Tuesday, November 24, 2009

Kadugtong ng nasa baba neto :D

Nabuang nanaman ako. Nawala sa sarili. Nagyon napagisipan ko na kung ano talaga ang nasa isip ko habang naghihintay umalis ang ate ko sa pc, isinulat ko na to sa doodle notebook ko.

WARNING: Para sayo, kung mabasa mo man to, wag ka sana magbago, wag ka din mailang. SANA

Ang hirap ng ganitong feeling
Nakikita kitang sobrang lungkot, sobrang depressed.
Gusto kitang tulungan, pero ang tangi ko lang magagawa ay titigan ka.
Sobrang sakit makita kang ganyan.
Okay lang sana kung ako ang nagkakaganyan
Bakit ikaw pa?
Di ba dapat masaya ka na lang ngayon? Anong nangyari?
Di ba dapat wala ka nang problema? Bakit meron?
Di ba mahal niyo ang isa't isa? Bakit nagkakaganito?
Ayokong makita kang ganyan dahil naiinis ako
Ayokong nahihirapan ka dahil ***** pa rin kita
Pero ayoko rin namang makisawsaw
Dahil alam ko, di ako ang dapat umayos niyan.
Wala akong karapatan makialam, at ni walang karapatan upang manghusga.
Tititig na lamang ako, at sa tahimik kong mundo,
Ikaw ay aking yayakapin.
Papawiin ang sakit na nadarama,
Pupunasan ang bawat luhang pumapatak
Lahat ng ito'y mga pangarap, na sa hangin lamang maisusulat.
Pangarap na unti-unting nabubuhay sa aking isipan
Pangarap na walang kasiguraduhan
At pangarap na hanggang pangarap na lamang.
Dahil alam ko, na siya pa rin naman kahit anong mangyari diba?

Hindi ako!

Related Posts:

  • Patamang Pic 2oooo yeah..saklap… Read More
  • 10 painful things..December 12, 2009 1:46 pm tumunog ang cellphone ko. Nagkumahog akong tignan ang mensahe. Tatlong tunog kasi. Nagbabakasakali kung siya ba ang nagtext pero hindi. Sumambulat sa aking mga mata ang isang makabagbagdamdaming kowt… Read More
  • Patamang Pic Read More
  • BitinHapon noon. Pumasok ako sa classroom. Nakita ko siya, nakaupo sa upuan niya at nakadukdok. Wala namang ibang tao dahil break kaya nilapitan ko siya. Umiiyak pala siya. Di niya siguro ako napansin. Gusto ko siyang hawakan ay a… Read More
  • Mga alaala ng nakaraan.Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kan… Read More

0 comments: