Showing posts with label realization. Show all posts
Showing posts with label realization. Show all posts

Sunday, January 23, 2011

Ako ay Nagnilay

Tumatakbo ang oras kahit walang paa. Mabilis. Hindi ko namamalayan. Siguro dahil madami akong ibang bagay na pinapahalagahan na dapat ay hindi naman bigyan ng ganoong kalaking atensiyon. May mga bagay na kailangan gawin ngunit hindi ko na nagagawa dahil inuuna ko ang mga bagay na hindi dapat. May mga bagay na hinahanap-hanap ko pero hindi ko alam, nasa kamay ko na pala. Ang buhay ay sadyang mabilis kung kaya't ako nagpapasalamat kasi sa tatlong araw ay napabagal ko ito.

January 13-15 2011, Huwebes hanggang Sabado, pumunta kami sa hometown ni KESO --> Silang Cavite uipang mag retreat. Nabanggit ko na sa mga uanng posts ko na nagretreat kame pero eto na ang kwento tungkol doon. Isang linggo pa lang bago magretreat pinapaalalahanan na kami ng aming adviser na hindi yun isang outing kung hindi retreat at paulit-ulit ko pang dinefine yung retreat. pati ba naman sa mismong simula ng retreat ay dinefine ko pa. Grabeng tunay.

Sinabi ko sa taas na napabagal ko ang oras. OO. Napabagal in a sense na napag-isip isipan ko talaga yung mga bagay na dapat kong isipin sa loob ng tatlong araw. Sino ba ako? Ano ba ang halaga ko sa mundong ito? Sino ba ang mga tao sa pailigid ko? may dulot ba silang maganda sa akin? O sila lang ay mga sugo ni taning na umaakit sa akin sa kasamaan. Kung iisipin ninyo napakaseryoso naman ng post na ito. Minsan, sa buhay, hindi lahat naidadaan sa kasiyahan. Ang pinakamasarap sa buhay ay yoong malaman ang katotohanan at matanggap yon. Doon magsisimula ang kasiyahan sa puntang natanggap mo na ang katotohanan.

Unang araw, pinipigilan ko talaga ang umiyak sa bawat sharing mga mga ka-edad ko, mga classmates ko. Ayoko kasi maging emosyunal sa harap ng mga classmates ko kasi gusto ko matapang ang aura ko. Pero hindi ko na napigilan noong mga sumunod na araw. lalong-lalo na nung natanggap ko yung sulat na galing sa ate at sa nanay at tatay ko. Though expected ko na na magpapadala sila ng letter, naiyak pa din ako kasi yung content ay hindi ko inaasahan na ganoong kasweet. Sa isang anak na laging nasisigawan, isang masayang achievement at regalo na mula sa isang magulang na laging galit ang isang sweet at emosyonal na sulat. Habang sumusulat nga ako ng reply eh maluha-luha at mauhog-uhog pa ako. Dahil doon nalaman ko na mahal pala nila ang kanilang bunso ng tunay.

Pero hindi lang naman puro seryoso ang retreat. Siyempre mawawala ba diyan yung mga kalokohan? lalung-lalo na sa dorm. Kasi kaming mga boys ay hiniwalay ng building sa mga girls sa kadahilanang madame kami at baka kung ano ang mangyari. Though wala mga chjicks, nakakatuwa pa rin kasi nakapagbonding-bonding kaming mga brothers. Wrestlingan to the mas at tawanan buong araw. Isama pa ang pamorningan na kwentuhan at sabihan ng mga sikreto. Doon tumibay lalo ang samahan namin. Imagine, isang kwarto na pang 3 persons lang eh siyam kaming nagsiksikan. Kasi daw may multo kaya nagsisilipatan kami. Haha.

Eto nga pala yung ibang fun shots noong retreat. uwian na lahat yan kasi kinuha lahat ng gamit namin noong pagdating namin at ibinalik noong papauwi na kami. Wala tuloy kaming pic ng mismong activities namin na lumusong sa imburnal ng nakablindfold. Ang saya sobra.


Kung ano ang ikinabagal ng oras dahil nakilala ko ang sarili kio, ganoon naman ito naging kabilis dahil tatlong araw namin ay tapos na. kailan kaya ulit ako makakapagretreat? Siguro huli na to. Sobrang napakasaya ng tatlong araw na ito dahil nakasama ko yung mga classmates ko sa pagninilay ng mga bagay-bagay. Noong pauwi na nga kami parang ayaw pa naming lahat. Eto na kasi ang naghuhudyat na malapit na. Ilang araw na lang. Isang hapon na ng marso. Lalakad kasi sa hall na nakaputi. Bumibilis na ang oras.

