Nag gegeneral cleaning kame ngayon at siyempre nalabas lahat ng mga gamit ko--simula siguro noong 5 years old pa ako. Nakita ko ulit yung mga laruan ko-- mga kotse at kung anu-ano pang mga laruan.
Nakakatuwang isipin na mahigit 10 years pa nung una kong nilaro yung mga laruan na yun at ngayon eh laruan pa rin sila. Nasa mabuti pa silang kondisyon. Pwedeng pwede pang laruin maghapon. Pero ako na mag-lalaro eh wala ng oras para sa kanila. Kaya nga sa pagdaan ng panahon eh nakalimutan ko na may mga laruan pala ako dati. Naiburo ko lang sila sa isang lalagyan. Hanggang makita ko ulit sila ngayon.
Nakakatuwang mag-reminisce ng mga times na nilalaro ko yung mga laruan na yun. Maghapon, dito sa bahay namin kasama ko ang mga kaibigan ko noon na ngayon eh chicks na ang laruan. Nakakatuwang isipin yung mga pagkakataon na nag-aagawan pa kami kung kanino ang laruan na yon etc.
16 taon na ako. Di naman na siguro tama na maglaro pa ako ng mga ganyan mag-hapon. Kaya kahit na nalungkot ako noong nalaman kong ipapamigay na yung mga laruan ko eh wala naman akong magagawa. Mas mabuti na yun kaysa itago lang sila sa ilalim ng kung anong taguan.
Isang plastic na pula. Doon ko sila itinabi saka ibinigay sa aking maliit ng pamangkin. Medyo mixed emotions talaga ako. Alam mo yung maluha-luha ka dahil kasama ng mga laruan mo na yun ang lahat ng ala-ala ng kabataan mo.
Pinakita ko sa kaniya yung mga laruan. "muel, ganito yan laruin. Tingnan mo itong train, ganito yan buuin. Magiging robbot yan. Eto yung favorite kong kotse. Ingatan mo yan ha."
Ngiting abot tenga ang naging sukli ng aking pamangkin sa mga regalong yun.
"Oh, anung sasabihin mo? babawiin ko yan."
"Thank You!" Sabay yakap at kiss sa akin.
Ok na siguro yan. Mas maganda dahil may maglalaro na ulit sa mga laruan na yun. Alam ko mas madaming saya ang masasaksihan ng mga laruan na yun.
Di na ako bata.
Paalam na sa mga laruan. Wala man ang mga laruan na naging kasama ko sa pag-laki, mananatili naman ang mga ala-ala.
Naiiyak ako. weird