Showing posts with label 2011. Show all posts
Showing posts with label 2011. Show all posts

Sunday, December 25, 2011

Pasko

Pasko (Pangngalan)-- Panahon kung saan ang mga pantalon ay nagsisikipan at ang salitang diet ay taboo.

HAHA

Pasko na naman. Panahon na naman ng sandamakmak na party na katatampukan ng sandamakmak na pagkain. Pilitin mo mang pumikit para hindi iyon makita, maaamoy at maaamoy mo pa rin ito at ito ang magiging dahilan ng iyong pagmulat muli. Bwahahaha. 

Ang pasko rin ay sinasabi nila na para sa mga bata which is I agree. Sobrang nami-miss ko lang yung kabataan ko, I mean here nung sobra pa akong bata ha, (mag 18 pa lang naman ako), madami akong natatanggap na mga regalo. Iba't ibang klase ang mga iyon. Mula sa damit, laruan at siyempre ang pinakagusto ng mga magulang--cash. Alam niyo yan! Ang cash na regalo sa bata ay napupunta sa magulang. Tama? haha. Ngayong pasko na ito, wala na akong masyadong natatanggap na regalo. Mayroon man, simple lang ito at kaunti. Hindi kagaya noon na ang dami talaga.

Salamat naman at malaki na ako. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam ko na kung bakit madaming handa tuwing Pasko--ipinagdiiwang kasi natin ang kaarawan ng ating hari na walang iba kung hindi si Hesukristo. Alam ko na rin kung bakit ang mga bata ang lubhang masaya sa Pasko--dahil gaya ng pagbibigay ng tatlong hari ng regalo sa sanggol na ipinanganak sa Bethlehem, binibigyan natin ng mga regalo ang mga bata. 

Simple lang ang naging pasko ko at ng aking pamilya. Ngayon na lang kami nakumpleto ulit sa araw ng Pasko. Hindi kasi kami nakauwi nila mommy sa probinsiya kasi may pasok na agad sila kinabukasan. Hassle naman daw. Kaunti lang ang aming handa. Tamang tama lang iyon upang pagsaluhan namin sa aming hapag. Wala rin kaming mga bagong damit na suot suot. Tama na sa amin ang aming mga lumang damit. Sinalubong namin ang Pasko na magkakasama at nagdarasal. Sobrang isang napakagandang regalo sa akin yung makapaglead ako ng dasal para sa pamilya ko. Sobrang masarap na regalo na rin yung yakap ng mga magulang at kapatid mo. Walang materyal na bagay ang tutumbas pa sa regalong natanggap ko ngayong pasko. 

Tunay na ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagsasaya. Marapat lang naman kasi na ipagdiwang natin ang kapanganakan ng Kristo na nagligtas sa atin. Sa kabila ng malalakas na tugtugan, bumabahang inuman at nakabubusog na kainan, huwag natin kalimutan na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagpapasalamat sa regalo ng panginoon sa atin--si Hesus. 

Bukod doon, alalahanin din natin ang mga kapatid natin na mas nangangailangan ng ating mga tulong.

Mula dito sa sulatkamayko, ako at ang aking pamilya ay bumabati sa inyo ng isang mapagpalang Pasko! 

Monday, December 19, 2011

Bangon CDO

Alam ko, madami na ang mga blog posts tungkol sa sinapit ng Mindanao sa kadaraang bagyong Sendong, pero heto pa rin ako upang makiisa sa pagtulong, hindi man sa pamamaraan ng pagvovolunteer, kung hindi sa isang panawagan.

Alam naman natin ang sinapit ng ating mga kababayan sa Mindanao lalung-lalo na yaong mga taga CDO at Iligan. Hindi ko lubos maisip na ang lugar na iyon, kung saan ang mga mata ko mismo ang nakasaksi ng ganda, ganun na rin sa mga mababait na tao doon ay nahaharap ngayon sa isang crisis. Tunay nga na hindi natin alam kung ano ang kinakaharap nating lahat. Heto na nga at dumating ang isang sakuna na puminsala sa daan daang mga pamilya. Isang sakuna na kumitil sa mga pangarap. Isang sakuna na pumawi sa mga ngiti ng mga tao lalo na yaong mga naapektuhan.

