Showing posts with label Politika. Show all posts
Showing posts with label Politika. Show all posts

Thursday, December 15, 2011

Hala sige takbo!

(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.)

Ayun nga. Ngayong araw ang huling araw ng klase ngayong taon (I suppose). Karamihan kasi sa mga teachers namin ay hindi na nagkaklase kasi dama na namin ang Christmas season. Iba na rin talaga ang simoy ng hangin dito. Ang kakaibang laming nito ay humihila as akin pabalik as kama as tuwing pipilitin kong gumising ng maaga. At ngayon nga, mabibigyan ko na ng hustisya ang pagod kong katawan. Ang sarap Siguro matulog ng matulog.

At dahil nga huling araw ng taon, may pahabol din na pasabog ang isang kilalang frat dito as UPLB. Alam ko nahulaan niyo na---OBLATION RUN. Naging tradition na ito ng unibersidad kahit noon pang hindi pa ako estudyante dito. Silang mga nagsisitakbong nakahubad, bitbit ang mga placards at Rosas, matapang na ipinahahayag ang kanilang saloobin sa isang isyu kahit na hindi nila batid kung nakukuha ba ng mga tao ang nais ipahayag oh ang natatandaan lamang nila ay ang kanilang mga katawan na nakalantad sa madla.

Ito ay isang katotohanan. Siguro nga, noong mga bago pa lang ay epektibo talaga ang ganitong paraan ng pagproprotesta.Ipinakikita kasi nito ang transparency ng tumatakbo. Ipinakikita nito ang malinis na hangarin ng tumatakbo na bilang isang sinserong nagproprotesta ay handang ipakita ang lahat. Hindi ko lamang alam sa panahon ngayon. Totoo na may impact ang ginagawa nila pero yung impact ba na yun ang naiiwan sa mga isipan ng mga Tao? Nakasisiguro akong mas pag-uusapan pa ng mga tao ang kanilang mga pinakatatago kaysa sa isyu na kanilang ipinahahayag. Yaon ang katotohanan.

Ang pagtakbong hubad ay isa lamang pamamaraan ng pagproprotesta. Maraming pang ibang pamamaraan. Sa lahat ng ito, isa lang naman ang nais ipabatid ng mga nagproprotesta---ang maipahayag ang kanilang saloobin sa karapatan na pilit Ipinagkakait sa kanila.

Kaya naman, bilang isang mag-aaral ng pambublikong unibersidad, Paaral ng gobyerno at ng sangkapilipinuhan, naniniwala Ako na may karapatan ako. Dahil doon, may kakayahan akong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama. Gayun din, sumusuporta Ako sa pagkikipaglaban sa mga isyu na bumabagabag sa aming mga mag-aaral Hindi man ito sa pamamagitan ng pakikitakbo sa oblation. Susuporta Ako sa pamamagitan ng pagpapahayag ng asking sarili sa ganitong uri ng peryodiko.

Higit sa mga Rosas at hubad na katawan ang mensaheng gustong iparating nga oblation run. Umaasa Ako na Ito ang tatatak sa isipan ng mga manonood nito Mamaya.

Hala, sige takbo.

Tuesday, October 26, 2010

Pagbabago


Pagbabago...

Sabi nga sa nakaraang post ko eh walang permanente kundi pagbabago. At obviously bago din ang lay-out ko dahil gusto ko ng pagbabago. Kasabay din ng pagbabago ng layout na ito ay ang pagbabago ng background music dito sa blog ko. At bago nga pala ako magkwento eh gusto ko po ipaalam na tinanggal ko lahat ng widgets ko dati--ibig sabihin lahat ng nawala sa blogroll ko feel free to message me at my chatbox. I'll link you back. Sorry. Need lang eh. Nagloloko kasi ang itsura kaya nireset all ko.

Anyways, Pagbabago. Pagbabago.

