalay-hiwalay na tayo, lagi kayong nakaugat sa puso ko gaya ng isang punong pinagtibay ng mga bagyong dumaan. Love you all.

Eto yung isang pic namin. Nakakamiss :[


Sunday, April 18, 2010

16 at 16th


*warning late post :) sorry

April 16 1994, 8:07 am bumuka ang langit at pinanganak ako (joke lang). I was born on the said date at St. Lukes Medical Center in QC. Sabi nila it was expensive daw dun sa hospi na yun pero ewan ko. Di naman ako ang pumili ng lugar na papanganakan sa akin. pede naman sa bahay lang pero hindi pwede kasi CS Section ako pinanganak.

Lumaki na ako dito sa isang city sa Bulacan pero actually taga valenzuela MM kami dati nung pinanganak ako. That was 16 years before now. For the past 16 years of inhaling and exhaling in this Earth, marami na akong natutunan. I transformed from a baby to a toddler, then a boy, now a teenager. For the past 16 years, nagmatured na daw ako. I doubt them pero sabi nila Im so matured for my age.

Let's go to the main point.

I would like to thank the person who were involve in my 16 years of living.

My family- thank you for being there for me. As the youngest member of our family, ako yung pinakamadaming trouble na napasukan compared sa inyo pero stil tinatanggap niyo ako ng buong buo. Kahit nung nagkabalibali ang aking mga bones eh hindi niyo pa rin nagawang magalit sa akin and thank you for everyday na nakakasama ko kayo.

To my teachers- thank u sa pagmumulat niyo sa akin sa mga bagay bagay na dapat at dahil sa inyo natuto ako mula sa simpleng pagsulat lang ng pangalan at pagbilang ng 1 to 100 hanggang sa matuto ako magsulat ng mga entries sa blog ko at magsolve ng 2x+x-4 o kung anu man yan. Thank u

sa mga classmates ko-- wag na kayo haha :) jokes lang. thanks for being there for me at sa samasama nating pagtuklas ng mga bagay bagay sa mundo salamat :)

sa YFC- thank u sa pagbuhay sa spiritual life ko. I found a place in our community talaga. I really don't know how to express my thanks to you guys.

sa mga BLOGGERO/BLOGGERA salamat sa matiyagang pagsubaybay sa mga wapakels kong blogposts and thank u for ur post na talaga namang ang dami kong natututunan. Let me mention names
~batanggala- ang mistulang kapatid ko na dito sa blog dahil nga kaage ko lang siya :) what I like about her is pinapatunayan niya na kahit iba siya sa mga classmates niyang porenger eh talaga namang nagmamakeway para ipagtanggol ang sarili :) Thank u for inspiring me.
~dark lady- usaping love life ba? ang dami kong natutunan diyan subra!
~keso- super strength ng babaeng to. kahit anong problema nagagawa pa din umismayl at magpose sabay sabing say CHEESE (ay whisky nga pala) :))
~bad mj- my brother in this world. Salamat dahil super warm welcome mo sa akin sa blog mo at super kulit mo kachat at nagtext pa :) sorry globe ako di ako makareply sayo
~NAGLALAGABLOG ANENG!- ikaw ang isnpiration ko para magblog hop nung naguumpisa pa ako! tsk nawala ka na sa mundong ito haha pero thanks!
~kay LED- siya ang naginspire sakin magblog :)
~kay panjo-- super galing ng stories mo idol talaga kita

at sa iba pa-- kay kua saul, miz yhel, ate faye, lord cm, izhel, bravewarrior, glampinoy, goyo, glennkun,llama etc salamat sa inyo

Siguro nga hindi mabubuo ang nakaraang taon ko kung hindi ako nag blog :) thanks friends


NGAYON dahil 16 na ako--wala lang haha magbloblog pa rin ako at nais ko lang talaga magthank u sa naging parte ng buhay ko this past years

LALO NA SAYO--ikaw na nagpasaya at nagpaiyak na rin sa akin ♥

ok siya dito na lang.