Ang pangyayaring ito ay gumising na naman sa kamalayan ng sangkapilipinuhan. Panibagong dagok na naman ito na sumusubok sa ating pagkakaisa. Hayaan ninyo na magbahagi ako ng ilang pictures dito. Itong mga pictures na ito ang pumukaw sa aking puso. (ang mga pictures ay hindi sa akin. credits sa mga may ari nito):







Nakalulungkot lang talaga na ngayong magpapasko pa nangyari ang trahedya na ito. Wala naman tayong magagawa dahil natural na kalamidad iyon. Ang tangi na lang nating magagawa ay ang magkaisa bilang isang bansa. sinu-sino pa nga ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo din, hindi ba? Ngunit ang tanong ay papaano? Narito ang ilan sa mga pwede nating maitulong:


GMA KAPUSO FOUNDATION:


Material donations may be delivered to the GMA Kapuso Foundation office Mondays to Fridays from 9:00 a.m. to 6:00 p.m. Aside from old clothes, food items and medicines, we also accept hygiene products, mats, blankets, medical equipments, toys as well as other things that are helpful to our beneficiaries.


For monetary donations, the Foundation accepts cash or checks. Our finance officer can personally accept these in our office, from Mondays to Fridays, 9:00 a.m. to 6:00 p.m. or you may course your donations through the following:

•METROPOLITAN BANK & TRUST COMPANY (METROBANK)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:3-098-51034-7
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:2-098-00244-2
Code:MBTC PH MM

•UNITED COCONUT PLANTERS BANK (UCPB)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:115-184777-2
:160-111277-7
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:01-115-301177-9
:01-160-300427-6
Code:UCPB PH MM

•CEBUANA LHUILLIER (all branches nationwide)

•NO SERVICE FEE CHARGED!


Donation are also accepted in the following banks:

BANCO DE ORO (BDO)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0022189
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0072135
Code: BNORPHMM

PHILIPPINE NATIONAL BANK (PNB)
Peso Savings
Account Name :GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Numbe:121-003200017
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:121-003200025
Code:PNB MPH MM


Pwede din yung sa globe, kung globe user ka (this is for RED CROSS HUMANITARIAN EFFORTS)
text RED send sa 2899
minimun po ito ng 5php. This was according sa isa kong nabasa. 

Above all, maganda kung lahat tayo, bilang isang bansa, ay magdadasal para sa mga biktima ng mga kalamidad na ito.


Bukas, alam ko, pagtila ng ulan, lahat tayo ay babangon. Kapit-bisig nating haharapin ang bagong umaga. Tulong-tulong tayo bilang isang Pilipinas. Bangon CDO. Bangon Pilipinas!

Thursday, December 15, 2011

Hala sige takbo!

(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.)

Ayun nga. Ngayong araw ang huling araw ng klase ngayong taon (I suppose). Karamihan kasi sa mga teachers namin ay hindi na nagkaklase kasi dama na namin ang Christmas season. Iba na rin talaga ang simoy ng hangin dito. Ang kakaibang laming nito ay humihila as akin pabalik as kama as tuwing pipilitin kong gumising ng maaga. At ngayon nga, mabibigyan ko na ng hustisya ang pagod kong katawan. Ang sarap Siguro matulog ng matulog.

At dahil nga huling araw ng taon, may pahabol din na pasabog ang isang kilalang frat dito as UPLB. Alam ko nahulaan niyo na---OBLATION RUN. Naging tradition na ito ng unibersidad kahit noon pang hindi pa ako estudyante dito. Silang mga nagsisitakbong nakahubad, bitbit ang mga placards at Rosas, matapang na ipinahahayag ang kanilang saloobin sa isang isyu kahit na hindi nila batid kung nakukuha ba ng mga tao ang nais ipahayag oh ang natatandaan lamang nila ay ang kanilang mga katawan na nakalantad sa madla.

Ito ay isang katotohanan. Siguro nga, noong mga bago pa lang ay epektibo talaga ang ganitong paraan ng pagproprotesta.Ipinakikita kasi nito ang transparency ng tumatakbo. Ipinakikita nito ang malinis na hangarin ng tumatakbo na bilang isang sinserong nagproprotesta ay handang ipakita ang lahat. Hindi ko lamang alam sa panahon ngayon. Totoo na may impact ang ginagawa nila pero yung impact ba na yun ang naiiwan sa mga isipan ng mga Tao? Nakasisiguro akong mas pag-uusapan pa ng mga tao ang kanilang mga pinakatatago kaysa sa isyu na kanilang ipinahahayag. Yaon ang katotohanan.

