Showing posts with label past. Show all posts
Showing posts with label past. Show all posts

Thursday, November 11, 2010

Childhood Crushes

Actually, bata pa naman ako, 16 pa lang ako at next year pa ako magbibirthday pero ang tinutukoy ko sa title ng post na ito ay ang mga naging crush ko noong ako ay nasa elementary pa lang.

Grade 1 pa lang ako nung una ako nagkaroon ng tinatawag na crushes na yan. Dati, big deal yung mga crush crush na yan as if pag naging crush mo yung isang tao siya na yung magiging partner mo forever. Mga crazy concepts ng kabataan. Tuwing iisipin mo tong mga ganito matatawa ka na lang kasi sa sobrang bata mo pa lang eh kung anu-ano na ang naiisip mo. XD

Ok, eto yung mga ilan sa naging crushes ko noon.

1. Si Jerlyn:


Si Jerlyn ay ang una ko atang naging crush nung grade 1 pa lang ako. Nung mga times na yun eh transferee kasi siya at alam mu yun yung amputi talaga niya tapos lahat ng classmates ko crush siya nun so ako sabi ko crush ko na din siya. HAHA. Ngayon, classmates pa rin kami at friends naman kami. Siya ang kasalukuyan naming top 2 at siya ang nagrepresent sa school namin sa interschool pageant at nanalo siya ng first runner-up. Oh diba? beauty and brains!

2. Si Karen:


Si Karen yung tipo ng bata na napakatalino as in in born sa katalinuhan. eh dati pa naman, basta matalino ang isang babae eh sinasabi na crush ko yan crush ko yan. So naging crush ko din ito noon. Can't determine kung kelan basta kasama siya sa listahan.
Update sa kanya, nagaaral siya sa Caloocan Science High School. Di na namen makakasabay grumadweyt sa same stage ngayong high school. Siya pala ang Valedictorian namin noong grade 6.

3. Si Vienna:

Yap, kung nabasa mo yung previous post bago ito, siya nga yung nagbigay ng dedication na yun sa akin pero ngayon it doesn't mean anything. Pinasulat ko lang talaga siya.

I had this very funny exxperience kay vienna nung grade 3 palang kame. Noong mga
times na yun eh natututo na ako magkalikot ng cellphone at medyo alam ni vienna ang number ko at tinatawagan ako. ubos load XD. Tapos pinuntahan ko pa siya sa bahay nila na di kalayuan para ipakita ang cellphone namin na 5110. Fail XD.

4. Si Wrindle: (sa right) sa left yung BFF Janelle ko. (saka na kwento tungkol kay bff)


Crush ko toh dati nung mga late elem days na ako na medyo namumulat na ako sa konsepto ng kagandahan. Alam mo naman, puberty stage. Nagandahan lang ako sa kanya at nabaitan kaya naging crush ko siya dati. Ngayon, isa itong tao na to sa nakakaalam lahat ng updates ng buhay po lalo na sa buhay pag-ibig ko.XD

5. Si Marijoe; (sorry for the pic ha, hindi ako makahanap ng magandang solo shot eh kasi kulay blue lahat :] btw maganda pa rin naman siya kahit stolen)


Tulad ni Wrindle, naging crush ko lang siya dahil na-cutan lang ako sa kanya dati. Ngayon, di kami classmates neto. Magkaiba kami ng sections pero close pa rin naman kami at nagkakatxt :]

6. Si Isabella


Ito ang huli kong naging crush noong elem ako, particularly grade 6. Transferee siya noon at siyempre bagong mukha kaya naattract ako sa kanya. Sa lahat ng naging crushes ko siya lang ang kulot. Haha. Ang cute niya kasi dati. Nung high school na kami lumipat na siya ng school kaya ayun wala na akong masyadong balita sa kanya.

*May isa akong di nilagay dito. XD Wag na nating alalahanin yun XD.

Buti pa pag bata ka eh nuh madali lang magcrush crush. Ngayon pag high school ka na konting anu lang eh issue na agad.

HAHA

Wala lang. natripan ko lang ipost to. Nakakatuwa kasi isipin yung mga ganitong bagay. Soon na yung high school. HAHAHA

O siya, tama na kwento tungkol sa mga crushes ko dati XD

Sunday, December 6, 2009

Mga alaala ng nakaraan.

Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kanya, pero ewan ko kung bakit.

Araw-araw ganito ang nangyayari. Hanggang sa nahulog na paunti-unti ang loob ko sa kanya. Nagsumikap akong kausapin siya, at maging kaibigan niya. Naging matagumpay naman ako.

Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang kamay niya. Ang malililiit at maiinit na kamay na bago sa lang sa aking pakiramdam. Napakasaya ng pakiramdam. Hawak ko ang kamay ng babaeng gusto ko. Wala pa noong malisya sa kanya. Parang nagbibiruan lang kami.

Masaya ring makatabi siya sa misa. Lalo na kapag ama namin na. Mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Hay... ang bagal ng oras. Ayaw ko matapos ang kanta. Kahit sampung beses pa akong kumanta huwag lang magkabitaw ang mga kamay namin. Pero hindi maaari.