Kanina, naglalaba ang aking tatay ng punda ng unan at nung mag-aalmirol na siya eh sabi niya hindi raw siya makahanap ng gawgaw. sabi ko naman ng walang halong biro "Bakit walang gawgaw? nageleksyon lang nawalan na ng gawgaw sa mga tindahan?" Honestly seryoso ako pagkasabi ko niyan. saka lang nag-sink-in sa utak ko na nakakatawa pala yung sinabi ko matapos mag-sitawa ng buong pamilya ko.

Kaya pala walang gawgaw kasi daw konti na lang daw ang gumagamit nun ngayon. oo nga naman nuh?

Since napasok na ang eleksyon, let me connect na rin ito.

Lahat ng tao gusto ng pagbabago. Sino ba naman ang ayaw diba? At sa kagustuhang ito, ginagawa ng mga tao na magrally at kung anu-anong protesta. Ang tanong may ginawa ka ba para makamit yung pagbabago na yun?

Kahapon? Bumoto ka ba ng bagong barangay at SK leaders ninyo? Ako kasi hindi ako nakapagparegister sa SK. tatakbo pa naman sana akong chairman XD. Anyways, since hindi ako nakaboto, wala akong karapatang magreklamo diba?

Ang hirap naman sa ating mga tao, binigyan na nga tayo ng chance para BAGUHIN eh tinamad pa tayo pumunta at magsakripisyo ng kaunting oras para sa bukas. Kesyo walang pamasahe at tinatamad. Paano naman aandar ang bukas kung ikaw mismo ayaw magsakripisyo ng 10 piso pamasahe? Paano naman sisipagin ang bukas na gumanda kung ngayon pa lang botohan ay tinatamad ka na?

Diba? Isipin niyo, tayong mga tayo ang nagkakanda-labas ang litid sa pagsigaw ng pagbabago pero mismong mga bilbil natin ang lumalaki sa kakaupo na lamang at hindi pag gawa ng aksyon?

SIGE MAGREKLAMO KAYONG HINDI BUMOTO. Ang kapal na ng mukha natin nun kahit na sabihin pang demokratikong bansa ang Pilipinas.

Sa susunod na eleksyon siguro naman lagpas 18 na ako nun so boboto na ako. Atlest pag ganun diba pwede na akong magreklamo bottomless kung sakaling mali ang pamamalakad ng gobyernong ibinoto ko diba?

so much affected lang naman ako kasi sayang ang boto eh. :]

PAGBABAGO--- Nagsisimula yan sa sarili natin. DISIPLINA ay katumbas din ng Pagbabago. So mas maganda kung ang isisigaw ng tao sa gobyerno ay hindi pagbabago kundi DISIPLINA at ganun din ang tugon ng gobyerno sa tao--DISIPLINAHIN NIYO DIN ANG SARILI NINYO.

Friday, July 2, 2010

Nadapa ako

"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."

TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistema ng pangangandidato, simula't sapul noong nagsimula akong kumandidato para sa school student body org namin nung grade 4 ako.

Kung tumatakbo ang term, siguro akma namang gamitin ang NADAPA diba? Obviously, NADAPA ako sa eleksiyon ngayon kung kaya ay naungusan ako ng mga katunggali. Masakit din pala ang madapa nuh? Pero dapat lang naman na minsan sa buhay mo ay madapa ka naman ng matuto ka huminto sandali at tumingin sa paligid mo kung anu na ang nangyayari.

Hindi ito ang unang beses kong pagkatalo sa eleksyon sa school namin. Eto ang PANGATLO. Pero ito ang unang beses na natalo ako sa pagtakbo sa high school. Kadalasan ay noong elementarya pa ako.

Iba't iba ang basehan ng mga estudyante sa pagboto, at sa tingin ko, may mas makagagawa pa ng mas mahusay sa kaya kong gawin kaya sila ang nanalo. Mas ok silang leader.

