Friday, June 4, 2010

My senior year about to start

Bonjour! Je m'appelle Renz. comment tu t'appelles?
je suis très heureux de faire votre connaissance

Uh lala. Hindi po kayo naliligaw at hindi rin naman mali angh title ng post na ito. Sobrang naexcite lang ako lalo pumasok dahil sa MADAMING pagbabago ng school namin. (Ngayon pa kung kelan kami paalis). Anyways tama ang title, sa monday na nga, June 7, 2010 ang pasukan namin. After 2 months and several days of FULL TIME PC and LONG SLEEPS ay eto nanaman ang school days na I think medyo stressful nanaman.

Ilan sa bago ay :

1. FOREIGN LAGUAGE SUBJECT. OMG ang cool super cool as in kaya napapafrench ako ng todo sa taas dahil naeexcite ako sa Foreign Language namin major in FRENCH. Haha kaya ko yan. Gusto ko yan. Ang cool kaya basahin nung French at makapagsalita ng French with correct tones tapos tamang silent silent etc. Kasama din sa speech class ang PUBLIC SPEAKING na sigurado namang maeenjoy ko kasi I want speaking in public.

2. BAGONG RENOVATE SCHOOL FACILITIES. Ang sarap kaya magaral sa isang maayos na school diba at hindi nakakahiya sa mga bisita ng school kasi provate pa man din at medyo may kamahalan tapos panget naman. So ayun bagong tiles ang corridor at may flat screen tv na din sa newly renovated at MUKANG MALINIS na canteen. Hay salamat naramdaman din ang asenso. Akala ko dati sa public ako nagaaral dati kasi ang gara ng facilities. Ang dami ng improvements ngayon SUPER!

3. Hetero daw ngayon ang sectioning namin, meaning to say mixed na kaming star section sa kabila at mahihiwalay na ako possibly sa mga classmates ko na nakasanayan. I think maganda naman yung ganito kasi para balanced pero parang nalulungkot ako. Ikaw ba naman maging classmates mo yung iba since kinder eh ngayon lang kayo magkakahiwalay? Sabagay parang training din sa college. NEW SET OF FRIENDS :]

4. New Teachers. Muka naman silang mababaet at mukang tututukan kaming mabuti sa pagaaral namin. Buti nga nagstay din kalos lahat ng magagaling na teachers last year eh.

Ayun so naexcite na talaga ako, as in nag scan na nga ako ng mga first topics namin sa book para may alam na man ako kahit pano pag nagstart na ang discussions. Till here na lang muna. I-uupdate ko kayo sa monday :]

8 comments:

BatangGala said...

naks! talagang eksayted na eksayted na ah. wahahaha:))) nu ba yan, may pasok na ulit kayo, tapos kami, may pasok pa rin. wahahaha:)) ok lang, bakasyon na rin naman.hehe:)) tyutyal naman ng skul nyo, may french. ako, hanggang french fries lang.haha:)) naalala ko tuloy bigla, muntik na kong kumuha ng french course, kaso lang di ko keri, masyadong mahirap humailap ng french accent. wahahaha:)) goodluck na lang! :D

Patz said...

Buti ka pa excited, ako kinakabahan talaga! Sa 15 pa kami. God bless sa Monday and the recurring school days of yours. ;)

Renz said...

@batanggala ang tagal naman ng pasukan neo :] pero p ok lang yan summer na din jan ayiie naks makakapagbeach ka na with your bathing suit haha JOKE. haha sana madali lang yung french class na yun at hindi nakakaumay haha..sana matuto ako pag natuto ako french na ang blog ko ^^ LOL

@Patz bakit ka naman po kinakabahan? Same to you po, Good Luck and God bless

Anonymous said...

me foreign languange na daw? hala baka sa inyo lang yun T__T samin sana bisaya na lang loljk hahahaha oo nga excited na din ako...masarap na umakyat sa taas! me tiles factor na ung hagdan haha waa junior na kme T_T xD napadaan lng po :D

Renz said...

@venz yes lahat tayo ay affected ng foreign laguage na yan ^^ at nice naman sa third floor na din kayo. Isang taon na lang kayo na seniors. Good Luck!

Goryo said...

Ayos! dahil jan may knock-knock ako para sa blog mo..

AKO : Knock! Knock!

IKAW : hus-der?

AKO : AMI

IKAW : AMI hu?


AKO : (to the tune of bert-day song)

AMI-mert nhey nu yuh... (2x)
AMI-mert nhey..
AMI-mert nhey..
AMI-mert nhey nu yuh...


AYOS!!

Sasarai said...

Hahaha! Nice naman! :)) Well, naalala ko when I was in 4th Year High School, naging kakaiba naman ang sectioning namin. The usual boy-girl combination ng isang klase, eh SEPARATED in one building to another. meaning, mga classmates ko ay ALL BOYS! Hahahaha! Pero nanatili pa rin yung Homo-Hetero classification at medyo enjoy din para maiba atmosphere ko nun.

Well, maganda yung ginagawa mo na pagscan sa topics nyo! At least you know what lies ahead! Oh ha! :))

At ang swerte mo may Foreign language class kayo! :)) Kami wala. T_T kea ayun, gusto ko nga matuto ng Japanese eh, eh mukang walang epek,, kasi walang formal teaching. T_T

Goodluck lagi ha! ^^

Renz said...

@goryo wow effort haha :] thanks

@sasarai medyo nangangapa nga me ngayon, kasi ayun may malaking gap between the two sections na pinagsama pero0 sa tingin ko kaya ko naman yun i overcome. hopefully!

uu sobrang excite na me sa french lesson :] swerte daw namin sabe nung mga seniors last yr jackpot daw kami