Tuesday, October 26, 2010

Pagbabago


Pagbabago...

Sabi nga sa nakaraang post ko eh walang permanente kundi pagbabago. At obviously bago din ang lay-out ko dahil gusto ko ng pagbabago. Kasabay din ng pagbabago ng layout na ito ay ang pagbabago ng background music dito sa blog ko. At bago nga pala ako magkwento eh gusto ko po ipaalam na tinanggal ko lahat ng widgets ko dati--ibig sabihin lahat ng nawala sa blogroll ko feel free to message me at my chatbox. I'll link you back. Sorry. Need lang eh. Nagloloko kasi ang itsura kaya nireset all ko.

Anyways, Pagbabago. Pagbabago.

Kanina, naglalaba ang aking tatay ng punda ng unan at nung mag-aalmirol na siya eh sabi niya hindi raw siya makahanap ng gawgaw. sabi ko naman ng walang halong biro "Bakit walang gawgaw? nageleksyon lang nawalan na ng gawgaw sa mga tindahan?" Honestly seryoso ako pagkasabi ko niyan. saka lang nag-sink-in sa utak ko na nakakatawa pala yung sinabi ko matapos mag-sitawa ng buong pamilya ko.

Kaya pala walang gawgaw kasi daw konti na lang daw ang gumagamit nun ngayon. oo nga naman nuh?

Since napasok na ang eleksyon, let me connect na rin ito.

Lahat ng tao gusto ng pagbabago. Sino ba naman ang ayaw diba? At sa kagustuhang ito, ginagawa ng mga tao na magrally at kung anu-anong protesta. Ang tanong may ginawa ka ba para makamit yung pagbabago na yun?

Kahapon? Bumoto ka ba ng bagong barangay at SK leaders ninyo? Ako kasi hindi ako nakapagparegister sa SK. tatakbo pa naman sana akong chairman XD. Anyways, since hindi ako nakaboto, wala akong karapatang magreklamo diba?

Ang hirap naman sa ating mga tao, binigyan na nga tayo ng chance para BAGUHIN eh tinamad pa tayo pumunta at magsakripisyo ng kaunting oras para sa bukas. Kesyo walang pamasahe at tinatamad. Paano naman aandar ang bukas kung ikaw mismo ayaw magsakripisyo ng 10 piso pamasahe? Paano naman sisipagin ang bukas na gumanda kung ngayon pa lang botohan ay tinatamad ka na?

Diba? Isipin niyo, tayong mga tayo ang nagkakanda-labas ang litid sa pagsigaw ng pagbabago pero mismong mga bilbil natin ang lumalaki sa kakaupo na lamang at hindi pag gawa ng aksyon?

SIGE MAGREKLAMO KAYONG HINDI BUMOTO. Ang kapal na ng mukha natin nun kahit na sabihin pang demokratikong bansa ang Pilipinas.

Sa susunod na eleksyon siguro naman lagpas 18 na ako nun so boboto na ako. Atlest pag ganun diba pwede na akong magreklamo bottomless kung sakaling mali ang pamamalakad ng gobyernong ibinoto ko diba?

so much affected lang naman ako kasi sayang ang boto eh. :]

PAGBABAGO--- Nagsisimula yan sa sarili natin. DISIPLINA ay katumbas din ng Pagbabago. So mas maganda kung ang isisigaw ng tao sa gobyerno ay hindi pagbabago kundi DISIPLINA at ganun din ang tugon ng gobyerno sa tao--DISIPLINAHIN NIYO DIN ANG SARILI NINYO.

Saturday, September 25, 2010

Ayoko na mag-aral.

Gigising ng umaga, kakaen, maliligo, magbibihis, maglalakad papuntang sakayan ng tricycle, papasok, buong araw mag-aaral, laro saglit, uuwi, kakaen, magppc, matutulog at sa uulitin nanaman.

Nakakapagod nuh? Pasok ka ng pasok at ganun din ang routine na ginagawa mo, wala namang sweldo maliban sa baon na pilitan pa ang paghinge ng increase. Exam n
g exam. Buwan buwan na lang. Basa ng basa, gawa ng gawa ng projects, recite ng recite.

Ganyan ang outlook ko dati sa pag-aaral.

Hindi ba mas masarap yung nakahiga ka lang sa bahay ninyo at nanonood ng tv habang hawak ang cellphone at nagtetext sabay kain ng chichiria?

Hindi ba mas masarap tumambay na lang sa kanto, nonstop kwentuhan sa tropa, laro dito laro doon?

