Showing posts with label mixed thoughts. Show all posts
Showing posts with label mixed thoughts. Show all posts

Thursday, March 28, 2013

Nang isang gabing ako'y naging isang makata.

Hinahanap ko lang marahil ang isang pagkalinga na noon ko pa ninanais.
Hindi ko alam kung nauukol na ba ang panahon.
Ang alam ko lang ay masaya ako.

Hindi maipinta ang aking mga ngiti.
Ito ay dahil sa sayang dulot ng matamis mong pagtugon.
Hindi ko alam kung saan tayo patungo.
Ni hindi ko rin nga alam kung ano nga ba ang mayroon
Ang alam ko lang ay masaya ako.

Masaya ako ngayon.
Wala itong simulain ni patutunguhan.
Pagdaloy nito'y basta na lamang sinasabayan.
Uhaw, pait, tamis, ligaya.
Ngiti, hinagpis, kurot ng damdamin.

Wala aking pakialam.
Masaya ako.
Masaya sa'yo.

Friday, January 4, 2013

Tumatakbo pero walang paa

May paa nga siguro ang oras. Ang bilis kasi nito tumakbo. Parang kailan lang hawak mo ito, ngayon ikaw na ang naghahabol dito. Totoo ngang hindi natin malalaman kung gaano na karaming oras ang nasasayang natin hanggang sa dumating ang puntong hindi na natin alam kung paano pagkakasyahin ang iilang oras na natitira. That's life.

Ang drama lang. Sa totoo kasi hindi ko lang maintindihan yung inaaral ko ngayon na medyo crammed na dahil January na ako nag start eh December pa lang break na. That's life. Pinili ko ito, I need to face the consequences.

Ayoko ng magbanggit ng kung anu-anong sana. Kaya ko to. (At naisingit ko pa talagang magblog)

Bottomline: Please lang, wag sayangin ang oras. Kung ang pasensiya nga ni Angelica nauubos, ang oras pa kaya?
Okay korny. Sige na. Hahabulin ko pa ang oras.

Sunday, November 18, 2012

Desisyon

Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating mga desisyon at gumawa ng paraan upang maging produktibo ang maging resulta kahit na hindi mabuting desisyon ang ating napili.


Minsan, may mga desisyon tayong nagagawa na nagdudulot sa atin ng kalungkutan. Mga desisyong papipiliin ka sa dalawang bagay na gustong gusto mo--Isang hawak mo na at isang dati mo pa gustong mahawakan. Anong pipiliin mo? 



Napapaisip din ako kung tama nga ba ang mga binibitawan kong mga desisyon. Marahil hindi agad makikita ang resulta sa pagpili pero alam ko at ramdam ko na unti-unti nitong babaguhin ang buhay ko, hindi man ito ngayon. Naniniwala din ako na walang maling desisyon. Mayroon lang MAS maganda at MAS nakabubuti.



Mapapanindigan ko ito. Mapapanindigan natin ito. 

Monday, January 10, 2011

Random

Tulad nga ng nabasa ninyo sa title, random post lang naman to sa kung ano lang. Sabe ko pa namanb sa sarili ko, ngayong 2011 eh dapat maysense na akong magblog kasi malaki na ako. Pero nahihirapan pa rin akong magcompose ng isang magandang entry. Isama pa doon ang oras na hinahati-hati ko sa pag-eedit ng video, paggawa na thesis, pag-research para sa project namin sa thesis at at pagcross stitch. Puro hirap ngayon. Final grading na kasi. Sinasala na kami bago kami i-release ng school namin for graduation. Halos 2 buwan na lang kasi at tatanggap na kami ng diploma muli.

Bago pala yun, may retreat kami sa La Salette, Silang Cavite. Excited ako magretreat kahit hindi ko naman first time na mapupunta sa Silang kasi doon naman talaga kame nagreretreat sa mismong retreat house ng school namin. Exciting kasi yun. Aside from reflecting about myself eh makakabonding ko din ang mga classmates ko. Isama pa diyan ang ghost experiences. Ang dami doon kasi ang tahimik ng lugar. Nakakatakot pero nakakaexcite pa rin.

Sana machange ako ng retreat na yun. Hopefully, maging mas mature ako mag-isip pag-uwi ko dito sa amin sa Bulacan.

Nga po pala, sprry kasi hindi ako nakakadalaw sa inyong mga blog. Babawi ako after ng lahat ng ito. Lagi ko naman sinasabi sa inyo na babalik ako. hehe. Singit-singit lang to sa oras ko. OP cya, edit movie mode muna ako. :]

Saturday, October 30, 2010

Coffee Break


Oh mga ate, mga kuya, lolo, lola, tito, tita pinsan at buong angkan. Magkape na tayo!

Actually di naman talaga ako mahilig sa kape kasi hindi ako sinanay ng mga magulang ko magkape ever since bata pa ako pero umiinom din naman ako ng kape minsan. Feeling ko kasi ang pait ng kape. Siguro hindi lang ako sanay. Buti kung coffee Ice cream yan oh kaya coffee candy gusto ko pa yan.

Anyways, trip ko lang ikwento ang kape dahil nakakita ako kagabe ng kape at pumasok sa ideya ko na magblog ng kape.

Isipin mo, ang kape ay parang tao din diba?

WEIRDO ko nuh.

