Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng may isip na ngayon ang araw ng panunumpa ng nahalal na bagong pangulong Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III sa Quirino Grand Stand. Isa itong history na matatawag dahil matapos ang 9 na taon sa ilalim ng iisang pangulo ay eto na ang bagong pangulong nagnanais mabago ang sambayanang Pilipino. Inabangan ko talaga sa telebisyon ang buong storya ng araw na ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko naabutan ang pagsunod ni Pangulo Aquino sa dating Pangulong Arroyo. Ok lang yun, dahil ang importante eh nakasaksi ako sa panunumpa ni P-NOY.
509 na libong tao ang nasa grand stand, at milyon milyong mga tao ang nanonood mula sa kanilang mga telebisyon. Tunay ngang ang tao na ito ay minamahal ng sambayanang Pilipino.
Kung tutuusin, ngayon lang ako makakasaksi ng transisyon ng mga pangulo dahil wala pa ako sa wastong pagiisip nung nanumpa si dating pangulong Estrada gayun na din ang unang beses na nanumpa si dating pangulong Arroyo, so eto yung pinakafirst time ko na makasaksi sa historic event na ito.
Saktong alas dose ng tanghali nanumpa si Pangulong Aquino. May kung anung ngiti sa aking mga labi habang magisa akong nanonood ng tv dahil wala akong kasama ngayon dito sa bahay. Nakinig din ako ng talumpati niya matapos ang panunumpa. Eto ang ilan sa mga nakapukaw sa aking isipan. "Hindi pwede ang pwede na." "Kung walang corrupt, walang mahirap." "Kayo ang aking Boss."
Natuwa ako sa talumpati ni P-NOY. Nabuhay ang dugo kong Pilipino sa tuwing finaflash ang libo-libong taong naroon sa grand stand; mga mayayaman, mahihirap, sundalo, boyscouts, volunteers, at marami pang iba.
Habang pinapanood ko ang paglabas ni Aquino sa Grandstand sakay ang Pesidential Car 1 ay medyo napaluha ako. Promise naluha ako pero slight lang. May nakakuha kasi ng loob ko mula sa telebisyon. Isang taong tumatakbo at hinahabol ang sasakyan ng pangulo at noong naabutan niya ay gumawa ito ng LABAN Sign. Nakakatouch kaya yung mga ganung scenario. Kitang kita mo sa mga tao ang lubos na katuwaan dahil sa wakas may bagong pangulo na ang Pilipinas.
Alam ko naman na may magagawa si P-NOY kahit na hindi talaga siya ang boto ko kung sakali noong eleksyon. nananalaytay sa mga ugat niya ang dugo ng demokrasya na minana niya sa kaniyang mga magulang. Pangulong Aquino, umaasa po ako na makakaahon ang Pilipinas mula sa pagkakalugmok sa mga susunod pang mga taon. Nawa ay magampanan ninyo ng mabuti ang inyong katungkulan. Pangulong Aquino, mabuhay ka!