"Louie.,...Louie... I'm so sad. :( I want you in my group. I can't do it without you..." Sobrang na touch ako sa sinabi ng presidente ng partido namin nung inapproach niya ako matapos maproklama ang mga nanalo. nasabi ko na lang "It's ok. Try working with a new set of friends. I'm ok. Don't worry"

Natotouch din ako sa mga taong nagaapproach sakin at nagsasabi na sayang kuya binoto pa naman kita. Ang daming tao din ang lumapit sakin. Sa tingin ko with that, panalo na din naman ako. Nakaalis ng sama ng loob honestly yung mga taong yun. Nakapagbigay ng ngiti sa mga labi ko, at nagpalakas ng loob ko.

Positively, ok lang naman kasi officer naman ako ng desired club ko-- computer club. Saka bawas stress din kasi walang masyadong iisipin sa KANLUNGAN.

Hindi man ako officer may magagawa pa rin ako--at lahat tayong mga salettinians. Sa mga calssmates/ schoolmates na makakabasa neto..salamat sa tiwala niyo.

Thursday, July 1, 2010

Bloggerong Politiko :

Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talaga bang may tiwala pa sa kakayahan ko ang mga schoolmates ko. Umaga pa lang pawi sna ako. Oh my, momay, kabado ako habang nakahanay sa CAT namin at nakatikas pahinga :]

Alas otso ng umaga nagstart ang election. Unang bumoto ang section namin, particularly kaming mga boys. Tahimik akong magisang naglalakad papunta sa precint ng election at nagiisip kung paano kung matalo ako? Anu naman ang magagawa ko pa pag nanalo ako? At biglang sumigaw ang Board of inspectors sa di kalayuan. "DOUBLE TIME!" Naputol ang pagiisip ko.

Kumuha ako ng papel, humanap ng upuan, tumingin sa listahan ng mga iboboto sa harapan, tinanggal ang takip ng ballpen, medyo mga half a minute bago ako nakapagsulat. Drama nu, ewan ko ba iba ang takbo ng utak ko kanina, straight naman ang iboboto ko dahil loyal ako sa party ko, bakit nagiisip pa ako. Matapos isulat ang pangalan ng mga kapartido ko, kabilang ang akin, itinupi ang balota, nag thumb mark, hinulog sa ballot box, presto! Nakaboto na ako. Even though manual elections lang, di naman kasing gulo ng automated kung saan madaming tao. 10 lang ata kami dun sa loob ng presinto.

Clueless ako kung ano ang magiging resulta, even though may naririnig akong mga runors na mga panadalo DAW, ayoko muna mag jump into conclusions. May bukas pa, at bukas iaannounce ang mga panalo.

Sa mga mananalo, sana ay magampanan ng bawat isa ang mga gawain ng isang lider. Sa mga matatalo, nawa ay magampanan din ang tungkulin bilang miyembro ng organisasyon. Walang lider kung walang miyembro.

Para sa mga bumoto at nagtiwala sa kakayahan ko, salamat sa inyo. Sana manalo tayo. :]

Tugtug, tugtug LORD manalo, matalo, sana maging mabuting leader pa rin ako, hindi man sa buong school namin, kundi sa bawat galang ko :]

Wednesday, June 30, 2010

15th President of the Republic of the Philippines

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng may isip na ngayon ang araw ng panunumpa ng nahalal na bagong pangulong Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III sa Quirino Grand Stand. Isa itong history na matatawag dahil matapos ang 9 na taon sa ilalim ng iisang pangulo ay eto na ang bagong pangulong nagnanais mabago ang sambayanang Pilipino. Inabangan ko talaga sa telebisyon ang buong storya ng araw na ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko naabutan ang pagsunod ni Pangulo Aquino sa dating Pangulong Arroyo. Ok lang yun, dahil ang importante eh nakasaksi ako sa panunumpa ni P-NOY.

509 na libong tao ang nasa grand stand, at milyon milyong mga tao ang nanonood mula sa kanilang mga telebisyon. Tunay ngang ang tao na ito ay minamahal ng sambayanang Pilipino.