Ang pagtakbong hubad ay isa lamang pamamaraan ng pagproprotesta. Maraming pang ibang pamamaraan. Sa lahat ng ito, isa lang naman ang nais ipabatid ng mga nagproprotesta---ang maipahayag ang kanilang saloobin sa karapatan na pilit Ipinagkakait sa kanila.

Kaya naman, bilang isang mag-aaral ng pambublikong unibersidad, Paaral ng gobyerno at ng sangkapilipinuhan, naniniwala Ako na may karapatan ako. Dahil doon, may kakayahan akong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama. Gayun din, sumusuporta Ako sa pagkikipaglaban sa mga isyu na bumabagabag sa aming mga mag-aaral Hindi man ito sa pamamagitan ng pakikitakbo sa oblation. Susuporta Ako sa pamamagitan ng pagpapahayag ng asking sarili sa ganitong uri ng peryodiko.

Higit sa mga Rosas at hubad na katawan ang mensaheng gustong iparating nga oblation run. Umaasa Ako na Ito ang tatatak sa isipan ng mga manonood nito Mamaya.

Hala, sige takbo.

Tuesday, December 13, 2011

Buhay pa ako

Akalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may utak ito at naisipang tumipa ng tumipa sa keyboard. Ang tagal ko ding nawala. Who would have thought? kakaunti lang naman ang mga readers nito at sigurado naman ako na di niyo napansin na nawala ako. (self pity?) haha. De joke lang.

Sa totoo lang, na miss ko magsulat dito sa pahinang ito. Marami akong naitagong drafts na hindi ko na pinost dahil feeling ko inappropriate kaya hayaan na lang natin ang mga iyon. Ang mahalaga, heto ako ngayon at tumitipa upang may pag-aksayahan naman ako ng oras at ng sa gayon ay maaksaya din ang oras niyo. bwahahaha

So yeah, okay naman ako dito sa UPLB. Parang noong isang taon lang eh nangangamba ako kung saan nga ba ako mag-aaral ng kolehiyo pero ngayon isa na akong iskolar ng bayan. Patuloy pa rin naman akong nangangarap katulad ng dati. Patuloy ko pa rin pinag-iigihan sa aking pag-aaral dahil ito na talaga yung realidad. Dito ay hinuhulma ko na ang aking bukas. 

Mahirap sa umpisa dahil una sa lahat malayo ka sa pamilya mo. Pero actually sa umpisa lang yun. Mga 3 days. joke sige mga 5 days naman. Sanay na din kasi ako na kung saan saan napupunta at medyo sanay din naman ako makipagsoscialize kaya ayun madali naman akong nakacope dito. Sa katunayan nga, sobrang masaya na ako ngayon dito kasi ang dami ko ng mga kaibigan. Hindi ko na iniisip kung lilipat pa ba ako sa UP Diliman kasi mas malapit sa amin. Parang dito na ako nakaugat eh. Parang taga laguna na talaga ako. haha

Sa loob ng isa at two fifths na semester, feeling ko madami na akong natutunan lalo na sa kulturang UP. Ibang iba ito sa school na kinagisnan kong pasukan. Una, public school ito. Pangalawa, ang laki ng grounds at ang daming students. Pangatlo, open-minded ang mga tao at ang mga sensitibong usapan sa mga private school ay hindi taboo dito. Pang-apat, freedom kung freedom dito. Walang pakialamanan kung ano man ang trip mo sa buhay. Pang-anim ay may pang pito pang rason. basta, sobrang madami. feeling ko nagiging tunay na tao ako dito sa UP. Kahit sinasabi pa nila na ang mga estudyante ng UP ngayon ay MATATAPANG na lang. 

Gaya nga ng sinasabi sa header ng blog na ito, patuloy na iikot ang mundo. Marami pa akong maeexperience at sigurado akong iyon ay ang bubuo sa future na ako. Masyado pang maikli ang nailagi ko sa unibersidad upang sukatin kung ano na nga ba ang narating ko. sa ngayon, binalitaan ko lang kayo sa kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. 

Invalid na yung reason ko na wala akong gamit pang-blog kasi may laptop na pero humihingi ulit ako ng pasensiya kung hindi ko ito maisisingit sa schedule kong malupit. Haha.

