Showing posts with label yfc. Show all posts
Showing posts with label yfc. Show all posts

Thursday, May 24, 2012

Para sainyo ate at kuya

Darating at darating ang panahon na kailangan nating maging propesyonal


 Isang araw, narinig ko iyang statement na iyan sa aking kapatid sa YFC community na si kuya Adam. (tingnan ang litrato namin dalawa sa ibaba ). 

From left: Ako, Kuya Adam

Siguro nga, darating talaga ang panahon na kailangan nating iwan ang mga bagay na sobrang mahal natin hindi dahil hindi na natin ito mahal o gusto, kung hindi dahil may naghihintay sa atin sa mas malawak na mundo.

Sa apat na taon kong pagiging bahagi ng YFC, naramdaman ko ang pagmamahal ng mga taong itinuring ko na mga ate at kuya ko sa komunidad na ito. Sila ang mga taong humuhubog, gumagabay, kumakalinga at nagmamahal sa aming mga bago pa lamang sa komunidad na ito. Sila ang nagsisilbing pundasyon ng aming nagsisimula pa lamang na relasyon kay kristo. Sa loob rin ng apat na taon na ito, naramdaman ko rin ang lungkot na unti-unting nawawala ang mga kuya at ate namin sa YFC hindi dahil sa hindi na nila kami mahal. Dumarating lang talaga ang punto na kinakailangan na nila kaming hayaan itayo ang mga sarili namin dahil kailangan din nilang lumago bilang isang tao; lalong higit bilang isang propesyunal. Ito ang nakalulungkot na katotohanan.

Sobrang mahal ko ang mga ate at kuya ko sa YFC. Sobrang blessed ako dahil sila ay naging malaking impact sa aking paglaki.

Ate at kuya, sa inyong pag-alis sa pamilyang ating kinalakhan, gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat ng naibahagi ninyo sa amin. Sa inyo ko natutunan kung paano magmahal ng pagmamahal na hindi binibilang kung gaano na ba karami ang naibigay bagkus ay ang pagbibilang ng ilan pa ang  dapat at makakaya pang ibigay. Sobrang sainyo ko lang po natutunan yakapin ang bawat isa ng buong-buo at walang halong pag-iimbot. Sobrang sainyo ko lang po natutunan ang tunay na sakripisyo, participants muna bago tayo. 

Salamat po! Kung darating na nga ang panahon na kinakailangan niyo na talagang umalis, susubukan po naming maging katulad ninyo. Yayakapin namin ang mga kabataang susunod pang magiging bahagi ng ating lumalagong pamilya.

Wednesday, April 27, 2011

Cagayan de Oro Adventures

Naaalala ko pa noon. APRIL 11, 2010. Nasa Baguio ako. International Leaders Conference din yun. Annually kasi umiikot yung venue for ILC. Tapos inannounce na sa CAGAYAN DE ORO daw ang susunod. Napabuntong hininga na lang ako. 


Cagayan de Oro? Ang layo. Makakapunta pa kaya ako? Sana...


Umasa ako na makakasama ako sa Cagayan de Oro. Mas naexcite pa ako nung nalaman ko na yung ILC CDO ay tatama sa mismong araw ng birthday ko. Mas may pag-asa na akong makasama sa kadahilanang hihingin ko yun na birthday gift at graduation gift. Nung una ayaw nila ako pasamahin. Kesyo masama daw magbyahe pag birthday, pag graduation. pero wala na silang nagawa. Inilibre ako ng ate ko. (Thanks ate sa treat!)


April 14, 2011 and scheduled flight namin. Two days before pa lang eh nagaayos na ako ng gamit for 5 days. Di naman halatang excited diba? First time ko kasi bibyahe ng tawid dagat. Very unusual na payagan ako nun. Buti na lang kasama ang ate ko.


Umalis kami dito sa bahay ng 10am. Ang flight kasi namin at 3pm. aabot pa kami. Kaso may thrill. Traffic pala sa Manila kahit wala ng pasok. Ang bagal pa ng LRT na nasakyan namin. May sinusundan daw na train. Woooo. Kabado sila kasi daw baka daw di na daw kami makapagcheck-in. Ako naman nakatayo lang. Di ko alam kung dapat ba akong makisabay sa pagpapanic nila sa masikip na LRT. Pero ayun nakaabot naman kami at medyo naghintay din kami ng flight namin na medyo nalate ng konti yung airplane. 


