Wednesday, December 29, 2010

Pamilya Asuncion

Sa paglipas ng panahon, di ko namamalayan na unti-unti na ngang lumalaki ang pamilya namin. Dati tuwing Pasko kami pa yung mga bata na sobrang excited sa mga palaro at regalo. Ngayon may pumalit na sa henerasyon namin--ang mga pamangkin.

Taon-taon, hindi kami pumapalya umuwi sa aming probinsiya sa Nueva Ecija. Isang payak na probinsiya kung saan sumibol ang aming pamilya. Palibhasa ay pinalaking maayos at ika nga eh close, nakaugalian na ng mga magulang namin na magreunion tuwing mahahalagang okasyon gaya ng Pasko, New Year, Undas, Semana Santa at tuwing birthday ni Inang--ang reyna ng aming pamilya.

Tuwing sasapit ang reunion na to, makikita mo ang bawat isa na successful na. Aba, siyempre hindi pahuhuli ang aming pamilya kung sa dami ng professional lang ang labanan. Yung dati kong mga kalarong pinsan na matatanda ngayon ay mga engineer, mga teacher, nurse, architect, chef, dancer, singer, housewife at ofw na. Ako naman eh malapit na mailinya sa mga propesyunal na yan-mga ilang taon na lang ang bibilangin.

Maipagmamalaki ko na wala sa pamilya namin ang adik. Kahit na may sisiga-siga eh wala namang gumagamit ng droga. Kahit na maarte sa katawan eh wala naman ang maagang nabubundat. Kahit na hindi naman gaano kaangat sa estado ng pamumuhay eh lahat nakakatapos. Ang ganda ng pagpapalaking ginawa ng aking inang at tatang. Utang namin sa kanila ang close relationship ng pamilya namin ngayon.

Eto ang ilan sa mga kuha noong nakaraang Christmas Party

Our Christmas Tree with gifts from our architect cousin

My Nephew Lee, a 4-year old boy dancing Micheal Jackson

During the Hep Hep Hooray Game

Asuncion Family Pose 1

Asuncion Family Pose 2

Di man kami kumpleto ngayon, darating ang panahon na makukumpleto din yan. :]

Related Posts:

  • Blognibersaryo uno :]June of 2009, nagsign up ako sa blogger for a purpose of having such account at dahil na rin sa pinapasearch sa amin na dito ko lang sa blogger nahanap. If I am not mistaken Anatomy of a Filipino yon. After ko masearch yon, f… Read More
  • Independence Day 2010Maikling post lang naman ito para magbigay pugay sa araw ng kalayaan ngayon. Mga kabayan sa blogosperyo, para sa inyo ang kantang ito.Eto yung kanta sa bayan ni Juan sa isang tv network sa Pilipinas. Napili ko lang itong isha… Read More
  • Student Government Elections 2010I am not into blogging since last week because of a hectic schedule mapa weekdays man o weekends, so sorry guys, I'll try to read your post soon pag nakahanap ako ng konting time. I just want to share this thought kasi ang da… Read More
  • Point of Information Mr/Ms Speaker...Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2… Read More
  • 1 month to go.July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (W… Read More

3 comments:

krn said...

ang saya naman. hindi pa pala kayo kumpleto nyan. pero ang dami na. the more the merrier :) sana nga makumpleto na kayo next time para mas masaya pa.

krn said...

ang saya naman. hindi pa pala kayo kumpleto nyan. pero ang dami na. the more the merrier :) sana nga makumpleto na kayo next time para mas masaya pa.

Tsina said...

Ang saya naman ng family reunion nyo. =)