Hindi lingid sa kaalaman natin na may iba't ibang klase ng kape at sa iba't ibang klase na ito malalasap ang iba't ibang lasa nila. May matapang, may sweet, may 3 in one na, at kung anu-anong klase pa ng kape.

Tulad ng tao, iba-iba din ang taste, may feeling mayaman, may matapang, may 2 in one at kung anu-ano pa. Isipin mo ha, kada tao, iba't iba ang taste sa kape kaya don't worry kung di ka gusto ng taong yun dahil may iba na gusto ka naman. May iba naman na gusto yung kumpleto na sa isa kasi ayaw na mahirapan tumantya-tantya, meron naman iba na gusto sila ang tatantya para mas makuha nila ang sarap na inaasam nila.

Isa pa, Tulad ng KAPE, ang tao din ay BITTER. Iba't ibang level nga lang ng bitterness. May sobrang bitter, may kunwaring bitter, may bitter-bitteran at kahit anung klaseng bitter ka man, I therefore conclude na lahat ng tao may sari-sariling bitterness. Wuu lusot mga bitter jan oh :)))

Isa pa, ang kape ay masarap din inumin pag may kakwentuhan. Nawawala ang pait nito pagpinagsasaluhan sa isang hapag kasama ang kaibigan. Ika nga eh share your BITTERNESS. HAHA

Sabe nga sa isang commercial ng kape, PARA SAAN KA BUMABANGON? Ibig sabihin, tulad ng pagkakape ang buhay din ay may rason. Nasasaiyo na yun kung ano ba ang rason mo. Kung gusto mo magpakabitter gaya ng kape or what so ever.

At dahil wala lang akong mapost, magkakape na lang ako :]

Friday, September 17, 2010

Ang babaeng mukang lalake XD



Nacurious ba kayo sa title, pwes, kung inaakala ninyo na tungkol sa hermaphrodite ang post na ito, medyo mali lang kayo ng slight. Slight lang naman XD. May ipapakilala ulit ako sa inyo na isang taong malapit sa puso ko. Hindi ko siya crush or what so ever love na sinasabi ninyo. Super duper close friends lang kami dahil na rin siguro sa tagal ng pinagsamahan namin. Mantakin mo, grade 1 pa ako nagsimulang maumay sa mukha niya. JOKE. Camz, peace. Di bale, babawi na lang ako.

Tentenenenen..

Siya po si Camille Jane M. Salvador, obviously isa po siyang babae. Babaeng parang lalaki. Proud siya pag tinatawag siyang ganyan. Kakaiba kasi siya sa ibang girls na super pademure. Siya hindi naman super. medyo lang at medyo malakas din siya. Isa siyang amazona. JOKE. Siya po ay kasing hinhin ni Maria Clara na di makabasag pinggan, super OC at super bugnutin.

Oo, tama ang nabasa niyo. Super bugnitin yan ni Camz. Yung tipong maya-maya lang nakatawa siya. Paglingap mo lang ng isang minuto umiiyak na. Napaka moody niya din at may explanation siya sa akin kung bakit siya moody. Gusto niyo ba malaman?

"Moody ako kasi Capricorn ako..."

Totoo ba na moody ang mga capricorns? O talaga lang sobra ang pananalig niya sa ganoong mga bagay? Sabi pa niya, nakuha niya daw itong impormasyon sa isa pa niyang close friend na classmate namin na si R.A na batikang horoscoper. May ganun ba? Ah basta, malakas ang pananalig niya dun. XD

Si Camille, ang babaeng laging basa--basa pag umuulan. Kasi naman, walk trip ang hanap niya tuwing hapon, rain or shine dahil daw super nagtitipid siya para sa pasko raw ay madami siyang wawaldasin. makes sense diba? Para siyang langgam no, napakasipag kaya ayun dinadamay pa ako sa kanyang paglalakad. Ako naman pumapayag. Bawas taba din yun. Slightly antaba ko na kasi eh :)

Si Camille, ang babaeng NBSB as far as I know at sa sinasabi niya sa akin. Ewan ko ba diyan napakamartir kasi, gusto lagi siya nasasaktan. EHEM XD

Si Camille ang number 1 heart doctor ko. Alam niyo ba, madaming alam yan sa pag-ibig kahit NBSB yan. Mahilig kasi sa mga teledrama. Hanep na yan, sa buhay ko sinampol lahat ng tips na nakukuha sa tv, ayun effective naman siya.

At eto pa, alam niyo ba crush ako ni Camille. JOKE XD Pero totoo po ito. Nung grade 1 kami, dikit ng dikit sakin XD (assuming) Wala na kasi ako masabi.

Oh eto, umayan nanaman
:)
Pwede daw po siya maging GF. (aw nambugaw pa ako XD) Joke lang ho ito.
Camz, Thanks sa lahat. Hanggang sa muli :) Dalaw ka dito sa bahay libre kita pansit canton at RC XD


Sunday, August 15, 2010

Day 1 : Tungkol daw sakin

BABALA: Kung nauumay ka na sa litrato sa taas at ayaw mo na talaga magbasa dahil nauumay ka na, maaari lang ay isarado na ang tab :))

*Babawi ako ng posts ngayon weekend eh, busy nanaman ako sa weekdays.

