Showing posts with label dream. Show all posts
Showing posts with label dream. Show all posts

Friday, July 16, 2010

Gusto ko maging...

Bilang tugon sa nais ni G.Munting Bisiro ng Panulat, eto ay isang post sa mga pinagpiliang landas ng buhay sa hinaharap.

Noong bata pa ako, naaalala ko bakasyon noon at nasa nueva ecija kami noon, tantiya ko mga 4 years old ako noon, naguusap-usap ang mga oldies cousins ko tungkol sa mga pangarap nila ng suddenly, may tumawag sa pansin ko habang naglalaro ng ewan, salagubang ata yun na may sinulid, siya ay ang lola ko. Sabi ni inang "Renz ikaw ano ang gusto mong maging pag laki mo". Walang halong kaba at buong tikas kong sinabi "Gusto ko po maging hardinero". Tawanan silang lahat. Ang nasabi na lang ni inang "Kung hardinero lang din pala ang gusto mo eh dito ka na lang sa amin ako pa ang magtuturo sa iyo".

OO, hardinero ang gusto kong maging trabaho dati. Bata pa naman ako noon at wala pa akong alam sa ekonomiya at inflation deflation at rates at kung gaano kahirap ang trabaho ng isang hardinero. Bata pa lang kasi ay nahilig na ako sa mga halaman. Kasama ko kasi lagi si papa pag nag gagarden kami habang tinuturo ang mga gulay "Anak, yaan ang carrots, pampalinaw ng mata. Yan naman ang sitaw, pampahaba ng paa". Nagustuhan ko tuloy magtanim at natutuwa ako pag yung tinatanim ko ay tumutubo.

Nung grade one naman ako, gustong gusto ko maging teacher. Naaalala ko pa nga yung mga panahon na kinukuha ko lahat ng mga lumang libro ni ate at libro ko tapos inaarrange ko sila tapos kunwari nagtuturo ako. Natuwa din siguro akong magturo kasi pilit akong sinasali ng mga kapitbahay namin sa teacher teacheran pero PE ang favorite kong klase nun, puro takbuhan.

Nung grade 4 ako, nagsimula ang pangarap ko na maging chef, isang magaling na magaling na chef, kung saan lulutuin ko lahat ng gusto kong pagkain, paglulutuan ko ang pamilya ko at magluluto ako sa barko, pero lahat ng pangarap na iyon ay gumuho nung naging aware ako na mahal magculinary tapos parang mahirap humanap ng career pag ganoon plus hindi naman ako humahawak ng gamit panluto sa bahay.

These years bago ako mag 4th yr (siguro from 2nd yr- 4th yr) naconceptualized na sa isip ko na magtatake ako ng engineering course sa college. Hindi naman ako math-wiz gaya ng sinasabi nila na pag engineering student ka eh mabangis ka sa math. Marunong naman ako sa math, nakakaintindi naman ako, alam ko naman ang basics ng math at ang pinakamahalaga ay handa naman akong MATUTO pa eh kaya sa tingin ko eto na talaga, magiging engineer na ako paglaki ko. Gusto ko ito, at higit sa lahat gusto ng mga magulang ko. Mahirap din kaya mag-aral kung dinidiktahan ka nila, atleast ako, gusto nila at the same time gusto ko din naman.

Kaiba sa mga ibang bata, ni minsan di ko naisip maging doktor or nurse para gamutin ang mga taong may sakit. Ewan ko ba, para kasing nakakapanghina ang mga ganung scenario kung saan makakasaksi ka ng kritikal na buhay at mga may sakit. Bata pa lang kasi ako may takot na ako sa dugo plus injection pero hindi na ngayon.

Hindi rin pumasok sa isipan ko maging lawyer. Sa tingin ko, hindi para sa akin yun. Hindi pa sapat ang pagiging makatwiran ko para maging lawyer.

Di ko rin naisip magtake ng mga super out of this world courses or yung tipong super nerdy ang dating like paleontology, astronomy etc. Para kasing sobrang hirap ng mga ganung course. Ikababaliw ko yung mga ganun.

Tama na din siguro yung naging desisyon ko, isang Engineer na Writter, oh diba, malay niyo someday matatag pa rin ang daliri ko magtype ng mga kwento at maging Engineer witter ako at makapagpaDOMAIN na din ng blog. kasama yan sa mga pangarap ko, pero ngayon ang magagawa ko na lang ay mag-aral. Madami pa akong pagaaralan. 8 months pa sa hs, 5 years pa sa college. Madami pa akong matututunan.

