Showing posts with label Happy. Show all posts
Showing posts with label Happy. Show all posts

Wednesday, January 5, 2011

Pinakahihintay


January 3, 2011 ang nabasa ko noon sa website nila na irerelease daw ang result ng UPCAT. So January 2 palang eh tense na kaming lahat at nagaabang na ng pagpasok ng 3 para makita ang results ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test). Matagal din main tong hinintay. 5 months kaming clueless kung ano na nga ba ang resulta ng entrance exam namin.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang eh ipinost ko ang Kwentong UPCAT ko. Ngayon eh lumabas na ang resulta.

Pero bago ko sabihin ang resulta, nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin lumakad ng papers ko for UP, at the same time sa review center at sa ibang mga sources. Di niyo naman toh mababasa pero salamat pa rin.

So ayun na nga. Kinabukasan eh nabalitaan na yun sa school ni Miss Fat. (sa mga di siya kilala, siya yung teacher ko sa English na nagbabasa minsan dito at minsan ko ng nagawan ng entry) at tiningnan nila sa internet sa school at ang sabi ay naiba daw yung January 3. Naging 1st week of January daw. Takte naman. Pinaeexcite kami lalo. Pinasasabog ng UP ang kabado naming mga puso.

Kinagabihan ng January 3, piniem ako ng kaklase, 10pm daw ang release ng results. Nagtweet daw yung taga-UP na admin. So at yun nag-abang na kami ng resulta sa website. Takte 10:30 na eh di pa rin lumalabas yung resulta. Sabe daw sa tweet eh baka daw before 12 pa daw or worst scenario eh January 4 pa raw. Di ko na hinintay. Natulog na ako. Nagpray na lang ako.

kinabukasan, paggising ko ng alas sais para maghanda sa pagpasok sa school eh binuksan ko ang PC at titignan ang result. Pag-open ko ng site, walang result akong nakita. First week pa rin ng January yung naandoon. Clinick ko yung mga mirror sites. ABA MERON NA! Kinabog ang dibdib ko sa kaba at excitement.

Hanap hanap ng name range.
ST.....
Su...

At eto ang sumunod kong nakita :

(malabo yung pic. Dito na lang po yung link -> UPCAT 2011 RESULTS)

Ang una kong nasabi ay ang isang "UI PUMASA AKO" with the tone of bagong gising na walang feelings. Sobrang natuwa ako niyan pero ang hirap magexclaim pala pag bagong gising. Tinawag ko agad ang mommy at papa ko at natuwa naman sila sa result ng exam ko.

OMG Los BaƱos is so far. Ibig sabihin malalayo ako sa pamilya ko ng 5 years? independent na ba ako next year? saan ako titira? Pero ok lang. kaya ko yan lahat for UP. YES I'M PROUD TO BE UPINIAN. Sa UP na talaga ako mag-aaral for sure.

I survived UPCAT 2011. Tulad nga ng wish ko noong una akong makapunta sa UP, babalik ako at eto na ang passport ko. BABALIK NA AKO, UP!

Ang saya ko!

Thank You Lord for making me Pass this University! :]

Saturday, August 28, 2010

Linggo ng Wika 2010

Kapag sumali ka sa isang kompetisyon, isa lang ang kahulugan niyon. May kagustuhan kang manalo. Pero hindi lahat ng kompetisyon ay nakalaan para sa iyong pagkapanalo. May mga oras na kailangan mo na matalo at magreflect kung anu ba ang iyong mga naging pagkukulang.

Sa buhay, hindi kailangan na perpekto ka. Ang perpektong tao ay katulad din ng walang alam--walang alam kung hindi ang tama. Walang alam kung hindi pilitin ang sarili na maging tama. Ang labas-- pagiging mayabang.

Tulad na rin halimbawa si Miss Universe 2010 4th Runner up Maria Venus Raj sa kanyang "MAJOR MAJOR..THANK YOU THANK YOU" na banat. Hindi man niya naiuwi ang pinaka-korona, natuto naman siya sa kanyang pagkakamali diba? Ang maganda pa doon, hindi siya napipikon dahil tanggap niya na ang pagkakamali na iyon ay normal.

