Sunday, June 6, 2010

Beep Once

Putek! Delayed messages nanaman ngayon. Kung hindi lang dahil sa nagiisang babae sa buhay ko eh malamang nagpalit na ako ng sim card syempre powered by other network. Lagi na lang kasing ganito. Ilang oras walang magtetext at kapag oras na pumasok lahat ng txt eh nakapagandang pakinggan ng beep once paulit-ulit. Parang Christmas Lights lang.

Tumunog na ang cellphone ko mga siguro eh naka 30+ na beep once din siya ngayon. As usual delayed text nanaman, kaya ngayon lang nagsipasukan lahat ng GMs ng clan ko. OO, txt addict din ako.

Hindi ko agad binasa yung mga txt na yon. As usual, Gm lang naman yung mga yon at saka ayoko magpaistorbo sa pagcocomputer at pagbloblog, kaya napagpasyahan kong isnobin na lang ang mga txt na iyon. Bahala siala sa buhay nila. Tinatamad pa akong magbasa eh" yan ang palaging katwiran ko.

Siguro lumipas pa ang isa't kalahating oras ng tinamad na ako magcomputer at napagpasyahan ko na ring patayin ito, at ayun na nga, sinimulang basahin ang mga txt sa cp ko. 46 messages receive. Kung tutuusin kakaunti pa lang ito sa usual 80+ or more messages na natatanggap ko minsan.

Nanlamig ako sa nabasa kong mensahe. Isang mensahe na galing sa isang taong mahalaga sa akin. Isang mensahe na hindi ko akalain na mababasa ko noong gabing iyon. Isang hindi inaasahang mensahe galing sa natatanging babaeng mahal ko na nagsasabing, "Dhie, sana maintindihan mo ako sa gagawin kong ito. Alam ko naman na maiintindihan mo naman to diba? ikaw pa? Kahit kailan ay naintindihan mo naman ako eh pero sana hanggang ngayon ay maintindihan mo pa rin. Sorry, pero ayoko na. Hindi naman dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita pero kailangan kong gawin ito kasi ito ang dapat at ito ang tama. I Love You. Goodbye ..." message receive 5:47pm. Shit alas siete ko na nabasa ang txt niya. Huli na ba ang lahat para pagusapan pa ang dahilan kung bakit siya makikipaghiwalay?

Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ng mga mata ko ang pagluha. Ang sakit. Sobrang sakit ng biglaang nangyari. Nagkulang ba ako sa kanya? Nauumay na ba siya sa pagmumuka ko na araw-araw na lang ay kinukulit ko siya at pati sa chat ay cam to cam pa ang banat namin? Nagsasawa na ba siya sa gabi-gabing pagkanta ko sa kanya para makatulog siya? Ayaw niya na ba ng may magtetext sa kanya bawat oras para sabihin na , "mhie ko, ingat ka palage ha, mahal na mahal ka ni dhie" Ang bilis ng takbo ng mga oras. Nung nakaraan lang ay sobrang saya natin, at maluha-luha pa nga ako sa kakatawa sa mga jokes niya pero eto naman ako ngayon, lumuluha dahil sa isang txt niya. Sana joke lang ito tulad ng dati. Sana hindi totoo ito.

Hindi ko maiwasang alalahanin yung masasaya naming mga oras. Yung tipong nagtititigan lang kame habang magkaholding hands at ewan ko ba bakit siya tumatawa nun, ayun pala pinagtatawanan niya na yung muka ko dahil may something dito. Yung mga tipong nanonood kami ng sine tapos sigaw siya ng sigaw kasi natatakot daw siya pero ang corny corny naman nung palabas. Ayun pala gusto lang mahug siya. Yung tipong magluluto siya ng hotdog na medyo sunog at sasabihin na style yun. At lahat ng kalokohan na pinaggagagawa namin. Naalala ko din yung first kiss namin. Kabado pa nga ako noon kasi sa school canteen namin yon. Buti na lang walang tao nun kasi uwian na. Ang sarap ng feeling noon nung iisa ang mga labi namin. Feeling ko lumulutang ako ng mga panahong iyon.

Tinawagan ko siya pagkatapos bumalik ng ulirat ko mula sa paglalakbay nito sa aming mga nakaraan.

"Hello....mhie?"

katahimikan ang kanyang sagot sa pagbati ko.

