Sunday, April 18, 2010

16 at 16th


*warning late post :) sorry

April 16 1994, 8:07 am bumuka ang langit at pinanganak ako (joke lang). I was born on the said date at St. Lukes Medical Center in QC. Sabi nila it was expensive daw dun sa hospi na yun pero ewan ko. Di naman ako ang pumili ng lugar na papanganakan sa akin. pede naman sa bahay lang pero hindi pwede kasi CS Section ako pinanganak.

Lumaki na ako dito sa isang city sa Bulacan pero actually taga valenzuela MM kami dati nung pinanganak ako. That was 16 years before now. For the past 16 years of inhaling and exhaling in this Earth, marami na akong natutunan. I transformed from a baby to a toddler, then a boy, now a teenager. For the past 16 years, nagmatured na daw ako. I doubt them pero sabi nila Im so matured for my age.

Let's go to the main point.

I would like to thank the person who were involve in my 16 years of living.

My family- thank you for being there for me. As the youngest member of our family, ako yung pinakamadaming trouble na napasukan compared sa inyo pero stil tinatanggap niyo ako ng buong buo. Kahit nung nagkabalibali ang aking mga bones eh hindi niyo pa rin nagawang magalit sa akin and thank you for everyday na nakakasama ko kayo.

To my teachers- thank u sa pagmumulat niyo sa akin sa mga bagay bagay na dapat at dahil sa inyo natuto ako mula sa simpleng pagsulat lang ng pangalan at pagbilang ng 1 to 100 hanggang sa matuto ako magsulat ng mga entries sa blog ko at magsolve ng 2x+x-4 o kung anu man yan. Thank u

sa mga classmates ko-- wag na kayo haha :) jokes lang. thanks for being there for me at sa samasama nating pagtuklas ng mga bagay bagay sa mundo salamat :)

sa YFC- thank u sa pagbuhay sa spiritual life ko. I found a place in our community talaga. I really don't know how to express my thanks to you guys.

sa mga BLOGGERO/BLOGGERA salamat sa matiyagang pagsubaybay sa mga wapakels kong blogposts and thank u for ur post na talaga namang ang dami kong natututunan. Let me mention names
~batanggala- ang mistulang kapatid ko na dito sa blog dahil nga kaage ko lang siya :) what I like about her is pinapatunayan niya na kahit iba siya sa mga classmates niyang porenger eh talaga namang nagmamakeway para ipagtanggol ang sarili :) Thank u for inspiring me.
~dark lady- usaping love life ba? ang dami kong natutunan diyan subra!
~keso- super strength ng babaeng to. kahit anong problema nagagawa pa din umismayl at magpose sabay sabing say CHEESE (ay whisky nga pala) :))
~bad mj- my brother in this world. Salamat dahil super warm welcome mo sa akin sa blog mo at super kulit mo kachat at nagtext pa :) sorry globe ako di ako makareply sayo
~NAGLALAGABLOG ANENG!- ikaw ang isnpiration ko para magblog hop nung naguumpisa pa ako! tsk nawala ka na sa mundong ito haha pero thanks!
~kay LED- siya ang naginspire sakin magblog :)
~kay panjo-- super galing ng stories mo idol talaga kita

at sa iba pa-- kay kua saul, miz yhel, ate faye, lord cm, izhel, bravewarrior, glampinoy, goyo, glennkun,llama etc salamat sa inyo

Siguro nga hindi mabubuo ang nakaraang taon ko kung hindi ako nag blog :) thanks friends


NGAYON dahil 16 na ako--wala lang haha magbloblog pa rin ako at nais ko lang talaga magthank u sa naging parte ng buhay ko this past years

LALO NA SAYO--ikaw na nagpasaya at nagpaiyak na rin sa akin ♥

ok siya dito na lang.

Related Posts:

  • 1 month to go.July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (W… Read More
  • Gifts!Gifts?Awards?Naging parte ka ba ng buhay blog ko? Kung oo, may gift ako sayo ^^dahil mag bibirthday na ang blog ko ^^Soon ^^… Read More
  • 10 days to go10 days to go and another phase of life nanaman ang haharapin ko. It was not so long ago, as if it was only yesterday. (wow english) pero eto nanaman siya. Ang araw na inaabangan ko, ang araw na pinakahihintay ko-- ang kaaraw… Read More
  • Back to Back BirthdayI know right. Nagbalik na ako dito sa bahay galing sa isang nakakabagong retreat namin sa National Shrine of La Salette sa Silang Cavite. Shrine yun ng school namin. Wala lang. Share ko lang. Hindi naman talaga ito ang topic … Read More
  • 16 at 16th*warning late post :) sorryApril 16 1994, 8:07 am bumuka ang langit at pinanganak ako (joke lang). I was born on the said date at St. Lukes Medical Center in QC. Sabi nila it was expensive daw dun sa hospi na yun pero ewan ko… Read More

3 comments:

Glampinoy said...

Happy 16th natal day!!!

BatangGala said...

waw! spesyal mensyon ako!hihi:)) walang anuman renz! kaw pa!lakas mo sakin, d ba kapatid kita! :) kaya ayun, teynk yu din! :)

Renz said...

@glampinoy thanks a lot po

@batanggala salamat kapatid na gala ^^ at walang anuman din