Monday, June 7, 2010

First day ng school :]

Kringggg..
yahoo tumunog na ang alarm clock ko na sinet ko para sa aking dad na katabi ko lang matulog kasi siya ang magluluto ng aming almusal at babaunin for this day. Hindi naman ako excited nun ha? medyo gising na ang diwa ko at hinihintay ko na lang na gisingin ako ng aking ama para kumain ng almusal. Siyempre excited na ako for my senior year. LAst year na toh ng high school life nuh, dapat sulitin na :]

So ayun, the usual thing na ginagawa ko pagkagising---hilamos, mumong tapos kaen ligo ng medyo matagal haha..naligo ako ng well na well as in simot ang libag libag na dulot ng summer ayun fresh na rin. Tumungo naman sa lababo at nagtoothbrush kung anu anu pang ginawa at bago ako pumasok eh nagfacebook pa ako at inopen ang blog ko hoping may makitang new comments at hindi naman ako bigo :] btw salamat sa sumesegwey ng comment.

Fast forward ng konti --

So ayun dumating ako sa school, the usual pasok ko mga 7 am. Ang awkward ng feeling kasi medyo muntikan lang naman ako malate at maggrand entrance sa school ground pero ayus lang, with pride eh lumapit ako sa mga batchmates ko. Umismayl. Ngiting pang Mr. Congeniality na exposed pa ang dimples at siyempre pumila na ako kasi magstart na ang flag ceremony. Ayun potek dami pang aberya. Pinawisan na ako hindi pa rin naayos.

Fast forward agen

ayun natapos ang flagceremony at medyo mahaba at boring na orientation sa mission vision ng school at pumila na ulit kami for sectioning.

Napunta ako sa advisory class ng aming Prefect of Discipline na ngayon ay adviser na namin na tulad ng mga sabi-sabi ng mga seniors before us na laging hawak niya eh napakastikto daw. Bawal daw ang hindi nakatingin sa kanya habang discussions, bawal ang may relo at lalo na ang tumingin sa relo. Bawal makipagusap/tumingin sa katabi at bawal maghikad lalung-lalo na at makatulog. Todas tayo neto. So ayun, nahiwalay sa akin yung iba kong classmates since kinder at ngayon lang kami hindi classmates. SAD. Mixed na kasi eh para daw balanced.

Since naubusan ng available rooms, napunta kami sa may AVR. pansamantagal lang naman daw yon at maybe by next week or maybe the first quarter of the year ay dun kame. Amp. gusto ko pa naman sa third floor pero ok lang yun.

Ayun, so what do you expect sa klase ng isang terror teacher kuno na nakamicrophone pa dahil may something na sakit sa lalamunan kaya bulong lang magsalita? Sobrang tahimik at medyo takot at CONFUSED kasi di ko maintindihan yung iba niyang sinasabi. So whole day kaming ganun. Kalayaan lang namin ang break time kung saan bonding bonding with the other batchmates na nahiwalay ng section.

Pero kahit ganun may points to ponder naman sa mga sinabi ni sir. Ang pinaka naaalala ko na lang eh eto. "You studied in this exclusive school because your parents wants to secure a better future for you. It's your choice. May uatk ka, nagaaral ka, alam mo ang tama at mali, ikaw na ang magdecide kung anu sa tingin mo ang dapat mong gawin." ".....malalaki na kayo. You're aged 14, 15, and 16 hindi na kayo isip bata. Expect that all eyes will be focused on your behavior seniors na kayo."

So ayun tinatamad na me magwento kasi I'm sleepy. next tima na lang sa mga makabuluhang post.

Ending-- sumabit ako sa tricycle pauwi kasi madami kami masyado at pinagkasya namin ang sarili namin sa isang tricycle.

Related Posts:

  • TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging FridayHay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad s… Read More
  • Point of Information Mr/Ms Speaker...Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2… Read More
  • Student Government Elections 2010I am not into blogging since last week because of a hectic schedule mapa weekdays man o weekends, so sorry guys, I'll try to read your post soon pag nakahanap ako ng konting time. I just want to share this thought kasi ang da… Read More
  • Nadapa ako"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistem… Read More
  • Bloggerong Politiko :Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talag… Read More

10 comments:

Anonymous said...

ay lagot..c sir garces pala sa inyo hahaha kung st.luke kau...anu neim nung kabila? haha ..haiiy grabe super sad ako dun sa sections factor as in over2 sa sad. :( hahaha (tas biglang tawa engkk)

Sasarai said...

Waaaaw... parang gusto ko na rin magpasukan (kahit sila-sila pa rin naman ang kaklase ko.. no choice) kasi excited na rin akong makilala lahat ng prof ko! :) Ayos pala first day mo ehhh! ^^

Renz said...

@bhenipotpot hindi ko alam kung anung section name namin. sa dami dami ng kwento ni sir garces eh hindi man lang naikwento ang section name puro kami rules..rules and rules :]

@sasarai anung year ka na po ba? ahihi konting hintay na lang :]

Sasarai said...

Haha! Third Year College na. T_T Dalawang taon pa para makatapos na! :)

pusangkalye said...

ayan---4th year na---sa March next year, pwede ka nang sumama sa mga bloggers meeting namin.lol

2ngaw said...

para tuloy gusto ko bumalik ng hiskul lolzz saya eh

BatangGala said...

ahhh...owkey... ng dahil sa kwento mo, naalala ko tuloy ang mga first day of school ko dati... at... at... wala lang, nabitin me sa wento mo. haha:))

Renz said...

@sasari malapit na din yun :] don't worry

@pusang kalye hopefully sa college ay makagala gala na ako ng konti..anu ba ginagawa sa meet up?

@lord cm ako din, parang ayokong iwan ang hayskul.

@batanggala cnxa na medyo tinatamad me magtype niyan antok na eh :]

Sasarai said...

Hahaha! malapit pa ba yun? Hmm. sa bagay, ano nga naman ba yung dalawang taon na lang, kaso nakakaubos lang ng pera! Waaaah! ^^

Renz said...

@sasari ganun na nga yun, pero mababawi mo naman sa future ang gastos diba.?