Friday, March 19, 2010

Last Day for the school year 2009-2010

This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang Dance Contest at Battle of the Bands ng mga Salettinians (kami yun, mga student sa La Salette).

Super grabeng preparations na rush, as is almost two weeks lang kami nagpractice para sa sayaw namin. Ang daming hassles, problems at kung anu-ano pa pero nasolve din naman lahat. Ang daming gabing pinagpuyatan, pagkaing pinagsaluhan ng sama-sama, pamasahe na winaldas para sa praktis at palusot na ginawa sa magulang para makapagpraktice lang.

Tapos na. Yes! Sulit ang bawat pagod ng lahat. Tinodo na namin lahat, ako, at siyam pa na kaklase ang bumuo ng aming grupo. Tinawag itong THE RENEGADES.

Sa simula di kami nageexpect na manalo since ang mga defending champions ng dance contest last year ay sasali pa rin (dahil tinuruan nanaman sila ng outsider na coach) maski nasa rules na NO TRAINERS OUTSIDE. SUS! Naaasar lang kami kasi di nadisqualified. Nagrules pa naviolate din naman. Tsskk.. BTW back to the topic, di kami nageexpect pero ang result..

tenen

KAMI ANG PANALO SA JUDGES..

pero di pa yan ang happy ending. Dahil 50% eh sa judges at 50% votes. So paramihan ng pera ang labanan? Kung tutuusin wala naman talaga sa kalingkingan ng sayaw namin yung kanina. (chos lang! pero totoo naman. upload q vid mag may time) Bongga nga costume at props design lang naman. Ang gara pa, walang energy, parang mga nagaangas lang :)) LOL. PADAMIHAN NG PERA?

Sorry di kami ganun kayaman, kaya ang nangyari, sila ang overall. Tsk second placer lang kami, WE DESERVE THEIR PLACE.

Kung pera-pera lang din eh wag na sumayaw. Kung pera pera lang din pano pa sa ELEKSYON? pera pera na lang din ba? SUS ganun naman ang tiyak na mangyayari.

Anyways, let's go back to the story ng last day ng klase. Syempre the best din ang aming banda-- THE RENEGADES WEARS PINK. And as usual dahil nga pera pera ang usapan, SECOND PLACE NANAMAN ang aking mga kaklase. SUS anu bang ginawa nung nanalo sa harap? tumayo, nagingay, nagkalat. Pero dahil may pera, ayun panalo. dapat kami din pala yun :D

SORRY KUNG MABASA NIYO MAN TO, DI KO KAYO MINENTION DITO AH :))

so ayun, kaming mga juniors ay BITTER dahil sa mga panalo na dapat ay samin. SHOWCASE YOUR TALENTS, yun ang mahalaga :) Panalo kami sa judges, yun ang mahalaga, sainyo na pera niyo :))

So dahil nga wala naman kaming magagawa eh nagdecide na lang kaming mga klasmates na mag picture taking ng tumatalon, etc etc. since eto naman ang last day, eh sinulit namin, at kumain pa kami sa isang resto, with our adviser, and half of the class ata nandun, supre saya. :D Pinakamasayang last day ever :)

Inabot na kami ng 8pm sa resto :) at dahil bitin pa kami ay lumakad kami pauwi at pagdating ko sa bahay mga 8:30

BOGOOOOOMMMM!

Galit si itay--muntik pa akong sapakin. Buti nakasalag ako. Kesyo nagbabarkada na daw ako etc etc.

Sabi ko naman sa kanya "Kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko, ewan ko lang sayo" pero joke lang yan. Siyempre di ko kaya sabihin yan,

di ko na lang pinansin, ganun naman lagi yun, alam ko naman na nasa MABUTING barkada ako :)

and that's the ending of my junior life, super saya :)
bukas papasok pa rin ako, kahit walang gagawin at bawal na pumasok :) magliliwaliw at mag i-slurpee :))

--FIN--

Saturday, March 13, 2010

6 tulog

Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes. Kung tutuusin isang linggo na lang at magtatapos na ang klase. Ang bilis. Isang taon nanaman pala ang lumipas. 10 buwan ng pagaaral, 10 buwan ng pagtitiis, 10 buwan ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay, at 10 buwan ng matinding dramahan. 10 buwan ng pinatinding pagkakaibigan, 10 buwan ng kasiyahan. Ngayon, isang linggo na lang. Ang bilis talaga ng panahon.

