Thursday, April 15, 2010

International Leaders Conference 2010

Hello sa lahat. Grabe ngayon lang ako makakapagblog after a week dahil sa sinabi kong aatendan kong conference for three days pero ayun nauwi siya sa matagal na hindi pagiinternet kahit nakauwi na ako ng bahay ng sunday because of the internet loss. Hay nakakaasar ang hirap na pala pag walang net. hindi na ako sanay kaya sorry for the delayed kwento so ito na yun.

Wednesday pa lang ay nakahanda na ang aking mga clothes na dadalhin para sa conference na iyon sa may baguio City and dahil nga first ILC ko yon eh super excitd to the max ang inyong lingkod. Nagprepare ng ilang tshirt, pants, shorts, briefs, boxers, towels, hanky basta parang ilang linggo naman akong magstay nun sa baguio no pero ika nga eh mas maganda ng sobra kesa kapos.

Thurdays na grabe sa kaexcitan ang kaing nadarama at dahil nga sa uber uber excitement eh nauwi ako sa pag google ng lahat ng tungkol sa conference, pictures, workshops venue, map locations at kung anu-ano pa. So 3 pm pa lang eh naligo na ang inyong lingkod at nagbihis at dahil sobrang aga pa nga eh nahiga muna sa sofa at nanood at hinintay si mama dahil hihinge ng allowance. mahirap na ang walang pera baka kung san na lang ako pulutin.

Umalis ang supe
r excited na ako sa bahay ng 6 pm para pumunta sa bahay ng aking kasabay sa pagpunta doon. Dyaraaan, 9pm kami nakumpleto so 6 kaming nagtungo sa meeting place ng mga iba naming kasama para hintayin ang aming transportation medium---corimba bus yon. After ilang minutes ay este 2 hours ng paghihintay na inabot na kami ng gutom ay dumating na din ang bus. So ayun inayos ang seat plan, and nauwi kami sa may dulong dulo ng bus. Ok lang yun basta makaattend lang ng conference.

Fast forward..

Umalis kami dito sa Bulacan ng 11 pm at matapos ang 2 stop over at nakakangawit sa pwet na byahe ay nakarating kami sa baguio ng before 6 am so mahabang byahe ito at super exciting ang byahe dahil paakyat ng zigzag. TAKE NOTE may nakita pa akong SHOOTING STAR! First time in my 15 years of exciting in this Earth nakakita ako ng shooting star. So ayun, hindi naman ang shooting star ang star ng aking kwento so lets proceed. fast forward

Dyaran...So ay
un na nga, nakarating na kami sa venue ng conference, isa siyang malawak na sports field na may bleachers at may kung anu-ano pang life siza na etc. ang hirap explain basta ang dami. Medyo dumadami na ang tao kasi nga INTERNATIONAL yun eh expected na 10 500 Youth For Christ ang aatend nun kasi yun ang registered so yayanig ang Baguio samin.

Ano ba ang sense ng pinunta ko sa confer
ence na toh? Para lang ba magpalamig sa Baguio (promise ang lamig dun sobra) or para matuto ng mga values? Siyempre para matuto.
Mayroong 4 sessio
ns ang conference na toh, na pinagdidiinan ang TO THE MAX experience of life na talaga namang matututo ka. I just want to share one thing na talaga namang tumatak sa isip ko---

Imagine isa kang baso, isang baso na punong puno ng laman. How can you get more of God's Blessing? Hindi ka na makakakuha pa kung ano ang higit pa sa meron ka ngayon kung HINDI MO ISHASHARE yung meron ka sa iba. WE NEED TO EMPTY OURSELVES so that we can receive a better blessing from the Almighty.

Ang pinakamasayang part dito sa conference ay ang makaluha talagang worships as in TO THE MAX ang glory na maeexperience mo. Yung feeling na parang lulutang sa kasiyahan.

Hindi lang naman puro talks to, masaya din ang conference dahil may mga competitions din per region kasi. I belong to Central Luzon at grabe sa saya dahil wala lang. Hindi joke lang. ang saya kasi ang daming pakulo. sports, dance bands etc. Nagenjoy din ako sa YOUTH WALK kung saan lahat ng delegates from Luzon, VisMin + foreign, saka metro manila ay nagrally sa Baguio at nagmeet sa iisang lugar. So ang saya kasi 10 547 people to be exact ang kasama mo maglakad sa streets ng baguio.

Sunday natapos ang conference and dahil nga kulang ang letters sa keyboard para maitype ko lahat ng gusto ko dito ay hindi ko na magagawa. Share ko na lang sa inyo ang iba pang pictures ng ILC.


































After nun syempre mawawala ba ang mga gala? Eto ang mga pictures :)





























And hopefully, sana makasama ako next yr sa ILC 2011 CAGAYAN DE ORO. Alam ko naman close to impossi
ble na makasama ako doon pero sana sana sana sana makasama ako

Thanks for reading this a bit long story of mine :)

5 comments:

bad_mj97 said...

Wow Bigatin...talagang sa Baguio pa noh?

BatangGala said...

woooow!!yehey! mukang ang saya nyan ah... good thing nag enjoy ka...at tsaka pala HAPPY BIRTHDAY!!! nice pictures... :)

Renz said...

@kua mj siyempre bigatin talaga ^^ next year cagayan de oro naman ^^

@ batanggala salamat sa bati batanggala kapatid ^^

Anonymous said...

elo po.. may alam po ba kayong pede pagkunan ng talk outlines nung ILC BAguio??

thankyou po.. :)


Clarence Witty
YFC Cavite

Renz said...

@clarence witty pacnxa na, wala akong alam na source pero parang nasa ID kit na ata yung talk outlines diba?