Showing posts with label tribute. Show all posts
Showing posts with label tribute. Show all posts

Thursday, August 25, 2011

unknown title

I just want to blog today. Wala naman kasing importante ngayong araw. Kung pwede nga lang sana na hindi na nageexist ang August 25. Sana pagkatapos na lang ng August 24 eh 26 na agad para mas masaya diba?


























HAHAHA


Joke lang!


Alam niyo ba na ang araw na ito ay special? Ang araw na ito kasi ay ang birthday ng isang malapit na malapit na kaibigan para sa akin. Siya ay si Armando Nathaniel Pedragoza. (Tama ba spelling?) 
Sa palagay ko ay hindi niyo siya kilala. Malamang kasi shy type daw siya. (Self-proclaimed) Pero hindi naman :))) 


Nakilala ko si Nathan dito sa UPLB. Hindi ko siya coursemate sapagkat Applied Physics ang course niya at Electrical Engineering naman ako. Hindi ko rin siya classmate sa kahit anung subject. Nagkakilala ko siya sa isang page sa facebook para sa mga freshmen ng UPLB. Iniwan ko yung number ko doon sa isang thread at presto, may isang makulit na tao ang nagtext sa akin. Kinulit niya din ako sa fb chats and etc. Siyempre ako naman bilang isang mabuting kaibigan (ehem XD) ay kinulit din siya para makaganti at lumabas na mas magaling ako mangulit dahil madali siya mapikon XDXD.


Who would have thought na sa ilang buwan pa lang naming magkakilala eh naging close na agad kami. Siguro dahil kakaiba din kasi ang ugali netong tao na to. Napaka-sigasig niya, napaka-persuasive napaka-baet (ehemm) at siyempre calm. 


Best friend ko nga ba siya? First define best friend? Sa akin kasi ang best friend na tawagan ay iba sa best friend na turing. I never called him as my best friend but I consider him as one. Best friends will always be best friends kahit naman hindi kayo magtawagan na best hindi ba? 


Alam niyo rin ba na dahil sa kanya at sa mga kalokohan niya ay nadiscover ko ang isa pang pamilya na sobrang nakakainspire sa akin dito sa UPLB? Dinala niya ako sa SWAP (students with a purpose) isang lunes na wala akong idea kung ano ang pupuntahan ko. It was our first time to meet then. Libre niya daw ako ng dinner. Ako naman, since pagod ako sa byahe kasi galing pa akong bulacan, eh pumayag ako. You know, butas ang bulsa XD. Pero hindi pala niya ako ililibre ng dinner kasi may FREE FOOD talaga doon sa pinuntahan namin. Tingnan mo nga naman ang wais. XD Pero thanks to that, naging active pa rin ang spiritual growth ko dito sa UPLB.


Nathan, 
Happy Birthday! Salamat sa lahat. Yari ka mamaya kailangan mo kami pakainin nila kuya Dennis! May ibibigay din pala ako sa iyo. Yung statement doon ang tandaan mo palagi. Kung ano yun, malalaman mo mamaya. WEEE. 
You know I can't say a lot at alam mo na kapag nagsasalita ako, madalas double meaning or kung hindi man eh triple o quadruple pa. So hanggang dito na lang.
Salamat!


:)


PS
Alam niyo ba na si Nathan daw ang SELF PROCLAIMED na number one fan nitong blog na ito. Nagkunwari pa siyang anonymous writer at nag email sa akin ng compliments. I know it was him kasi sa isang email ko siya nag-mail. Buking :))
hahaha


SMILE always!

Tuesday, October 5, 2010

World Teachers Day

Update na ulit ako pero madalang na lang siguro muna for the reason na--- busy ako sa mga school works as usual pero iba ngayon dahil magpaparticipate ako sa interschool competition sa city namin sa isang talumpati. Anyways, di naman ito ang point ng post na ito pero pwede rin naman iconnect.




Sa bawat pagsali ng mga estudyante sa mga contest na iyan, sino ba ang gumagabay? Mga guro diba?

Sa bawat kaalaman ng mga estudyante, ang may turo niyon ay walang iba kundi mga guro diba?

Sa bawat nurse, doctor, abogado, enhinyero, artista, kapwa guro at kung anu mang trabaho pa yan-- guro din ang naghulma sa bawat isa hindi ba?


Sabi nga ng ate ko na guro "Teaching is a truly humbling profession."

Kung tutuusin, hindi naman malaki ang sweldo ng mga guro. Minimun lamang ang seldo ng ordinaryong guro, na kung tutuusin ay kikitain nila ang doble pa noon kung ibang propesyon ang kanilang pinili, pero hindi. Hindi sila nagdalawang isip na maging instrumento ng pagkamulat sa kamangmangan ng mga estudyante--Instrumento ng pagbabagoo.

Kapag naging guro ka, pagod ka palagi. Nakatapos ka na nga sa pag-aaral mo bilang estudyante, heto ka na naman, nag-aaral para sa mga lessons na ituturo mo sa mga estudyante mo.

Naiintindihan ko ang ganoong pakiramdam, dahil ako mismo ay isang batang guro, isang katekista. Naiintindihan ko ang isang bagay na nagbibigay ng lakas sa isang guro upang magpatuloy sa ginagawang kabayanihan-- iyon ay makita ang mga estudyante niyang natututo at natutuwa.

Sa simpleng pasasalamat at pagtangkilik sa isang guro at sa mga ginagawa niya ay katumbas na ng lahat ng mga gamot sa lahat ng karamdaman ng isang guro. Kaya bago matapos ang akdang ito, lubos akong nagpapasalamat sa mga gurong naririyan sa buong mundo. Maraming salamat dahil hindi lamang intilehidad ang inyong hinulma sa amin, pati ang pagkatao namin ay binigyan ninyo ng direksyon at sinisugurong sa pagtatapos ng buong buhay na grading period namin ay makakakuha kami ng mataas na marka.

Mabuhay kayong lahat--mga bayani ng ating lipunan. :]

PS. Happy World teachers day po sa ate ko, at kay Miss Fatima Rivas. :] gayun na din sa lahat ngg naging guro ko sa loob ng aking 12 taon ng pag-aaral :]