March 10, 2010. The day that will change the Philippines for the next years. Judgment day ika nga sa mga kandidato na kung anu-anong pabango na nga ang pinaggagagawa sa pangalan nila para lang maging karapat dapat sa posisyong hinahangad. Pilian na ng mga platapormang inilatag, kung saan mas gaganda ang buhay sa mga susunod na taon.
This election will be a lot different from the past ones. This is the first ever Automated Election in our country. Wow! High tech na nga talaga ngayon. Imbes sa sulat sulat lang at ihuhulog sa kulay dilaw na box eh ngayon shade shade na lang sa bilog sa tabi ng pangalan sa umano'y napakahabang balota na siya mo namang ihuhulog sa isang di umano'y PCOS machine na nakakonek sa malabasurahan sa laking balot box. Iba na din ngayon. Clustered na ang precinct. Kunga ang dating 200 voters sa isang presinto ay naging 800-1000 na. Mabilis na daw ang eleksyon pero parang bumagal lalo dahil sa pagdagsa ng mga tao.
Napakaraming reklamo din ng mga tao ngayong eleksyon, atr mas lalo bago ito. Kesyo madali daw dayain, sira ang mga Memory cards kuno ng PCOS at kung ano-ano pa pero anung nangyari? So far kokonti lang naman ang mga PCOS na pumalya and the counting of the balots ay malapit na matapos. Laking ginhawa ito sa mga teachers na talaga namang hirap na hirap sa kanilang trabaho.
Kahapon, pagkagising ko ay wala ng tao sa bahay. Apat lang kasi kami sa pamilya, mama at papa ko at ang aking ate. Pawang mga botante na sila at maaga daw silang boboto dahil mahaba daw ang pila. Naiingit talaga ako, hindi dahil gusto ko mgashade shade at dahil automated eh dahil sayang at hindi pa umabot ang age ko para makaboto and I want to cast a votre for my leaders. Ang ginawa ko kinuha ko na lang yung sample balot sa bahay at nakishade haha. Bakit ba? masama ba mangarap na bumoboto din ako?
Pagkauwi nila pinakita ko din yung boto ko. How I hope this is for real. Dagdag points din ito kay sir GIBO and sir BINAY at siyempre yung list ko ng senators no pero siyempre wala naman akong magagawa kundi tumutok lang sa tv at matuwa dahil nangunguna sa balota ng bise presidente and gusto kong manalo. Yung may nagawa na. Ika nga ay MAY B . haha
Ikaw sino ang binoto mo?
Let's hope for a leader na may will para baguhin ang bansa hindi lamang ang kanyang sarili. Tara manood na lang tayo ng news.
PS> Sobrang natuwa ako sa hologram ng GMA grabe astig XD
0 comments:
Post a Comment