Friday, December 18, 2009

Bitin

Hapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay ayun nga. Pinatatag ko ang loob ko. Hinawakan ko siya sa kamay at binulungan. "ano ba ang problema mo? bakit ka umiiyak."

Sampung minuto na yata ng naitanong ko iyon. Wala naman siyang imik kaya minabuti ko na lang lumabas ng room at iwanan siyang magisa.

Papalabas na ako ng pinto ng may narinig ako. "Louie........." Lumingon ako. Nakita ko siya na tinatawag ako, mugto ang mga mata. Nilapitan ko siyang muli.

"Ok na na ba? Ano ba kasing problema mo?" tanong ko ulit..

"uhmm basta uhmm sorry talaga louie...."

"dahil ba hindi ako ang pinili mo?" patapang kong sagot. Alam ko na yung isasagot niya pero gusto ko sa kanya manggaling.

"Hindi. Nagsisisi lang ako. Break na kami, ang sakit. Bakit ganon siya? Minahal ko naman siya ah.."

"Ang emo neto. Wag ka na ngang umiyak jan dahil darating na mga classmates natin. O sya wag kana umiyak. Alam mo namang mahal na mahal kita ehh.."

Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang muka.

"Tara sa labas tayo. Pahangin tayo" aya ko sakanya.

"tara." Wow. natuwa ako sa sagot niya.

Nakarating kami sa likod ng building ng school namin. Napagkwentuhan namin ang nakaraan. Nakakatwang isipin na kanina lang ay ayaw niya man lang ako kausapin pero ngayon eto, nakasandal siya sa akin habang kinukwento ang nakaraan.

Hinawakan ko ang muka niya. "Alam mo, ang cut mo talaga" sabe ko.

"Bakabar!" sagot niya.

Natulala na lang ako sa muka niya. Kitang kita ko bawat ditalye ng muka niya, ang mahabang pilikmata, ang cute na muka. Ang sarap tignan.

Naramdaman ko na lang sa dibdib ko na malakas ang kabog nito. Ang sarap pakinggan. Lalong lumalakas habang papalapit ang mga labi ko sa mga labi niya.

Didikit na ang mga ito ng biglang may narinig ako.

"LOUIE RENZ ANO PAPASOK KA PA BA? TANGHALI NA!" sigaw ng nanay ko

siyet panaginip lang pala. Nalungkot ako.

7 comments:

YANNiE said...

oh my!nice2.akala totoo!badtrip!amp!!!sana di na lang panaginip. T.T

Ely Biado said...

Harang naman kuwento mo. Biglang na cut eh pa kiss ka na di ba?

Napadali tuloy stay ko dito.

aneng said...

hala!! hahaha grabe ka! kung anu anu napapanaginipan mo.. tsktsk.. hahahaha..

Renz said...

@yan hanggang panaginip na lang eh. reality ..tsk

@ely giunising na po kasi ako ni mader kea d natuloy kiss

KESO said...

aww. kala ko totoo, kinikilig p bale ako, pang teleserye haha. badtrip si nanay. :D

Renz said...

@keso. dun ko na nga lang siya makikiss eh no sayang XD

vanessa said...

---shaks !! hahahaha... akala ko nman totoo !!
hahahah ssbhn ko p nmn sanang assuming eeehh...
hahahah... nice dream !! sn mgkroon dn ako ng gnyng dream XD XD nkktwa ;D
kAMOTE ;D