Resolve that social networking sites can promote values.Napunta sa amin ang government which means ang stand namin ay YES, We agree that social networking sites can promote values. Medyo nabuhayan ang dugo ko kasi akala ko iikot lang yun sa facebook, friendster, myspace lang. Buti na lang at sinabi rin ng facilitator namin na si Ms. Fat (Hi Miss Fat!) haha nagbabasa kasi siya minsan dito, anyways sinabi niya na kasama ang BLOGSPOT. This is it. napuno ang utak ko ng mga gusto kong i-share sa buong madlang pipol ng eskwelahan namin tungkol sa blogger at siyempre nagvolunteer na akong mapasama sa 4 speakers ng party namin.
The event goes this way. Una nagtoss coin, heads kami so if ever na heads ang lumabas, sa party namin magstart ang first speaker pero since tails ang lumabas eh sa kanila ang unang banat. 9 chairs face to face sa stage na sa tantiya ko at 2-3 feet ang taas. Estudyanteng sa tingin ko ay nasa 200+, ilang mga guro, isang madre at apat na mikropono. Let's get it on!
Una nilang tinira na sa social networking daw eh nawawala na yung sense ng real communication kesyo dapat daw eh dapat personal, siyempre bumanat naman ang president namin ng POINT OF INFORMATION blah blah blah. Madaming thoughts so sunod sunod na yun. We have 3 minutes na makapagsalita ng walang makakasawsaw at 5 minutes butting in.
Let us hear from the second speaker of SMILE Party, Mr. Louie Renz Sucaldito.
Honestly speaking, kinakabahan din ako nung mga panahong iyan, kahit bi-lingual na ang gamit ko eh parang ang hirap pa rin pero siyempre dahil nga inspired ako sa blogger eh ayun, kinuwento ko sa kanila na sa blogger, na isang social networking sites, matututo kang MAGSULAT, malalaman mo ang SALOOBIN ng bawat isa. In other words freedom of speech. Eto sa tingin ko ang kaibahan ng pagbloblog sa ibang social networking sites. Walang madaming interaction. Ang nangyayari lang eh usap-usap sa chatbox, comments at pagshashare lang ng mga saloobin. Di pa rin naman nalalayo sa kahulugan ng SOCIAL which means between person diba. Tao din naman ang mga bloggers right? So we are connecting. Plus idagdag pa dito ang confidence ng bawat bloggero na ilathala lahat ng gusto nila with due respect sa tinatawag na NETTIQUETTES.
Sabi naman ng isang classmate mula sa kabilang ibayo, Bakit pa daw kailangan ng blog kung pwede namang mag DIARY.
Sa akin naman, Iba ang diary sa blog. Ang diary is for yourself kaya nga diary eh. Kung public diary edi parang blog na din yun or story diba? Kung diary may value ba ng confidence at freedom of speech doon? Ang diary kasi ay more on your feelings na hindi mo kayang sabihin sa iba kaya sinusulat mo na lang right?
Isa pa, nadamay pa ang name ng blog ko, anyways that's another story.
So much for this debate. Tama na. Move on. Sa thurdsday na lang, ika nga ng blogger schoolmate na si VANESSA or BHENIPOTPOT dito sa blogosperyo nasa dulo daw ng kamay ng ballpen ang magiging resulta. (kamay ng ballpen?) haha.
Thank You Bhens sa pagtangkilik :] at sa pagpalakpak kanina habang naginginig ako sa harapang nagsasalita. Nung debate ba yun o nung intro? Basta salamat.
Politika, mahirap ka ha, swear! Pero kakayanin kita!
9 comments:
well, alam mo naman ung screaming powers ko imbaness wahahaha xmpre naman :))nakakaloka kaya ung debate niyo kanina kala ko face to face na talaga un eh :)) so gudlak kuya louie!!!!!!!!!!!!!!!!! ajaaaaaa!!! :))
@bhenipot di pwedeng super face to face nasalikod si sr pauline :] yari tayo. Anyways salamat. pang ilang thanks ko na ba ito..haha :] salamat talaga
Woooah! Debate? LOL! Naalala ko yung debate namin, SCRIPTED! Hahahahahaha! Tapos ako pa ung author! :PPP Hahahahaha! Nice. Tama naman ang argument mo.. eh sino nga ba ang nanalo sa debate?
Next time na magkaruon ng debate tawagin mo ako! lolzz
Good luck pre :)
Wow! galeng naman debater! hehehe...
Btw, u were tagged! To know more about it, pls. visit my site. Thanks!
ang galing-galing mo naman sa debate! your answers are very well said! what you said about blogger, and other social sites are all true! i strongly agree with them..and about the diary too.. :D way to go! :) who won the debate by the way? :D
owkey, alam kong beri beri leyt na ang komento ko, kasi ngayon lang ako nakapag basa, pero mag kokoment pa rin me. haha:))
una sa lahat, APIRR!!
pangalawa,onga, sobrang malaki ang naitutulong ng mga social networking cites lalo na sa mga kababayan nating nasa ibang bansa, kasi, so far, ito ang pinaka madaling way para stay connected sa mga kapamilyang milya milya ang layo sa kanila.
pangatlo, sa blogger thingy, so true din! nakakatulong ito para i-express ang sarili natin at makapag bahagi ng mga ekspiryens at natuto rin tayo from the others. at higit sa lahat, sa tingin ko, nakakatulong rin to para ma build up ang confidence, at ibahagi ang sarili sa iba.
at higit sa lahat, APIRRR!!!
wahaha:)))
GO RENZ!!! :D
@sasarai, left hanging po yung debate para i-judge ng mga tao
@LrdCm wow.. Debater ka din ? Best debater ka siguro?
@jag.. thanks.. thanks din sa comment :]
@batanggala..ok lang yun. Your comment is very well appreciated. Salamat sa paghimayhimay ng yung comments sa blog post ko. Very well said :]
@nice... good to know na nagagree ka :] anyways hanging ang debate namin. Kulang ng time eh :]
Post a Comment