(*Ang haba ng intro.. Sige na kwento na ako.)

Noong last July, kami ang nanalo sa Nutri-Jingle competition sa school namin, maging ang mascot making. Sobrang naghanda talaga kami noon. Kahapon naman, may isa nanamang kompetisyon sa school namin, ang SABAYANG BIGKAS.

Kung tutuusin, sobrang kulang ang oras namin magpractice. Hindi kami pinapayagang magpractice tuwing may klase kaiba sa mga kalaban namin sa mga lower years. Madami pa kaming ginagawa, lesson plans, CAT etc. Pero kahit ganoon na nga ang nangyari eh nagawa pa rin naming makapagtanghal.

Inaamin ko, hindi namin makukuha ang title ngayon bilang panalo kasi alam ko na gahol kami sa oras. Mismong araw na nga ng kompetisyon eh hindi pa namin tapos ang sabayang bigkas namin pero naging masaya naman kami.

Iyon naman ang mahalaga diba? Ang pagiging masaya sa bawat ginagawa mo, maging panalo man o talo, basta'y sama-sama at masaya, solve na.

Dahil dito sa nangyaring kompetisyon na ito na medyo nagkalat kami ng kaunti, natuto kami. Natuto kaming magpahalaga sa oras at bigyang importansya ang bawat bagay na gagawin namin. Iyon naman ang kailangan. Aanhin niyo ang napakaraming parangal kung wala kayong natututunan?

Basta, kahit anu man ang maging resulta, mahal ko pa rin kayo LUKEANS :]

Enjoyin na lang natin ang mga susunod na buwan. saglit na lang, madidischarge na tayo sa high school :)

Friday, August 20, 2010

Ako si Teacher

16 na taong gulang pa lang ako, kakaunti pa lang ang nalalaman. Hindi ko pa masyadong master ang algebra, lalong higit ang calculus. Hindi ko kabisado ang periodic table of elements, ang mga atomic weight dito. Hindi ko kabisado lahat ng rules ng subject-verb agreement, hindi ko kabisado ang lahat ng bansa sa buong mundo at hindi ko kabisado lahat ng techniques ng good entrepreneurship pero sa edad kong ito, alam ko may magagawa ako--Ang magturo.

Sabihin nga ninyo, kaya ko bang magturo kung simpleng domain at range lang na may radical sign eh medyo nahihirapan na ako? Rectiliner at free fall lang ang alam ko sa physics. Kung ito ang mga basehan eh hindi ko talaga kayang magturo pero sa maniwala kayo at hindi isa akong teacher. Oo, teacher ako, isang student catechist, na hadang magturo sa mga bata sa mga pampublikong paaralan ng mga bagay-bagay tungkol sa Diyos. Dito, alam ko bihasa ako.

Tuwing wednesday, tinitiis ang ilang minutong dagdag lakarin para lang makarating sa school na pampubliko na di naman ganoon kalayuan sa may bahay namin. Bitbit ang lesson plan, ilang mga visual aids, konting papremyo tulad ng stars at kendi at isang matamis na ngiti, nagtutungo ang bawat isa sa kani-kanilang mga assigned classroom. Ako, assigned ako sa mga grade 1 na sobrang ang kyu-kyut at ang bibibo.

"Okay Class, may magtuturo sa ating ng Religion."

Matapos yan ay matamis akong binati ng mga chikiting. "Good Morning kuya Louie." Sa una, medyo nakakakaba kasi nga kaharap mo yung teacher nila at nakakahiya pumalya pero anyways, sa awa naman ni God eh mabait naman ang teacher at mababait din ang mga chikitings ko. Swerte ko kasi sila ang napunta sa akin. Yung iba kasing mga sections grabe sa wild, may mga nagsusuntukan, umiiyak, at nambabastos.