Itinago ko sa sarili ang nararamdamang paghanga. Hanggang sa dumating ang oras na nalaman niya ito. Nailang na siya. Nawasak ang pagkakaibigan. Napupuno ng malis
ya ang bawat galaw na ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ang lumayo.

Hindi ko na narereceive ang mga text niya, pati mga GM niya. Wala na. Sira na ang pagkakaibigan.

Minsan dumating rin ang balitang sobrang napakasakit. Ang malamang mayroon na siyang bf. Ang saklap ng pakiramdam. Isang malamig na pasko. Bumaha ng luha sa aking mundo.

Sa bawat araw na nagdaraan, lalo akong nasasaktan. Lalung lalo na
nung mag isang buwan sila. Ang hirap ng pakiramdam. Isang buwan na pala akong wasak. Pero muli kaming naging magkaibigan. Naging close at nagbalik ang pagkukulitan.

Nagbibigay saya na ulit sa akin ang mga text niya. Nagbibigay lakas ang mga ngiti niya. Nagbibigay ng dahilan upang mabuhay pa. Pero lahat ng kasiyahang ito ay nauwi rin sa pagluha.

Buhay nga naman. Parang rollercoaster. Nasadlak nanaman ako sa kalungkutan.

Nagbakasyon na, di ko man siya nakikita, araw-gabi naman siyang nasa isip ko. Inaalala ang mga bagay na ayaw kong matapos. Ang mainit niyang kamay. Ang maliit niyang boses. Ang cute niyang ngiti. Nakakamiss.

Panibagong taon na. Third year na ako. Nagpakatatag ako. Pumasok ako sa silid ng taas noo. Wari'y di ko siya nakikita. Magkaklase nga kame pero parang di naman kami nagkakakitaan. Ayoko ng maulit ang mga sakit na nararamdaman hanggang sa maglaro ang tadhana.


Naging magkatabi kami sa upuan. Ayaw man ng isip ko, tuwang-tuwa naman ang puso ko. Bumigay nanaman ako. Napamahal nanaman ako sa kanya. Di ko kinaya ang magpigil ng damdamin. Naging close kami muli. Ang saya.

Dumating naman ang panibagong balita ng break up nila. Nalulungkot ako pag nakikita ko siyang nalulungkot at umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang titigan siya, at kapag magisa na ay patutuluin ang luha at maglalabas ng sama ng loob sa aking bolpen at doodle notebook.

Pero di maipaliwanag ang naramdaman ko ng malamang nagkabal
ikan sila. Masaya ba ako o hindi? Babatiin ko ba sila? magiging masaya na sila ulit. At ako babalik nanaman sa normal kong buhay.

Pasulyap-sulyap, nagiisip at binabaon sa puso ang masayang alaala kasama niya.

Ngayon, kung ano man ang mangyayari, hindi ko alam. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman. Pero mukhang hindi pa matatapos itong sakit.

Isang taon mahigit na, at isa nanamang MALAMIG na pasko.

Monday, November 16, 2009

Flashback

Minsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong gusto niya. Naging masaya siya sa pag-aakalang maganda ang takbo ng kanyang love life. Kala niya ganun nalang din kadali ang bagy-bagay pagdating sa buhay pag-ibig. Sabihin na nating tanga siya.

Dahil bago palang sa ganitong aspeto ng buhay, hindi siya marunong manligaw, ni nahihiyang tumingin sa taong nagugustuhan. Ang alam lang niya ay umasa, na sa mga susunod na araw ay sila na ng babaeng gusto niya.

Dumating ang araw, nakatanggap siya ng impormasyon na ang babaeng iyon ay may boyfriend na. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sakit na nadarama sa nalamang masamang balita. Nalungkot, Umiyak, Sobrang nasaktan. Sa unang pagkakataong nakadama ng pag-ibig, nadama rin kung gaano ito kasakit.

Mapagpanggap ang lalaking iyon. Hindi niya ipinapakita ang nararamdaman sa mga kaibigan. Kinimkim ang sakit, at ikinubli ang luha sa ilalim ng maskarang bumabalot sa buo niyang pagkatao. Sinubukan niyang mamuhay ng normal, pero kahit anong gawin niya sobrang sakit.

Umaasa pa rin siya na sa darating na panahon ay maibabalik ang pagkakaibigang nasira ng pagmamahal--- at dumating nga iyon. Nanumbalik ang dating relasyon. nanumbalik ang sigla at nanumbalik ang pag-asa na bukas, sila na. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, naulit ang bawat pangyayari.

Nasira ang pagkakaibigan at muling tumulo ang luha.

Si lalaki ay pilit nag move on. Kinalimutan ang masakit na karanasan at makalipas ang halos 8 buwan, heto nanaman, nanunumbalik ang dating nararamdaman na akala niyang wala na nga.

HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO LALAMPASAN MULI ANG SAKITNA NADARAMA SA TUWING NAAALALA KO NA MALAPIT NA ANG ISANG TAON NGUNA AKONG MASAKTAN.....

ang masakit na ala-ala, ayoko nang balikan..