Ayon sa module, ahm let us say na guide na pinost ko sa baba lang ng entry na ito, eh dapat daw sa day 1 eh mag post ako ng recent picture ko (medyo recent naman yan, kuha last May sa Subic) at dapat daw ay magpost ako ng facts tungkol sa akin, so here we go :))

SUPER FACTS by SUPER RENZ

1. Ako ay isang sixteen, labing anim, didi-sais, seize or the like years old na ng nagsimulang huminga dito sa langit este lupa pala. Sa pamamagitan ng Caesarian (tama ba yung spelling? bast yung bibiyakin yung tyan ng mommy) type ng panganganak eh iniluwal sa mundo ang isang anghel noong April 16 1994 exakto 8:07 ng umaga.

2. Pangalawa at huling anak ng aking mga magulang. (ewan ko kung pangalawa talaga ha) Basta ang alam ko eh ako ang bunso at may isa akong kapatid, almost 7 years ang gap namin pero close pa rin naman kami.

3. Favorite Color ko ang GREEN, obvious naman sa font color at banner pati kung anu-ano pang bagay dito sa blog ko. Green is refreshing diba? diba?

4. Isa akong certified food lover, kahit anong klase ng pagkain pwede na wag lamang ang OKRA at SALUYOT na sobra sa dulas parang laway at saka AMPALAYA, natatakot ako kumain ng ampalaya. Trip ko din ang mga pagkain na may sabaw, at less trip ko naman ang mga pag-kain na may gata.

5. Dehinds ako marunong magplantsa ng damit. Sinasabihan nila ako na dapat na ako matuto pero pag sinusubukan ko naman eh pinapaalis ako sa harap ng kabayo dahil di raw ako marunong. Anung sense ng pagpipilit nila sakin diba? Wag na lang.

6. Favorite Subject ko ang HISTORY, noon yan nung madyo lower years and elementary pa ako. Ang saya kaya maging explorer at feeling ko kasi pag nagbabasa ako ng history books eh nandoon din ako sa binabasa ko. WEIRD

7. Nakakasense/nakakaramdam at minsan ay nakakakita din ng mga spirits na dumadaan daan. nagsimula ito noong third year high school ako. Scary sa una pero medyo nasasanay na rin pero natatakot pa rin naman ako.

8. Obviously, isa akong myopic (nearsighted). Ang grado ng aking mata ay 200 both left and right at kapag wala akong salamin ay tinatamad ako mag-aral kasi naman ang makikita mo ay parang naka gaussian blur effect ng adobe photoshop and the like blurs. Mahirap kaya lalo na pag gabi at walang ilaw para akong bulag.

9. Girl Friend? Wala po ako niyan eh at sa tingin ko matatagalan pa bago ako magkaroon ulit niyan. *ulit-dati pa yun, mga mahigit isang taon na ang nakaraan. Dahil ayoko ng laro-laro lang tulad ng uso ngayon na paramihan ng BFGF. Gusto ko yung seryosohan :))

10. Ang huli kong napanood na movie as of this day is Toy Story 3, poor ko kasi di ako mahilig manood sa sine, masyadong mahal at pwede namang hintayin ang dvd nun eh diba, convient pa manood sa bahay walang magshota na maingay sa likod ng inuupuan niyo.

11. Hindi ako mahilig sa softdrinks. Royal lang ang trip ko sa lahat ng softdrinks at iced tea lang ang gusto ko. Healthy pa yon diba> Try one now. Dali :))

12. Mahilig ako sa mga hayop, lalo na ang pusa. Masarap kasi sila asarin at harutin tapos masarap din sila mahalin. XD wala silang tutol pero ayoko naman nung mga hayop gaya ng sawa na aalagaan mo. katakot yun baka one day wala na akong maipakain eh ako na ang lamunin niya ng buong-buo.

13. Ako ay isang "JACK OF ALL TALENTS BUT MASTER OF NONE" Sad no, kasi sa dami-dami ng talents ko eh ni isa hindi naman ako ganoong kagalingan. Actually, kaya ko namang kumanta, sumayaw slight, magdrawing konti, magsulat ng konti, magacting ng konti, magsalita ng konti pero wala doon ang super master ko. Ok lang yun, one day may mamamaster din ako diyan.

14. Death ang greatest fear ko. Ayoko mamatay at ayoko din maexperience mamatayan. huhu

15. Gustong gusto ko sa UP mag-aral pero ayoko na maguuwian ako. gusto ko titira ako sa dorm or boarding house para masaya, independent life, saka ang ayaw ko lang sa UP walang uniform pero all in all, gusto ko talaga sa UP :))

Yun lang ;)) tapos na ako sa day one. 29 days to go.

Friday, August 13, 2010

Alamat ng bloggerong si RENZ

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. Sa isang taong paglalathala ng mga kwento na minsan ay walang kwenta dito sa blogosperyo naisip ko na may hilig na pala ako sa mga storya simula pa dati.

Grade three ako noong una akong nagtry gumawa ng mga kwento. Kwentong walang kwenta at puro kalokohan lamang. Ilan sa mga nagawa ko ay patungkol sa mga classmates ko tulad ng "Ang Alamat ng VIENNA Sausage" na patungkol sa classmate ko na si Vienna. Iba pa sa mga ginawa kong mga kwento ay "Tonton Maton" na tungkol sa classmate ko na si Anthony at ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang kwento hango sa adventure game namin sa school, "ANG ALAMAT NG MULAWIN" Sayang hindi ko na makita yung mga kopya ko neto ang saya sana ilagay dito sa blogosperyo yun.