Sa dalawang beses na nagturo ako sa kanila, nagenjoy naman ako siguro dahil sumusunod sila sa mga pinapagawa ko tulad ng mga pagkanta ng walang kamatayan na "ANG MGA IBON, NA LUMILIPAD, AY MAHAL NG DIYOS, DI KUMUKUPAS...." Hindi rin ako nahirapan ihandle ang mga bata, siguro advantage na rin ang pagiging kids for Christ leader ko ngayon kung saan nakakahalubilo ko ang iba't ibang uri ng mga bagets.

Simula pa lang ito ng mahabang panahong bubunuin ko para kilalalanin ang bawat estudyante, at simula pa lang rin ito ng mga WEDNESDAY sa buhay ko bilang 4th year na maririnig ko ang mga salitang "THANK YOU KUYA LOUIE for teaching us" Ang sarap pakinggan niyan sa mga bata dahil tandaan, ang mga bata ay hindi nagsisinungaling. :))

Oh siya, gagawa muna ng visuals si teacher Louie ay este si RENZ pala . :)

Saturday, June 5, 2010

1 month to go.

July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (WAW) na ang dami na pala ng mga taong nakilala ko dito sa blogosperyo na ito. Aksidente lang naman kasi ang pagkakagawa ko sa blog na ito at ayun, nalibang at nagenjoy naman ako.

It was June noon nung ginawa ko itong blog na ito dahil sa paghahanap ng piece na ito for our activity at nahanap ko ito sa isang blogspot at struggle talaga ako para mahanap iyon kaya nagcreate pa ako ng account para macopy paste yan. ewan ko ba bakit ako gumawa ng account sa blogger but now I'm so thankful. Serendipity nga ito sabi nga sa Science.

Nung una, nagbloblog lang ako para basahin ko din personally. Yung tipong sulat mo, basa mo. Ganun naman ang sistema ng lahat ng nagsisimula sa pagbloblog diba? nakakatamad pero kailangan malampasan mo yung tamad stage ng blogging tapos maeenjoy mo na yun mga sumunod.

Thanks so much dito kasi dahil dito lumago ang mga blogger neighbors ko. Dumami ang mga reader's and followers, nagearn ng mga new friends, at lalong naging pamilyar sa mundo ng pagbloblog.

Saksi ang blog na ito sa mood swings ko. Mula sa pageemote sa mga pagrereklamo trying hard movie review . Nakiramay din ako sa pagluluksa ng ating bansa, naging saksi sa mga kaba, pagpopost ng mga poems ko, mga kawirduhan, katatawanan, nonesense random stories, at kung anu-ano pang mga bagay.

Mas close pa nga kami ng blog ko kaysa sa iba kong mga kaibigan, kasi ang blog ko alam niya ang lahat ng hindi ko kayang sabihin ng personalan diba? At saka ang blog, hindi ka sesermunan pag nagpost ka ng kalokohan mo. Hindi ka rin sasabihan ng TANGA pagnagpost ka ng katangahan mo. Ang gagawin niya lang, makikinig lang siya sa mga hinaing mo. Minsan hindi naman talaga kailangan ng mga payo. Ang kailangan lang ay tagapakinig diba?

Minsan ko na ring naisip na huminto na lang sa pagbloblog kasi naisip ko nonesense lang naman but thanks to SOMEBODY who motivated me at eto na nga, tumagal din ako sa blogging wold.

YIPEEEE! Akalain mo, isang buwan na lang tatanda na blog ko. Ang cool at dahil COOL talaga eh may ibibigay ako sa lahat ng naging parte ng blog ko. :]

ABANGAN!

Sunday, April 18, 2010

16 at 16th


*warning late post :) sorry

April 16 1994, 8:07 am bumuka ang langit at pinanganak ako (joke lang). I was born on the said date at St. Lukes Medical Center in QC. Sabi nila it was expensive daw dun sa hospi na yun pero ewan ko. Di naman ako ang pumili ng lugar na papanganakan sa akin. pede naman sa bahay lang pero hindi pwede kasi CS Section ako pinanganak.