First time ko sumakay sa eroplano kaya medyo excited ako. Tinatakot ako nila ate masakit daw sa tenga pag nag take off at nag landing. Habang naglalakad kami papasok sa plane, sobrang kinakabahan ako sa excitement. Ganun pala sa plane. Parang bus lang kaso sobrang conveniet. May sinuturong pangkaligtasan pa. Medyo masakit sa tenga yung pressure pero may tactika naman para mawala. It's either lumunok ka lang or mag dighay :)


After 1 hour and 15 minutes na byahe via himpapawid, nakapagland din kami sa city of Golden friendship--- Cagayan de Oro city, Misamis Oriental, Northeastern Mindanao. Susyal ang first tawid dagat ko. Mindanao pa ang inabot ng paa ko. Kita naman na masaya ako sa mga kuhang ito diba?


Our Plane
Ako, si Josh at si Ate. Kakalanding lang sa CDO
Si kuya Jomel, ako, at si ate




After that, hinatid na kami sa accomodation. Habang byahe, tinitingnan ko ang environment ng CDO. Malinis, check! Malapit sa kalikasan, check! Civilized, check! Ang lalaki ng high way--check! At dumating na kami sa accomodation namin. 


Fast forward


Kung saan saan kami gumala sa cagayan de oro. Ang dami kasing mapupuntahan doon. may divisoria din doon. Akala ko nga niloloko nila ako na sa divisoria kami pupunta, aba meron pala talaga. Kainan siya, ang daming pagkaen saka mura lang. Nagpunta din kami sa iba't ibang pasyala tulad ng Limketkai mall, SM CDO, Cogon Market, Divine Mercy etc. madami, masaya! 


Nakaabot pa nga kami sa may Iligan City, Lanao del Norte--Sa may Maria Cristina Falls. Ang ganda ng falls. First time ko makakita ng real falls in person kaya namangha naman ako. Akala nga namin pwede magswimming kaya nagdala kami ng damit pero hindi naman din pala. Pero oks lang, busog na busog naman kami sa burger over looking the flass. Eto yung ilang pics sa Maria Cristina Falls:


Ang Maria Cristina Falls
Nakarating na dain sa Maria Cristina. Yehey!
Magkapatid :)
Meet the gang :)
Halos lahat kami dito :) Go team Bulacan! :))


What's fun with my CDO adventure, yung makameet ka ng mga bagong friends mo. I know lahat ng kasama ko taga bulacan because we're one solid YFC Bulacan pero iba-ibang lugar din naman kami sa bulacan. Doon naging close ko silang lahat especially sa dalawang brothers na kasama ko palagi. Taga Central Bulacan sila samantalang ako sa South Bualcan. May nameet din kaming kaibigan, YFC CDO siya. Siya yung naging kasama namin sa paglilibot. Kumbaga siya yung nagtour saamin sa CDO. Napakabaet niya. Actually kaming apat ng naunang 2 brother ko na binaggit ang laging magkakasama. Sad nga lang kasi iba sila ng accomodations.


Ang pinakamasaya sa CDO adaventure, yung makasama mo yung 6000+ YFC na kasabay mong umuupo sa grounds at nakikinig sa mga teachings. Kasabay mo na nagwoworship at nagdadasal. Kasabay mong natouch ang buhay.








April 18, 2011, flight back namin pauwi ng bulacan. nakakalungkot kasi tapos na yung pinakahihintay kong sandali ng 2011. Magkakahiwahiwalay na kami ng mga bago kong close friends. Pero that's life. May facebook naman at cellphone for communication. Saka ang mahalaga, may pag-iipunan na ulit ako. Next year's International Leaders Conference ay sa AKLAN na. Wee, BORACAY!


Bawal daw magpicture gamit ang phone. Sorry naman pasaway ako. 


Salamat sa mga nagbasa :)


Credits to ate Jerri Mae and Josh gatan for the pictures. 