Hindi ba mas masarap mag palamig sa mall, sabay tambay sa timezone or tom's world o kaya ay mag window shopping?

Oo. Masarap nga ang ganitong buhay. Pero sa una lang ito masarap. Ika nga eh pansamantalang kaligayahan.

Nakakakonsensiya sa tuwing may naririnig akong out of school children na gustong-gusto mag-aral tapos ako, nag-aaral na nga eh nagrereklamo pa.

Sinampal ako ng aking kahihiyan nung makita ko itong pics na ito ito: (hindi ito yung actual na nakita ko dati pero somehow ganito din yung itsura)


Naisip ko, mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi bukas maayos ang buhay ko.

Mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi may mapaghuhugutan ako ng lakas sa mga susunod na araw.

Maswerte tayo, nag-aaral tayo. Eh sila? Pinipilit lang nila na makapag-aral.

Sabi nga ni Warren G. Bennis

Excellence is a better teacher than mediocrity. The lessons of the ordinary are everywhere. Truly profound and original insights are to be found only in studying the exemplary.

So ngayon, bigyan nyo ako ng chance sabihin na, GUSTONG GUSTO ko mag-aral :]

Friday, June 11, 2010

Ang adviser ko :]

Siya po si Ginoong Arnold V. Garces, and kinatatakutan ng mga high school students lalo na kung madami kang atraso, dahil siya ang prefect of discipline ng school. Siya ang adviser ko ngayong fourth year ako.

Way back my junior year, natatakot talaga ako kay sir kasi yun yung dating ng kilos niya palagi, yung tipong rawr! matakot ka. Yung parang kakainin ka ng buong buo pag nakagawa ka ng masama plus ang tough na muka niya--mukang fearless at mukang superior above all. Every year, siya ang adviser ng mga outgoing students- ang mga fourth year kaya ayun siguro nga pag fourth year ka na ay mapapatino ka talaga dahil sa kanya at the same time it's now or never ang drama pag fourth year.

Ayon din sa iba, ang klase ni sir ay napakaboring, kasi ang dami daw mga kwento at ang haba daw ng over time plus super higpit daw sa rules. Kesyo bawal tumingin sa oras and anything and everything ang daming bawal. Sabi pa ng ilan nakakaantok daw sa klase niya kasi daw monotone daw yung boses na mahina tapos nakaMIC pa tapos yung subject matter niya pa ay mahirap like advance algebra, statistics and trigonometry sa math, at physics naman sa science. Idagdag pa dun yung values education na ang adviser mo ang required magturo sa inyo.

Ayan ang mga bagay kung bakit medyo natatakot ako mag fourth year last year. Pero wala tayong magagawa kung hindi mag move on. Don't judge the book by its cover ika nga so ayun na nga ang kwento, nung first day ng klase ay nadivide kaming mga seniors at napuntas na nga ako sa section ni sir Garces. Kaswerte ko nga naman talaga, pwede naman sa isa, pero bakit dito pa kay sir. Yan ang una kong sinabi sa isip ko pero siyempre with a smile yun nung tinawag yung name ko.

First period, ayun para kaming umattend ng seminar. Super tahimik ng klase kahit yung mga pinakasabog sa kaingayan ang bibig eh mukhang tinahi ng cross stitch paulit-ulit ang mga BUNAGNGA at hindi makapagsalita. Siguro hindi lang nila maintindihan yung sinasabi ni sir. Bukod sa mahina na, english at mabilis pa kaya ayun sa unang beses eh talagang mapapakunot ang noo mo.

After two days of being in his class, medyo nakilala ko naman na si sir. Confirmed. Si sir ay isang tao na hindi marunong mag crack ng joke. Serious type of person siya dahil na nga din siguro sa napagdaanan niyang training during his high school days. "I am teaching and focusing not on the heart of the students but on their minds. I'm focusing more on intellects than feelings." Ganyan si sir Garces. Siguro nga it's the time para mag-aral ng mabuting super mabuti pagkatapos ng 3 years na may libang libang. This is it.