Grade 4 ako nung na meet ko ang sulatin pangwakas at formal theme. Dito marahil nagsimula madeveleop ang aking hilig sa pagsusulat kahit hindi masyadong kagalingan eh atleast nagsusulat pa rin para matuwa at the same time makaentertain. Kinakareer ko noon ang bawat formal theme. Sinasaid ang tinta ng bolpen-- ganyan ko mailalarawan kung gaano ako kahayok magsulat noon kahit masakit sa kamay sige lang. Buti ngayon pa pindot-pindot na lang dito sa tapat ng pc.

3rd year High School, nagdecide na akong maggawa ng blog. Una kong blog ay isang private blog ng kaemohan ko, puro hinanakit. Naipost ko na naman ang isa dito sa blog pero sige i-popost ko na din yung iba kasi nga past is past na (kung may past :)) )

Ikaw na nagbabasa neto, sa tingin mo ba dapat ko pang ituloy ang paglalathala o itigil na lang? wala lang.. wala kasi akong maipost.. TSSS TIGANG na TIGANG ang blog ko ngayon.

Anyways I believe na balang araw eh mas magiging successful ako sa blogging career ko, makakabili ako ng sarili kong domain o malay natin makapaglathala ako ng mga libro :))

At dito na nagtatapos ang walang kwentang kwento :))
(nawala ako sa focus pagdating sa gitna kaya ang gara ng post ko ngayon :)) bawi na lang :)) )

Friday, August 6, 2010

Eto na ang opportunity

paunang salita:
handa na akong ikwento ito. nangyari ito kamakailan lamang :] enjoy reading

Hapon na, tantiya ko ay mga 5 pero tila ay alas sais na dahil sa itim ng ulap sa kalangitan. Panahon nanaman ng bagyo. Shit wala akong payong. Uuwi nanaman akong basang sisiw at siguradong bubulyawan nanaman ako ng aking dad dahil sa pagiging irresponsable at tamad magdala ng payong.

Tama ako. Umulan nga ng malakas. Dapat pala mas maaga akong umuwi, kung hindi lamang sa pinagawa ng adviser namin na si Mr. Garces. Dahil nga ako ang secretary ng club namin ay may pinagawa siyang typing job para sa akin na kailangan daw tapusin noong mga oras din. Mag-isa akong tumitipa ng keyboard; nagmamadali. Ayokong gabihin masyado. Mahirap na ang mabugbog.

15 minuto ay umuwi na ako. Bahala na, may payong o wala uuwi na ako. Nakakatakot kaya magisa sa isang building. Baka may magparamdam pa sa akin, buti wala.

Naglakad ako sa kahabaan ng path walk palabas ng main gate ng school namin. Napalingon ako sa covered court namin na di kalayuan lamang at napangiti ako sa aking nakita. Nakaupo siya sa upuan doon na ginagamit ng mga outreach students ng school namin (kasi doon sila nag ka-klase), mag-isa at malayo ang tingin. Eto na ang pagkakataon. Ilang araw na din kaming hindi naguusap matapos ang issue ng IN A RELATIONSHIP STATUS naming trip sa facebook. Tama, nagdesisyon akong kausapin siya.

Ang lakas ng ulan, kasing lakas ng bugso ng hangin ang bagyo sa puso ko--- pinaghalong saya, lungkot, pagkasabik at pagkadismaya. Hinawakan ko siya sa balikat, kinausap pero parang wala siyang naririnig. "Bakit ka pa nandito? Umuwi na ba si Basco? Uwi na tayo tara hatid kita sa terminal...."

Tulad ng dati, wlang kibo. Hindi niya ata narinig ang sinasabi ko dahil sa lakas ng ulan kaya nagdecide na akong harapin siya pero..

SHIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTTTTTTTTTTT

Isang bungo ang nakita kong mukha niya... SUMIGAW AKO.. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA...

Nagising ako panaginip lang pala. Bangungot. Pesteng bangungot XD XD XD

Friday, July 23, 2010

TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging Friday

Hay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad sa higaan ng walang ibang iniisip kundi tulog tulog tulog. Anyways eto ang weekend kwento na ewan ko ba kung bakit mo pa binabasa ngayon. Pero kung wala kang magawa at sa tingin mo ay gusto mo pa magbasa eh proceed na sa susunod na paragraph.

Last Saturday, Last review session ko yun sa standards review center somewhere sa commonwealth near Philcoa at kung alam mo yung EVER eh ilang tumbling lang yun doon. So far madami naman akong natutunan sa 5 weeks (45 hours) + 1 sunday (5 hours) na review session na yun for preparation sa UPCAT. Pumasok ako sa review center na yun na para akong baso na kalahati lang ang laman. Pag labas ko ay naging 3/4 na ang laman plus nagkaroon pa ng flavor XD (chocolatte flavor yung katulad nung nasa vendo don). Ganyan ko maicocompare ang help ng review na yan para sa preparation ko for UPCAT. I would like to share na din yung result ng dry run exam namin. So far so good and happy naman ako para sa result. I ranked 26 out of 130+ na nagtake ng dry run. Yipee. natuwa lang ako. Unexpected kasi alam mo yun yung nangangamote ka na lalo na sa math tapos nagpapawis pa yung kamay mo tapos sobrang lamig wala kang jacket at nabrabrain freeze ka na eh nakakuha pa ng ganyang rank. Pero hindi dapat ako makuntento diyan. Review more--kahit self-review lang.