Yun lang, maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa pagbabasa. :) hanggang sa muli!

Thursday, June 9, 2011

Unang Tikim

Nasundan nga ang huli kong post at ngayon nasa isang computer shop ako sa loob ng campus ng UP Los Baños. Apat na araw na din ako dito. Sa loob ng apat na araw na yon ay marami akong mga bagong karanasan. Iba't ibang unang tikim sa buhay kolehiyo.

Hinatid na ako ng parents ko dito last monday at nagstay ako sa New Forestry Residence Hall sa may upper campus ng UPLB. Di naman kaiba sa akin ang mga araw na walang kasamang magulang kaya ayos naman sa akin na magdorm, lalo pa't komportable ang lugar. Nakakapanibago kasi wala na ngang gumigising sa akin sa umaga, nagluluto ng pagkain ko at nagpapayo sa akin, pero sa loob ng apat na araw na pamamalagi ko sa kabundukan ng makiling eh masasabing nakakapagadjust na din ako.

Maayos naman ang naging pakikisama ko sa aking mga roommates. Sa bawat kwarto eh apat ang tao pero sa kaso namin, hindi pa rin lumilipat ng UPLB ang isa. Sana eh ganun na nga lang para maluwag kami sa kwarto.

Official na nagstart akong pumasok noong Tuesday. Campus tour lang naman iyon na nakakapagod. Pero bago ako mapagod, sobrang nakakabobo as in. LATE ako sa campus tour, meaning to say hindi ko nahanap sa pila ng mga estudyante yung block ko kasi nakaalis na daw sila. Medyo pinawisan na ako noon pero good thing may tumulong naman sa amin. nakapagtour rin kami ng maayos at ayon nalaman ko kung saan ako papasok na building.

Wednesday, walang masyadong klase. Puro opening convocation lang, University wide at sa college namin. Bago pala yun ay nagkaroon din ng librang almusal para sa aming freshmen. Medyo hindi masyadong madami ang nakain ko kasi nga hindi ko na mahawakan yung ibang binibigay na pagkain pero ayos lang kasi nga nabusog naman ako. Nakapagbond ako with my new friends sa UPLB. Isang ka course ko-- BSEE; at isang BSIE. Ang twist nga lang eh maghapon umulan, so maghapong babad ang paa ko sa tubig. nakatsinbelas lang kasi ang Renz. Ayos lang, new experience. At isa pa, nakailang brownout din ang naexperience namin.

Ngayon, dalawa lang ang subject ko. Isa sa umaga at isa sa hapon at pareho na silang tapos. Medyo nakakapanibago kasi large class kami pero siguro nasasaakin din naman yun kung magpapadistract ako or hindi. Ngayon din, balak ko na lumakad sa sakayan pa forestry kung nasaan ang dorm ko. Medyo madalang ang jeep na umaakyat doon sa upper campus eh kaya magaabang na ako.

Di ko alam kung masusundan pa ito ulit pero sana.

Salamat sa patuloy na suporta at hinihiling ko ang panalangin ninyo na sana makaya ko itong lahat. :)

Wednesday, April 20, 2011

seventeen

What's significant with the number 17?
Wala lang.
It's just a number for most of us. Siguro madami sa inyo ang nagtataka kung bakit puro about seventeen, or I guess madami na din ang nakahula kung bakit.

Yes you got it right. I just turned 17 last April 16, 2011. Graduate na daw ako sa pagiging sweet at isang taon na lang sa pagiging legal na mamamayang Pilipino. Tumatanda na raw ako. Ayos lang. It's still part of being a human.

How did I celebrated my day?
Sobrang special at unforgettable ng birthday ko na ito. Unang una, ito ang birthday ko na hindi lang ako nakatambay sa bahay dahil nalulumbay sa isang bakasyong matamlay. I was out in the streets of Cagayan de Oro, lakad ng lakad with my newly met friends. Umattend kasi ako ng 18th International Leaders Conference ng Youth for Christ in Cagayan de Oro.

Inabot na ako ng birthday ko sa lansangan ng CDO kasi 15th ng gabi ay nag night market kame at kumaen sa divisoria ng CDO. Pagkagising ko, hindi alam ng mga kasama kong brothers sa accomodation na birtdhay ko pala. Nalaman lang nila pagdating sa main vanue nung binati na ako ng ilang sisters na kasama namin from bulacan.