Kung tutuusin, ngayon lang ako makakasaksi ng transisyon ng mga pangulo dahil wala pa ako sa wastong pagiisip nung nanumpa si dating pangulong Estrada gayun na din ang unang beses na nanumpa si dating pangulong Arroyo, so eto yung pinakafirst time ko na makasaksi sa historic event na ito.

Saktong alas dose ng tanghali nanumpa si Pangulong Aquino. May kung anung ngiti sa aking mga labi habang magisa akong nanonood ng tv dahil wala akong kasama ngayon dito sa bahay. Nakinig din ako ng talumpati niya matapos ang panunumpa. Eto ang ilan sa mga nakapukaw sa aking isipan. "Hindi pwede ang pwede na." "Kung walang corrupt, walang mahirap." "Kayo ang aking Boss."

Natuwa ako sa talumpati ni P-NOY. Nabuhay ang dugo kong Pilipino sa tuwing finaflash ang libo-libong taong naroon sa grand stand; mga mayayaman, mahihirap, sundalo, boyscouts, volunteers, at marami pang iba.

Habang pinapanood ko ang paglabas ni Aquino sa Grandstand sakay ang Pesidential Car 1 ay medyo napaluha ako. Promise naluha ako pero slight lang. May nakakuha kasi ng loob ko mula sa telebisyon. Isang taong tumatakbo at hinahabol ang sasakyan ng pangulo at noong naabutan niya ay gumawa ito ng LABAN Sign. Nakakatouch kaya yung mga ganung scenario. Kitang kita mo sa mga tao ang lubos na katuwaan dahil sa wakas may bagong pangulo na ang Pilipinas.

Alam ko naman na may magagawa si P-NOY kahit na hindi talaga siya ang boto ko kung sakali noong eleksyon. nananalaytay sa mga ugat niya ang dugo ng demokrasya na minana niya sa kaniyang mga magulang. Pangulong Aquino, umaasa po ako na makakaahon ang Pilipinas mula sa pagkakalugmok sa mga susunod pang mga taon. Nawa ay magampanan ninyo ng mabuti ang inyong katungkulan. Pangulong Aquino, mabuhay ka!

Tuesday, June 29, 2010

Point of Information Mr/Ms Speaker...

Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2 parties sa High school department. Ewan ko ba sobrang parang ang ganda ng laban, balanced kasi ang pagkakahati ng speakers per party. Ang proposition pala ng debate namin ay
Resolve that social networking sites can promote values.
Napunta sa amin ang government which means ang stand namin ay YES, We agree that social networking sites can promote values. Medyo nabuhayan ang dugo ko kasi akala ko iikot lang yun sa facebook, friendster, myspace lang. Buti na lang at sinabi rin ng facilitator namin na si Ms. Fat (Hi Miss Fat!) haha nagbabasa kasi siya minsan dito, anyways sinabi niya na kasama ang BLOGSPOT. This is it. napuno ang utak ko ng mga gusto kong i-share sa buong madlang pipol ng eskwelahan namin tungkol sa blogger at siyempre nagvolunteer na akong mapasama sa 4 speakers ng party namin.

The event goes this way. Una nagtoss coin, heads kami so if ever na heads ang lumabas, sa party namin magstart ang first speaker pero since tails ang lumabas eh sa kanila ang unang banat. 9 chairs face to face sa stage na sa tantiya ko at 2-3 feet ang taas. Estudyanteng sa tingin ko ay nasa 200+, ilang mga guro, isang madre at apat na mikropono. Let's get it on!

Una nilang tinira na sa social networking daw eh nawawala na yung sense ng real communication kesyo dapat daw eh dapat personal, siyempre bumanat naman ang president namin ng POINT OF INFORMATION blah blah blah. Madaming thoughts so sunod sunod na yun. We have 3 minutes na makapagsalita ng walang makakasawsaw at 5 minutes butting in.

Let us hear from the second speaker of SMILE Party, Mr. Louie Renz Sucaldito.