Nung monday naman eh binigyan kami ng task ng aming teacher sa English na si MISS FAT (alam ko mababasa niya toh. Nagbabasa siya ng blog ko whahaha) gumawa daw kami ng prepared speech kasi kasama sa english subject namin yung public speaking. Dapat daw kabisado kahit papaano tapos sa podium atmay mic pa. Kabado, nagprepare pa rin ako at dumating ang araw ng performance (kahapon) super nanginig ako habang naiispeech pero nadeliver ko naman ng maayos at pinagperform ulit ako (pati yung iba kong classmate) sa harap ng lahat ng 4th years. Doon ako namental block ng husto. DAmi nga njilang rumors eh kasi medyo tinamaan ng topic na FIRST LOVE ang speech ko. kaya daw ako namental block kasi nandoon daw si FIRST LOVE. Mga tao talaga.

Bukas din meron kaming Acting workshop. Actually para lang yun sa theater arts club ng school namin pero ininvite kami ng moderator na si MISS FAT kaya it's a plaesure at nakakahiya naman na tanggihan yun. I want to learn more naman din sa field ng acting para naman hindi lang so-so yung mga talents (singing?, dancing?, acting?, drawing?, Playing musical instuments?) ko. Kailangan madevelop din sila diba? Nagpreprepare kasi yung club para sa nalalapit nilang play production na HAMLET at gusto ko maging part nun. Maganda yun!

Kanina din, nagalit yung French teacher namin, ayun minus 5 kami sa quiz kanina na 15 items na hindi tapos. Tsk. Kakaasar kasi mga classmates na epal. Sarap isilid sa locker. Haha

Yun lang. Kwentuhan ko lang kayo at umapdate na din. Nabubulok na kasi blog ko :))
Ingats. Next time kwentuhan ko kayo ng PAGIGING TEACHER ko :) oo, teacher nga!

Friday, July 9, 2010

Exam week

Motion is the change in position with regards to a reference point blah blah blah blah. Speed is equals to distance over time, to have dignity is to have worth and value, anthropometrics, hayy kung anu anu pang mga dapat reviewhin dahil nga sa mga exams na yan. Actually simula pa lang yan ng school year pero parang burden na ang mga exams. I mean ang hirap magreview pero nakakapangsisi at nakakababa ng self esteem pag bumagsak so the point is mag-aral.

Nameet ko nanaman si usual gray colored long paper na 60 items lang naman siya pero mahirap din pumerpek ng 60 items lalo na sa mga subjects na Physics at FRENCH. Speaking of French sobrang nagkanda kamote na lang ako sa panghuhula ng mga French words like la poisson. Sinagot ko "the posion" pero yung sagot eh the fish. Bakit ba, hindi ko alam eh. Basta ang alam ko lang eh, Bonsoir. Vous baggages s'il vous plait. :]

Anyhow, inihaw, hindi naman yan ang main point ko. Ang main point ko lang naman ay ishare ang kabusyhan ko sa pagsagot sa mga nakakalokong exams SHEETS na yan para sa kinabukasan ko.

Bukod sa semi-quarter exams sa school namin ay involved pa rin ako sa mga exams para sa weekend na ito. Actually di ako papasok bukas sa school kahit exam pa namin dahil may commitment ako sa review center ko at last session of spoon-feeding na namin bukas at sa sunday ay dry run exam na for UPCAT. Hopefully makapasa ako sa UP dahil gusto ko din dun. Pride ko din yun if ever whahaha :]

So dahil sa kaboringan ay nagpost ng no sense blog post. Teka nga rereviewhin ko muna modules ko. :] Saka na ang makabuluhang post.

Aure voir madamme est monsier. abientot! Ewan ko kung tama yan. French yan :))




Saturday, June 5, 2010

1 month to go.

July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (WAW) na ang dami na pala ng mga taong nakilala ko dito sa blogosperyo na ito. Aksidente lang naman kasi ang pagkakagawa ko sa blog na ito at ayun, nalibang at nagenjoy naman ako.

It was June noon nung ginawa ko itong blog na ito dahil sa paghahanap ng piece na ito for our activity at nahanap ko ito sa isang blogspot at struggle talaga ako para mahanap iyon kaya nagcreate pa ako ng account para macopy paste yan. ewan ko ba bakit ako gumawa ng account sa blogger but now I'm so thankful. Serendipity nga ito sabi nga sa Science.

Nung una, nagbloblog lang ako para basahin ko din personally. Yung tipong sulat mo, basa mo. Ganun naman ang sistema ng lahat ng nagsisimula sa pagbloblog diba? nakakatamad pero kailangan malampasan mo yung tamad stage ng blogging tapos maeenjoy mo na yun mga sumunod.

Thanks so much dito kasi dahil dito lumago ang mga blogger neighbors ko. Dumami ang mga reader's and followers, nagearn ng mga new friends, at lalong naging pamilyar sa mundo ng pagbloblog.

