Monday, June 28, 2010

Student Government Elections 2010

I am not into blogging since last week because of a hectic schedule mapa weekdays man o weekends, so sorry guys, I'll try to read your post soon pag nakahanap ako ng konting time. I just want to share this thought kasi ang dami ko na talagang gustong i-post at sa kasamaang palad eh hindi ko magawa dahil eentrada pa lang ako at maglolog-in sa blogger ay siya namang dadating ang ate ko at magppc. Anyways hindi naman ito ang kwento ko for this day.

Since last week, naging busy ako sa pagbrabrainstorm or something in connection sa nalalapit na KANLUNGAN Elections ng school namin. KANLUNGAN ang pangalan ng student government namin na nangangahulugang KAbataang Naglilingkod at NagtutuLUNGAN. For the 5th time, eto nanaman ako at naghahangad na mapaglingkuran ang kapwa ko mga estudyante.

Mahirap maging officer ng student government. Kailangan ng dedikasyon para magampanan ang trabaho mo, kailangan ng oras, kailangan i-prioridad, nakakapagod at sobrang wala ka namang talagang mapapala kung hindi mapagod, mapagod at mapagod. Walang bayad pero kahit ganoon minahal ko na ang paglilingkod dito.

Masarap maging leader ng eskwelahan. Masarap kasi nasasabi mo lahat ng gusto mong sabihin sa mga autoridad ng eskwelahan. Masarap sa pakiramdam pag may bagay kayong naipapatupad. Masaya pag nakikita mo yung mga ngiti ng mga estudyanteng satisfied sa lahat ng ginagawa niyo.

KATAPATAN. Sa tingin ko ito ang ugali na mayroon ang isang naghahangad maging leader tulad ko. Maging tapat lang dapat sa paglilingkuran.

This year, maraming nagsasabi sa akin na tumakbo bilang presidente pero ayaw ko talaga. Sa tingin ko hindi ako magiging magaling na pesidente. Kaya kong maglingkod sa kahit anong posisyon wag lang ang pagiging presidente. Walang tiwala sa sarili? Hindi naman sa ganoon. Bakit pa ako tatakbo bilang presidente kung wala naman akong magagawang maganda diba kaya ayun, I'm running for the position of Secretary on Board.

This year 2 parties lang ang maglalaban sa high school department. Ang OMG! Party (Outstanding Minority Government) at ang S.M.I.L.E Party (Salettinians Movement in Leadership for Everyone) na kinabibilangan ko. Sa tingin ko lang naman ay magiging mahigpit ang labanan. Medyo may pakiramdam kasi ako na pareang ang bigat bigat ng negative force, pero anyways hayaan na natin yun. Let the people choose for the deserving one, mapabagong opisyal man o yung mga tradisyunal.

Bukas, mayroon kaming debate sa stage ng school namin, kaharap ng buong high school department. Dito daw makikita kung gaano ka-kritikal ang bawat kandidato sa pagdepensa sa proposisyon. Dito makikita kung sino ang magaling, at siempre dito magpapasikat ang bawat isa.

Bukas magkakaalaman na. :]

Renz, kaya mo yan!

Related Posts:

  • Superstar!Pakisampal nga ako. Hehe. Feeling ko kasi artista na ako, hindi man dahil sa looks or talents pero dinaig ko pa ang artista sa kabusyhan, even though di naman ako napupuyat sa taping and mall tours ko. Asa naman :]So Hindi ak… Read More
  • PlansNoong summer uber plano ako para sa anniversarry ng blog ko, as in yung tipong 2 months pa lang eh vinivisualize ko na yung mga bagay na yoon, mga awards na ibibigay at kung anu-ano pang extra efforts pero ewan ko lang ngayon… Read More
  • Ang adviser ko :]Siya po si Ginoong Arnold V. Garces, and kinatatakutan ng mga high school students lalo na kung madami kang atraso, dahil siya ang prefect of discipline ng school. Siya ang adviser ko ngayong fourth year ako.Way back my junio… Read More
  • First day ng school :]Kringggg..yahoo tumunog na ang alarm clock ko na sinet ko para sa aking dad na katabi ko lang matulog kasi siya ang magluluto ng aming almusal at babaunin for this day. Hindi naman ako excited nun ha? medyo gising na ang diwa… Read More
  • My senior year about to startBonjour! Je m'appelle Renz. comment tu t'appelles?je suis très heureux de faire votre connaissanceUh lala. Hindi po kayo naliligaw at hindi rin naman mali angh title ng post na ito. Sobrang naexcite lang ako lalo pumasok dahi… Read More

3 comments:

Anonymous said...

yey! un oh! KUYA LOUIE FOR THE WIN! :)) kahit campaign manager ako ng kabila....
aw, i'll support u po..you deserve to be a kanlungan officer..goodluck for tomorrow po :) haha SMILE!!! :))

NoBenta said...

wow, ang galing mo naman. yan ang isa sa mga gusto kong gawin noong nag-aaral pa kaso ayaw yata talaga ng politics sa akin. natalo na kasi ako sa sk elections kaya di ko na inulit.

good luck parekoy!

Renz said...

@bhenipot super touched! thank you naman.. I'll do my best para sa inyo :]

@NoBenta salamat po. Ako din po, ilang beses din ako natalo, siguro 2 consecutive years pero eto pa rin ako. Pag may desire ka talaga magtitiyaga ka kahit ilang beses ka pa magfail