"Mhie bakit? Akala ko ba mahal mo ako? Wag mo naman akong iwan please? Handa akong gawin lahat ng kaya ko para lang sayo mhie. Please hindi ko kayang mawala ka sakin. Ikaw lang ang babaeng nagpapatibok nitong puso ko at ikaw lang magiging dahilan ng pagtibok nito. Mhie, mahal na mahal kita. Please wag mong gawin toh..."

"Hindi mo ko naiintindihan.."

"Anu ba ang problema mhie? pupunta ako jan magusap tayo teka lang saglit.."

"WAG NA! Please tama na RENZ. Ayoko na."

"Pp-pero..?"

"OK fine. MAY MAHAL NA AKONG IBA! Sapat na ba sa'yo yan para tumigil ka sa kakapilit mo ha? Sawang sawa na kasi ako sayo, at PINAGSISISIHAN KO na naging tayo. Goodbye! "

TOOOOOOOOOOOOT

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala ng lumabas mula sa bibig ko kundi hagulgol. Hagulgol na punong puno ng emosyon kasabay ng unlimited luha mula sa aking mga mata. Ang sakit! Sobrang sakit ng nangyari. Parang gusto ko ng magpakamatay.

Muling tumunog ang cellphone ko. Isang beep once at dahil sa sobrang galit ko ay naibato ko ang cp ko. Nagkapirapiraso ito. Parang puso ko, pira piraso na rin.


ooopsssss teka
Fiction po ito :] uh lalala wala lang :]

12 comments:

Jag said...

Sabi ko n nga ba kaek-ekan lng ito wahahaha...bakit kaya walng feeds sa updates ko? palagi nmn akong nag uupdate...

Sasarai said...

Sayang naman! HAHAHA! Fiction lang pala yun! Muahahahaha! Ang kulet pero carried ako dun huh! :PP Kala ko ang ending nun is "Dhie, JOKE LANG!" yung ganun ba. yun pala..ganun. Hahaha! Pero hindi nga, fiction lang ba yun? Mukhang hindi kasi eh.

New Tone said...

kung totoong kaganapan yan, inconsistent si girl. hoho. at feeling ko kung totoong nangyari yan, hindi mo yan isusulat ng ganyang paraan.

Natawa ako sa "Pp-pero..?" nagsustutter pa amp. in fairness, napasaya mo ako today. hoho.

Unknown said...

awtz.. fiction?
pero naka-relate ako..
AT BAKIT??
dahil yata sa tawagan.. mhie at dhie.. takte ka.. rawr.. haha

try this post of mine:
http://poeticveela.blogspot.com/2009/12/i-love-yougoodbye.html

..wala lang.. may nabasa kasi akong I LOVE YOU...GOODBYE..

tsk..tsk..tsk.. nag-aadik nanaman ako sa post mo.. haha.. char

Arvin U. de la Peña said...

haha........pinagbalingan mo pa ang cellphone..sabagay fiction lang naman.....malapit na pala mag one year ang blog mo..congrats..

2ngaw said...

Hehehe :D Habang binabasa ko nag iisip na ako ng iko-comment o ipapayo ko....

Langya! nadale mo ako dun ah lolz

Anonymous said...

may isang babae sa isip ko kanina nung binabasa yng post hahaha kaya napa O.O ng bonggang bongga ung mata ko haha un pala dili tutoo :))

Renz said...

@jag nice na sense niya na ek ek lang :] opo wala me mareceive na feed mo, at hindi lang ikaw madami pa kayo. amp na blogger

@sasari sure fiction lang na hinaluan ng emusyon equals nauto ko kayo haha :]

@avery isaac obvious na fiction nuh.. first time ko natripan gumawa ng fiction story :] salamat dahil napasaya kita :]

@mharliz whaha ayie nakakakonek sia :] babasahin ko din kwento mo. medyo similar ata dito? nice

@arvin wala po kasi magawa ..by the way thanks po :]

@LordCM ahaha nakakatuwa naman as in nakaismayl ako nung nabasa ko comment mo. nabiktima ka ng kaemuhan side ng utak ko :]

@bhenipotpot nagoyo ka din ahaha :] sa tingin ko siya din naman inspirasyon ko kaya naisulat ito :]

BatangGala said...

wehhh!!! pumipisyon ohhh....hahaha:))) kala ko totoo na:)) buti na lang nag skrol down muna ko! eniweys, ang sweet naman, mhie and dhie! :D

Renz said...

@batanggala naman..nahawa na ko sayo

LRC said...

whoa! nakakabilib! pero nakaka awa ung guy sa story...

Renz said...

@lrc salamat :] hehe bunga ng malikot na utak :]