Saksi ang blog na ito sa mood swings ko. Mula sa pageemote sa mga pagrereklamo trying hard movie review . Nakiramay din ako sa pagluluksa ng ating bansa, naging saksi sa mga kaba, pagpopost ng mga poems ko, mga kawirduhan, katatawanan, nonesense random stories, at kung anu-ano pang mga bagay.

Mas close pa nga kami ng blog ko kaysa sa iba kong mga kaibigan, kasi ang blog ko alam niya ang lahat ng hindi ko kayang sabihin ng personalan diba? At saka ang blog, hindi ka sesermunan pag nagpost ka ng kalokohan mo. Hindi ka rin sasabihan ng TANGA pagnagpost ka ng katangahan mo. Ang gagawin niya lang, makikinig lang siya sa mga hinaing mo. Minsan hindi naman talaga kailangan ng mga payo. Ang kailangan lang ay tagapakinig diba?

Minsan ko na ring naisip na huminto na lang sa pagbloblog kasi naisip ko nonesense lang naman but thanks to SOMEBODY who motivated me at eto na nga, tumagal din ako sa blogging wold.

YIPEEEE! Akalain mo, isang buwan na lang tatanda na blog ko. Ang cool at dahil COOL talaga eh may ibibigay ako sa lahat ng naging parte ng blog ko. :]

ABANGAN!

Thursday, April 15, 2010

International Leaders Conference 2010

Hello sa lahat. Grabe ngayon lang ako makakapagblog after a week dahil sa sinabi kong aatendan kong conference for three days pero ayun nauwi siya sa matagal na hindi pagiinternet kahit nakauwi na ako ng bahay ng sunday because of the internet loss. Hay nakakaasar ang hirap na pala pag walang net. hindi na ako sanay kaya sorry for the delayed kwento so ito na yun.

Wednesday pa lang ay nakahanda na ang aking mga clothes na dadalhin para sa conference na iyon sa may baguio City and dahil nga first ILC ko yon eh super excitd to the max ang inyong lingkod. Nagprepare ng ilang tshirt, pants, shorts, briefs, boxers, towels, hanky basta parang ilang linggo naman akong magstay nun sa baguio no pero ika nga eh mas maganda ng sobra kesa kapos.

Thurdays na grabe sa kaexcitan ang kaing nadarama at dahil nga sa uber uber excitement eh nauwi ako sa pag google ng lahat ng tungkol sa conference, pictures, workshops venue, map locations at kung anu-ano pa. So 3 pm pa lang eh naligo na ang inyong lingkod at nagbihis at dahil sobrang aga pa nga eh nahiga muna sa sofa at nanood at hinintay si mama dahil hihinge ng allowance. mahirap na ang walang pera baka kung san na lang ako pulutin.

Umalis ang supe
r excited na ako sa bahay ng 6 pm para pumunta sa bahay ng aking kasabay sa pagpunta doon. Dyaraaan, 9pm kami nakumpleto so 6 kaming nagtungo sa meeting place ng mga iba naming kasama para hintayin ang aming transportation medium---corimba bus yon. After ilang minutes ay este 2 hours ng paghihintay na inabot na kami ng gutom ay dumating na din ang bus. So ayun inayos ang seat plan, and nauwi kami sa may dulong dulo ng bus. Ok lang yun basta makaattend lang ng conference.

Fast forward..

Umalis kami dito sa Bulacan ng 11 pm at matapos ang 2 stop over at nakakangawit sa pwet na byahe ay nakarating kami sa baguio ng before 6 am so mahabang byahe ito at super exciting ang byahe dahil paakyat ng zigzag. TAKE NOTE may nakita pa akong SHOOTING STAR! First time in my 15 years of exciting in this Earth nakakita ako ng shooting star. So ayun, hindi naman ang shooting star ang star ng aking kwento so lets proceed. fast forward

Dyaran...So ay
un na nga, nakarating na kami sa venue ng conference, isa siyang malawak na sports field na may bleachers at may kung anu-ano pang life siza na etc. ang hirap explain basta ang dami. Medyo dumadami na ang tao kasi nga INTERNATIONAL yun eh expected na 10 500 Youth For Christ ang aatend nun kasi yun ang registered so yayanig ang Baguio samin.

Ano ba ang sense ng pinunta ko sa confer
ence na toh? Para lang ba magpalamig sa Baguio (promise ang lamig dun sobra) or para matuto ng mga values? Siyempre para matuto.
Mayroong 4 sessio
ns ang conference na toh, na pinagdidiinan ang TO THE MAX experience of life na talaga namang matututo ka. I just want to share one thing na talaga namang tumatak sa isip ko---

Imagine isa kang baso, isang baso na punong puno ng laman. How can you get more of God's Blessing? Hindi ka na makakakuha pa kung ano ang higit pa sa meron ka ngayon kung HINDI MO ISHASHARE yung meron ka sa iba. WE NEED TO EMPTY OURSELVES so that we can receive a better blessing from the Almighty.

Ang pinakamasayang part dito sa conference ay ang makaluha talagang worships as in TO THE MAX ang glory na maeexperience mo. Yung feeling na parang lulutang sa kasiyahan.