Wednesday, April 20, 2011

seventeen

What's significant with the number 17?
Wala lang.
It's just a number for most of us. Siguro madami sa inyo ang nagtataka kung bakit puro about seventeen, or I guess madami na din ang nakahula kung bakit.

Yes you got it right. I just turned 17 last April 16, 2011. Graduate na daw ako sa pagiging sweet at isang taon na lang sa pagiging legal na mamamayang Pilipino. Tumatanda na raw ako. Ayos lang. It's still part of being a human.

How did I celebrated my day?
Sobrang special at unforgettable ng birthday ko na ito. Unang una, ito ang birthday ko na hindi lang ako nakatambay sa bahay dahil nalulumbay sa isang bakasyong matamlay. I was out in the streets of Cagayan de Oro, lakad ng lakad with my newly met friends. Umattend kasi ako ng 18th International Leaders Conference ng Youth for Christ in Cagayan de Oro.

Inabot na ako ng birthday ko sa lansangan ng CDO kasi 15th ng gabi ay nag night market kame at kumaen sa divisoria ng CDO. Pagkagising ko, hindi alam ng mga kasama kong brothers sa accomodation na birtdhay ko pala. Nalaman lang nila pagdating sa main vanue nung binati na ako ng ilang sisters na kasama namin from bulacan.

What happened on that day?
Naset-up ako sa SM CDO. Akala ko may i-memeet kami ng 2 kasama kong bro. Ayun pala isusurprise nila ako. Binigyan nila ako ng party hat, balloon, cotton candy and some foods at kinantahan nila ako sa gitna ng SM. Fantastic. Kahit na parang pambata ay natuwa pa rin ako. Very unusual kasi sa akin ang sorpresahin sa birthday ko since lagi namang bakasyon ang birthday ko.

After which, nagpunta kami sa isa pang mall sa di kalayuan. Sa may Limketkai mall kumaen kami ng masarap na ice cream and pastry sa Missy Bon Bon. Kinagabihan nagsimula na ang enlightening sessions and worships.

Sobrang sarap magbirthday together with 6,000+ brothers and sisters from my YFC community. Ang sarap mag worship. Ang sarap ng feeling. Though wala akong internet source doon para mabasa ang sangkatutak na birthday greetings sa FB, ayos lang. Kasi mas masarap yung mag worship. yang facebook makakapaghintay yan.

By the way, super natuwa ako sa mga nagbigay na rin ng picture greetings kahit na namilit lang ako. Pinasaya niyo ako.

(from avery. F super salamat. Ang ganda!)

(from andre. Salamat nak. Ikaw pinakauna. Salamat sa tyaga magedit)

(from taba Lanz. Tabs, tal;agang first time mo ba mag flame photography? salamat na appreciate ko to.)

Kahit na tatlo lang kayo, it doesn't matter. lahat kayo mahal ko pa rin.

Birthday wish?
Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng matiwasay with good health, walang paparazzi, may mabuting sources ng mga pangangailangan ko, may mga kaibigan na makakasama and most especially isang matatag na pamilya. Material things? okay lang kung meron pero it's not my priority.

Oh siya, salamat ng madami sa mga nakaalala. Salamat kay God sa pagbibigay sa akin ng isa pang taon par maexperience ang tinatawag na buhay. A truly remarkable birthday it was and I hope to have more fantastic birthdays to follow.

Wednesday, May 12, 2010

My YFC Life

Anu nga ba yung sinasabi ko palaging YFC YFC na yan mapablog man, o mapaGM, lagi ko daw binabanggit yun parang super attached na daw ako sa YFC na yan, kesyo madaming pinupuntahan. Let me explain to you my organization.

Youth for Christ is under the Family Ministry of Couples for Christ at nagsimula ito noong 1993 as far as I know. Layunin ng org namin na ito na maging makabuluhan ang buhay espirituwal ng isang kabataan hindi lamang sa dasal kundi sa serbisyo. Napakaraming bagay ang matututunan sa YFC promise.

I started to be a part of this family ministry as Kids For Christ. Isinali ako ng ate ko, which is a YFC then, so ayun after nung KFC years ko, nag camp ako as an entry point sa YFC.