Honestly speaking, kinakabahan din ako nung mga panahong iyan, kahit bi-lingual na ang gamit ko eh parang ang hirap pa rin pero siyempre dahil nga inspired ako sa blogger eh ayun, kinuwento ko sa kanila na sa blogger, na isang social networking sites, matututo kang MAGSULAT, malalaman mo ang SALOOBIN ng bawat isa. In other words freedom of speech. Eto sa tingin ko ang kaibahan ng pagbloblog sa ibang social networking sites. Walang madaming interaction. Ang nangyayari lang eh usap-usap sa chatbox, comments at pagshashare lang ng mga saloobin. Di pa rin naman nalalayo sa kahulugan ng SOCIAL which means between person diba. Tao din naman ang mga bloggers right? So we are connecting. Plus idagdag pa dito ang confidence ng bawat bloggero na ilathala lahat ng gusto nila with due respect sa tinatawag na NETTIQUETTES.

Sabi naman ng isang classmate mula sa kabilang ibayo, Bakit pa daw kailangan ng blog kung pwede namang mag DIARY.

Sa akin naman, Iba ang diary sa blog. Ang diary is for yourself kaya nga diary eh. Kung public diary edi parang blog na din yun or story diba? Kung diary may value ba ng confidence at freedom of speech doon? Ang diary kasi ay more on your feelings na hindi mo kayang sabihin sa iba kaya sinusulat mo na lang right?

Isa pa, nadamay pa ang name ng blog ko, anyways that's another story.

So much for this debate. Tama na. Move on. Sa thurdsday na lang, ika nga ng blogger schoolmate na si VANESSA or BHENIPOTPOT dito sa blogosperyo nasa dulo daw ng kamay ng ballpen ang magiging resulta. (kamay ng ballpen?) haha.

Thank You Bhens sa pagtangkilik :] at sa pagpalakpak kanina habang naginginig ako sa harapang nagsasalita. Nung debate ba yun o nung intro? Basta salamat.

Politika, mahirap ka ha, swear! Pero kakayanin kita!



Tuesday, May 11, 2010

Eleksyon Kwento ni Renz

March 10, 2010. The day that will change the Philippines for the next years. Judgment day ika nga sa mga kandidato na kung anu-anong pabango na nga ang pinaggagagawa sa pangalan nila para lang maging karapat dapat sa posisyong hinahangad. Pilian na ng mga platapormang inilatag, kung saan mas gaganda ang buhay sa mga susunod na taon.

This election will be a lot different from the past ones. This is the first ever Automated Election in our country. Wow! High tech na nga talaga ngayon. Imbes sa sulat sulat lang at ihuhulog sa kulay dilaw na box eh ngayon shade shade na lang sa bilog sa tabi ng pangalan sa umano'y napakahabang balota na siya mo namang ihuhulog sa isang di umano'y PCOS machine na nakakonek sa malabasurahan sa laking balot box. Iba na din ngayon. Clustered na ang precinct. Kunga ang dating 200 voters sa isang presinto ay naging 800-1000 na. Mabilis na daw ang eleksyon pero parang bumagal lalo dahil sa pagdagsa ng mga tao.

Napakaraming reklamo din ng mga tao ngayong eleksyon, atr mas lalo bago ito. Kesyo madali daw dayain, sira ang mga Memory cards kuno ng PCOS at kung ano-ano pa pero anung nangyari? So far kokonti lang naman ang mga PCOS na pumalya and the counting of the balots ay malapit na matapos. Laking ginhawa ito sa mga teachers na talaga namang hirap na hirap sa kanilang trabaho.

Kahapon, pagkagising ko ay wala ng tao sa bahay. Apat lang kasi kami sa pamilya, mama at papa ko at ang aking ate. Pawang mga botante na sila at maaga daw silang boboto dahil mahaba daw ang pila. Naiingit talaga ako, hindi dahil gusto ko mgashade shade at dahil automated eh dahil sayang at hindi pa umabot ang age ko para makaboto and I want to cast a votre for my leaders. Ang ginawa ko kinuha ko na lang yung sample balot sa bahay at nakishade haha. Bakit ba? masama ba mangarap na bumoboto din ako?