Si sir din ang taong napakaraming words of wisdom. Yung tipong magtatanong siya sa klase tapos alam mo na yung sagot pero ayaw mong magrecite kasi nga nahihiya ka at the same time eh natatakot ka tapos pagnahahalata na niya na gusto mo magrecite pero ayaw mo magtaas ng kamay babanat siya ng ganito: "Alam niyo estudyante, ang utak ay nahahasa pag sinasabi ang laman nito." So ayun napapataas tuloy ako ng kamay kasi sakin siya nakatingin. Oh diba? ayus din siya eh :]

Marami pa siyang mga bagay-bagay at kung anu-anung terms na binabanggit like aSINment sa assignment kasi daw lahat ng assignments ay may kaakibat na kasalanan, kasi nangkokopyahan lang. "Okay lang sa akin na mali ang sagot niyo as long na kayo ang nagsagot at hindi ang kaklase niyo." Meron pang iba tulad ng BWISITed sa be seated, PO-ENTs sa points, at ang pinaka nakakatawa eh yung "pagnagpapaquiz ako eh yung mga estudyante ay walang ka GIRAFFE GIRAFFE." Kaya daw giraffe kasi humahaba daw yung leeg ng mga estudyante. Funny. Natatawa ako sa kanya, hindi naman pala siya yung stone-hearted man gaya ng perception ko.

Minsan din nagtalo ang klase kung anu ang mas mahirap na subject. Religion ba o Math siyempre nagvoting voting kami diba at mas lumabas na nahihirapan kami sa math pero bumanat nanaman si sir. "Alam mo estudyante, mas madali talaga ang math kaysa religion para sa akin lang ha, kasi ang basihan ko ay kung paano isinasabuhay ang bawat subject. Kung tutuusin mas madali isabuhay ang math, kaysa sa religion diba? Puro loooooooovee your enemy, looooooooooveee everyone." Astig. Di ko naisip yun kasi may pangdefense naman na ako sa sagot kong mas mahirap ang math eh pero Hands down. Ang galing ni sir. Truly a matured man.

I learned a lot from this teacher. So far so good and so far nageenjoy ako sa klase niya. I want to know him better at gusto ko patunayan na mali naman din yung ibang mga perception ng mga tao. I think this year would be a full of learning, not only by the subject matters, pero sa mga guidelines na rin para sa isang magandang bukas.

Sir garces, saludo ako sa inyo! Pinatunayan niyo na "A man o silence, is a man of strength." Tama ba? basta yun na yon :]

Sunday, February 7, 2010

Sorry Blog, tinalikuran kita, eto na ako, nagbabalik :D

Isang gabi, may isang batang bloggero na nagsusurf surf sa facebook at nagchachat then suddenly may nag pm sa kanya sa ym.
CONTINUE ON BLOGGING.HINDI SAYANG ANG SINUSULAT MO
I was struck dahil sa motivations na binigay niya. Ewan ko ba kung bakit di ko nafeel ang pagbloblog nung nakaraang linggo. Ang gara kasi sa tingin ko masyadong korny na yung blog ko, masyadong nakacenter sa isang bagay, masyado nang o.a at ang mga post ay walang silbi.

Sinabi ko sa kanya yang mga yan (pero di exact yan).

Natuwa lang ako sa sagot niya.
hindi ka makakasulat ng sinasabi mong "maganda" kung hindi ka magsusulat.
Yeah right. paano nga naman ako makakapagsulat ng mga sinasabi kong dream blogpost kung hihinto ako diba? He really inspired me from his stories of blogging.

Parang ako rin pala siya, he started blogging at the age of 14, ako naman 15. Pinabasa niya sa akin mga blog post niya and I'm so inspired.

Thank You so much sir, for letting me know the value of blogging.

Natutunan ko na ang isang tao ay hindi ipinanganak ng may angking kakayahan na. Lahat ng bagay natututunan, at naiimprove.

I wan't to be matured like him one day.

Do you want to know this person? Let's hide him in the name The Lemon Writter.

Dear Mr. Lemon Writter

Thanks so much po ha. You made my day. Pinalinaw mo ang isipan ko. Mabuhay ka.

Dear Blog

Sorry. Kalimutan na natin ang lahat. Ako'y nagbabalik na.

Renz

By the way visit his blog at LEMON WRITTER

Wednesday, January 27, 2010

Sampal

"ARAY". Ito ay ang tanging salitang mamumutawi sa inyong bibig matapos marasmdaman ang isang gumuguhit na sampal sainyong muka. Nakakagulat at masakit, Ilan lang ito sa epekto ng sampal. Pero masasaktan ka ba kung ang sumampal sa iyo ay ang realidad ng buhay?

Masakit. Sobrang sakit masampal ng katotohanan lalo na kung ito ay patungkol sa isang bagay na gustong-gusto mo. I was pertaining to love.

Kahapon habang ako, si Kat (classmate ko---Treasurer ng SG) at yung coordinator namin ay nagbibilang ng pera ay naisipan naming maglakad pauwi upang kumaen ng bananacue. Naungkat ang usaping love nung tinanong ni Kat si Maam Mish kung nakailang bf naba siya and siyempre di sinasabe ni Kat hanggang sa sobrang share na sila (pati ako) err.