Lumaki na ako dito sa isang city sa Bulacan pero actually taga valenzuela MM kami dati nung pinanganak ako. That was 16 years before now. For the past 16 years of inhaling and exhaling in this Earth, marami na akong natutunan. I transformed from a baby to a toddler, then a boy, now a teenager. For the past 16 years, nagmatured na daw ako. I doubt them pero sabi nila Im so matured for my age.

Let's go to the main point.

I would like to thank the person who were involve in my 16 years of living.

My family- thank you for being there for me. As the youngest member of our family, ako yung pinakamadaming trouble na napasukan compared sa inyo pero stil tinatanggap niyo ako ng buong buo. Kahit nung nagkabalibali ang aking mga bones eh hindi niyo pa rin nagawang magalit sa akin and thank you for everyday na nakakasama ko kayo.

To my teachers- thank u sa pagmumulat niyo sa akin sa mga bagay bagay na dapat at dahil sa inyo natuto ako mula sa simpleng pagsulat lang ng pangalan at pagbilang ng 1 to 100 hanggang sa matuto ako magsulat ng mga entries sa blog ko at magsolve ng 2x+x-4 o kung anu man yan. Thank u

sa mga classmates ko-- wag na kayo haha :) jokes lang. thanks for being there for me at sa samasama nating pagtuklas ng mga bagay bagay sa mundo salamat :)

sa YFC- thank u sa pagbuhay sa spiritual life ko. I found a place in our community talaga. I really don't know how to express my thanks to you guys.

sa mga BLOGGERO/BLOGGERA salamat sa matiyagang pagsubaybay sa mga wapakels kong blogposts and thank u for ur post na talaga namang ang dami kong natututunan. Let me mention names
~batanggala- ang mistulang kapatid ko na dito sa blog dahil nga kaage ko lang siya :) what I like about her is pinapatunayan niya na kahit iba siya sa mga classmates niyang porenger eh talaga namang nagmamakeway para ipagtanggol ang sarili :) Thank u for inspiring me.
~dark lady- usaping love life ba? ang dami kong natutunan diyan subra!
~keso- super strength ng babaeng to. kahit anong problema nagagawa pa din umismayl at magpose sabay sabing say CHEESE (ay whisky nga pala) :))
~bad mj- my brother in this world. Salamat dahil super warm welcome mo sa akin sa blog mo at super kulit mo kachat at nagtext pa :) sorry globe ako di ako makareply sayo
~NAGLALAGABLOG ANENG!- ikaw ang isnpiration ko para magblog hop nung naguumpisa pa ako! tsk nawala ka na sa mundong ito haha pero thanks!
~kay LED- siya ang naginspire sakin magblog :)
~kay panjo-- super galing ng stories mo idol talaga kita

at sa iba pa-- kay kua saul, miz yhel, ate faye, lord cm, izhel, bravewarrior, glampinoy, goyo, glennkun,llama etc salamat sa inyo

Siguro nga hindi mabubuo ang nakaraang taon ko kung hindi ako nag blog :) thanks friends


NGAYON dahil 16 na ako--wala lang haha magbloblog pa rin ako at nais ko lang talaga magthank u sa naging parte ng buhay ko this past years

LALO NA SAYO--ikaw na nagpasaya at nagpaiyak na rin sa akin ♥

ok siya dito na lang.

Friday, March 19, 2010

Last Day for the school year 2009-2010

This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang Dance Contest at Battle of the Bands ng mga Salettinians (kami yun, mga student sa La Salette).

Super grabeng preparations na rush, as is almost two weeks lang kami nagpractice para sa sayaw namin. Ang daming hassles, problems at kung anu-ano pa pero nasolve din naman lahat. Ang daming gabing pinagpuyatan, pagkaing pinagsaluhan ng sama-sama, pamasahe na winaldas para sa praktis at palusot na ginawa sa magulang para makapagpraktice lang.