Hindi lang naman puro talks to, masaya din ang conference dahil may mga competitions din per region kasi. I belong to Central Luzon at grabe sa saya dahil wala lang. Hindi joke lang. ang saya kasi ang daming pakulo. sports, dance bands etc. Nagenjoy din ako sa YOUTH WALK kung saan lahat ng delegates from Luzon, VisMin + foreign, saka metro manila ay nagrally sa Baguio at nagmeet sa iisang lugar. So ang saya kasi 10 547 people to be exact ang kasama mo maglakad sa streets ng baguio.

Sunday natapos ang conference and dahil nga kulang ang letters sa keyboard para maitype ko lahat ng gusto ko dito ay hindi ko na magagawa. Share ko na lang sa inyo ang iba pang pictures ng ILC.


































After nun syempre mawawala ba ang mga gala? Eto ang mga pictures :)





























And hopefully, sana makasama ako next yr sa ILC 2011 CAGAYAN DE ORO. Alam ko naman close to impossi
ble na makasama ako doon pero sana sana sana sana makasama ako

Thanks for reading this a bit long story of mine :)

Friday, March 19, 2010

Last Day for the school year 2009-2010

This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang Dance Contest at Battle of the Bands ng mga Salettinians (kami yun, mga student sa La Salette).

Super grabeng preparations na rush, as is almost two weeks lang kami nagpractice para sa sayaw namin. Ang daming hassles, problems at kung anu-ano pa pero nasolve din naman lahat. Ang daming gabing pinagpuyatan, pagkaing pinagsaluhan ng sama-sama, pamasahe na winaldas para sa praktis at palusot na ginawa sa magulang para makapagpraktice lang.

Tapos na. Yes! Sulit ang bawat pagod ng lahat. Tinodo na namin lahat, ako, at siyam pa na kaklase ang bumuo ng aming grupo. Tinawag itong THE RENEGADES.

Sa simula di kami nageexpect na manalo since ang mga defending champions ng dance contest last year ay sasali pa rin (dahil tinuruan nanaman sila ng outsider na coach) maski nasa rules na NO TRAINERS OUTSIDE. SUS! Naaasar lang kami kasi di nadisqualified. Nagrules pa naviolate din naman. Tsskk.. BTW back to the topic, di kami nageexpect pero ang result..

tenen

KAMI ANG PANALO SA JUDGES..

pero di pa yan ang happy ending. Dahil 50% eh sa judges at 50% votes. So paramihan ng pera ang labanan? Kung tutuusin wala naman talaga sa kalingkingan ng sayaw namin yung kanina. (chos lang! pero totoo naman. upload q vid mag may time) Bongga nga costume at props design lang naman. Ang gara pa, walang energy, parang mga nagaangas lang :)) LOL. PADAMIHAN NG PERA?

Sorry di kami ganun kayaman, kaya ang nangyari, sila ang overall. Tsk second placer lang kami, WE DESERVE THEIR PLACE.

Kung pera-pera lang din eh wag na sumayaw. Kung pera pera lang din pano pa sa ELEKSYON? pera pera na lang din ba? SUS ganun naman ang tiyak na mangyayari.

Anyways, let's go back to the story ng last day ng klase. Syempre the best din ang aming banda-- THE RENEGADES WEARS PINK. And as usual dahil nga pera pera ang usapan, SECOND PLACE NANAMAN ang aking mga kaklase. SUS anu bang ginawa nung nanalo sa harap? tumayo, nagingay, nagkalat. Pero dahil may pera, ayun panalo. dapat kami din pala yun :D

SORRY KUNG MABASA NIYO MAN TO, DI KO KAYO MINENTION DITO AH :))

so ayun, kaming mga juniors ay BITTER dahil sa mga panalo na dapat ay samin. SHOWCASE YOUR TALENTS, yun ang mahalaga :) Panalo kami sa judges, yun ang mahalaga, sainyo na pera niyo :))

So dahil nga wala naman kaming magagawa eh nagdecide na lang kaming mga klasmates na mag picture taking ng tumatalon, etc etc. since eto naman ang last day, eh sinulit namin, at kumain pa kami sa isang resto, with our adviser, and half of the class ata nandun, supre saya. :D Pinakamasayang last day ever :)

Inabot na kami ng 8pm sa resto :) at dahil bitin pa kami ay lumakad kami pauwi at pagdating ko sa bahay mga 8:30

BOGOOOOOMMMM!

Galit si itay--muntik pa akong sapakin. Buti nakasalag ako. Kesyo nagbabarkada na daw ako etc etc.

Sabi ko naman sa kanya "Kung alam mo lang lahat ng ginagawa ko, ewan ko lang sayo" pero joke lang yan. Siyempre di ko kaya sabihin yan,

di ko na lang pinansin, ganun naman lagi yun, alam ko naman na nasa MABUTING barkada ako :)

and that's the ending of my junior life, super saya :)
bukas papasok pa rin ako, kahit walang gagawin at bawal na pumasok :) magliliwaliw at mag i-slurpee :))

--FIN--

Thursday, March 18, 2010

Surprises

Kahapon, sinabi na sa amin ang ranking naming mga nasa honor roll. Sobrang saya kasi nakabawi naman ako kahit kaunti lang, kung di ko nakukwento dito, pababa ng pababa grades ko and rank ko. From top 2, naging 3 at naging 4 ngaung third grading kaya supre saya ko dahil nakabalik naman ako sa top 3.