What happened on that day?
Naset-up ako sa SM CDO. Akala ko may i-memeet kami ng 2 kasama kong bro. Ayun pala isusurprise nila ako. Binigyan nila ako ng party hat, balloon, cotton candy and some foods at kinantahan nila ako sa gitna ng SM. Fantastic. Kahit na parang pambata ay natuwa pa rin ako. Very unusual kasi sa akin ang sorpresahin sa birthday ko since lagi namang bakasyon ang birthday ko.

After which, nagpunta kami sa isa pang mall sa di kalayuan. Sa may Limketkai mall kumaen kami ng masarap na ice cream and pastry sa Missy Bon Bon. Kinagabihan nagsimula na ang enlightening sessions and worships.

Sobrang sarap magbirthday together with 6,000+ brothers and sisters from my YFC community. Ang sarap mag worship. Ang sarap ng feeling. Though wala akong internet source doon para mabasa ang sangkatutak na birthday greetings sa FB, ayos lang. Kasi mas masarap yung mag worship. yang facebook makakapaghintay yan.

By the way, super natuwa ako sa mga nagbigay na rin ng picture greetings kahit na namilit lang ako. Pinasaya niyo ako.

(from avery. F super salamat. Ang ganda!)

(from andre. Salamat nak. Ikaw pinakauna. Salamat sa tyaga magedit)

(from taba Lanz. Tabs, tal;agang first time mo ba mag flame photography? salamat na appreciate ko to.)

Kahit na tatlo lang kayo, it doesn't matter. lahat kayo mahal ko pa rin.

Birthday wish?
Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng matiwasay with good health, walang paparazzi, may mabuting sources ng mga pangangailangan ko, may mga kaibigan na makakasama and most especially isang matatag na pamilya. Material things? okay lang kung meron pero it's not my priority.

Oh siya, salamat ng madami sa mga nakaalala. Salamat kay God sa pagbibigay sa akin ng isa pang taon par maexperience ang tinatawag na buhay. A truly remarkable birthday it was and I hope to have more fantastic birthdays to follow.

Wednesday, March 16, 2011

I'll always remember YOU

I always knew this day would come...
Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam nating lahat na dadating tayo sa ganito. Pero ang hirap din pag nasa ganito ka nang sitwasyon. Ayaw mong iwan ang ilan sa pinakamahal mong tao sa buhay mo.

We'd been standing one by one
Sa tinagal tagal ng panahon nating magkakasama, natuto na din tayong tumayo sa mga sarili natin. Dati takot na takot tayo sa mundo. Ngayon proud na proud na tayong nakatindig at sinasabing, sige i-try mo ako. Isa isa na tayong ready--ready para tumapak palabas ng institusyong kinalakhan nating lahat.

With the future in our hands. So many dreams, so many plans.
Noong June, kaunti pa lang yung naghahanda para sa kolehiyo. Madaming may aftershock pa ng 3rd year life. Maraming ayaw pa magpatuloy, pero wala tayong nagawa kundi maging 4th years. sa pagdaan ng mga panahon, napuno tayo. Naging mga responsableng estudyante. Nanindigan. Nagdesisyon. Unti-unting nangarap. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na nangangarap. Namulat tayo sa kasabihang "libre lang ang mangarap". Bawat isa gusto maging successful. paano tayo magsusucceed kung ayaw nating bumitiw sa institusyon natin ngayon?

I always knew after all these years. There'll be laughter, there'll be tears...
Sobrang naging makabuluhan ang taon na ginugol ko sa high school dahil kasama ko kayo. Hindi ko makakalimutan yung mga pagkakataon na mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa. Yung sobrang ang ingay sa science laboratoty nung second year tayo dahil sa mga palaka. Yung tawa tayo ng tawa kay JP na nadulas sa hagdanan. Yung MEYHI chocolate. Yung pagpiyok ni sir Garces. Yung "patingin please" phrase nung retreat. Ang dami kong tinawa kasama ninyo. Hindi ko rin makakalimutan yung mga tampuhan, mga konting awayan at di pagkakaunawaan. Yun kasi yung mga nagpatibay sa samahan natin bilang isang klase diba?

I never thought that I'll walk away, with so much joy but so much pain and IT'S SO HARD TO SAY GOOBYE.

But yesterday's gone, we gotta keep moving on. I'm so thankful for the moments, so glad I gotta know ya. The times that we had, I'll keep like a photograph, and hold you in my heart forever. I'll always remember you.