--End

PS Sir sana po ok lang sa inyo ito : ]
Kung may gusto kayong post, ok lang tumatanggap ako ng request basta matripan ko lang gawan ng post.

Tuesday, June 8, 2010

Bangungot


Kagabe, habang katext ko ang someone special ay nakafeel ako ng antok kaya ayun, nagdecide na akong mag goodnight sa katext at nakapwesto na rin ako sa higaan namin nila papa at mama. Sa sala lang kami natutulog. Napakainet aksi sa kwarto. Gustuhin ko man na matulog sa kwarto eh hindi naman ako makakatulog dun kasi nagmistulang bodega na rin yung nagiisa naming kwarto.

Nakapikit na ako noon, tapos siyempre bago matulog nagpray muna ako pero di ko napansin sa sobrang antok at pagod sa first day ng klase eh nakatulog ako sa kalagitanaan ng pagdarasal. Tantiya ko eh mga 11 pm na noon. Kampante naman akong matulog ng ganoong kalate dahil wala kaming pasok ngayon so okay lang babaran to the max sa kama.

Siguro kalagitnaan na ng tulog ko nung parang nakafeel nanaman ako na binabangungot ako. I was always like that. Binabangungot nga ako kasi ang weird ng feeling. Super nakakatakot yung mga nakikita ko sa panaginip ko and I can't scream. I can't call for their attention. Ang masaklap pa feeling ko lumulutang na ako at nakita ko na parang humihiwalay na ako sa katawan ko pero nagstrive akong bumalik. Buti na lang nakabalik ako.

I called for the attention of my dad. Sabe ko tulungan mo ko pa binabangungot ako, pero may parang nakatakip sa mata ko na ewan at hindi ko nakikita yung kausap ko tapos ayun pagkatingin ko sa ceiling namin may something na babae na mahaba ang buhok na nandun. Sobrang natakot ako. Akala ko gising na ako noon pero part pala yun ng dream ko.

Nagising na ako in reality. Sobrang takot na takot ako. Hinug ko si papa sa tabi ko, sabi ko papa binabangungot ako. Sabe ko pa gising na ba talaga ako? Litong lito din ako nun, pero tama, gising na nga ako kasi kinurot ko yung sarili ko at nasaktan ako pero nung una kong kurot sa dream ko walang feeling. Buhay pa nga ako. Hay salamat. Akala ko ma dedeads na ako nun. Super natakot ako at nagpray ako again.

Kaya naman pala sigurop ako binangungot kasi nagtampo si Papa GOD kasi tinulugan ko siya plus yung mga rituals ko bago matulog eh hindi ko nagawa tulad ng paglalagay ng isang boteng tubig sa ulohan ko bago matulog. Pangontra daw yun sa bangungot. Gabi-gabi ako naglalagay nun kasi lage nga ako nababangungot.

Hay naisip ko, andami ko pang pangarap. Wag muna ngayon Papa God. Need ko pa makatapos ng pagaaral, magkapamilya at kailangan ko pang makaexperience ng TRUE LOVE. haha. Paano na din ang mga bagay na importante sakin pagnagkataon. (wag naman sana. knock on wood)

So ayun, tip ko lang magpray kayo lage. Hay nakakalito. Gising na ba ako o nananaginip lang ako na nagbloblog ako? Sana reality na ito. ARAY! kinurot ko pa sarili ko. totoo na nga ito.

Super wierd dream. Sa panaginip, ang panaginip ko ay nananaginip din. Triple dreaming ang bangungot ko ngayon.

Saturday, March 6, 2010

JS Prom

Isa sa pinakamasaya, exciting at pinakahihintay na moment ng mga juniors at seniors ay ang JS prom. Grabe super saya neto, at alam kong napakaunforgettable ng araw na to.

Inannounce sa klase na magkakaroon daw kami ng JS. Wooo ang saya. Naimagine ko agad yung gabi, tapos with lights, with music. Naexcite ako.

After ilang days, eto na ang pinakahihintay na JS. Bago maggabi, naligo ako, super ligo, nagbihis, powder, ayos ng buhok, salamin, pabango, ayos ng damit, at isa pang ronda sa salamin bago pumunta sa school. Ayun, mejo magsisimula na pala ang prom. Sakto ang dating ko.

