Motion is the change in position with regards to a reference point blah blah blah blah. Speed is equals to distance over time, to have dignity is to have worth and value, anthropometrics, hayy kung anu anu pang mga dapat reviewhin dahil nga sa mga exams na yan. Actually simula pa lang yan ng school year pero parang burden na ang mga exams. I mean ang hirap magreview pero nakakapangsisi at nakakababa ng self esteem pag bumagsak so the point is mag-aral.
Nameet ko nanaman si usual gray colored long paper na 60 items lang naman siya pero mahirap din pumerpek ng 60 items lalo na sa mga subjects na Physics at FRENCH. Speaking of French sobrang nagkanda kamote na lang ako sa panghuhula ng mga French words like la poisson. Sinagot ko "the posion" pero yung sagot eh the fish. Bakit ba, hindi ko alam eh. Basta ang alam ko lang eh, Bonsoir. Vous baggages s'il vous plait. :]
Anyhow, inihaw, hindi naman yan ang main point ko. Ang main point ko lang naman ay ishare ang kabusyhan ko sa pagsagot sa mga nakakalokong exams SHEETS na yan para sa kinabukasan ko.
Bukod sa semi-quarter exams sa school namin ay involved pa rin ako sa mga exams para sa weekend na ito. Actually di ako papasok bukas sa school kahit exam pa namin dahil may commitment ako sa review center ko at last session of spoon-feeding na namin bukas at sa sunday ay dry run exam na for UPCAT. Hopefully makapasa ako sa UP dahil gusto ko din dun. Pride ko din yun if ever whahaha :]
So dahil sa kaboringan ay nagpost ng no sense blog post. Teka nga rereviewhin ko muna modules ko. :] Saka na ang makabuluhang post.
Aure voir madamme est monsier. abientot! Ewan ko kung tama yan. French yan :))
Exam week
Related Posts:
RandomTulad nga ng nabasa ninyo sa title, random post lang naman to sa kung ano lang. Sabe ko pa namanb sa sarili ko, ngayong 2011 eh dapat maysense na akong magblog kasi malaki na ako. Pero nahihirapan pa rin akong magcompose ng i… Read More
Ang babaeng mukang lalake XDNacurious ba kayo sa title, pwes, kung inaakala ninyo na tungkol sa hermaphrodite ang post na ito, medyo mali lang kayo ng slight. Slight lang naman XD. May ipapakilala ulit ako sa inyo na isang taong malapit sa puso ko. Hind… Read More
Coffee BreakOh mga ate, mga kuya, lolo, lola, tito, tita pinsan at buong angkan. Magkape na tayo!Actually di naman talaga ako mahilig sa kape kasi hindi ako sinanay ng mga magulang ko magkape ever since bata pa ako pero umiinom din naman… Read More
Desisyon Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating … Read More
Tumatakbo pero walang paaMay paa nga siguro ang oras. Ang bilis kasi nito tumakbo. Parang kailan lang hawak mo ito, ngayon ikaw na ang naghahabol dito. Totoo ngang hindi natin malalaman kung gaano na karaming oras ang nasasayang natin hanggang sa dum… Read More
8 comments:
sosyal ang french ah.. hehe.. tama yan.. aral lang ng aral.. good luck!
gudluck sa xam!!
:-)
gudluck!
naalala ko ako lang ang nakakuha ng pinaka mataas na grade sa physics sa batch namin... =) yung prof kase dun balahura... walang gana mag turo..puro pasang awa lang lahat ng exams ko sa physics.. walang bagsak at wala ring mataas.
Good luck sa exam. basta ang mapapayo ko lang.... gawin mong best ang 1st two exams mo - diyan makikita ng prof mo kung mahusay ka... tandaan 1st impression lasts. ..
kaya kahit bagsak ka sa finals iisipin ng prof mo na tinamad ka lang sa finals kaya mataas pa rin ang grades mo.
bwahahaha!!! go renz!!!! lam kung kayang kaya mo yan!!! break a leg! :D
hello po.
hahahaha
Good luck po sa upcat. kayang kaya mo yan basta aral lang ng mabuti.
Waiting for the entry about your chosen career.
galingan mo sa pag-review. dyan nakasalalay ang kinabukasan mo. naks, may ganun?
kung nahihirapan, nandyan naman ang mga mababait na klasmeyts at kaibigan! sana nga lang ay may cheasting arrangement! \m/
Buti na lang nalampasan ko na ang dilemma ng isang estudyante at for sure pagkagraduate mo and you look back pagtatawanan mo na lang yang mga exams mong yan.
Post a Comment