Pagkauwi nila pinakita ko din yung boto ko. How I hope this is for real. Dagdag points din ito kay sir GIBO and sir BINAY at siyempre yung list ko ng senators no pero siyempre wala naman akong magagawa kundi tumutok lang sa tv at matuwa dahil nangunguna sa balota ng bise presidente and gusto kong manalo. Yung may nagawa na. Ika nga ay MAY B . haha

Ikaw sino ang binoto mo?

Let's hope for a leader na may will para baguhin ang bansa hindi lamang ang kanyang sarili. Tara manood na lang tayo ng news.

PS> Sobrang natuwa ako sa hologram ng GMA grabe astig XD

Tuesday, May 4, 2010

at dahil eleksyon...

Swimming dito, swimming doon. Handaan dito handaan doon. Grocery dito grocery jan at kung saan saan. Pero ano ba ang koneksiyong ng mga ito sa ikukwento ko ngayon?

Last Saturday, since fiesta dito sa amin nung linggo (akalain mo may fiesta pa dito harhar) eh napagdisisyunan naming maghanda ng kakaunti para sa mga bisita kuno na sinasabi ni madir so dahil nga jan eh naatasan kaming mamalengke ni madir somewhere in Bagong Silang Caloocan. Siyempre may byahe byahe ng kaunti, nagtricycle kami ni madir. Aba into my surprise ha, yung dating malamukang tigyawatin na daan eh nagponds ata o kung anu-anong treatment ang ginawa ant ngayon eh swabe na siyang daanan. Good. napagalaman ko na ginawa pala ito ngayong traon lang. Mga March. Iba na talaga pag mageeleksyon. nagpapabango na ang mga kandidato. Pero after election meron pa kayang ganito? ewan ko lang.

So natapos ang tricycle swabe ride at nagkipagsiksikan kami sa public market pero hindi dun ang tungo namin. Pumunta kami sa grocery para bumili ng rekado sa mga lulututin ni papadir. Kuha dito, ayun after siguro mga 30 mins ng pakikipagsiksikan sa grocery ba yun na uber dami ng tao eh pumila kami ng panibagong 10 mins sa counter at dahil nga sa kainipan at kainitan eh naghintay na lang ako sa after counter para kunin ang plastik ng napabili ni inay.

So malapit sa mga counter ang separate counter para sa bilihan ng mga gatas ng may lumapit na 3 batang alam mong batang kalye na bumibili ng gatas. Nakuha lang nila ang atensyion ko dahil sa pinaguusapan nila.

B1:(sa tindera) Pabili nga po neto (pointing alacta)
(sa B2) anu basa dito (pointing alacta pa rin)
B2: a-----lak----ta
B3: eh magkano yan? (tinuro yung tag price)
B2: edi 45. 50
B1: eh eto (poiting alactamil)
B2: eh pareho lang yan ehh.... ay hindi pala.. a-lac-ta----mil
B3: o cge nga magkano toh (pointing tag price 209.40)
B2: edi one hundred zero nine

Sa totoo lang naawa ako sa bata kasi hirap na hirap talaga siya pero nagstrive talaga siyang basahin yun at naisip ko lang dapat sila yung mas lalong pinagbibigyan ng pansin ng government ngaun diba?

Sa paguwi namin ay madami pang nakitang ibidensiya ng kahirapan ang aking mga mata. Mga batang sagad sa buto ang pagbabanat ng mga buto para makapagtrabaho at para makakain kahit 1 beses lang sa isang araw.

Barely 6 days to go at pipili nanaman tayo ng bagong mga leader. Choose wisely mga botante, para sa aming mga bata na hindi pa makaboboto, please isipin niyo ang makabubuti sa amin. NASA INYO ANG AMING KINABUKASAN.