Pagdating doon, nagsimula ang party, dancing, foods etc ang daming ginagawa sa party. Siyempre naisayaw ko lahat ng gusto kong isayaw pero pinakamasaya yung last dance ko. Siya yun. :D

Siyempre ang bagal ng oras, super bawat kilos ko, cherish lahat. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, at ako ang bumasag ng katahimikang iyon. Papalapit ang muka ko sa tenga niya upang ibulong ang TATLONG salitang iyon ng biglang...


BOOOOOOGGGG

Nauntog ako! Shit nananaginip nanaman ako. Wala nga pala kaming JS kasi pinarusahan ang mga naklaraang batch ng seniors at pati kaming mga juniors ay nadamay. Tsk. Sayang, gusto ko pa naman magkaJS. Inggit ako sa kapitbahay namin na super kwento sa JS nila kaya siguro napanaginipan ko.

Tsk.

Di ko tuloy nasabi yung tatlong words na yon.

Tuesday, February 9, 2010

Malapit na ang Valentines

So ilang araw na lang ba? Nagdiriwang na ang mga pusong nagsasaya ngayong buwan ng mga puso. Hindi na bago sa paningin ko ang mga sinyales ng valentines. Dumarami na ang mga couples na naiispottan. Nandiyan na rin yung mga hearts hearts red and white na kulay sa mga websites, bulletin boards malls, etc.

So ano naman ang balak ko this valentines?

Since single ako, hmmm siguro I'll share the love na lang to all my friends, and to my family. Oh diba, mga palusot. Wala naman akong ibang magagawa kundi ang mga iyon right.

Pero I always dream of a valentines date. Yung tipong dinner with candle light and orchestra playing love songs sa isang luxury cruise ship, tapos may romantic dancing and fireworks, sabay luhod at kuhba ng ring. Sus. Pangarapin ko na lang. Tutal di naman masarap mangarap diba?

Pero sana one day makita ko yung sarili ko sa ganung sitwasyon, araw ng valentines din gusto ko yun. Pero sa ngayon, pindot-pindot na lang muna ako sa computer, at sa cellphone at aatend ng mumunting valentines party (sana).

Friday, December 18, 2009

Bitin

Hapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay ayun nga. Pinatatag ko ang loob ko. Hinawakan ko siya sa kamay at binulungan. "ano ba ang problema mo? bakit ka umiiyak."

Sampung minuto na yata ng naitanong ko iyon. Wala naman siyang imik kaya minabuti ko na lang lumabas ng room at iwanan siyang magisa.

Papalabas na ako ng pinto ng may narinig ako. "Louie........." Lumingon ako. Nakita ko siya na tinatawag ako, mugto ang mga mata. Nilapitan ko siyang muli.

"Ok na na ba? Ano ba kasing problema mo?" tanong ko ulit..

"uhmm basta uhmm sorry talaga louie...."

"dahil ba hindi ako ang pinili mo?" patapang kong sagot. Alam ko na yung isasagot niya pero gusto ko sa kanya manggaling.

"Hindi. Nagsisisi lang ako. Break na kami, ang sakit. Bakit ganon siya? Minahal ko naman siya ah.."

"Ang emo neto. Wag ka na ngang umiyak jan dahil darating na mga classmates natin. O sya wag kana umiyak. Alam mo namang mahal na mahal kita ehh.."

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang muka.

"Tara sa labas tayo. Pahangin tayo" aya ko sakanya.

"tara." Wow. natuwa ako sa sagot niya.

Nakarating kami sa likod ng building ng school namin. Napagkwentuhan namin ang nakaraan. Nakakatwang isipin na kanina lang ay ayaw niya man lang ako kausapin pero ngayon eto, nakasandal siya sa akin habang kinukwento ang nakaraan.

Hinawakan ko ang muka niya. "Alam mo, ang cut mo talaga" sabe ko.

"Bakabar!" sagot niya.

Natulala na lang ako sa muka niya. Kitang kita ko bawat ditalye ng muka niya, ang mahabang pilikmata, ang cute na muka. Ang sarap tignan.

Naramdaman ko na lang sa dibdib ko na malakas ang kabog nito. Ang sarap pakinggan. Lalong lumalakas habang papalapit ang mga labi ko sa mga labi niya.

Didikit na ang mga ito ng biglang may narinig ako.

"LOUIE RENZ ANO PAPASOK KA PA BA? TANGHALI NA!" sigaw ng nanay ko

siyet panaginip lang pala. Nalungkot ako.