Higit 10 mga proyekto ang aming pinagpuyatan, na talaga namang pinagtiyagaan ipagpaliban ang pagfafacebook para sa mga bagay na iyon. Ilang mga tampuhan at ilang pagkakaibigang nagbalik ang nangyari rin sa taong ito. Siguro, itong taon na to ang pinakadramatic sa lahat ng taon ko sa high school.

Sa taong ito labis na nasaktan dahil sa unang pag-ibig. Sa taong ito naranasan ang kataksilan ng kaibigan, sa taong ito naranasang umiyak sa harap ng kaklase, sa taong ito mas nabuild up ang confidence upang humarap sa maraming tao, sa taong ito naranasang unti-unting lumagpak, at sa taon ding ito natutong gumawa ng ilang kalokohan.

Ilang beses kong binalikan ang mga nangyari sa taong ito. Napakarami pala talaga. Mababakas sa mga pictures ng buong klase sa facebook at friendster. Ang sarap balikan kahit mga simpleng pangyayari lang.

Isang linggo na lang mga dude, at hahantong na tayo sa sukdulan ng ating pagiging high school. Seniors na tayo mga dude, pagkatapos ng 6 na tulog na yon. Mamimiss ko kakulitan natin, yung mga food trips, 7 eleven trips, sm trips, overnights, laughing trip, soundtrip, jamming, dance trips, joke trips, mga use it in a sentence, kopyahan sa seatworks at assignments at marami pang iba.

TRESDESANJUAN0910 Love ko kayo lahat, sulitin na natin last week :D

Tuesday, March 9, 2010

Para sa isang Kaibigan

Ang mundo ng pagbloblog ay lubhang napakalawak. Napakaraming bloggero't blogerra ang maeencounter sa blogosphere kung kanila ngang tawagin. Sobrang saya magblog. Dito mo nailalabas ang lahat ng iyong saloobin, o anu mang gusto mong sabihin. Dito rin makakabasa ng mga hinaing ng ibang tao.

Nagsimula akong magblog noong isang taon lang. Wala pa akong isang taon dito sa blogosphere pero tingnan mo naman, ang dami ko ng friends, andami ko ng readers. Ang daming tumatangkilik sa mga likhang isipan ko, at higit sa lahat, nararamdaman ko naman na tanggap nila ako.

Sa mga nakalipas na buwan sa mundong ito, iba't ibang klase ng tao yung naencounter ko. Yung iba akala ko nanjan palagi para sumubaybay, pero mamaya'y biglang maglalaho. Hindi ko rin sila masisisi. Maski akop ay ganun na rin. Pero may mga blogger na sobrang subaybay sa aking mga blog post. Matiyagang binabasa at matiyagang nagiiwan ng mga ilang salita sa aking post.

Isa na diyan si BATANGGALA. Siya yung blogger na talaga namang binabasa yung mga gawa ko. (ewan ko alng. sa tingin ko naman ehh) Nabasa niya na ata yung laman ng isip ko. (kasi puro yung topic lang naman sa blog ko na girl laman ng isip ko ^^), nakibahagi na rin siya sa kilig moments ko kahit hanggang panaginip lang yun, at nakiramay sa kaemuhan ko :D

Batanggala, salamat dahil isa ka sa mga tunay na kaibigan ko dito sa mundong ito, na lubhang napakalawak, at dahil birthday mo ngayon, binabati kita ng HAPPY SWEET 16 :D. Yes 16 na siya, ako 15 pa rin :D Don't worry isang buwan at isang linggo lang naman kita magiging ate. Happy Happy Happy Birthday Batanggala.

Friends, greet niyo siya. Click kayo dito.

---Renz