Tapos na. Yes! Sulit ang bawat pagod ng lahat. Tinodo na namin lahat, ako, at siyam pa na kaklase ang bumuo ng aming grupo. Tinawag itong THE RENEGADES.

Sa simula di kami nageexpect na manalo since ang mga defending champions ng dance contest last year ay sasali pa rin (dahil tinuruan nanaman sila ng outsider na coach) maski nasa rules na NO TRAINERS OUTSIDE. SUS! Naaasar lang kami kasi di nadisqualified. Nagrules pa naviolate din naman. Tsskk.. BTW back to the topic, di kami nageexpect pero ang result..

tenen

KAMI ANG PANALO SA JUDGES..

pero di pa yan ang happy ending. Dahil 50% eh sa judges at 50% votes. So paramihan ng pera ang labanan? Kung tutuusin wala naman talaga sa kalingkingan ng sayaw namin yung kanina. (chos lang! pero totoo naman. upload q vid mag may time) Bongga nga costume at props design lang naman. Ang gara pa, walang energy, parang mga nagaangas lang :)) LOL. PADAMIHAN NG PERA?

Sorry di kami ganun kayaman, kaya ang nangyari, sila ang overall. Tsk second placer lang kami, WE DESERVE THEIR PLACE.

Kung pera-pera lang din eh wag na sumayaw. Kung pera pera lang din pano pa sa ELEKSYON? pera pera na lang din ba? SUS ganun naman ang tiyak na mangyayari.

Anyways, let's go back to the story ng last day ng klase. Syempre the best din ang aming banda-- THE RENEGADES WEARS PINK. And as usual dahil nga pera pera ang usapan, SECOND PLACE NANAMAN ang aking mga kaklase. SUS anu bang ginawa nung nanalo sa harap? tumayo, nagingay, nagkalat. Pero dahil may pera, ayun panalo. dapat kami din pala yun :D

SORRY KUNG MABASA NIYO MAN TO, DI KO KAYO MINENTION DITO AH :))

so ayun, kaming mga juniors ay BITTER dahil sa mga panalo na dapat ay samin. SHOWCASE YOUR TALENTS, yun ang mahalaga :) Panalo kami sa judges, yun ang mahalaga, sainyo na pera niyo :))

So dahil nga wala naman kaming magagawa eh nagdecide na lang kaming mga klasmates na mag picture taking ng tumatalon, etc etc. since eto naman ang last day, eh sinulit namin, at kumain pa kami sa isang resto, with our adviser, and half of the class ata nandun, supre saya. :D Pinakamasayang last day ever :)

Inabot na kami ng 8pm sa resto :) at dahil bitin pa kami ay lumakad kami pauwi at pagdating ko sa bahay mga 8:30

BOGOOOOOMMMM!

Galit si itay--muntik pa akong sapakin. Buti nakasalag ako. Kesyo nagbabarkada na daw ako etc etc.

Sabi ko naman sa kanya "Kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko, ewan ko lang sayo" pero joke lang yan. Siyempre di ko kaya sabihin yan,

di ko na lang pinansin, ganun naman lagi yun, alam ko naman na nasa MABUTING barkada ako :)

and that's the ending of my junior life, super saya :)
bukas papasok pa rin ako, kahit walang gagawin at bawal na pumasok :) magliliwaliw at mag i-slurpee :))

--FIN--

Friday, January 15, 2010

History Reapeats itself..

Naglalakad ako papunta sa computershop habang nagtetext dahil nga addict ako sa pagtetext e kahit san dala ko ang cellphone ko. Siya lang ang katxt ko kaya alam ko na sa kanya galing ang mensaheng kakatanggap ko pa lang.

Binasa ko ito.at nagreply ako

"ahm..pede ka ba maging bestfriend, para meron na din akong bestfriend na boy"

"oo. sige."

Halos magiisang taon na ng nangyari ang mga kaganapang ito. Naging magbestfriend nga kami at tulad ng nasabi ko sa iba kong blog post eh hindi rin nagtagal ang aming pagiging bestfriend sa hindi ko alam na kadahilanan.