May 2-4 2008, nung nagcamp ako. Isinama ako ni ate, and siyempre wala akong kakilala sa mga kasabayan ko magcamp so ayun loner loner ako. Ako kasi yung tipo ng tao na tahimik sa umpisa kasi nakikiramdam pa lang sa mga tao pero pag nakilala niyo na ako at close na tayo ay sabog din naman ako. My first night sa camp na yun ay sobrang boring, wala akong kakilala and naOOP ako sa mga kasama ko. Second day, I enjoyede the other's company at ayun na nga, natapos ang camp, officially naging member na nga ako.

After the camp, active ako sa org na yun. Serve dito sa mga camps camp habang bakasyon pa. Attend ng bondings, meetings, at kung ano-ano pa pero simula nung pasukan nung 2nd year ako, naging YFC na lang ako sa pangalan. Medyo nagstop ako sa pagseserve kasi nahihirapan pa ako ibalance ang YFC at ang studies.

The tragedy happened on October 16, 2008 Lunch that time. Hindi ko na ikukuwento dito siguro masyadong hahaba ang post. That tragedy changed my life. I committed toGod that I will serve HIM after this tragedy.

Bumalik ako sa YFC after months of being a ghost ika nga. I started serving sa camps, covenants, Lord's day, household hanggang makarating ako ng Provinicial conference, sumunod ang regional. Naappoint na din akong leader, hindi lang small time leader kundi big time. Nakaattend na din ako ng international conference, nagseserve pa rin sa camp, naexperience ko na rin mag worship kay God, at ipagsigawan na I LOVE YOU GOD!

I am hooked. I love this community, I love all the things here. Ngayon, mas malaking hamon ang hinaharap ko cause I am appointed as Sector head serving Kids for Christ. (sector head po yung mas mababa ng isang level sa provincial). Malawak na ang hawak ko and I know kaya ko to!

YFC is not just about serving God, ika nga ng iba eh puro alive alive lang. No!. YFC can be a training ground for leadership, friendship, how to be a spaeker, how to build confidence. YFC is not boring kasi nga may Christ sa pangalan, no! I never regret being a member of this organization.

I am a proud YFC, because I love God and I love serving.

May God be Praised!

May video po ako dito nung International Youth Conference. This is made by yours truly dahil wala akong magawa and I so love this community.
Featuring po jan ang YFC Muzon, to where I belong saka po yung ILC Baguio chant
Watch neo na lang po


Thursday, April 15, 2010

International Leaders Conference 2010

Hello sa lahat. Grabe ngayon lang ako makakapagblog after a week dahil sa sinabi kong aatendan kong conference for three days pero ayun nauwi siya sa matagal na hindi pagiinternet kahit nakauwi na ako ng bahay ng sunday because of the internet loss. Hay nakakaasar ang hirap na pala pag walang net. hindi na ako sanay kaya sorry for the delayed kwento so ito na yun.

Wednesday pa lang ay nakahanda na ang aking mga clothes na dadalhin para sa conference na iyon sa may baguio City and dahil nga first ILC ko yon eh super excitd to the max ang inyong lingkod. Nagprepare ng ilang tshirt, pants, shorts, briefs, boxers, towels, hanky basta parang ilang linggo naman akong magstay nun sa baguio no pero ika nga eh mas maganda ng sobra kesa kapos.

Thurdays na grabe sa kaexcitan ang kaing nadarama at dahil nga sa uber uber excitement eh nauwi ako sa pag google ng lahat ng tungkol sa conference, pictures, workshops venue, map locations at kung anu-ano pa. So 3 pm pa lang eh naligo na ang inyong lingkod at nagbihis at dahil sobrang aga pa nga eh nahiga muna sa sofa at nanood at hinintay si mama dahil hihinge ng allowance. mahirap na ang walang pera baka kung san na lang ako pulutin.

Umalis ang supe
r excited na ako sa bahay ng 6 pm para pumunta sa bahay ng aking kasabay sa pagpunta doon. Dyaraaan, 9pm kami nakumpleto so 6 kaming nagtungo sa meeting place ng mga iba naming kasama para hintayin ang aming transportation medium---corimba bus yon. After ilang minutes ay este 2 hours ng paghihintay na inabot na kami ng gutom ay dumating na din ang bus. So ayun inayos ang seat plan, and nauwi kami sa may dulong dulo ng bus. Ok lang yun basta makaattend lang ng conference.

