Showing posts with label return. Show all posts
Showing posts with label return. Show all posts

Wednesday, February 23, 2011

Feels Good to be BACK

Di ko ma-imagine ang sarili ko na kayanin lahat ng sangkatutak na requirements ko bago grumaduate at kanina nga eh halos magsusumigaw ako sa saya dahil natapos na din ang final exams naming mga top students. Ang sarap sa pakiramdam ng petiks petiks ka na lang. Konti na lang ang gagawin. Talaga ngang totoo na kapag may tiyaga, may nilaga. Wala man akong nilaga ngayon, higit pa sa sarap ng nilaga ang matulog sa bawat gabi na walang iniisip kundi ang bukas at siyempre SIYA. (hihi)

Sobrang na miss ko magblog. Nawala ako sa blog sa ilang mga importanteng panahon na dapat ay nagpost ako. Sayang lang at hindi na kinaya ng oras ko noon na isingit ang pagblog. Wala tuloy akong mababasa pagtanda ko tungkol sa mga nakaraang araw. Goal ko kasi na mapreserve itong blog ko hanggang sa tumanda ako at pagtawanan ko lahat ng bitchy posts ko noon at ngayon.

Anyways, wala namang sense ang post ngayon. natutuwa lang ako at naishare ko lang sa inyo. Malapit na ako grumaduate! Magtatapos na ang pinakamasayang parte ng buhay teenager--High School life. nasabi ko nga kanina bago ko ipasa yung last test namin, next year, hindi na Quarterly Exams ang tawag dito, Prelims, Mid terms and Finals na. Mixed emotions. Imagine, 12 years akong nag-aral sa school na yun tapos aalis na ako next year. How sad pero ok lang yun. Masaya naman sa UP siguro.

Miss ko na kayong lahat! Batanggala, and the other friends out there. kamusta na? Drop a comment naman. Sige magkwentuhan na ulit tayo.

Renz is now signing on :]

Sunday, February 7, 2010

Sorry Blog, tinalikuran kita, eto na ako, nagbabalik :D

Isang gabi, may isang batang bloggero na nagsusurf surf sa facebook at nagchachat then suddenly may nag pm sa kanya sa ym.
CONTINUE ON BLOGGING.HINDI SAYANG ANG SINUSULAT MO
I was struck dahil sa motivations na binigay niya. Ewan ko ba kung bakit di ko nafeel ang pagbloblog nung nakaraang linggo. Ang gara kasi sa tingin ko masyadong korny na yung blog ko, masyadong nakacenter sa isang bagay, masyado nang o.a at ang mga post ay walang silbi.

Sinabi ko sa kanya yang mga yan (pero di exact yan).

Natuwa lang ako sa sagot niya.
hindi ka makakasulat ng sinasabi mong "maganda" kung hindi ka magsusulat.
Yeah right. paano nga naman ako makakapagsulat ng mga sinasabi kong dream blogpost kung hihinto ako diba? He really inspired me from his stories of blogging.

Parang ako rin pala siya, he started blogging at the age of 14, ako naman 15. Pinabasa niya sa akin mga blog post niya and I'm so inspired.

Thank You so much sir, for letting me know the value of blogging.

Natutunan ko na ang isang tao ay hindi ipinanganak ng may angking kakayahan na. Lahat ng bagay natututunan, at naiimprove.

I wan't to be matured like him one day.

Do you want to know this person? Let's hide him in the name The Lemon Writter.

Dear Mr. Lemon Writter

Thanks so much po ha. You made my day. Pinalinaw mo ang isipan ko. Mabuhay ka.

Dear Blog

Sorry. Kalimutan na natin ang lahat. Ako'y nagbabalik na.

Renz

By the way visit his blog at LEMON WRITTER

Saturday, November 7, 2009

Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko.

Obviously, Ang blog ko ngayon ay may kaugnayan sa isang message na natanggap ko makailang minuto pa lang ang nakakaraan. Dahil doon, nakabuo nanaman ako ng isang idea para sa blog entry ko na toh. By the way pala, salamat sa mga tagabasa.

Ganito ang storya. Dahil nga nagkasakit ako at umabsent sa klase ay di ko alam na nagbago pala kami ng seating arrangement. Ang ayos pa ng upuan ay yung mga iniissue sa room kahit na alam na nga nilang past na eh ganun pa rin ang ginagawang pagkokonekta sa dalawang magkaibang buhay. Siyempre di ako nakaligtas sa ganitong sistema. Pilit inuungkat ang nakaraan. (kung may nakaraan nga).

Fine. Eto na yun wala akong magagawa kundi maging seatmate niya. Pero ok lang, we're friends at hanggang dun na lang yon. Sana. Mahirap kasi yung paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Masasaktan, masasaktan, at masasaktan pa rin. Pero sabi nga sa kowt na to na nabasa ko ng tumunog ang cellphone ko "Why do we have repeated experiences?.....It is because repeated experiences ha
ve one aim......to teach the things you refuse to learn" Awts. Kung meron man akong lesson na namiss mula sa experience ko nung nakaraan ano?

Feeling ko tapos na yung mga araw na yun kung saan di maiiwasan ang lumuha. Nakamove on na ako at kung ano man yung lesson na sinasabi sa kowt na yan, handa akong matutunan para lang matapos na ang lahat.

Ayoko na.