Nitong mga nakaraang araw. Nilapitan niya ako noong uwian na. May sasabihin daw siya sa akin. Ilang araw ko din siya kinulit para sabihin iyon. Ewan ko ba. Parang galak na galak ako at naeexcite malaman yung sasabihin niya hanggang kaninang bago maguwian.

Dahil nga tinatamad akong magsalita (err) kumuha ako ng papel sa sahig at sumulat sa papel ng mga salita "sabihin mo na kasi" at sabay sitsit sa kanya at pakita ng papel.

Kinuha niya iyon at doon nagsimula kaming magusap tungkol sa bagay na gusto niyang sabihin hanggang sa marating ang main point.

"Pde k vang maging bff ult?" yan ang nakalagay sa scratch papers (madami kasi) na tila umano ay sinulat sa steno pero nabasa ko pa rin.

Eto nanaman. Another step towards her.

The main thought is this. Dapat alamin ko lang yung limitasyon ko ng MABUTI. never fall again kasi HINDI PWEDE. Inuulit ko HINDI PWEDE.

I can handle this situation better, I bet. But for now, I am just happy. The relationship is back.

At the end of the day, para akong lumulutang sa tuwa. Is that the right term? No! Siguro na miss ko lang siya ng sobra dahil sa isang taon na di ganun kagandang samahan.

Salamat sayo. Pinasaya mo araw ko.

PS..bago pala mangyari ang lahat kanina ay humingi ako ng sign at nagkatotoo ang sign. LOL. Pero sabe nga sa quote. "Kahit gaano karaming signs pa ang dumating, kung hindi kayo para sa isa't isa, eh hindi talaga kayo"

Sunday, January 10, 2010

May award ako :D

Ang saya ko.. Yahoo..nalaglag pa ako sa upuan sa sobrang kaexcitedan ko ng makita ang comment ng BNP sa chatbox ko..! Woaaaa....Pasok ako sa hall of Fame this week..! Grabe na toh.. Nakakataba ng puso..
Salamat sa lahat ng nagrarate ng blog ko, at nagbibigay kayo ng inspirasyong para sa batang 15 anyos na toh para gumawa ng kakaibang hakbang para sa pagbabago. Salamat sa lahat. Sana rate niyo parin po ako.... Click ka dito.

Gagalingan ko pa pagbloblog ko. Salamat po sa pagtangkilik..

--Renz(sobrang tuwa kahit 3rd lang :D)

Thursday, December 31, 2009

Last Words for 2009

Dahil patapos na ang 2009, siyempre may last words ako diba. I just want to share this quote na talaga namang naispire ako ng todo-todo.

Without the rain......there can be no Rainbow

Short but meaningful quote. Na-realize ko lang tama nga yung quote. If 2009 is not a good year for you, then look in to the bright side. Malay mo 2010 is the better than 2009. Kung nalugmok man tayo sa mga challenges ngayong 2009, sabi nga sa rain, makikita pa rin natin yung rainbow. Move on. There are lots of chances.

Ang buhay parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba. Huwag lang natin isipin na nasababa lang kami palagi. Malay mo nagparking lang yung kotse. Aandar din yun at muli kayong aangat.

Kung anu man ang mga challenges na nangyari this 2009, baunin natin yung mga lessons. Sana i-live natin yung quote na to for this new year.


Dear 2009,

Maraming salamat isang taon na naging magkasama tayo. Alam mo ba na sa piling mo, maraming lessons akong natutunan. Nanjan yung mga pagtayo sa mga times na nadapa ako, nanjan yung pagtanggap ng mga consequences sa mga ginawa kong mali. Nanjan yung sobrang masasayang oras na pinatikim mo sa akin kahit sandali. nanjan yung mga pagkakataong ayaw ko ng mabuhay pero binigyan mo ako ng motibo para harapin ang susunod na taon.

2009, paalam. Maraming salamat sayo.

