Wednesday, January 5, 2011

Pinakahihintay


January 3, 2011 ang nabasa ko noon sa website nila na irerelease daw ang result ng UPCAT. So January 2 palang eh tense na kaming lahat at nagaabang na ng pagpasok ng 3 para makita ang results ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test). Matagal din main tong hinintay. 5 months kaming clueless kung ano na nga ba ang resulta ng entrance exam namin.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang eh ipinost ko ang Kwentong UPCAT ko. Ngayon eh lumabas na ang resulta.

Pero bago ko sabihin ang resulta, nagpapasalamat ako sa mga tumulong sa akin lumakad ng papers ko for UP, at the same time sa review center at sa ibang mga sources. Di niyo naman toh mababasa pero salamat pa rin.

So ayun na nga. Kinabukasan eh nabalitaan na yun sa school ni Miss Fat. (sa mga di siya kilala, siya yung teacher ko sa English na nagbabasa minsan dito at minsan ko ng nagawan ng entry) at tiningnan nila sa internet sa school at ang sabi ay naiba daw yung January 3. Naging 1st week of January daw. Takte naman. Pinaeexcite kami lalo. Pinasasabog ng UP ang kabado naming mga puso.

Kinagabihan ng January 3, piniem ako ng kaklase, 10pm daw ang release ng results. Nagtweet daw yung taga-UP na admin. So at yun nag-abang na kami ng resulta sa website. Takte 10:30 na eh di pa rin lumalabas yung resulta. Sabe daw sa tweet eh baka daw before 12 pa daw or worst scenario eh January 4 pa raw. Di ko na hinintay. Natulog na ako. Nagpray na lang ako.

kinabukasan, paggising ko ng alas sais para maghanda sa pagpasok sa school eh binuksan ko ang PC at titignan ang result. Pag-open ko ng site, walang result akong nakita. First week pa rin ng January yung naandoon. Clinick ko yung mga mirror sites. ABA MERON NA! Kinabog ang dibdib ko sa kaba at excitement.

Hanap hanap ng name range.
ST.....
Su...

At eto ang sumunod kong nakita :

(malabo yung pic. Dito na lang po yung link -> UPCAT 2011 RESULTS)

Ang una kong nasabi ay ang isang "UI PUMASA AKO" with the tone of bagong gising na walang feelings. Sobrang natuwa ako niyan pero ang hirap magexclaim pala pag bagong gising. Tinawag ko agad ang mommy at papa ko at natuwa naman sila sa result ng exam ko.

OMG Los Baños is so far. Ibig sabihin malalayo ako sa pamilya ko ng 5 years? independent na ba ako next year? saan ako titira? Pero ok lang. kaya ko yan lahat for UP. YES I'M PROUD TO BE UPINIAN. Sa UP na talaga ako mag-aaral for sure.

I survived UPCAT 2011. Tulad nga ng wish ko noong una akong makapunta sa UP, babalik ako at eto na ang passport ko. BABALIK NA AKO, UP!

Ang saya ko!

Thank You Lord for making me Pass this University! :]

12 comments:

Anonymous said...

hala congrats naman...

Deej said...

Congrats Renz! Saludo ako sayo! :D

Di ko kinaya yang UPCAT na yan. HAHA!

Bino said...

congratulations sa yo :D

Anonymous said...

Wow congratulations! Ayun pasado ka na! Happy New Year na talaga! haha. wish you all the best sa bagong journey! Mwwaah! :P

BatangGala said...

CONGRATS Renz! you did it! goodluck sa pagpasok mo dun sa next school year! :)

Jag said...

Wow! That's good! Congratulations! Galing! Happy New Year!

panjo said...

wow congrats!

maraming tirahan around UP.. or dun sa dorm ng UP.

galing! goodluck!

Ms. Fat said...

Yes Angas...hehe!


I never forget to read your blog pah din!CONGRATULATIONS...

YAN SI LUI!!!!

krn said...

sabi sayo papasa ka dun e.maning mani mo exam dun.wow naman.im excited for you. :)

Nimmy said...

congrats sir! :D

Arvin U. de la Peña said...

congrats..........

marikoy said...

Congratulations! Buti ka pa... Me, I never had the chance to take UPCAT. Ayaw ng parents ko kahit gustung gusto ko sana. :-(