All is set ika nga. May grad song na tayo. May sosootin na tayo sa graduation. Naannounce na din ang honor students. Pati mga awards na iba ay meron na din. Nagpractice na din tayo for graduation. May papasukan na tayo for college. May plano na tayo for next year kahit konti lang. Araw na lang ang binibilang.

Kaya bago matapos ang lahat, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sa 64 na kaibigan, kaklase, kapuso, kapamilya, kapatid, kabarkada at kabuddy, naging sobrang saya ko. Di ba obvious? Alam ko alam niyo na sobrang masaya ako. kanina, last flag ceremony na natin yun sa sols, pinilit ko kayong batiin lahat ng good morning. Pinilit kong maging busy kakalibot sa school para manlang malibot ko yun bago mag graduation. Pinilit kong ngumiti buong araw para man lang kahit huli nakasmile pa rin ako sa school. Bukas, walang pasok. Sa biyernes, the end na?

Di bale, alam ko naman na magkikita-kita pa rin tayo. Pero tandaan niyo, lab ko kayo sagad!
Oh siya, sentimental na masyado to. HEHE
Pakinggan niyo na lang grad song natin:


12 years din pala ako naging Selettinian. Ang tagal noon. Halos buong buhay ko sa kasalukuyan umikot na sa sols.

Natatandaan ko pa, noong kinder 1 ako, panghapon ako pumapasok. Hinahatid ako noong dati naming kasambahay. Tapos na homesick ako. Umiyak ako at tumakbo palabas ng campus. Umuulan noon. Wapake ako kung mabasa man ako. Namiss ko kasi yung bahay namin.

Kinder 2 ako, bago teacher namin. Hinanap ko yung dati naming teacher sa bagong etacher namin. Nagaagawan kami sa placemeat na kulay blue tuwing recess. Nakaindian seat kami sa floor during some discussions. Nagsayaw pa ako nung graduation.

Grade 1, dumami ang kaklase. Naalala ko pa nga noong first time ko na meet si Camille, isa sa mga trustworthy friends ko ngayon. Ang sungit pa nga niya nun. Naaalala ko din nung nagkaroon ng leak sa room namin. Tumulo yung tubig from the 2nd floor. Early recess tuloy kami. Naalala ko pa noon pag tinatamad ako sa discussion, gumagapang ako sa lapag, pumupunta ako sa shelves, inaayos ko yung mga libro. naaalala ko din yung mga pagkakataon na sumisigaw yung teacher namin dahil may daga sa drawer niya. Naaalala ko din yung pinalo kami ng teacher namin sa kamay doon sa harap ng klase dahil late kami after break.

Grade 2, First day noong, nag-ayos kami ng kurtina dahil inutusan kami ng teacher namin. Nakilala ko noong yung mommy kuno ko ngayon. Nakilala ko di si top 1 ngaun noon. Sakto lang, only few memories retain. Medyo tinamad kasi ako mag-aral nun.

Grade 3, naexcite ako mag first communion. Pinagpraktisan pa nga namin nung yung haw haw flakes. Parang host kasi yun. Same ang adviser namin noong grade 2. Nagleave si Ma'am kasi manganganak siya. Pinaglihi daw sa kakyutan namin ang anak niya.

Grade 4, kumakanta kami ng iba't ibang songs pero ang lyrics mga rehiyon sa Pilipinas, lugar noon at mga kapital ng bawa't lugar. Para daw matandaan namin agad. Excited din ako noon kasi naka panta na kami noon papasok.

Grade 5, naging sobrang maingay ang science class. Pano ba naman kasi reproductive system ang pinag-aaralan. Alam mo naman ang mga kabataan diba. Nag-usbungan na din ang crush crush na yan.

Grade 6, naging adviser namin yung isa sa idol kong teacher sa pagsasayaw. Ang dami niyang pinapagawa sa amin tulad ng iba't ibang sayaw na practicum at pati pagkanta. Naaalala ko din, intrams noon, nagalit siya sa amin, binasag niya yung mug na may halaman sa desk niya tapos sabe niya hindi daw kami makakapaglaro. Kami naman nagalsahan, sabe namin uuwi na kame, pero in the end, nakagraduate naman kami ng matiwasay.