Fast forward..

Umalis kami dito sa Bulacan ng 11 pm at matapos ang 2 stop over at nakakangawit sa pwet na byahe ay nakarating kami sa baguio ng before 6 am so mahabang byahe ito at super exciting ang byahe dahil paakyat ng zigzag. TAKE NOTE may nakita pa akong SHOOTING STAR! First time in my 15 years of exciting in this Earth nakakita ako ng shooting star. So ayun, hindi naman ang shooting star ang star ng aking kwento so lets proceed. fast forward

Dyaran...So ay
un na nga, nakarating na kami sa venue ng conference, isa siyang malawak na sports field na may bleachers at may kung anu-ano pang life siza na etc. ang hirap explain basta ang dami. Medyo dumadami na ang tao kasi nga INTERNATIONAL yun eh expected na 10 500 Youth For Christ ang aatend nun kasi yun ang registered so yayanig ang Baguio samin.

Ano ba ang sense ng pinunta ko sa confer
ence na toh? Para lang ba magpalamig sa Baguio (promise ang lamig dun sobra) or para matuto ng mga values? Siyempre para matuto.
Mayroong 4 sessio
ns ang conference na toh, na pinagdidiinan ang TO THE MAX experience of life na talaga namang matututo ka. I just want to share one thing na talaga namang tumatak sa isip ko---

Imagine isa kang baso, isang baso na punong puno ng laman. How can you get more of God's Blessing? Hindi ka na makakakuha pa kung ano ang higit pa sa meron ka ngayon kung HINDI MO ISHASHARE yung meron ka sa iba. WE NEED TO EMPTY OURSELVES so that we can receive a better blessing from the Almighty.

Ang pinakamasayang part dito sa conference ay ang makaluha talagang worships as in TO THE MAX ang glory na maeexperience mo. Yung feeling na parang lulutang sa kasiyahan.

Hindi lang naman puro talks to, masaya din ang conference dahil may mga competitions din per region kasi. I belong to Central Luzon at grabe sa saya dahil wala lang. Hindi joke lang. ang saya kasi ang daming pakulo. sports, dance bands etc. Nagenjoy din ako sa YOUTH WALK kung saan lahat ng delegates from Luzon, VisMin + foreign, saka metro manila ay nagrally sa Baguio at nagmeet sa iisang lugar. So ang saya kasi 10 547 people to be exact ang kasama mo maglakad sa streets ng baguio.

Sunday natapos ang conference and dahil nga kulang ang letters sa keyboard para maitype ko lahat ng gusto ko dito ay hindi ko na magagawa. Share ko na lang sa inyo ang iba pang pictures ng ILC.


































After nun syempre mawawala ba ang mga gala? Eto ang mga pictures :)





























And hopefully, sana makasama ako next yr sa ILC 2011 CAGAYAN DE ORO. Alam ko naman close to impossi
ble na makasama ako doon pero sana sana sana sana makasama ako

Thanks for reading this a bit long story of mine :)

Wednesday, April 7, 2010

I will be out again


I will be leaving tomorrow so I'll make this final post for this week. Attend kasi ako ng International Leaders Conference sa Baguio City. I'm so excited kasi first time ko umattend ng ganung kalaking conference, regional or provincial conferences pa lang kasi ang naaattendan ko eh, so I hope I will be inspired by that conference. I will be leaving my blog but I will return as soon as possible :) And with that I will be leaving you this weekend song in my blog hope you like it. here's the lyrics

Here I Am to Worship – Hillsongs United

Light of the World
You stepped down into darkness
Opened my eyes
Let me see
Beauty that made this heart adore You
Hope of life spent with You
Here I am to worship
Here I am to bow down
Here I am to say that You’re my God
You’re altogether lovely
Altogether worthy
Altogether wonderful to me
King of all days
Oh so highly exalted
Glorious in heaven above
Humbly You came to the earth You created
All for love’s sake became poor
I’ll never know how much it cost
To see my sin upon that cross.

“Call’
Call upon the name of The Lord and be saved

Ok till here. See you all when I'm back :) Kwentuhan ko kau pag uwi ko