Vote wisely

Saturday, May 1, 2010

Kung makakaboto lang ako

Naiinggit ako sa kanila kapag ipinagmamalaki nilang botante na sila. Hindi ko naman kasalanan na ipinanganak ako sa taong 1994 kung kaya ay 16 pa lang ako ngayong eleksyon 2010. Ewan ko ba kung anu ang meron sa pagboto at gustong gusto ko bumoto. Hindi naman dahil sa jingle na bilog na hugis itlog. Gusto ko lang bigyang justice ang mga taong guto kong maluklok sa pwesto.

Choosing for the desired leaders is a hard thing to do. Ang daming bases na dapat isipin mo. Kesyo anu ba ang nagawa niya this past years, kung ano ang background niya at ng pamilya niya at kung anu-ano pa. Isama pa natin diyan yung mga kasabihan ng tao na ang pulitika ay napakarumi. Ika pa ng nakakarami eh "CHOOSE THE LESSER EVIL".

Naniniwala ba kayo na hindi lahat ng politiko ay hindi nangungurakot? ako, naniniwala naman ako pero hindi natin masisisi ang ganitong perception ng ibang tao dahil na rin sa mga nasaksihan nating kasinungalingan sa politika.

Habang iniisip ko pa rin kung sino ang gusto ko sanang iboto bilang presidente, pumasok sa isip ko ito.

Kung iboboto ko ang pangulo ng Laban kuno ay parang nagdadalawang isip ako kung anu ang mangyayari sa ating bansa sa loob ng anim na taon. Para kasing hindi pa siya ganung ka ready for the highest position sa politics. Pero we may not know who really he is.

Yung susunod naman na presidentiable, nakakatakot iboto sa dami ng nagastos sa mga politikal ads. Sabi pa niya hindi na daw niya babawiin yon. CHOS. Negosyante siya nu, at ewan ko lang kasi para sa akin babawiin niya iyon kung sakali.

Ang gusto ko talagang iboto ay yoong kandidato ng Sipag at Talino. Sa tingin ko kasi mas madami pa siayng magagawa kaysa sa ibang politiko pero yun nga lang nakatali sa administrasyon kaya medyo alangan pa rin.

Pero kung papipiliin ako sa tatlong nabanggit na presidentiables, pipiliin ko na yung may talino. Yun ang bet ko.

For vice president naman gusto ko yung may nagawa na, tulad nga ng sinasabi sa ads. Para kasing madadala niya sa pwesto kung anu man ang napraktis niya sa kanyang panunungkulan diba?

At siyempre senators at iba pang politiko, hindi ko na sila rereviewhin. Hindi ko naman kasi napagiisipan pa yun.

Tignan na lang natin kung ano ang mangyayari sa eleksyon at sana manalo yung deserving, may will at yung maaasahan ng bawat Pilipino para sa susunod na anim na taon.

Friday, March 19, 2010

Last Day for the school year 2009-2010

This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang Dance Contest at Battle of the Bands ng mga Salettinians (kami yun, mga student sa La Salette).

Super grabeng preparations na rush, as is almost two weeks lang kami nagpractice para sa sayaw namin. Ang daming hassles, problems at kung anu-ano pa pero nasolve din naman lahat. Ang daming gabing pinagpuyatan, pagkaing pinagsaluhan ng sama-sama, pamasahe na winaldas para sa praktis at palusot na ginawa sa magulang para makapagpraktice lang.

Tapos na. Yes! Sulit ang bawat pagod ng lahat. Tinodo na namin lahat, ako, at siyam pa na kaklase ang bumuo ng aming grupo. Tinawag itong THE RENEGADES.

