
509 na libong tao ang nasa grand stand, at milyon milyong mga tao ang nanonood mula sa kanilang mga telebisyon. Tunay ngang ang tao na ito ay minamahal ng sambayanang Pilipino.
Kung tutuusin, ngayon lang ako makakasaksi ng transisyon ng mga pangulo dahil wala pa ako sa wastong pagiisip nung nanumpa si dating pangulong Estrada gayun na din ang unang beses na nanumpa si dating pangulong Arroyo, so eto yung pinakafirst time ko na makasaksi sa historic event na ito.
Saktong alas dose ng tanghali nanumpa si Pangulong Aquino. May kung anung ngiti sa aking mga labi habang magisa akong nanonood ng tv dahil wala akong kasama ngayon dito sa bahay. Nakinig din ako ng talumpati niya matapos ang panunumpa. Eto ang ilan sa mga nakapukaw sa aking isipan. "Hindi pwede ang pwede na." "Kung walang corrupt, walang mahirap." "Kayo ang aking Boss."
Natuwa ako sa talumpati ni P-NOY. Nabuhay ang dugo kong Pilipino sa tuwing finaflash ang libo-libong taong naroon sa grand stand; mga mayayaman, mahihirap, sundalo, boyscouts, volunteers, at marami pang iba.
Habang pinapanood ko ang paglabas ni Aquino sa Grandstand sakay ang Pesidential Car 1 ay medyo napaluha ako. Promise naluha ako pero slight lang. May nakakuha kasi ng loob ko mula sa telebisyon. Isang taong tumatakbo at hinahabol ang sasakyan ng pangulo at noong naabutan niya ay gumawa ito ng LABAN Sign. Nakakatouch kaya yung mga ganung scenario. Kitang kita mo sa mga tao ang lubos na katuwaan dahil sa wakas may bagong pangulo na ang Pilipinas.
Alam ko naman na may magagawa si P-NOY kahit na hindi talaga siya ang boto ko kung sakali noong eleksyon. nananalaytay sa mga ugat niya ang dugo ng demokrasya na minana niya sa kaniyang mga magulang. Pangulong Aquino, umaasa po ako na makakaahon ang Pilipinas mula sa pagkakalugmok sa mga susunod pang mga taon. Nawa ay magampanan ninyo ng mabuti ang inyong katungkulan. Pangulong Aquino, mabuhay ka!
10 comments:
sarap pakinggan ng inaugural speech. sana lang lahat matupad. sana talaga maisa-ayos niya ang bansa.
tamaa!! p-noy for the win~! :)
hoping lang din ako na sana ay matupad ang mgsa sinabi niya. lalo na ang mga trabahong kailangan ng mga pinoy.
Masaya ako dahil ang presidenteng ibinoto ko ang nanumpa kahapon...
onga, agree di ako sayo renz, pinanood din namin sya dito sa bahay. nakaka-overwhelm tapos tumaas talaga ang balahibo ko sa speech nya. sana nga eto na ang simula ng magandang kinabukasan. **cheers**
supotado ko si pressident noynoy ..^_^
goodluck sa kanya...sana maraming magbago sa anim na taon nya sa pwesto.. :P
Natuwa talaga ako sa kanyang inaugural speech! Despite sa mga criticisms against sa kanya he stand still though! Pero I have notice kinda "impossible" mangyari lahat na kanyang cnabi pero I hope he will!
puno ng pag-asa ang kanyang speech. sana ay magampanan niya ng mabuti ang pagiging presidente para maisakatuparan ang kailangan nating mga pinoy! \m/
@klomster Matutupad yan.magtiwala tayo :]
@bhenipot buti pa siya win T___T haha drama ba
@NoBenta.. we should continue hoping at the same time doing our duties too :]
@Mokong..wow solido noynoy ka pala :] ako G1bo nung una ehh
@batanggala..yaah..tama nakakakilabot talaga. good to know nanonood pa rin kayo ng current events from bankowber :]
@kikilabots supportado ko din siya. pareho tayo :]
@goyo,, sana lang wag niyang biguin ang 90 milyong pilipino
@jhiegzh..mahaba ang 6 years, sa tingin ko may hindi man siya magawa sa sinabi niya, mas madami pa siyang magagawa na hindi niya sinabi sa speech niya :]
Post a Comment