Yes, I rank 3 for almost 80 third year students in our school. Di ganung kataas tulad last year nung secondyear ako pero at least diba, mataas na rin ang 3. Imagine, ilang tao ang kelangan mong talunin para makaabot ka sa rank na yon. saka I am so happy dahil kahit naman nung top 4 ako eh sobrang proud pa rin magulang ko sakin, di tulad ng mga parents ng iba kong classsmates, imagine top 3 na nga siya pinapagalitan pa. Ano gusto nila maging robot ang anak nila?

One more surprise. Dahil nga sa pangako nila eh papasamahin nila ako sa conference ng YouthForChrist sa buong Pinas sa Benguet this coming april 9-11. Woo ang saya :D

Thank God nabawi ko ang top 3 ko, may bonus pa, best in Religion :D saya saya..

Next week Recognition namin, kwentuhan q nlng kau kung anu mangyayari sa mga susunod :D

Saturday, March 13, 2010

6 tulog

Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes. Kung tutuusin isang linggo na lang at magtatapos na ang klase. Ang bilis. Isang taon nanaman pala ang lumipas. 10 buwan ng pagaaral, 10 buwan ng pagtitiis, 10 buwan ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay, at 10 buwan ng matinding dramahan. 10 buwan ng pinatinding pagkakaibigan, 10 buwan ng kasiyahan. Ngayon, isang linggo na lang. Ang bilis talaga ng panahon.

Higit 10 mga proyekto ang aming pinagpuyatan, na talaga namang pinagtiyagaan ipagpaliban ang pagfafacebook para sa mga bagay na iyon. Ilang mga tampuhan at ilang pagkakaibigang nagbalik ang nangyari rin sa taong ito. Siguro, itong taon na to ang pinakadramatic sa lahat ng taon ko sa high school.

Sa taong ito labis na nasaktan dahil sa unang pag-ibig. Sa taong ito naranasan ang kataksilan ng kaibigan, sa taong ito naranasang umiyak sa harap ng kaklase, sa taong ito mas nabuild up ang confidence upang humarap sa maraming tao, sa taong ito naranasang unti-unting lumagpak, at sa taon ding ito natutong gumawa ng ilang kalokohan.

Ilang beses kong binalikan ang mga nangyari sa taong ito. Napakarami pala talaga. Mababakas sa mga pictures ng buong klase sa facebook at friendster. Ang sarap balikan kahit mga simpleng pangyayari lang.

Isang linggo na lang mga dude, at hahantong na tayo sa sukdulan ng ating pagiging high school. Seniors na tayo mga dude, pagkatapos ng 6 na tulog na yon. Mamimiss ko kakulitan natin, yung mga food trips, 7 eleven trips, sm trips, overnights, laughing trip, soundtrip, jamming, dance trips, joke trips, mga use it in a sentence, kopyahan sa seatworks at assignments at marami pang iba.

TRESDESANJUAN0910 Love ko kayo lahat, sulitin na natin last week :D

Friday, November 27, 2009

Iba't ibang kwento.

Haist. Sakit ng buo kong katawan at masyado akong napagod sa cheerdance na yan kaya pati utak ko wala ng laman para magpost ng siang makabuluhang blog entry. Di bale. Nagbalik na ako habang sumisinghot ng kantiko with matching bread sticks.

Teka, wala naman akong maikwentong iba. Siguro eto na lang.

*****
Yes malapit na akong maglevel up sa farmville Xd mag 37 na ako (share lang)

ayt mali.

Di pala yan kwento ko.

let's be serious aha.

*****
Ganito yon. Record breaking na araw, Nov. 25, 2009. Waw super gulo ng isipan ko dahil don nag emotional breakdown ako in short d ko na kinaya kaya napaluha na lang ako.

Waaa nakakahiya kayang umiyak pero wala naman akong magawa dahil mixed emotions na yung naguumapaw sa dibdib ko nun kaya ayun, di gumana yung maskara na humaharang sa muka ko.

Masyado kasi akong naging MARTIR. Asa pa kasi ng asa wala namang dapat asahan. Kahit nangyari na yun, d ko alam kung sumaya ba ako. Mas lalo akong nalungkot.

*****
Eto pa.
dahil wala naman akong mapagtripang matino, bibigyan ko na lang kayo ng lesson na nakuha ko sa cheering namin.

Sa cheering di mawawala yung mga stunts esp. yung mga pyramid etc. at mga tumbling tumbling na kung ano-ano. Sa una d ko talaga kaya ang tumambling huhu.. kahit eggroll lang. Di naman kasi ako tinuruan ng aking ma't ina na tumambling pero dahil kailangan ayun, nagkapasa na ako at nanakit ang katawan but in the end mejo natuto naman ako :D

Lesson: Di lahat ng bagay alam na natin sa simula. May mga bagay na kailangan din nating matutunan---tulad ng masaktan, para makamit ang inaasamasam na tagumpay. Wag sumuko. lalaban tayo!

Ang pag-iyak ay di nangangahulugan ng kahinaan. Ito ay nangangahulugang katapangan dahil hindi ka nahiyang ilabas ang tunay mong nararamdaman

****
ayun memapost lang :D
Enge nalang motivation through comments :D

renz~
shit maintenance countrystory XD