1st year na, bagong uniform na. Dati blue ngayon black na. Dati tuck-in ngayon TAK OUT na. Madaming nawala sa batch namin noong elem pero mas madami ang pumalit. Eto yung taon na sobrang bumuo ng pangalan yung batch namin. Lahat kasi ng contests pinapanalo namin. Tuloy ang init ng tingin ng ibang year sa amin. pati tuloy adviser namin nakikipagtalo na sa ibang teachers for us. 1st time ko din makapagswimming with classmates ng panahong ito.

2nd year, nagbago ng sections mildy. Naging classmate ko ulit si TABA (Lanz). Dumating sa school si BFF. Bumubuo pa rin ng pangalan section namin. Nagdissect kami ng palaka na hinuli pa namin sa school. Sinorpresa din namin yung adviser namin na si sir Erwin. 21st birtdhay niya kasi yun. Ayun napaluha naman namin siya.

3rd year, medyo ang sarap ng buhay. Ang tibay na ng samahan. Dagdagan pa ng adviser na super lovable. Isama ang competitiveness= tres de san juan. Halos lahat ng pagkakataon na naging 3rd year ako memorable, though di ko kayang i-specify, mananatili yun na lessons for I'd learned a lot from this school year.

and lastly, 4th year. The best year of high school. Hanep sa projects, hanep sa extracurricular activities hanep sa lahat. Lahat ng mga nangyare masaya at todo-todo kasi nga ang iniisip namin huli na ang lahat.

Lahat ng ito ang bumuo sa pagkatao ko. Lahat ng ito ay pagpapaalala kung sino ako. Kahapon lang lahat ng ito. Ngayon ala-ala na lang. Ala-ala ng isang masayang kabataan. Ala-ala ng isang SALETTINIAN. Ala-ala ko, kasama kayo.

tama na nga. Wag na malumbay. :]

Bago pala ako matapos, CONGRATULATIONS SA ATIN SILVER GRADUATES OF SOLS!


Sunday, January 2, 2011

Unang Hirit sa Bagong Dekada

Sa pagtatapos ng 2010 at pagsisimula ng 2011, may nabasa akong nagsasabing "bagong dekada na!". Totoo nga. Bagong dekada na. Panibagong 10 taon para makita kung uunlad pa ba tayo o babagsak o kaya naman ay ganito pa rin.

Actually, wala naman yan sa dekada. Nasa tao pa rin yan. Hayaan na nga natin yang usapin na yan. Nalayo na ako sa gusto kong sabihin. hirap talaga gumawa ng intro HAHA

Naging masaya naman ang pagsalubong namin sa bagong dekada. Sampu pa rin ang mga daliri ko sa kamay, gayun din sa paa. Walang sugat na maaaring likha ng paputok. Swabeng swabe at cute pa rin. (Wag na angal XD)

Ngayong New year, ni isang paputok o kahit anong pailaw ay hindi kami bumili. Malalaki na kami. Di na namin gusto ang bumili ng lusis na nakaugalian. sa pagkain na lang namin inilaan ang perang susunugin sana upang magbigay ng panandaliang ligaya.

Pagsalubong sa New Year

Ewan ko kung sadyang atrasado yung relo ko noong New Year dahil wala pang alas dose eh kabi-kabila na ang paputok. Mga 10 minuto pa sa orasan ko ay naggagandahan na ang pailaw sa himpapawid. Tapos nung alas dose na, aba wala na masyado. Kaya ayun nadismaya ako dahil wala pang 15 minuto ay tapos na ang putukan dito sa amin. Tag-tipid na ang mga tao.

Hindi malilimutan ngayong New Year?

Ang hindi ko malilimutan na nangyari sa aming pamilya ngayong new year ay noong nagGROUP hug kame. Ako, si Papa, si Mommy at si Ate. Kumpleto kami at masayang magkakayakap sa ilalim ng magagandang pailaw. Oh, diba touching. Hehe. good way to start the new decade. Sana kagaya ng handa naming malagkit eh mag stick together kamibng pamilya ng super close. Yun na lang ang ipagmamalaki namin kasi. Bukod sa dunong eh ang kumpleto at masayang pamilya ang panlaban namin sa mga kapitbahay naming bigtime sa datong.

Sana ay maging masagana ang 2011 para sa ating lahat.

PS Upcat results ko bukas.
Kinakabahan ako.
Sana pumasa ako. Please Lord, Best New year Gift Ever yun!
:]