Sa simula di kami nageexpect na manalo since ang mga defending champions ng dance contest last year ay sasali pa rin (dahil tinuruan nanaman sila ng outsider na coach) maski nasa rules na NO TRAINERS OUTSIDE. SUS! Naaasar lang kami kasi di nadisqualified. Nagrules pa naviolate din naman. Tsskk.. BTW back to the topic, di kami nageexpect pero ang result..

tenen

KAMI ANG PANALO SA JUDGES..

pero di pa yan ang happy ending. Dahil 50% eh sa judges at 50% votes. So paramihan ng pera ang labanan? Kung tutuusin wala naman talaga sa kalingkingan ng sayaw namin yung kanina. (chos lang! pero totoo naman. upload q vid mag may time) Bongga nga costume at props design lang naman. Ang gara pa, walang energy, parang mga nagaangas lang :)) LOL. PADAMIHAN NG PERA?

Sorry di kami ganun kayaman, kaya ang nangyari, sila ang overall. Tsk second placer lang kami, WE DESERVE THEIR PLACE.

Kung pera-pera lang din eh wag na sumayaw. Kung pera pera lang din pano pa sa ELEKSYON? pera pera na lang din ba? SUS ganun naman ang tiyak na mangyayari.

Anyways, let's go back to the story ng last day ng klase. Syempre the best din ang aming banda-- THE RENEGADES WEARS PINK. And as usual dahil nga pera pera ang usapan, SECOND PLACE NANAMAN ang aking mga kaklase. SUS anu bang ginawa nung nanalo sa harap? tumayo, nagingay, nagkalat. Pero dahil may pera, ayun panalo. dapat kami din pala yun :D

SORRY KUNG MABASA NIYO MAN TO, DI KO KAYO MINENTION DITO AH :))

so ayun, kaming mga juniors ay BITTER dahil sa mga panalo na dapat ay samin. SHOWCASE YOUR TALENTS, yun ang mahalaga :) Panalo kami sa judges, yun ang mahalaga, sainyo na pera niyo :))

So dahil nga wala naman kaming magagawa eh nagdecide na lang kaming mga klasmates na mag picture taking ng tumatalon, etc etc. since eto naman ang last day, eh sinulit namin, at kumain pa kami sa isang resto, with our adviser, and half of the class ata nandun, supre saya. :D Pinakamasayang last day ever :)

Inabot na kami ng 8pm sa resto :) at dahil bitin pa kami ay lumakad kami pauwi at pagdating ko sa bahay mga 8:30

BOGOOOOOMMMM!

Galit si itay--muntik pa akong sapakin. Buti nakasalag ako. Kesyo nagbabarkada na daw ako etc etc.

Sabi ko naman sa kanya "Kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko, ewan ko lang sayo" pero joke lang yan. Siyempre di ko kaya sabihin yan,

di ko na lang pinansin, ganun naman lagi yun, alam ko naman na nasa MABUTING barkada ako :)

and that's the ending of my junior life, super saya :)
bukas papasok pa rin ako, kahit walang gagawin at bawal na pumasok :) magliliwaliw at mag i-slurpee :))

--FIN--

Saturday, January 9, 2010

Sino ang tunay na mahirap?

Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa samin?

Grabe sobrang sikat ngayon ng commercial na yan ni MV, isang kandidato sa darating na eleksiyon para sa pagkapresidente. Naisip ko lang, sa isang araw na paulit-ulit pinapalabas itong commercial na ito sa isang araw, at ilang araw sa isang linggo, at ilang linggo sa isang buwan eh sobrang daming pera na ang natapon doon. Hindi lang yon, ilang commercials na din ang nailabas niya? di ko na nga din mabilang. Pati mga TV personel pasimple pa sa pagaadvertise.

I'm not saying na mali ang ginagawa niya. Ano nga ba naman ang alam ko, ni hindi ko nga alam kung paano bomoto nor hindi pa rin ako botante. 15 anyos pa lang ako, magaaral at ewan ko ba bakit pati ang pulitika pinapasok ng isipan ko.

Back to the lyrics ng kanta.
"Si V ang tunay na mahirap..."
Paano naging mahirap? Tignan mo lang yung sa commercial niya diba. Ewan ko ba. Ang politika talaga ang gulo. Tapos pag naluklok san kukunin ang pinangkampanya?

Tsk..isip-isip mga kababayan.