Friday, September 18, 2009

Isang normal na araw

Isang araw napagpasyahan kong magmasid masid sa kapaligiran. Isang mainit na tanghali, as usual lunch na namin sa school. Araw araw na lang na ginawa ng Diyos ganoon ang nangyayari.
Uupo na mesa, same na upuan, makikita ang same na tao. Kaya ko naisipan magmasid sa normal na pamumuhay ng bawat isa.
Iba iba nga talagang paguugali ang makikita mo sa school. May mukang mabait, demonyo pala, may ngongong mabait, may baklang epal, may manang na mananaway, at may bell na tutunog. Krriiiiiiiiiiiiiiiing..
Minsan naicip ko. Hanggang kelan ang lahat ng ito? nakakasawa na din
Ano ang essence ng blog na ito?

Eto.
Naobserbahan ko din yung damo sa tabi ng covered court namin. May shapes (parang cemetery). Unusual sa paningin ko yun kasi ngayon lang nangyari dahil nga last event sa school eh nasira iyo.
Dahil malawak ang aking imahinasyon, naisip ko "wow pangblog" XD

Minsan nasanay na tayo sa mga bagy na nakikita natin. Sa nakakairitang amoy ng cr ng boys, sa Teachers na grabe magpahirap, sa guard na tumatanda na sa school, at sa damong green. Pero pag unti-unti na itong nagbabago, napapansin natin at namimiss natin ang nakasanayan.

Nothing in this world nga daw ang constant. Lahat ay nagbabago sa pagdaan ng mga araw. Kaya naisip ko, mamimiss ko din ang school. Ang babaing palagi ko nakikita pag kumakain ako ng lunch, an g mga mapagbalat kayo, ang baklang epal, ang manang sa canteen, ang teachers, ang guard ang damo.

Ang bilis nga talaga ng oras. Konti na lang. Mahaharap na ako sa malaking pagbabago-- ang realidad ng buhay.

at sa mga hindi naintindihan ang post ko, use ung imagination. Weird talaga ako wag na kayo magtaka...:D

0 comments: