Merry Christmas Sa inyong lahat. Bago niyo basahin yung blog entry ko sa baba neto. may papanood ako sa inyong napagtripan kong video. Sorry kung blurry..
Super late post na to and ewan ko lang kung may matitiyaga pa na basahin to. (sana) Hindi kasi ako nakapagpc sa loob ng 4 days at para akong mamamatay sa tuwa pagkauwi ko galing sa probinsiya.
24 ng Hapon kami bumyahe papuntang Nueva Ecija. At as what I'm expecting eh ang boring ng byahe. Kasama ang ilang pinsan at pamangkin na pawang walang kakibo-kibo ay nakakamatay sa boredom. Tae bakit ba kasi kailangan umalis at iwan ang kompyuter.
For 4 days wala munang Facebook---walang Farmville, Country Story, Mafia Wars, Fishville...! Waaa.. addicted na kasi ako kaya nagkaganito.
Anyways let's go back to the topic.
This Christmas is different. This is the happiest Christmas I ever had in my entire life. Hindi naman dahil nafulfill na yung dream kong White Christmas nuh--asa naman. Pero iba talaga toh.
After 2 consecutive years of a cold and lonely Christmas eto super saya naman talaga ng experience ko.
We arrived in our Ancestral house mga 8pm. 4 hours drive from Bulacan at eto agad ang bumungad sa aking mga mata..
...ang bahay na mula noon hanggang ngayon ay nakatayo sa gitna ng kabukiran. What a Christmas. Wala mang Farmville na laro eh totoong Farmville naman ang nakaharap sa aking mga mata. Umupo ako sa tumba-tumba ng aking lola at nagisip kung ano ang pwede kong gawin sa nakakaboring na bahay na yon.
Syempre lahat naman tayong Katoliko ay sasalubungin ang Pasko sa pagsisimba so ayun, nagsimba kami kahit nakatayo na lang sa simbahan at pagkatapos ay dumeretso sa Bahay ng tita ko di kalayuan sa Ancestral house para maki-noche Buena.
Hanep sa daming Pagkain. Natakam ako ng husto sa Carbonara, BBQ, Ham, Donut, Cake, Salad, etc. dami talagang foods tapos na surprise lang ako dun sa regalo sa akin ng pinsan ko. Di ko ineexpect na magreregalo siya after after all these years di naman kame close.
Ayun Chitchat with my makukulit na ibang pinsan at pamangkins at after non, bumalik na kami sa farmville naming ancestral house. Nasoprisa naman si ako dahil sa pagkahawak ko sa celpon ko sabog ang inbox ko. 1 hr unattended phone= 80+ msg received. Grabe puro pagbati ng merry Christmas. Ang saya.
The next day 25, dumating ang mga cousins ko from Valenzuela and Cabanatuan. Ayun lalo kaming sumaya. Nagpicture naman kami sa farmville habang tumotoma ang mga adult pinsans. Ayoko makipagsabayan sa kanila bata pa ako masyado. :D eto nalang yung mga pics namin....
Natapos ang araw na yon ng masayang masaya. Sobra dahil bonding bonding nag todo-todo, habulan sa palayan at kung ano-anong pics pa ang pinagkukukuha namin. Nakakatuwa talaga pero sadly, my cousins need to go back home in San Isidro sa kadahilanang bawal sabihin dito. Pero all in all fulfilled naman ako This Chritmas.
26, After Christmas nag visit naman kami sa aming gulayan sa bukid para magharvest ng Ampalay at Upo. :D Sobrang natuwa din ako kasi bihira lang ang ganito sa City. Kaya picture galore ulit ako. Share ko lang eto :D
After that natapos ang araw ko na sobrang pagod. Ang kinabukasan 27, byahe naman kami back to Bulacan.
Nakakapagod pero masaya ang Pasko ko kaysa last yr. Ok lang kasi walang facebook or blog within 4 days kasi nagenjoy naman ako.
Sana natuwa kayo sa Story ng Pasko ko. :D
Merry Christmas sa Lahat!..
0 comments:
Post a Comment