Tuesday, December 15, 2009

10 painful things..

December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt. Eto yun isheshare ko.

10 painful things

--Bringing back the feeling you've never learn to forget
(ouch sapul c ako. Hay bakit ba kasi mahirap makalimot ng siang bagay. Pero sabi nila instinct nga lang daw. Eh ayaw ng puso ko eh bakit ba. Cge palit nalang tayo ng sitwasyon.

--Reminiscing the good times
(Ouch men. Eto rin panama. Ang masasabi ko lang kung bakit ginagawa ko toh dahil ito na lang ang sandigan ko para ngumiti inspite those problems)

--Trying to hide what you really feel
(Eto pa ang isa. Plastikan kung plastikan :D)

--loving someone who loves another
(Eto ang pinakamasaklap. hay. No comment)

--Having a commitment with someone that you know wouldn't last.
(So far d q pa naeeexpi toh :D)

--Shielding your heart to love somebody
(Ouch. Saklap naman neto.)

--Loving a person too much.
(Di naman toh masama. Mahirap lang magmahal ng todo pag one sided love. Mahirap mabigo.)

--right love at a wrong time
(hay ang saklap neto. Pano niyo ipaglalaban ang isa't isa kung madaming tutol. Diba ikaw?)

--Taking risk to fall in love again
(hay masakit talaga toh. Natatakot lang siguro ang mga tao like me na masaktan ulit)

--Accepting that it was never meant to be
(ito ang pinakamasakit.)

Wednesday, November 18, 2009

Sana

Ang daming kong pangarap na gustong matupad. Sa totoo lang hindi ako nakukuntento kung ano ako ngayon at kung ano ang mga nagyayari sa akin. Kaya obviously, ang entry na to ay about sa mga gustong mangyari, at maging.

Sana Damo na lang ako...
Kasi ang damo, napakahumble, napakanoble. Walang rekla
mo pag naapakan, walang reklamo pag binubunot, at hindi pinapakialaman ng maraming tao. Tahimik lang ang damo, at mapapansin lang pag matataas na sila. Sana ganun na lang ako para pede mo akong apak-apakan pag wala kang madaanan. Pede niyo akong higaan dalawa habang naglalabing-labing. Pede mo akong bunutin pag nagagalit ka, at sa huli, pede mo akong iwan pag nagsawa ka. Wala namang pinagkaiba. Ganun din naman ako ngayon kaya sana damo na lang ako.

Sana Mineral Water na lang ako, nagbibigay ng buha
y pag ikaw ay nauuhaw, naiiyak, naaasar, ninenerbiyos. Nagpapakalma sayo kapag hindi maganda ang pakiramdam mo.

Sana Ballpen mo na lang ako. At least lagi mo akong hawak. Lagi mo akong hahanapin sa tuwing mawawala ako, at pag sawa ka na sa akin itapon mo na lang ako.

Sana Kwintas mo na lang ako. At least malapit sa puso mo. Y
ung kwintas na mahalaga syo, na kailanman ay pagsisisihan mo pag nawala ako.

Sana Cellphone mo na lang ako. Ipinupuslit mo sa school dahil ayaw mo mawalay sayo. Na lagi mong hinahanaphanap kapag ito'y nangangailangan ng tulong mo sa tuwing may magtetext omay tumatawag.

Pero sana

Ako siya na mahal na mahal mo. Siya na handa kang ibigay
ang buhay mo. Siya na pede mong paglabasan ng galit mo tulad ng mga damo. Siya na nagbibigay buhay sayo na parang tubig. Siya na laging hawak mo sa iyong kamay. Siya na malapit sa puso mo. Siya na lagi mong hinahanaphanap.

Sana Tayo na lang. Para siya naman ngayon ang nagbloblog ng ganitong blog.

Pero ang sana ay SANA na lang. Wala kasiguraduhan.

Kaya kahit na ganito. Ako pa rin ang tunay na nagmamahal sayo, kahit hindi mo man ako paglabasan ng galit. Kahit di ako ang nakakapagpakalma sayo. Kahit hindi mo ako laging hawak sa kamay mo. Kahit malayo ako sa puso mo. Kahit hindi mo ako kailangan sa buhay mo.

Ako, ay ako pa rin. At ikaw ay sa kanya parin. Wala akong magagawa kundi ngumiti sabay sabing

hayyyyy SANA....