Sunday, November 1, 2009

Ang buhay ng isang simpleng HBW ballpen...



Happy Halloween Guys. Ako ay muling nagbabalik mula sa aking pagkakaratay sa banig ng kasakitan pero magaling na ako.
Ngayon napagbuntungan ko ng isip itong bolpen na toh sa harap ng computer table namin.
Isang ordinaryong black ballpen na mejo kalahati na ang tinta at mejo nagtatae pa. So dahil wala akong mapagtripan, nagdrawing ako ng kung ano-ano hanggang sa maisipan kong magsulat ng entry tungkol dito.

Friends, minsan mahahalintulad ko ang buhay natin sa isang HBW ballpen (cheap? wait lang may explanation ako jan). Diba nga mura lang ang nasabing ballpen kaya di masakit sa bulsa pagnawala or nasira. May mga tao na ganun nalang ang pagaalaga sa kanilang ballpen. Burara at hinahayaang bumagsak sa lupa at magblot at sa huli pag ayaw na sumulat ay itatapon na. May connect ba to sa realidad ng buhay? Siguro meron.

Tayo ang mga owner ng HBW at ang mga tao sa paligid natin ang ballpen (ang korni syet :D). Di tayo nagpapahalaga sa kanila. winawala natin sila at para sa atin WORTHLESS sila at CHEAP at MAKAKAHANAP tayo ng iba pa. Sad reality yes.

Naexperience ko na rin maging isang kawawang HBW (Kakatawa XD). Ang lungkot pag yung mga inaakala mong true friends mo ay hindi pala ganun kataas ang loyalty sayo. Sometimes they are just using you. Saklap pero totoo yan and tayo minsan sa ating mga gawa ay hindi natin alam kung nakakatapak naba tayo ng ballpen este ng ibang tao.

Ang ballpen na ginamit mo sa lectues, sumisimbolo sa mga taong pinagkakautangan mo ng loob sa iyong pagaaral ay basta mo nalang winawala at tinatapon matapos ang taon. Isa kang parasite.

Ang ballpen na ginamit mo sa pagsulat ng loveletter mo para sa mahal mo, ang taong tulay ninyo, nung naging kayo na naichipwera na.

Guys this is reality. We are so selfish not thinking of the small person na naaapakan na natin, yuing mga basta nalang natin BINABASURA.

At sa huli, yung ballpen ko sa harap ng lamesa habang nagdradrawing ako ay nagtae na talaga. What does it mean? Na ang mga taong ginagamit mo ay natututo ring mapagod kung di mo sila aalagaan. So friends matuto tayong makiramdam sa paligid natin. Ingatan makasakit ng kapwa at alagaan ang mga tunay na kaibigan, kahit simple lang yan gaya nitong hbw ballpen na ito.

Ang masasabi ko nalang walastik na ballpen yan may sense pa pala sa mundong ito.

4 comments:

RaYe said...

astig.. sad to admit pero isa ako sa mga walang ingat gumamit ng ballpen - lalo na kung wala mura lang yun.. hahaha

pero kung yung mga mahal yung bili ko, or mga niregalo sa akin, iniingatan ko... hehe

ganun naman pag tao, di ba? kapag napamahal sa atin, iniingatan natin. pero kapag mga andyan lang panandalian, madali nating bitawan.. :)

Renz said...

tama. :[

vanessa said...

awts???
prng ngwa cu na din yn..
grbiii..
sapul kung sapul...
hahaha wlang ilag..
dere-derecho wlng preno...
heheh..
lab itt :]]

Renz said...

@ ezh ok lng yan haha :D