2010, sana maging friends tayo. Sana maging ok ako sa iasng taon pagstay kasama mo. Welcome to my family 2010 :D

Love
Renz.. LOL wala akong magawa

Happy New Year to all na lang!


Wednesday, December 30, 2009

Awards para sa inyo :D

Dahil patapos na ang 2009 may handog ang munting bloggero para sa mga natatanging blogs na talaga namang ikinatuwa ko ang pagsubaybay. Naghanda ako ng mga ilang awards para sa inyo.
Para naman sa mga hindi mabibigyan, sorry napapagod na akong gumawa at magisip pero it doesn't mean na panget or walang sense ang blog niyo. may mga natatangi lang kasi akong nagustuhan.

1. Nagbabagang Blog Award

Napili ko yung blog ni aneng na Nagbabagang blog dahil hindi nga kadalasan ang pag popost niya pero sigurado namang kaabang-abang at may dalang nagbabagang impormasyon na iyong ikatutuwa at ikagigimbal ng iyong mundo.
bisitahin ang mainit niyang blog sa
www.andweahzac.blogspot.com

2. Astig OFW Blog Award

Para sa'yo naman to LordCM dahil astig ka. Nakakainspire ang blog mo at talaga namang Pinoy na Pinoy. :D
Visit niyo siya. Click kayo dito www.lordcm.blogspot.com

3. Masigasig Blog award

Napili ko naman si batanggala bilang masigasig blogger dahil makikita mo naman sa blog niya na gumagawa talaga siya ng paraan para makapagblog kahit na busy ay may oras pa din sa blog. Para sayo to bata :D
Daanan ang maliit niyang mundo sa www.angtunaynaako.blogspot.com/

4. Simplicity is Beauty Award

Para naman kay Keso itong award kasi natutuwa ako sa blog niya. Napakasimple kasi ng blog niya, mapapost man o sa template. Basta ang simple :D
makitikim ng keso sa www.superkeso.blogspot.com

5. Malikhaing Blog award
at ang panghuli ay kay LRT driver dahil sa napakamalikhain niyang post, mpakakwento man o hindi ang masasabi ko na lang ay...WOW
Magbasa ng mga kagilagilalas na kwento sa www.natuyongtintangbolpen.blogspot.com


Congrats po sa lahat ng na awardan. sana natuwa kayo at ipagpatuloy niyo ang pagbloblog. Dahil sa inyo, naiispire ang batang bloggero na to para gumawa ng malikhaing blog.

hanggang sa susunod
MID YEAR Blog Awards sa June 2010

Monday, December 28, 2009

Pasko

Merry Christmas Sa inyong lahat. Bago niyo basahin yung blog entry ko sa baba neto. may papanood ako sa inyong napagtripan kong video. Sorry kung blurry..



Super late post na to and ewan ko lang kung may matitiyaga
pa na basahin to. (sana) Hindi kasi ako nakapagpc sa loob ng 4 days at para akong mamamatay sa tuwa pagkauwi ko galing sa probinsiya.
24 ng Hapon kami bumyahe papuntang Nueva Ecija. At as w
hat I'm expecting eh ang boring ng byahe. Kasama ang ilang pinsan at pamangkin na pawang walang kakibo-kibo ay nakakamatay sa boredom. Tae bakit ba kasi kailangan umalis at iwan ang kompyuter.

For 4 days wala munang Facebook---walang Farmville, Country Story, Mafia Wars, Fishville...! Waaa.. addicted na kasi ako kaya nagkaganito.

Anyways let's go back to the topic.

This Christmas is different. This is the happiest Christmas I ever had in my entire life. Hindi naman dahil nafulfill na yung dream kong White Christmas nuh--asa naman. Pero iba talaga toh.

After 2 consecutive years of a cold and lonely Christmas eto super saya naman talaga ng experience ko.

We arrived in our Ancestral house mga 8pm. 4 hours drive from Bulacan at eto agad ang bumungad sa aking mga mata..