I just want to share some quotes na talaga namang ang sakit. As in tawa na lang ako pagkasabi sa akin ni maam.

"Alam mo kung nasan ka ngayon, Alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Ikaw na lang mismo ang ayaw bumitaw" "Sometimes it isn't Love any more..."


AWTS. Gumuhit lahat ng sinabe ni maam sa utak ko. Pagpapakatanga? Totoo ba yung narinig ko. Tae, antg hirap tanggapin ng realidad na tanga ako sa pag-ibig. It's my fault also. I gave my all without any assurance that SHE will love me in return.

Pero beside the fact na TANGA na ako, siguro masasabi ko na rin na Tough ako. Mahirap kaya na sa pangaraw-araw ay nakikita mo siya, one seat apart (isama na doon ang maliit na daanan na naghihiwalay sa row namin), at yung Fact na BESTFRIEND ko siya. Ang hirap parekoy. Pero still I can manage it.

Hanggang ngayon I'm still thinking of thosae quotes na talaga namang ang sakit na sampal para sa akin. Kaya minsan nananahimik nalang ako. Besides this I have another conflict to solve. (nevermind err..)

Dear Maam Mish :D

Salamat sa sampal. Ang sakit. Tumatak talaga sa muka ko. Ginising mo ang natutulog kong pagiisip. BESTFRIEND ako, hindi LOVER. Tatandaan ko yan :D

--lui :D


Thinking still...

Saturday, January 16, 2010

Paluwagan

Usap-usapan ng mga matatanda sa maliit na talipapa malapit sa amin ang Paluwangan.

"Magkano paluwagan niyo...?"

Yan lang ang narinig ko dahil papauwi na ako matapos bumili ng dapat kong bilhin. Gumana nanaman ang pagkawirdo ko at pati paluwagan ay napagdiskitahan kong isipan ng blog post :D.

Ano nga ba ang paluwagan?

Ang paluwagan ay isang sistema ng pagiipon ng pera mula sa pagbabayad din nito. Anu daw? Basta pagiipon na yon. Meron silang tinatawag na sweldo kung saan makukuha mo ng buo ang maiipon mo sa panahong sakop ng paluwagan niyo kahit mauna ka man o mahuli lahat ay may sweldo.

Naisip ko lang. Ang Love parang paluwagan. Magsasakripisyo ka, maghihintay pero kahit huli ka man, Makukuha mo naman yung mahal mo ng Buong-buo. Kaya wag tayong matakot kung sa akala natin ay masyadong ng late para dumating ang love. Malay mo, ikaw nga ang nasa dulo ng sweldo list ng paluwagan. Wag kang atat. Makukuha mo din ang para sa iyo sa takdang oras.

:D

Monday, November 30, 2009

Pader


Isang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.

Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.

Naniniwala ka ba sa quote na "Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?

Siguro ako maniniwala na. Based on my experience yap, tama to.

Pag friend mo, pwede mong hawakan yung kamay ng walang malisya. Pwede mong titigan, pede kang makipagbonmding ng walang maiilan. Lahat pede. Walang limitasyon. Walang pader.

Pero bakit pag pinagtapat mo na ang tunay na hangarin ay unti unti na ring tumataas ang tila isang pader na humaharang sa inyong dalawa? Isang pader na pilit pinaglalayo ang dalawang taong nais magsama. Isang pader na mahirap akyatin, Isang pader na napakataas at wala ka ng magagawa kundi umalis at maghanap ng ibang daan.

Bakit pag nagpapakatotoo ka saka pa siya lalong nagagalit? Ito ay realidad na masaklap na nagaganap sa buhay ng bawat isa- lalong lalo na ang mga kabataan.

Ano ba ang dapat gawin para mabasag yung pader na yun?

Share ko lang na minsan naencounter ko din yang pader na yan. Ano ba ginawa ko, act natural as if di ko nakikita yung pader. Umiwas ako at unti unti kong napapansin na sa paglipas ng mga taon ay natitibag din pala ang pader na naghihiwalay sa akin at sa kanya. Unti-unting bumalik ang friendship.

PERO

Masyado akong naexcite. Siguro na miss ko lang yung mga times na nagkahiwalay kame kaya masyado akong natuwa sa pagkawala ng pader. Dumating ang balita. Ang luha muling tumulo, at ang pader ay unti-unting binuo muli upang maghiwalay sa amin.

Hay sayang. Hihintayin ko nanaman gumuho ang pader na iyon.