Grabe. Nakakapagod itong araw na ito bukod sa pasa ay sumakit ang lahat ng laman ng katawan ko dahil sa cheering. Ikaw ba namang gumulong-gulong at dumapa at magpyramid (sa base) at kung ano-anong stunts. Kakapagod.
Pero hindi tungkol dito ang post ko ngayon. Eto ikwukwento ko.
Unfortunately, di ko alam na may lahi pala kami ng myopia (nearsighted) so kelangan ko talaga magsuot ng salamin. Since poor lang kami, nagtiyatiyaga ako sa isang salamain na halos kalansay na, at dahil nga sa cheerdance practice namin kanina ay naapakan ang kawawang salamin.
Kabog Kabog ang puso ko. Parang naghina ako pero siyempre smile pa rin. Hindi ako natakot na wala akong makikita dahil malinaw naman mata ko medyo. Natakot ako sa tatay ko. Alam mo namanmga magulang kung magalit thunder storm. Kung ano-ano sasabihin. Iikot lang ang paksa tapos madadamay yung mga bagay na di naman dapat kasali sa diskusyon.
Nakakabadtrip lang na grabe sila magalit. Sasabihin ba namang "WALA KA KASING INGAT SA GAMIT MO, GASTOS NANAMAN YANG PINASOK MO..etc." Sabe ko na lang sa sarili ko "Pa, hindi lang ikaw ang naiinis dahil nasira yung salamain ko kaya bakit ganyan ka magalit. Ikaw lang ba ang nawala? Kesyo sabi ng iba nagagalit kayo dahil mahal niyo ako. Pa ALAM KO, NAIINTINDIHAN KO. Pero sana isipin niyo naman na walang magagawa kung magagalit kayo. Imbes na icomfort niyo ako eh nagbunganga pa kayo. Ang gusto ko lang naman na sabihin niyo ay anak ayos lang yan. Pagiipunan na lang natin."
Siyempre di ko yan sinabe dahil baka hindi na ako makapagblog dito at nakaratay na lang ako sa ospital. Nanahimik na lang ako. Umintindi at eto, naglabas ng sama ng loob sa blog na ito.
hay..Bakit ganun ba ang matatanda? Malalaman ko din yan pagtanda ko.
0 comments:
Post a Comment