...ang bahay na mula noon hanggang ngayon ay nakatayo sa gitna ng kabukiran. What a Christmas. Wala mang Farmville na laro eh totoong Farmville naman ang nakaharap sa aking mga mata. Umupo ako sa tumba-tumba ng aking lola at nagisip kung ano ang pwede kong gawin sa nakakaboring na bahay na yon.

Syempre lahat naman tayong Katoliko ay sasalubungin ang Pasko sa pagsisimba so ayun, nagsimba kami kahit nakatayo na lang sa simbahan at pagkatapos ay dumeretso sa Bahay ng tita ko di kalayuan sa Ancestral house para maki-noche Buena.

Hanep sa daming Pagkain. Natakam ako ng husto sa Carbonara, BBQ, Ham, Donut, Cake, Salad, etc. dami talagang foods tapos na surprise lang ako dun sa regalo sa akin ng pinsan ko. Di ko ineexpect na magreregalo siya after after all these years di naman kame close.
Ayun Chitchat with my makukulit na ibang pinsan at pamangkins at after non, bumalik na kami sa farmville naming ancestral house. Nasoprisa naman si ako dahil sa pagkahawak ko sa celpon ko sabog ang inbox ko. 1 hr unattended phone= 80+ msg received. Grabe puro pagbati ng merry Christmas. Ang saya.

The next day 25, dumating ang mga cousins ko from Valenzuela and Cabanatuan. Ayun lalo kaming sumaya. Nagpicture naman kami sa farmville habang tumotoma ang mga adult pinsans. Ayoko makipagsabayan sa kanila bata pa ako masyado. :D eto nalang yung mga pics namin....




Natapos ang araw na yon ng masayang masaya. Sobra dahil bonding bonding nag todo-todo, habulan sa palayan at kung ano-anong pics pa ang pinagkukukuha namin. Nakakatuwa talaga pero sadly, my cousins need to go back home in San Isidro sa kadahilanang bawal sabihin dito. Pero all in all fulfilled naman ako This Chritmas.


26, After Christmas nag visit naman kami sa aming gulayan sa bukid para magharvest ng Ampalay at Upo. :D Sobrang natuwa din ako kasi bihira lang ang ganito sa City. Kaya picture galore ulit ako. Share ko lang eto :D



After that natapos ang araw ko na sobrang pagod. Ang kinabukasan 27, byahe naman kami back to Bulacan.

Nakakapagod pero masaya ang Pasko ko kaysa last yr. Ok lang kasi walang facebook or blog within 4 days kasi nagenjoy naman ako.
Sana natuwa kayo sa Story ng Pasko ko. :D

Merry Christmas sa Lahat!..

Tuesday, December 8, 2009

Thanks so much sa 1 minutong smile LordCM


Napangiti talaga ako nitong 1 minutong smile. Maraming salamt sa iyo LordCM.

Natouch lang ako dahil may mga taong sumuporta pa rin sa akin kahit na yung iba kala nila kalokohan lang toh. Inabangan ko talaga toh grabe. Ang sarap ng feeling.

Akalain mo, simple ganito lang natouch ako. Grabe. Nabiti ako. Mangiyakngiyak pa ako. Alam mo yun, after ilang days and weeks puro problema tapos marereleive lang ng isang minuto, at alam ko di lang ako ang nakangiti magisa sa harap ng PC namin nung mga sandaling iyon. May kadamay akong mga taong nais muna i-isang tabi ang problema.

Nagpapasalamat ako ng marami sa iyo LordCM. Napakacritical ng utak mo para maisip ang ganitong bagay. (oha regalo ko po! joke). Basta ang saya.

Ang sarap ngumiti. Hay sana laging may ganito.

Bago pa ako tuluyang maiyak(emo, hindi kaya. Natouch lang ako). Tatapusin ko na itong blogpost na ito sa isang quote na naformulate ko.

Ngiti lang pala ang solusyon sa mga problema ko. :D

Ngiti tayo mga friends :D Happy Smile day!